webnovel

Chapter Eleven

11

Para akong binaril kanina sa narinig ko. Hagulgol ang ginawa ko habang yakap ako ni Jaica. Nakababa na kami at nasa lobby lang. Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig. Totoo ba talaga? Wala na si Leandro?

"Besh.. Stay strong.. Kung totoo man wala na si Leandro at least alam mo na kung bakit nawala sya ng ganun katagal.." pagpapakalma sa akin ng kaibigan ko.

"Ayoko maniwala Jaica.. Buhay pa si Lean.." tumulo ang luha ko.

"Reena.." I felt Jaica rubbing my back habang wala akong tigil sa pag iyak. Hindi ko matatanggap na ganun nalang yun. Na wala na sya kung kailan natagpuan ko na sya.. Paano ko ito ipapaliwanag sa anak ko?

Sinubukan akong alalayan ni Jaica hanggang makauwi. Wala ako sa sarili ko. Tulala, umiiyak at hindi makapagsalita. Hindi ko alam paano ko haharapin ang anak ko..

Pagkauwi namin sa bahay.. Wala pa si Lenard kaya makakapagkulong ako sa kwarto. Pinauwi ko na si Jaica.

"You sure na okay ka lang?" tumango ako kahit na hindi naman totoo. Gusto ko lang mapag isa. Mag isip.. Iniwan nya na ako bago ko isara ang pinto. Naupo ako sa kama ko. At hinubad ko ang kwintas ko. Muli nanaman pumasok sa isipan ko si Leandro. Ang mga ngiti nya, pagtawa at mga pinagsamahan namin sa barko na mananatili nalang na mga alaala. Pero ang anak namin.. Hindi na nya kailanman makikita.

Naluha ako. Parang gusto ko nalang mawala at maglaho pero kung hindi ako magpapakatatag.. Paano ang anak ko? Mas kailangan nya ako lalo at wala na syang ama.

---

Tok! Tok!

Nagbukas ang pintuan matapos kumatok ng isang abogado sa opisina ni Anna. Agad nya itong pinapasok.

"Have a seat." offer nya dito bago sila magsimula.

"Itatanong ko lang sana yun tungkol sa naiwan ni Leandro? Mga ari arian nya? Do you think pwedeng mamana ng anak nya yun?" Nagulat ang abogado sa tanong ni Anna.

"Leandro has a kid?" Ulit nito at agad sumang ayon si Anna.

"Kung totoo nga na meron? If lang naman? Sa tingin mo maililipat sa anak nya?" Binuksan ng lalake ang brief case nya saka nilabas ang ilan dokumento na nakapangalan kay Lean.

"Based from here. Kung magkaanak man sya, its possible na makuha ng legit child ang lahat ng naiwan na pag aari ni Leandro." nagulat si Anna.

"How about the guardian? I mean the kid needs a guardian right?"

"Kung wala syang magulang na naiwan, maaari.. O kaya naman tumayong ama kung walang kakayahan ang ina na suportahan ang anak." napaisip si Anna.

"Leandro knew about his son before he died. Sinabi nya sa akin yun na natagpuan na nya ang mag ina nya. Kaya mahigpit nyang bilin sa akin na bigyan ng kinabukasan ang bata. I think.. the mother of his son should know the reason behind Leandro's death.." Nag aalala nyang tono.

"Tama nga kayang malaman nila ang kinamatay ni Leandro? Alam na ba ni Liam ang tungkol sa bata?" Tumango si Anna.

"Tingin mo kaya gugustuhin ni Liam na tulungan ang pamangkin nya?"

"Liam hate responsibilities.. But.." she paused ng bigla syang makaisip ng ideya.

"Nakaisip ako ng ideya. Could you process some papers about legal guardianship?" nagulat ang lalake.

"Of course.." Ngumiti si Anna.

"Now I need to find where that woman lives.." she said to herself.

---

"Uhhh!! Ahh! Your so good Liam!" ungol ng babaeng nasa ibabaw ni Liam.. Nakahubad ito at sige ang pagyugyog ng katawan sa ibabaw nya habang dugtong ang kanilang mga laman.

