webnovel

Chapter Eighteen

Napatulog ko na si Lenard bago ako pumasok sa kwarto ni Liam. Wala pa din sya at mukhang late night na sya dadating. Naisipan kong maglibot libot sa kwarto nya.

"Huh!" nilapitan ko ang isang drawer sa tabi ng side table. Bahagya kasi syang nakabukas at tingin ko may naipit na papel sa loob. Binuksan ko yun.

"What's this?" kinuha ko ang piraso ng papel. At nagulat ako sa nakita. Its a picture. Picture of them, Leandro and Liam.

"They have the same face, but different stories.." I whispered habang pinagmamasdan ang picture. Naalala ko ang mga kwento ni Manang Caring about Liam's childhood. Hindi ko alam na sa ganun itsura nya, mayroon pala syang pinagdadaanan. Until death of their father, hindi sya ang hinanap. Still Leandro.. Naupo ako sa kama. Saka tinago ang picture sa ilalim ng unan ko. Humiga ako at nanatiling nakatingin sa mga disensyo ng kisame.

Liam spend his entire life, alone. Without attention, and affection.. Now I understand why he doesn't want any commitments. Dahil hindi nya alam paano ibalik yun.

Hindi ko namalayan nakatulog ako sa pag iisip.

---

Dumating sa bahay si Liam bago mag 12 am. Matamlay syang umakyat sa kwarto nya habang  maluwag na ang kwelyo ng suot nya. Pagkabukas nya ng pinto, nakita nya si Reena na mahimbing na natutulog. Nilapitan nya ito saka inayos ang pagkakakumot sa katawan nito.

"Leandro is lucky to have you." he said at huminga ng malalim.

"Yet, I don't have anything like he does. Naiinggit ako sayo Leandro. You have everything." ngumiti sya. Then dahan dahan syang nahiga sa couch at hindi na nagpalit pa ng damit. Pumikit sya at nakatulog ng tuluyan.

---

Reena's POV

Gumising ako ng maaga para ipaghanda ng makakain ang bata. Nagulat pa ako ng makita si Liam na natutulog sa couch. Hindi na sya nagbihis at mukhang pagod syang umuwi last night. Sana lang di sya galing sa mga babae nya.

Bigla akong napahawak sa labi ko.

Bakit ko naiisip na galing sya sa mga babae nya? Tunog asawa na ata ako. Mali ito.

Napailing ako habang nagluluto sa kusina. Maya maya naririnig ko ng nagtatakbo ang bata papunta sa akin.

"Goodmorning Mama!" mahigpit na yakap sa akin ni Lenard saka inabot ako para sa isang halik. Naupo sya at hinintay ang inihanda kong almusal.

Nagsimulang kumain ang bata. Habang niligpit ko na ang mga ginamit kong plato at kutsara. After nun, sinamahan ko syang maligo at pinagbihis.

"Mama, wag nyo na po ako ihatid. I'm with Kuya Jio naman po." nagulat ako habang sinusuotan sya ng uniporme.

"Oh? Why?"

"Ayoko po kayo malate." ngumiti ako saka hinagkan ang bata sa noo nya.

"Okay. Ganito nalang, susunduin kana lang ni Papa mo later okay." sumang ayon at ngumiti ang bata. Yumakap sya sa akin. Sabay hinatid ko na sya kay Jio, na naghihintay sa labas.

Nagdecide na din akong magready para pumasok.

"Goodmorning!" nagulat ako sa paglabas ni Liam sa kwarto. Naghihikab pa sya habang papasok ng kusina.

"Ah. Goodmorning." Bati ko. Niligpit ko ang ilan pinagkainan ni Lenard. Habang sya kumuha ng tasa at lumapit sa coffee brewer.

"You know about this?" nagulat ako ng ilapag nya sa table ang isang litrato.

"Anong!" hindi ako makapagsalita sa nakita. It's Joseph. Simula ng iwan nya ako sa kasal namin, nawalan na ako ng balita sa kanya. Kahit sa pamilya nya. At ngayon makikita ko sya sa isang litrato.

"You didn't know about this?" ulit na tanong ni Liam. Nanginginig akong hinawakan ang picture. Nakalagay sa caption sa ibaba "Torres-Tolentino Nuptial" . Alam ko nung iwan nya ako, may iba na sya. Hindi ako tanga at lalong hindi ako manhid para hindi maramdaman yun. Pero that time gusto kong takasan ang problema. Mas pinili ko lang mag bulag bulagan at umasa na baka maayos pa.

