webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · Sci-fi
Not enough ratings
27 Chs

PRESENT WORLD: As the Rain Falls

Bumalik na si Drayce sa napakalawak niyang kwarto. He has an office din kasi and library inside.

Napakaorganized din niyang tao in a way na kabisado niya kung saan nakalagay ang lahat ng mga gamit niya. And ayaw na ayaw niyang may nangengealam dito without his permission.

(Suddenly, Drayce' phone rang.)

"hello dad"

"are you on your way to our company?"

"why? is there any problem?"

"No. Its just that you need to attend the meeting with me. Ipapakilala kita kay Chairman Wang"

"okay, I'll be there"

Pumasok na siya kwarto kung saan matatagpuan ang napakalaking walk-in closet niya para maghanap ng maisusuot. May partition na intended only for black suits, neckties, t-shirts and even shoes with different brands like Gucci, Richeliu and Aubercy. Tapos sa gitnang section naman ay ang mga high-end watches and sunglasses.

After niyang makapaghanda, bumaba na siya.

Nang makasalubong niya si Mikaela, pinigilan niya ito at hinawakan ang kanyang kamay.

"Mikaela" sabi ng binata.

Nagulat naman ang dalaga sa ginawa nito.

"See me in Circuit Garden at 4 p.m, I'll wait for you there, okay?" then he gently pat her head and umalis na.

He's expecting anyway that she would come.

-----------

(sa company nila)

Pumasok na siya sa office ng Chairman. Natigilan siya saglit ng madatnan si Gian sa loob na mag-isa. Nakaupo ito sa sofa while sipping the coffee.

"Oh, you're here" nakangiting sabi ni Gian sa kanya.

"Bakit ka andito?" Drayce asked.

Hindi rin kasi maganda ang naging samahan ng dalawa dahil sa mga nangyari sa nakaraan nila.

"Of course, pinatawag ako ni Chairman." then dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tasa.

"Until now, umaasa ka pa rin bang makukuha mo ang loob ng daddy ko? For what? For your revenge?" direktahang sabi naman ng binata sa kanya.

Kaya hindi ito nagustuhan ni Mr. Villacosta. Napatayo siya dahil dito at nilapitan ang binata.

"Bakit, are you threatened?" he said while glaring at him. Tapos ilang saglit pa, he smiled, yung ngiting parang wala lang nangyari.

"I think paparating na rin si Chairman, maupo ka muna Mr. President and I'll check kung tama nga ako" lumabas muna ito saglit.

Minsan talaga, hindi maintindihan ng binata ang mga ikinikilos nito. He even came to the conclusion na baka bipolar ang binata.

"Andito na si Chairman" tila excited na inform nito sa kanya.

But he didn't bother until makapasok na ang Chairman sa loob.

"Drayce, kararating mo lang?" Chairman asked.

Hindi na niya ito sinagot pa. Instead, sinabihan niya na lang ang matanda na baka ma-late sila sa meeting kaya agad na silang bumaba ng building at nagpahatid na sa meeting place nila kay Mr. Wang.

Si Mr. Wang kasi ang isa sa may pinakamalaking investment for globalization ng company nila kaya hindi ito kayang tanggihan ng Chairman lalo na sa mga meet ups na ganyan.

"Hey, Mr. Sebastian! I'm glad that you're here" masayang bati nito sa kanya ng makarating na sila sa Green Palace (five-star hotel).

Maraming guards ang pumalibot sa kanila since medyo maraming tao rin sa hotel na iyon. Maliwanag ang ambience and usually, mga Chinese ang nasa loob ng lugar. May violinist din ang mismong nagtutugtog sa gitna para marelax ang mga guest ng hotel.

Nasa VIP seats sila kaya maganda ang spot ng meeting place nila. Kitang-kita sa labas ang hanging garden na may iba't-ibang lights kaya medyo nakakarelax ding tingnan.

Nang makaupo na ang binata, medyo kumalma na ang isip niya. He felt uneasy din kasi kanina dahil kay Mr. Villacosta. Ayaw lang talaga niya itong kasama, buti na lang at may ibinilin lang ang Chairman sa kanya.

"Oh! is this your son, Drake Sebastian?" Mr. Wang ask when he noticed him.

"No...he is Drayce Sebastian, he's the President of our company" Chairman proudly said.

"I'm sorry, my bad!" sabi nito nang malamang hindi pala siya si Drake Sebastian.

"It's okay, well! I'm glad that you invited us here" nakangiting sabi ng Chairman kay Mr. Wang.

"Its because I could tell that you won't say 'no' to me" sabi naman ni Mr. Wang habang tumatawa.

"Oh yes, of course! I consider you as my friend Mr. Wang"

"I'm glad to hear it from you..well, how about you Mr. Drayce? I just heard that you're really good in business, is that an assurance for someone like me?" biglang pagiging formal na topic ni Mr. Wang.

Naalala tuloy ni Drayce ang sinabi ng dad niya habang nasa kotse pa lang sila. Ikwinento nito kung gaano ka-metikuloso sa mga bagay-bagay si Mr. Wang. Kilala rin kasi ito bilang picky investor kasi he's making sure na malaki ang maibabalik sa kanya after he invested on something. And he never failed on choosing the right investment kaya his dad encouraged him na kunin talaga ang loob nito since it would greatly help the company para makaattract pa ng mas maraming investors para sa pagpapalawig ng business nila.