"I'm cumming!" Sigaw nya sabay hinawakan ng mahigpit sa bewang ang babaeng katalik at isinagad ang laman nya sa loob nito. Halos sumigaw ang babae ng maramdaman nyang hinugot ni Liam ang pag aari nya bago sya pumutok sa loob. Halos manghina sya at bumagsak sa higaan matapos syang gamitin ng lalake ng maraming beses.

"Mukhang wala ka sa mood?" Tanong ng babaeng nakasiping nya. Madami ng babaeng ginamit si Liam at talagang binabalik balikan sya ng ma babaeng kinakatalik nya, dahil siguro sa galing nitong magpaligaya, pero may times pa din na parang wala sya sa mood kahit ba na dumating sya sa limitasyon nya.  Tumayo ito sabay hinanap ang suot nyang boxers.

"I need to take a shower." Paalam nya dito. At nagtapis na ng twalya.

"Wanna go with with me?" malanding tanong ng babae habang nakalantad ang buo nyang katawan na parang gusto pa ng kasunod.

"I wanna go alone." Matamlay na sagot ni Liam at iniwan ang babae. Pumasok sya sa loob ng shower room. Nagtanggal sya ng suot at hinayaan umagos ang tubig sa katawan nya na  mula sa shower. Mainit init ang pinaligo nya. Kanina pa sya wala sa sarili nya mula ng presscon dahil sa paglantad ng babaeng nagpakilalang girlfriend ng kapatid nya.

Kilala nya si Leandro. Hindi ito nagkaroon ng karelasyon kaya nagulat sya ng may magpakilala na kasintahan at may anak pa ito.

"Fuck it!" sumuntok sya sa pader na binubuo ng mga gray na tiles. Namuo ang isang gasgas sa kamao nya.

Noon palang, hindi na sila magkasundo ng kakambal. Pinanganak sila ng iisang mukha pero magkaiba ng pag uugali, at gustuhin sa buhay. Sya, nagsikap sa paraan alam nya para makarating sa tuktok. Habang ang kapatid na walang ginawa kundi maging balakid sa pamilya nila ang mas nakakatanggap ng atensyon kaysa sa kanya. Ayaw ni Leandro na maging tagapagmana ng pamilya nila, ni ayaw nyang magtrabaho noon sa Imperial at mas gustong maging photographer. Samantalang sya na walang ibang ginawa kundi magtrabaho at maging tauhan ng pamilya sa industriya, lahat ginawa nya.. Mapasakanya lang ang posisyon bilang pangunahin may ari ng Imperial Industries.. Pero nang mamatay ang ama nila, si Lean pa din ang pinaboran. Kaya ganun nalang ang galit nya sa kapatid. Pero isang araw, bigla nalang itong namatay sa isang aksidente na bumago sa buhay nya.

Hindi na nya nakausap pa ang kapatid bago ito namatay.

"Lean.. Totoo kaya na anak mo yun?" nasambit nya sa sarili.

---

Reena's POV

Mama?

Nagulat ako sa pumasok sa kwarto ko. Nakita ko ang anak ko na umakyat sa kama saka ako niyakap. Namumugto ang mga mata ko kaya't ayoko syang harapin. Mag aalala lang sya.

"May sakit ka ba Mama?" Tanong nya at umiling ako habang nakatakip ang mukha ko ng unan.

"Masama lang pakiramdam ni Mama dahil pagod sya. Kumain kana.." Bilin ko. Niyakap lang nya ako bago sya lumabas ng kwarto ko.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko ng maramdaman kong nakaalis na sya. Ayoko ng magsinungaling sa anak ko.. Gusto ko ng sabihin ang totoo na wala na ang tatay nya. Pero kapag ginawa ko yun.. Parang pinatay ko na ang pag asang hindi na kami mabubuo kailanman..

---

"Reena!" Nagulat ako sa pagtapik ni Mama sa akin. Nakatulog na pala ako at hindi ko namalayan umaga na. Ni hindi ko naramdaman na pumasok na si Lenard.

"Po?" sagot ko ng maidilat ang mga mata ko at nakita si Mama.