"Makikita mo sya sa party." nagulat ako sa sinabi nya.

"Pero kung, tingin mo di mo pa sya kayang harapin. Its okay to me kung di na muna kita ipakilala as my wife. I don't want to force you." ngumiti ako.

"Okay lang. Saka nakalimutan ko na yun. Kung ano man yun nangyarim the past, binaon ko na yun."

"Just to warn you. But if you say so. Kung talagang okay sayo. Then we'll go for it." wika nya.

"Oh I forgot!" nagulat ako ng tumakbo sya pabalik sa kwarto nya then paglabas nya may bibit na syang kahon. Nilapag nya yun sa table.

"Ano yan?"

"Your dress for tomorrow night's event." nagulat ako.

"Mukha syang mamahalin." nasambit ko pagkasilip ko sa loob.

"Yeah. Gusto kong ipamukha sa ex mo na sinayang ka nya. You while wearing that dress will make you stunning, beautiful and no man can't take off his eyes on you.." namula ako sa sinabi nya and his eyes staring at me, his sincerity of every word he said. Napalunok ako.

"Ah salamat." naisagot ko nalang.

"Good. Tell me if you need a make up artist. Magtatawag ako. Don't stress yourself too much about the party. Just be the real you. And everything will goes as we plan." Huli nyang sinabi bago kunin ang tasa nya at pumasok sa study room.

Huminga ako ng malalim ng makaalis sya. Para akong di makahinga kanina. Para bang kinukuryente ako ng mga salitang binibitawan nya. At lalong nagpapigil ng hininga ko ng ibigay nya ito. Binuksan ko ang kahon.

"Wow." halos kuminang ang mga mata ko sa nakikita ko. Maisusuot ko ba talaga ito? Ngumiti ako. Then naalala ko how Liam told me na I should be beautiful tomorrow night. Lalo akong naexcite para bukas, pero kinakabahan dahil magkikita na kaming muli ni Joseph.

Isang bagay na kinakatakutan ko.

---

"Totoo! Magkikita kayo ng hinayupak na yun!" sigaw ni Jaica sa tenga ko. Bumuntong hininga ako. Iniexpected ko na ang reaction nya.

"Well, Liam told me. Hindi ko akalain kinasal sya sa anak ni Cong. Torres. Hindi ko din akalain na yun pala yun babaeng tinatago tago nya sa akin. Sila pala ang nagkatuluyan."

"Kaya mo ba ?" nag aalalang tanong ni Chris. Ngumiti ako. Kaya ko naman pero hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Siguro? Hindi ko alam. Natatakot ako mapahiya." sagot ko. Hinawakan ako ni Chris sa balikat ko.

"You can do it. You've grown Reena." ngumiti ako. Naniniwala ako sa kanila. Matagal ng halos anim na taon na pag iwan nya sa akin at lahat ng kakahiyan dinulot nya. Nag iwan sya ng mga tanong sa pag alis nya. Oo alam ko na may iba sya kaya nya ako iniwan pero ang totoong tanong, bakit nya ako pinagpalit? Am I not good enough? Am I not worth it? Hindi ba ako sapat? Nakakainis isipin. Nakakainis hanapan ng sagot. Bakit may mga nang iiwan? Bakit ang dali nya akong palitan? Bakit..

Maghapon palaisipan sa akin ang mga pwedeng mangyari bukas. Anong klaseng pagpapakitang tao ang gagawin ko sa harapan nya.. Mag sisinungaling din ba ako na okay na ako? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano..

"Mam.." tawag sa akin ni Jio. Nasa labas na ang kotse at nakaparada. May ilan minuto din akong naghihintay sa labas. At di ko napansin dumating na sya. Kinuha nya ang gamit ko at matamlay akong sumakay ng kotse.

---

Pagkauwi ng bahay, pumasok agad ako ng kwarto ko. Naririnig ko sina Liam at Lenard sa kwarto nito na naglalaro. Nagbihis ako sandali saka nagpunta ng kusina para uminom ng tubig.

"Nandyan kana pala?" nagulat ako kay Liam na lumabas pala ng kwarto ni Lenard. Tumango lang ako at hindi nagsalita.

"May work ka pa bukas right?" lumingon ako kay Liam na nagbukas ng bote ng wine. Then kumuha sya ng dalawang goblets sa drawers.

