webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · SF
レビュー数が足りません
27 Chs

FUTURE WORLD: Arch Fountain

City of Ner

Abala sa paghahalungkat ng mga gamit si Dorcy para makagawa ng upgraded gadget para mahanap si Goshen. Kailangan niya talaga ang tulong ng binata para makausap si Avyanna.

"eto, kumain ka muna" iniabot ni L ang pagkain sa kanya dahil pansin na rin nitong kanina pa siya sa kanyang ginagawa at tila pagod na ito.

"thanks, kailangan ko lang talaga itong matapos kaya pagpasensyahan mo na ako kung ganito ang itsura ko" sabi ng dalaga kasi medyo marumi na rin ang kanyang mga kamay pati na ang kanyang suot na damit.

"Alam mo, may kakilala akong pwede kang tulungan sa ganyan" sabi ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga sa patuloy n'yang ginagawa.

"Talaga?" ibinaba saglit ng dalaga ang kanyang hawak na tools dahil nabuhayan siya ng loob ng marinig niya ito mula sa kanya.

"Oo, ang kaso..may kaonting problema lang tayo" mariin namang sinabi ng binata.

"Problema? bakit, ano bang problema iyon?"

"Hindi ko na lang muna sasabihin para masorpresa ka" then he smiled.

"huh? seryoso ka?"

Pero kahit ganon pa man, she trusts him kaya sasama pa rin siya kung saan man naroroon ang tinutukoy ng binata.

Agad na siyang tumayo at nagpalit na ng damit. Pinahiram siya ng binata ng brown leather shirt and shorts. Tapos, nagsuot na rin siya ng synthetic dark colored cloak na kagaya sa suot ng binata para matago ang identity nila in case na may mga tauhan ng LSI ang pagala-gala sa labas.

"Paalala ko lang pala sa iyo Dorcy, huwag na huwag kang tatawa kapag may nakita kang weird sa pupuntahan natin, okay?"

Napailing na lang ang dalaga dito. She even asked herself kung bakit kailangan pa siyang paalalahanan ng binata patungkol sa bagay na iyon. Mas lalo tuloy siyang nacurious sa lugar na pupuntahan nila.

Lumabas na sila sa kanilang lungga at nagsimula nang maglakad. Pareho silang may dalang shielded bag, naglalaman ito ng mga weapons at swipe cards. Napaisip ulit ang dalaga na baka masyadong secured ang area na papasukan nila dahil sa kanilang mga dala. Because of it, kinabahan siya bigla .

"Oh no, I never wished to die this young, pangarap ko pang makapangasawa ng tall, dark and sexy na athlete." mahinang bulong niya sa sarili habang naglalakad na sila sa gitna ng crowd.

Sobrang dami ng tao talaga sa area na iyon. Ngunit nakapansin pa rin si L sa bandang kaliwa niya na parang may nagmamanman sa kanila mula sa isang GPS store.

Then, doon rin niya napansin na may mga kasama pa ito at papalapit na sa kanilang kinaroroonan.

"andito na naman sila" bulong ng binata habang si Dorcy naman ay walang kaalam-alam sa nangyayari.

Nagulat na lang siya ng bigla na lang nitong hinawakan ang kanyang kamay at tumakbo pabalik sa direksyon na kanilang tinahak kanina.

Sinundan naman sila nung mga lalaking nakamask at may mga dalang armas.

"dito tayo" sabi ng binata nang makita ang isang eskinita na walang tao.

"t_teka, ano bang meron?" alala namang tanong ng dalaga habang tumatakbo sila.

"may sumusunod sa atin"

Nang mailigaw nila ito, napahinto agad ang binata lalo na nang marinig niya ang footsteps ng grupo ng mga kalalakihang kanina pa sumusunod sa kanila, sinenyasan niya ang dalagang huwag mag-ingay at nagtago sila sa nakausling part ng building sa labas.

Doon lang nakita nang dalaga ang tinutukoy ng binata. Huminto pa ang mga ito saglit at inilibot ang kanilang paningin sa paligid. Namg hindi nila mahanap ang dalawa, agad silang tumakbo papalayo sa lugar na pinagtataguan nila.

"w_hy are they following us? Sino ba sila?"

"hindi ko rin alam and kung paano pa rin nila tayo nakilala....well, I think they're gone, let's go" tumayo na sila at nagpatuloy na sa kanilang paglalakad sa opposite na direksyong pinuntahan ng mga naghahanap sa kanila.

Since sa ibang direksyon sila dumaan, medyo matatagalan sila sa kanilang destinasyon kasi dumoble ang layo ng pupuntahan nila ngayon.

Lumipas ang ilang oras ng kanilang paglalakad....