"May tao sa baba.. Hinahanap ka." sa tono ng pagsasalita nya, tingin ko hindi kilala ni Mama ang bisita. Minamadali nya akong bumaba na parang may ginawa akong kalokohan at pulis ang naghahanap sa akin. Napilitan na akong bumangon kahit maga pa ang mga mata ko. Naghanap ako ng maisusuot kong tshirt at naghilamos muna sa cr.

Naririnig ko si Mama na nag aalok ng kape sa bisita. Bumaba na ako para tignan kung sino nga ba ang dumating..

"What the." napatakip ako sa labi ko ng makita ang babaeng naka velvet dress at cheleco na itim.. Nakapusod ang buhok nya at napaka formal nyang tignan. Nakaupo lang sya habang iniinom ang kapeng ibinigay ni Mama.

"Ah.. Sino sila?" tanong ko ng makababa ako sa sala. Agad syang tumayo at kinuha ang kamay ko.

"I'm Maria Anna Imperial Candida.." galak nyang pagpapakilala. Natunugan ko ang apelyidong Imperial.. Same as Leandro. Bigla kong hinatak ang kamay ko.

"Bakit kayo nandito?" nagpanicked ang utak ko. Kahapon lang isinigaw ko sa pagmumukha ng estrangherong nagpakilala na kapatid ni Lean at ngayon may isa silang relative na nandito sa bahay ko at nakikipagkilala sa akin. Hindi kaya, balak nilang kunin ang anak ko.. Hindi ako papayag!! Magkakamatayan muna kami!!

"Anong kailangan mo?" Pagtataray ko. Hindi ako pwedeng maging mabait sa babaeng to.

"Well. I need to talk to you about Leandro." namutla nanaman ako nang marinig ang pangalan ni Lean.

"Tungkol sa kanya? Para saan?" nanginginig ako habang nagsasalita. Natatakot ako na baka, may bago nanaman balita tungkol sa kanya.

"Leandro died in a car accident a year ago.." nagulat ako sa sinabi nya.

"A-ano?"

"I know.. Matagal ka nyang hinanap. Kung alam mo lang.. He keeps looking for you and your son." Para nanaman akong maluluha sa naririnig ko. So it means na, hinanap nya nga kami.

"Totoo ba ang sinasabi mo?" Tumango ang babaeng kaharap ko.

"Namatay sya sa paghahanap sa nyo. I'm sorry kung wala sya sa mga panahon kailangan nyo si Leandro. Nakulong sya sa kagustuhan ng tatay nya kaya pansamantala syang nawala." hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Ano bang dahilan at bigla syang nawala?"

Huminga ng malalim ang babae bago pa man sya magsalita.

"From what I heard.. Umalis si Leandro nung kasalukuyan syang nasa cruise nang magkasakit si Tito Arman, ang ama nila ni Liam." Nagulat ako. So hindi sya umalis ng walang rason.

"Inatake si Tito Arman habang wala si Leandro. Kaya't hinanap namin sya kung saan cruise ship sya sumakay. Sya kasi ang hinahanap. After he returned.. Inobliga sya ni Tito Arman na pansamantalang patakbuhin ang Imperial habang nagpapagaling si Tito kaya sya nawala at hindi agad nagparamdam sa inyo." Nagkusa ng bumagsak ang luha ko.

"Pero nang malaman nyang balak syang ipakasal ni Tito sa isang anak ng co investor nila.. Umalis sya. And also that time he found out where to find you.." she paused at binigyan ako ng tissue.

"Sa kasamaan palad.. Nabangga ang kotseng gamit nya.. Hindi na namin sya naabutan buhay.. I'm sorry Reena.. Ginawa ko ang lahat para matulungan ang pinsan ko.. Pero huli na bago pa namin malaman na may anak nga sya.. At natagpuan nya na kayo. It was all revealed ng mabasa namin ang last will nya. But Liam didn't believe hanggang sa makita mo sya at pagkamalan sya si Leandro.." nagulat ako. So totoo ngang may kakambal si Leandro? Pero bakit hindi nya nabanggit sa akin noon..

"Bakit hindi ko alam na may kakambal sya?" Sunod kong tanong.

"Liam and Lean are twins. Magkapatid lang sila.. Pero hindi naturingang magkapatid.." naguluhan ako sa sinasabi nya.

