webnovel

Bound One: Bloodbound

A million of being living in the world, how high are the chances that you are the one? Zero or might be a hundred percent. The prophesy is bearing some chaos, will Isada make or break their entire race? Or she’s not really the one? —————————— Translated to english.

Duchess_Entice · ファンタジー
レビュー数が足りません
5 Chs

Kabanata 4

Sa mundong kinabibilangan isang beses lamang maaaring mag-mahal ang bawat nilalang. Isang beses na dadalhin sila ng Bathalang Karina sa nilalang na handang ialay ang buhay para sa isa't isa. Walang nakakapagsabi kung kailan, saan at anong pakiramdam niyon kaya hangga't maaari ayaw kong magtagal ang aking mga mata sa mga taong nakapaligid sa akin o kahit nakakasalubong man lamang dahil hindi masasabi ng aking sarili kung nandiyan na ba o wala pa ang taong para sa akin.

Dala ang basket tinahak ko ang masukal na daan papauwi, kahel na ang langit ngunit magaan ang aking pakiramdam. Walang pahamak sa gubat.

Simple lang naman ang pamumuhay namin ni Inang sa bayan ng Bolivia, siya bilang tiga-gawa ng pabango at ako naman ay naninilbihan sa maliit na tindahan ng libro mula sa unang sapit ng buwan hanggang sa kalahati neto at ang kalahati pa ay tinutuon ko sa pagaayos ng mga abaka na pwedeng ibenta sa iba't ibang bayan upang mapakinabangan.

Hindi naman ako nakatungtong ng akademya dahil sa kakulangan ng pera pero minsan ay nakikinig ako ng palihim sa mga guro sa bayan at saka ko hahanapin sa aklatan sa Bolivia ang mga narinig ko. Bawal man pero iba ang interes ko sa pag-aaral at hinihiling ko parin naman na makatungtong ako sa akademya kahit pa sa huling bahagi ng aking buhay. Dalawang daang ginto kasi ang bayad doon kada kalahati ng buwan at alam kong hindi naman namin kakayanin 'yun ni Inang kaya nakuntento na lamang ako.

Napangiti ako ng matanaw ang likod na bahagi ng aming maliit na bahay, meron itong ilang tanim na bulaklak at mga gulay na miminsan din naming binebenta sa bayan para sa murang halaga. Kahit na simpleng lampara lamang ang ilaw na bumabalot dito hindi ako nagrereklamo, kumportable ito sa kahit anong panahon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa harap ng bahay ngunit agad ding napatigil ng makita si Inang na may kausap na isang lalaki. Maayos ang pananamit neto ngunit hindi makita ang mukha dahil sa malaki netong sumbrero.

"Hindi mo ako sinunod Ophelia!"

"Wala kaming ibang pupuntahan! Saan ko siya dadalhin kung walang-wala ako ni isang daang ginto?!" dinig ko ang hinanakit kay Inang.

"Nasilayan na nila ang isa't isa," aniya ng lalaki.

Ang kaninang naluluha at may hinanakit na mukha ni Inang ay napalitan ng gulat at takot. Bakit? Para saan? Anong kinakatakot mo Inang?

"Hindi 'yan maaari. Masunuring bata ang anak ko, hindi niya ako susuwayin!"

Tinalikuran ito ni Inang kaya nagkasalubong ang aming tingin, ako na may pagkalito at siya bilang halo-halong emosyon. Hindi maipalagay kung luluha o magpapakita ng pagkagulat.

"M-may problema po ba?" deretso kong tanong, hindi kay Inang kundi sa ginoo na nanatiling nakatayo at nakatago ang mukha sa malaking sumbrero.

"Isada, pumasok kana--"

"Kung ano man po 'yun gagawan po namin ni Inang ng paraan. Sa katapusan ng buwan ay may kikitain akong ginto at pupwedeng sa inyo na lamang 'yun,"

Hindi sumagot ang ginoo, nilapitan ako ni Inang at hinawakan sa balikat para itulak papasok sa munti naming bahay. Alam kong susubukan niyang dalhin ang problema sa sarili niyang balikat at walang ipapasa sakin kahit na katiting.

"Naghatid ng pabango sa bayan ang anak ko, wala ng iba. Kasama niya si Elfina at Mildred at sila ang bahala sa pabangong para sa palasyo. Alam ito ni Isada, hindi niya ako kayang suwayin," madiin na saad ni Inang.

Naguguluhang nagpadala ako sa kaniyang tulak papasok ng bahay. Tiningnan niya lamang ako ng isang beses bago marahang isinara ang pinto ng aming bahay upang kausapin ang ginoo na nasa labas parin.

Agad akong pumunta sa aming bintana para panoorin sila, iginilid ko ang manipis na kurtina. Hindi ko man masyadong marinig pero alam kong importante ang kanilang pinaguusapan. Hindi emosyonal na klase ng nilalang ang Inang pero sa usapang nagaganap sa pagitan nila halo-halo ang emosyong meron siya ngunit mas nangingibabaw ang takot sa kaniyang may katandaang mukha.

Tumagal ng ilang minuto ang kanilang usapan bago ako sulyapan ni Inang sa bintanang kinaroroonan ko maging ang lalaking nakatago sa sumbrero. Napaatras ako dahil sa kaniyang mga mata. Paanong ang bulag na gaya niya ay nakapunta sa aming bahay?!

Umalis ako sa bintana at inabala ang sarili sa paghahanda ng hapunan namin ni Inang kahit pa ang isip ko ay lumilipad at kuryoso sa kung ano ba ang pinagusapan ni Inang at ng ginoo na ngayon ay wala ng bakas sa harap ng aming bahay.

Narinig ko ang pagpasok ni Inang kaya nakangiti ko siyang inabangan sa hapag ngunit agad ding nawala 'yun ng makita ko siyang hawak ang ambrose na bigay sakin ng prinsesa kanina!

"Hindi ba't may usapan tayo?" mahinahon na tanong ni Inang.

"Hindi po ako pumasok Inang. Hinintay ko lang po si Eli,"

"Hindi bastang lalapit sayo ang ambrose, Isada,"

Umupo si Inang sa hapag at pinakatitigan ako. Hindi ko alam kung anong mali o kung bakit bawal. Wala naman akong nakikitang masamang epekto sa mga taong pumasok sa palasyo sa Cardonia pero bakit ako ni sa labas ng mataas netong gate ay bawal? Hindi ko maintindihan.

"Ang mahalaga dito may usapan tayo, Isada. Anak kita at tungkulin mong sumunod sa sinasabi ko at hindi mo ako sinunod. Simula ngayon hindi kana tutungtong ng Cardonia,"

Nanlaki ang aking mga mata sa habag at binalak na lapitan siya para makiusap ngunit tumayo agad si Inang at iniwan ako sa hapag.

Hindi naman mahirap sumunod ngunit anong dahilan? Bakit po bawal, Inang?