"wow!" nasambit ng dalaga nang bumungad sa kanila ang napakatayog na arch fountain na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi nitong siyudad. Malawak ang span nito at gigantic tingnan. Maririnig rin ang buhos at agos ng tubig na nagmumula sa fountain kahit na nasa malayo sila dahil sa laki nito.

Ito ang trademark ng Ner.

Napapalibutan ito ng samu't saring mga halaman at nagliliparang mga paru-paro. Malinis din ang paligid at hindi masikip dahil malawak ang area na sinasakupan nito. May mga green landscapes din sa lugar na nagb-blend sa mga estruktura ng Ner. Well-advanced talaga ang panahon nila dahil may mga robots ang nagkalat sa paligid upang magsilbing bantay. May mga malalaking sasakyan din ang makikitang bumabaybay sa malawak na daan sa gilid nila. May mga tao ring naglalakad dala ang holographic phones nila, umbrella na nagiging transparent kapag umaaraw and may mga kagamitan ring pwedeng gamitin para lumutang ka sa ere katulad na lang ng full-body rocket suit na pwede kang magjoy ride whenever you want na hindi na kailangang sumakay pa ng public transpo.

Although meroon na ring mga ganoon sa Sky City, mas naappreciate naman ng dalaga ang resulta ng mga pinaghirapan ng mga engineers sa LSI and seeing the ordinary people na nag-eenjoy sa mga inventions na na-ioffer ng group nila, hindi lang sa Laudecius kundi pati na sa buong Maharlika.

"that Arch Fountain, ang architect niyan ay si Don Ezekiel Patmus"

"Don Ezekiel? di ba siya ang kilalang genius architect ng Maharlika and kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang nagdesign ng Sky City, right?"

He nodded.

"that's why I adore him so much" he said habang naglalakad sila.

"sino ba naman ang hindi di ba? hmm..siya nga pala, can you tell me now why you wanted to go up there?" bigla namang natanong ng dalaga sa binata.

"well, honestly, galing na talaga ako doon."

Nagulat naman si Dorcy dahil sa sinabi ng binata sa kanya.

"then paaano ka napunta dito? I mean, kung galing ka na doon, you can go back there anytime you wanted to"

"it wouldn't be easy as you think Dorcy." he just said. Ayaw pa rin niya kasing mag-open up about sa kung sino ba talaga siya at kung bakit siya napadpad sa siyudad ng Ner.

"well, handa naman akong maghintay kung sakaling handa ka nang magkwento" then she smiled.

"okay good, by the way ihanda mo na ang swipe card mo. Papasok na tayo sa loob ng Tinagbauan."

(Tinagbauan ay galing sa salitang bisaya na ang ibig sabihin sa tagalog ay magsawa. Isa itong napakalaking estruktura na halos andoon na makikita ang lahat ng bagay na gusto mong hanapin, may mall sa loob, entertainment place, restaurants, sports center and iba pa.)

"Seryoso ka ba?"

"oo naman, bakit parang ayaw mo?"

"Tingnan mo naman kasi ang suot natin, baka sa pinto pa lang ay harangin na tayo ng mga guards"

"That's why we need this swipe card" tapos agad niya itong idinikit somewhere sa cloak na suot niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong naman ng dalaga sa kanya kasi hindi niya lubos maisip na sa kasuotan pala gagamitin ang swipe cards na dala-dala nila.

"put it on detector area beside your shoulder"

Then unti-unti, nagbabago na ang texture ng damit ng binata. Automatic ding nagbago ang style nito, from simple into stylish one. Hindi na ito mukhang cloak, it turned out to be a fashionable trench coat.

"woah, you're so cool" then gumaya na rin ang dalaga sa kanya.

Yung suot naman niyang cloak ay nagtransformed into a beautiful and daring dress. Nagchange din ang color nito from black to red.

Napangiti ang dalaga sa kinalabasan ng kasuotan niya.

"like it?" tanong ng binata sa kanya nang makita ng expression ng mukha ng dalaga.

"I love it!" excited niyang sabi, then she started to walk na pero may nakalimutan siya.

"wait, yung sapatos mo...hindi bagay"

She forgot na she's wearing a soldier like shoes dahil sa excitement niyang pumasok na sa loob at makipagsabayan sa mga babaeng sosyal rin kung manamit.

"ay, oo nga" nasabi niya.

Agad namang lumuhod ang binata at kinuha ang swipe card ng dalaga. He put it on the detector area ng shoes and unti-unti, nagchange na rin ito into a pair of high heels.

"thank you L! your invention is the best talaga. Hayaan mo, I promise to help you na makabalik doon sa Sky City no matter what"

Dahil sa sinabi ng dalaga, tumayo siya and he lightly pat her head.

"its good to hear from someone like you"

Nakaramdam naman ng kilig ang dalaga dahil sa ginawa ng binata sa kanya. She finds it cute and sweet.