"May hindi magandang relasyon ang kambal, bata palang kami. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi binanggit ni Lean ang tungkol sa nakakatanda nyang kapatid." Nagulat ako.

"Leandro.." hinawakan ko ang dibdib ko. Parang hindi ko pa din matanggap ang lahat.

"Nasaan ang puntod nya? Gusto ko syang dalawin.." ngumiti ang babaeng kausap ko. Sandali nya akong hinintay para makapagbihis, then nagyaya na akong umalis para ihatid nya ako sa puntod ni Leandro. Bumili lang ako ng isang bouquet ng bulaklak bago kami tumuloy doon.

"You can call me Anna.." wika ng babaeng pinsan ni Leandro habang nakasakay kami sa back seat ng kotse nya.

"Salamat.." ngumiti ako.

"I know, karapatan mo na malaman kung anong nangyari sa kanya.. Kung siguro mas maaga ko lang nalaman ang tungkol sa inyo, sana buhay pa si Leandro ngayon." malungkot sya habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasan maluha nanaman tuwing naalala ko ang mukha ni Lean..

"Hindi ko alam paano ko sasabihin sa anak ko.. Naniwala sya na may ama pa sya. At ngayon malalaman ko na wala na palang pag asa na makilala ng anak ko si Lean.."

"I'm sorry Reena.. Pero please.. Stay brave for your son. I know na may rason ang lahat ng nangyayari.. Magpakatatag lang tayo." kumalma ako sa sinabi nya. Tama naman sya. Kung ako susuko pa, ano nang mangyayari sa anak ko..

Nakarating kami sa isang museleo. Cremation pala ang ginawa nila kay Leandro tulad ng ginawa nila sa Mama nya. Pumasok kami sa loob at nakita ko ang isang jar na gawa sa marble. Sa gilid nun ay isang picture frame ni Leandro. Sa tabi nito ay ang puntod ng mama nya. Nakita ko pa ang litrato at napakalaki ng halintulad nya sa nanay nya. Binaba ko ang hawak kong bulaklak saka nagsimulang humagulgol sa harapan ng puntod nya. Hindi ko maitago ang nararamdaman hinagpis sa nalaman ko. Para din akong pinatay.

"Leandro.. I'm sorry.." nasambit ko habang nakatayo sa harapan nito.

"I promised.. Magpapakatatag ako para sa anak natin. At kahit na, wala kana. Sisiguraduhin kong magiging masaya sya.. Pangako.. Mahal na mahal kita Leandro." binigyan ako ni Anna ng tissue. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko habang nanlalambot ako sa kinatatayuan ko.

"Mahal na mahal kita.. Lean.. Wherever you are.. You'll always be here.. sa puso ko at ng anak mo. At napakaswerte ko na, ikaw ang naging ama ng anak ko.. I love you.. forever and always.." huli kong sinabi bago ako tuluyan tumigil sa pagluha.. Nang iwan nya ako sa barko, para akong tanga na naghihintay sa pagbabalik nya. Akala ko wala syang ginawa para mahanap kami pero hindi ko akalain na mas may pinagdaanan papala sya. Sana naintindihan ko na sya noon pa.. Sana nagkita pa kami.. Pero kung ito talaga ang plano ng Diyos.. Magtitiwala ako sa kanya.. Para sa anak ko.. At siguro ito na ang katapusan ng meron sa amin ni Leandro..  I think this will be our goodbyes..

Paalam .. Leandro..

---

"Is that the kid?" asked Liam sa private investigator na kasama nya. Nakatanaw sya mula sa bintana ng kotse nya habang pinagmamasdan ang batang si Lenard na patakbo takbo sa may garden ng school.

"Yes po sir. Do you want to continue the DNA test?" tumango si Liam.

"Gusto kong makasigurado na hindi ako niloloko ng babae na yun. Get some samples sa batang yun then dalhin mo sa Divine Heart. Once you get the results, ibigay mo agad sa akin. Make sure Anna don't know about this." sumang ayon ang lalake. Lumabas na sya ng kotse. Naiwan nalang si Liam na pinagmamasdan pa din ang bata.

"Lenard Imperial.." aniya ng basahin ang records ng bata na nakuha ng private investigator nya.

---

A/N;

Expect some errors :)

And keep on reading and voting!