"Meron. Bakit?"

"Wag kana pumasok. I need you to handle some of  things na need ayusin sa party. Anna can't handle it her own so maganda kung dalawa kayo."

"Ah sige." sagot ko. "Magpapaalam ako." I continued.

"Ako na bahala. Wag kana magpaalam." nagulat ako. Sabay lingon sa kanya then he offer me a glass of wine.

"Para sa akin?" tanong ko. Then he nod.

"Yeah. Take a drink. Para mawala yan stress mo." kinuha ko ang inaabot nyang inumin saka sandaling tinikman. Masarap sya.

"Whatever you're struggling now. I know you can do it. Nagpalaki ka ng anak na mag isa ka. Naka moved on ka sa pag iwan sayo ng ex mo and you just continue living kahit na alam mong wala na si Leandro ang tatay ng anak mo. I envy you." nakita ko syang ininum ang laman ng baso nya then he took another drink.

"I'm sorry..." umiling sya.

"Alam mo, kung makatagpo ako ng babaeng tapat, at magbibigay sa akin ng affection na pinagdamot sa akin ng pamilya ko.. Well.. Hindi ko na sya pakakawalan.." nagulat ako sa sinabi nya.

"Then stop playing girls." natawa sya.

"Will you stop me?" bahagya syang lumapit sa akin. Then stared at me. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nanigas.

"Why me?"

"Because I want you.." umiwas ako sa nakakatunaw nyang tingin. Then lumayo ako sa kanya.

"I need to see my kid. Salamat sa wine." nagmamadali akong umalis at putulin ang pag uusap na yun. Habang nagtatagal ako sa bahay na ito, mas lalong nagiging delikado ang pakiramdam ko. Delikado dahil I might fall again.. Into a trap..

---

"What did I just say?" said Liam to himself ng makaalis si Reena. Kinuha nya ang bote ng wine saka lumabas papuntang pool.

Inaamin nya, unti unti nyang nakikilala si Reena and he didn't expect na ganito sya mapapalapit dito. At ngayon, pakiramdam nya, mas gusto nya pang magkalapit sila.. Enough close to fall inlove..

---

Reena's POV

Friday..

Maaga palang wala na si Liam sa bahay. Naihatid ko pa ang anak ko bago dumating si Anna. Nangako ako na tutulungan ko sila sa ilan preparations para sa party.

"Mabuti naman pumayag ka sa request ni Liam." nakangiting sinabi ni Anna habang pinagsasaluhan namin ang kape ng bawat isa.

"Yeah. It's part of the agreement though.." Sagot ko.

"Did you see the dress?" natawa ako. Last night sinukat ko ang dress na yun. It almost reveal my nakedness. Not that literal pero yun mga bagay na tinatago ko, inilabas lahat ng kasuotan ko.

"It looks expensive?"

"Yeah. Liam asked for it. He said I should brought him the best and the most sexiest dress you could ever wear." napangiting aso ako sa narinig. Sira ulo talaga ang lalakeng yun. Pati ako mamanyakin nya! At talagang dinaan nya pa sa pagpapagawa ng dress na kulang nalang lumuwa dibdib ko sa lalim ng neckline. For sure, busog na busog ang mata nya mamaya. Para paraan din ng mokong na yun!

"Don't worry, gusto lang ni Liam na maging maganda ka sa gabi na makikilala ka na as his wife." natakot ako sa narinig.

"Hindi ako sanay sa mga ganun elite parties." kinakabahan kong sagot. Ayoko naman talagang maging social climber. Gusto ko ako lang,maging totoo. Ayoko magpakasosyal. Dahil hindi ako yun.

"Hey.. relax. You don't have to meet their standards. Basta.. be with Liam and you dont have to worry.." tumango ako.

Nilapag ni Anna ang ilan folder sa harapan ko. 9pm pa ang simula ng party kaya madami pa kaming oras para tulungan sya sa mga assignments nya regarding sa party. Si Lenard naman, iiwanan ko pansamantala sa pangangalaga ni Manang Caring at Jio. Ang maghahatid sa akin sa party ay ang personal driver ni Liam na si Kuya Nel. Then magkikita na kami ni Liam sa Ayala at sabay na tutungo ng Manila Hotel.

Kinakabahan ako.. yet I feel so excited.. Bakit? Is it the dress I'm wearing or because I'm about to see Joseph..? Or I'm with Liam?

---

Expect some errors :)

Thanks for reading.