"tara na" he said.

(dramatic entrance with background sound be like)

Nagmistula silang mga celebrity habang nilalakad nila ang loob ng Tinagbauan.

Everyone are looking at them.

Bagay na bagay kasi sa kanilang dalawa ang mga suot nila. They even looked like a perfect couple dahil magkahawak pa ang kanilang kamay while walking.

(I don't even know why they're doing it. I think, they were just over reacting, haha!)

Not until may biglang sumira sa moment na iyon dahil pinagbabaril na sila ng laser gun. Natamaan ang dalaga dahil dito.

"Ah! I was shot" Dorcy said.. then suddenly, natumba siya buti na lang at agad siyang nasalo ng binata.

"Don't worry, laser proof ang suot mo dahil it is made up of boron carbide and titanium" he calmly said.

"R_really?" agad namang tumayo ang dalaga at chineck kung totoo nga ang sinasabi ng binata. Nang mapatunayan iyon, kumuha na siya ng weapon and started to shoot also.

Umalingawngaw naman ang emergency alarm sa loob dahil sa kaguluhang nangyayari. Agad namang nagkalat ang mga armed guards sa paligid.

"Halika na"

Hinila ulit ng binata ang dalaga at tumakbo sila papuntang magnetic elevator. Hindi sila pwedeng mahuli nang guards, ang dapat mahuli sa mga sandaling iyon ay ang mga bumubuntot sa kanila.

(Sakto namang agad itong bumukas paglapit nila sa entrance kaya pumasok na sila sa loob)

Napahinga ng malalim ang dalaga ng medyo kumalma ang mga sandaling iyon.

"tell me, sino ba talaga sila kasi hindi naman sila taga LSI eh, ikaw ba ang pakay nila?"

(a moment of silence)

"L, tell me the truth"

"you're right, matagal na nila akong hinahanap."

Napasapok sa noo ang dalaga dahil hindi lang pala siya ang pinaghahanap kundi pati ang kasama niya.

"eh di wala din palang kwenta ang pagdidisguise natin kasi kilalang-kilala ka na nila" di na mapakaling sabi ng dalaga.

"that's the reason kung bakit tayo pumasok sa Tinagbauan....just trust me, everything's gonna be fine"

(tumunog ang elevator at bumukas ito)

That moment, may nakatambang na sa kanilang mga lalaking nakamaskara.

"shoot!" signal ni L kay Dorcy.

Kaya pinagbabaril na nila ang mga lalaki using advanced taser gun and LX6. Tumilapon ang mga lalaki't nakuryente sa weapon na gamit nila.

"kaboom! nakaharang kasi kayo guys eh. Pasensya na" bilin pa ng dalaga sa mga kalaban bago ulit sila tumakbo paalis.

Madali lang namang matuto si Dorcy sa pagamit ng armas kahit first time niya lang itong nahawakan. Kayang-kaya niyang patumbahin ang bawat kalaban na nakakasalubong nila using her taser gun. While si L naman, expert na expert na siyang paikut-ikutin ang weapon sa mga kamay niya. And even if the target is impossible na matamaan, nagagawa niya pa rin itong patumbahin using both taser and LX6.

They were too good sa pakikipaglaban..... not until, may isang lalaking walang maskara ang humarap sa kanila. May dala itong LK7 o mas kilala sa kasalukuyang panahon bilang sonic blasters. Nakasuot din ito ng overall protective gear kaya hindi eepekto sa kanya ang anumang uri ng weapon. Matangkad ito, matikas ang pangangatawan, medyo may pagkadark toned pero bagay naman ito sa kanya since may kagwapuhan din naman itong tinataglay.

"yummy" hindi sinasadyang nasambit ng dalaga ng makita ang maanyag na mukha ng binata at ang halata na matipunong pangangatawan nito.

Napalingon naman si L sa kanya dahil sa narinig.

"A_ah, sorry, he's handsome kasi eh..." bulong naman ng dalaga sa kanya.

Hindi na lang umimik pa ang binata. Ang taong kaharap pala nila ngayon ay ang dating kilalang Assassin ng Scynth.

(Ang Scynth ay ang grupo ng mga magagaling na assassins o dark knights kung tawagin para protektahan ang mga nakatira sa Eksosia---division ng mga upper class 1)

"Gusion" banggit ng binata sa pangalan nito.

"magkakilala kayo?" tanong naman ng dalaga sa kanya.

Good night folks! This chapter pala is about sa journey ng kaibigan ni Avyanna at ang friend ng kaibigan ni Avyanna na si L. In the next chapters, doon ko lang irereveal kung ano ba talaga ang tunay na identity ni L at role niya sa story na ito.

Hope you like it guys. See you sa other chapters! (◠‿◕)

MissKc_21creators' thoughts