webnovel

Bound One: Bloodbound

A million of being living in the world, how high are the chances that you are the one? Zero or might be a hundred percent. The prophesy is bearing some chaos, will Isada make or break their entire race? Or she’s not really the one? —————————— Translated to english.

Duchess_Entice · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

Kabanata 3

Mariin ang aking titig sa ambrose na hawak. Dalawang beses sa isang daang taon lamang ito tumutubo at ngayon ay nasa aking mga kamay na ng walang kahirap-hirap. Ang batang prinsesa ang siyang nag-abot sa akin bago siya tumakbong papalayo at hindi ko alam kung paanong tago ang gagawin ko sa magandang bulaklak na ito!

Umupo akong muli sa upuang kanina pa nilalait ang buo kong pagkatao. Pakiramdam ko ay wala ng uupo sa gintong upuan na 'to pagkatapos kong magamit at kung ganun man hindi na 'yun nakakapagtaka. Kung makakabalik ng mabilis si Elfina mas mabuting itago ko ito sa pinaka-ilalim ng basket na dala.

Ilang minuto ko pa 'yung pinakatitigan bago tuluyang tumayo ng makita ang papalabas na si Eli sa kastilyo, may dala siyang dalawang bugkos ng bulaklak na nasa kulay na mga puti at pink. Inabot ko agad ang basket na may pabango pang tira at mabilisang sinilid doon ang ambrose na kahit sa dilim ng basket ay patuloy paring kumikinang.

"Ito ang bayad na ginto para sa pabango. Anong klaseng mga bulaklak ba ang gamit ni Inang Ophelia sa mga pabango niya? Gusto ko ng mga 'yun!" ani ElI.

"Kung gusto mo talagang malaman si Inang nalang ang puntahan mo at tanungin, ni hindi niya ako patinginin eh," saad ko bago naglakad na pauna.

Tinago ko ang bulaklak dahil ayaw ko ng maraming tanong at sa tingin ko ay hihingiin naman sa akin ni Eli ito para gawing kung ano-ano. Hindi naman sa pagiging madamot iyon kung minsanan ka lamang makakita ng ganun diba? Hindi ba? Kay Inang ko na lamang ipapakita baka sakaling alam niya kung ano ang gagawin sa makintab na bulaklak na 'yun.

"Ihatid na natin yang mga pabango at pagkatapos nun pumunta tayo sa pamilihan, nakuha ko na ang sampung ginto kong sweldo sa palasyo! Ililibre kita ng ipit na nakita ko doon noong nakaraan, alam kong bagay 'yun sayo," aniya.

Tinulungan niya akong dalhin sa isang local perfume shop ang mga pabangong gawa ni mama kapalit ng limang ginto at saka kami tumuloy sa gusto niyang puntahan. Hindi naman ako pwedeng bumili dahil hindi ko naman nasabi kay Inang 'yun atsaka alam kong puhunan na naman ulit ito para sa susunod na mga pabago na ihahatid ko sa susunod na buwan.

"Dito, Isada!" excited na hinila niya ako sa isang tindahan kung nasaan may mga palamuti na pwede sa mga katulad naming dalaga pa.

Hinayaan ko si Eli na pumili ng kung anong magustuhan niya habang ako naman ay inilibot ang paningin sa malawak at mataong pamilihan. May mga batang nagsisitakbuhan at mga magbabarkadang kaniya-kaniya ng saya. Mag-aakala kang merong kasiyahan ngayon sa bayan ng Cardonia ngunit isa lamang ito sa mga normal na araw nila. Masaya at maginhawang pamumuhay. Ang mga kapos dito ay mayaman na sa bayan ko kaya hindi ko makita ang pinagkakaiba ng maharlika at hikahos sa lupa ng Cardonia kung ako lamang ang tatanungin, dahil lahat sila may kaya sa paningin ko.

"Isuot mo 'to!"

Nilingon ko agad si Eli na nakaamba na sa gilid ng aking buhok para ilagay ang ipit na may desenyong paro-paro at ilang kristal na nakasabit dito.

"Kung pwe-pwede ko lang gayahin ang mukha mo matagal ko ng ginawa. Ginigigil mo 'ko eh!" patuyang saad ni Eli sakin.

Hindi ko alam kung sadyang hindi pa nakakalabas ng Bolivia ang mga tao upang makakita ng tunay na ganda o talagang totoong may iba sa akin. Lagi nilang binibigyang pansin ang aking mga galaw maging ang ayos ng aking buhok kung miminsan. Hindi ako tumitingin sa salamin ngunit base sa mga kumento sa aking paligid na hindi ko naman sinasadyang marinig meron akong etereal na imahe. Mahinhin ngunit hindi mahinang galaw. Maputi at magandang proporsyon ng mukha. Hindi ko na lamang pinapansin ang mga ganung bagay ngunit alam ko sa sarili ko na sumasaya ang aking puso kahit papano. Ngunit meron ding nagsasabi sa isip ko na paniguradong hindi pa nila nakikita ang pamilyang Derbyshire kung ganun. Wala ng gaganda sa pamilyang namamalakad sa buong Eileithyia.

Nagpasalamat ako kay Eli bago tumuloy sa aking lakad. Balak kong sa maligayang gubat muling dumaan, alam kong hindi ako hahayaan ng Bathalang Karina na mapahamak sa gubat na 'yun.

Dala ang basket na tanging ambrose na lamang tinahak ko ang daan papalabas sa magandang bayan ng Cardonia, may ilang minuto pa akong lalakarin bago ako tuluyang lumiko sa gubat ngunit hindi pa mana ko nakakalayo agad akong tumabi ng makita ang paparating na karawahe papasok ng Cardonia. Maganda 'yun at may maliit na bandila ng Cardonia sa pinakatuktok at simbolo ng pamilyag Derbyshire sa unahan ng karawahe.

Agad kong binaba ang sumbrero ng aking cloak at tahimik na tumabi kaya ng iba ngunit pasaway ata ang aking mga mata ng hamakin kong tingnan ang nakabukas na bintana ng karawaheng paparating!

Gintong mga mata.

Wala ng mas kikinang pa sa mata ng lalaking nasa loob ng karawahe. Para ka niyong dinadala o hinihila. Madiin ngunit may halong lambing ang tinging 'yun. Ang puso mong namamahinga ay tatakbo ng higit pa sa ilang kilometrong tinatakbo ng mga kabayong naghihila sa karawahe nito.

Nakita kong sinubukan netong ilabas ang ulo sa bintana, ayaw ko mang bawiin ang tingin agad ko ring itinaas ang sumbrero ang cloak na dala at mabilis na naglakad papaalis dahil nakatakot ako.

Natakot ako dahil sa katotohanang sa mundo ng Eileithyia, ang bawat nilalang ay isang beses lamang magmamahal oras na maramdaman mo na.

You're thoughts and opinions are accepted in any form! Wag mahihiyang mamansin ng mali :)

Enjoy reading and see you sa next update!

Duchess_Enticecreators' thoughts