"To be honest Mr. Wang, I consider many things before wandering on some business opportunities but all I can say is, Nothing is for sure when it comes to our world" he calmly said sa Chinese investor.

Dahil naman sa sinabi niya, halatang nadismaya ang Chairman sa sagot nito. He's expecting kasi na he will impress Mr. Wang through his achievements but he didn't.

"Well... you're right! Nothing is really for sure in this world of business. (then he laughed) I like your honesty President Sebastian. You really know what to say and its a good thing. I really adore honest people. That's the first thing to be established when it comes to partnership." masayang sabi nito. Then inabutan niya si Drayce ng glass of wine.

Napalitan naman ng saya ang mukha ng Chairman. He even tapped Drayce' shoulder.

"Cheers Mr. Drayce Sebastian"

After ng mga sandaling iyon, hindi na namalayan ng binata ang oras. Natapos ang pag-uusap nila na halos mag 4 p.m na. Matapos nilang paunahing makaalis si Mr. Wang, agad naman siyang nagpaalam kay Chairman.

Hindi na siya sumabay sa matanda at mas pinili niyang magtaxi na lang para makahabol sa Circuit Garden.

Ilang beses rin siyang tumingin sa kanyang relo just to make sure na hindi pa lagpas 4 p.m.

"traffic ba? bakit ka kasi dito dumaan?" iritang sabi niya nang hindi pa rin makausad ang sasakyan.

"Pasensya na po sir, may inaayos po kasing daanan sa bandang dulo nito"

Because of it, he decided na tumakbo na lang since malapit-lapit na rin naman siya sa meeting place nila ni Mikaela.

He didn't even bother ang pawis at ang crowd. He managed na makipagsiksikan doon para lang hindi maghintay ng matagal ang dalaga.

Until, nakarating na siya sa lugar habang halos maghabulan ang paghinga niya sa sobrang pagod sa pagtakbo.

Maraming tao din sa lugar na iyon kasi dinadagsa ito ng mga estudyante. Ito kasi ang lugar na matagal na niyang balak dalhin si Mikaela but he never had a chance. Kaya ngayon, he's hoping na he will not miss those chances again.

Hinanap niya ang dalaga sa paligid. He even asked someone kung may napansin ba sila na magandang babaeng naghihintay sa garden. Pero he didn't get the answer that he wanted.

Walang Mikaela ang nagpakita sa kanya in that place.

He sighed.

Umupo na muna siya sa bench at naghintay ng ilang oras. He is still hoping na darating si Mikaela.

(Until may nagbeep sa phone niya.)

Tiningnan niya ang notification na iyon coming from his social media account.

Since he's following Mikaela's account, nakakareceive siya ng notifications whenever she's posting something.

"Thank you for making me happy"

Iyan ang caption na nabasa ni Drayce habang pinagmamasdan ang picture nilang dalawa ng twin brother niya. Magkasama pala sila ngayon kaya hindi siya sinipot ng dalaga.

Para tuloy'ng may tumusok sa puso niya't sobrang nasasaktan siya. Kasi until now, ipinamumukha pa rin ni Drake sa kanya na pagdating kay Mikaela, he would never had a chance na talunin siya.

Nagdidilim na ang langit.

He was really jealous and disappointed. Nageffort pa naman siyang huwag ma-late sa usapan.

He decided to stood up and started to walk na. Now, mag-isa siyang naglalakad sa daanan habang nakalupaypay ang kanyang mga balikat.

Actually, hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na hindi siya sinipot ng dalaga. Maraming beses na siya nitong paulit-ulit na tinatanggihan. Pero kahit ganon pa man, hindi pa rin siya nasasanay sa ganoong rejection. Kaya nga sobra ang inggit niya kay Drake kasi kahit hindi man nito sabihin sa dalaga, kusa na siyang nagpapakita at lumalapit sa kanya.

(Intersection)

Nakatayo na siya malapit sa pedestrian lane. This time, there are so many people na naghihintay ring mag-green ang traffic light para makatawid sa kabilang side ng malawak na road na iyon.

When it turned green, agad nang nagsitawiran ang mga tao ngunit naiwan siyang nakatayo lang at nakatingin sa kung saan.

Ilang pagkakataon ring namissed niya ang pagtawid.

Sobrang lalim kasi ng iniisip niya dahil naglalakbay pa rin ang kanyang isipan sa nakaraan. Sa mga panahong, malaya pa niyang nakakasama ang dalaga. Sa mga panahong umuusbong pa lang ang nararamdaman niya para kay Mikaela.

(then the rain started to fall)

Mula sa mahina hanggang sa malakas na pagpatak ng ulan, saka lang siya nahimasmasan.

Tumawid na siya sa kabilang side at nagpara ng sasakyan.

"Pati ba naman ang panahon ay nakikisabay sa aking kalungkutan?" he said on his own.

Nagsimula na ring tumulo ang kanyang mga luha.

Mas madali sa kanyang gawin ang bagay na iyon habang umuulan kasi walang ibang makakaalam sa totoong nararamdaman niya ngayon.

(sa mansion)

Nagwawalis si Avyanna ng biglang pumasok si Drayce. Basang-basa ito ng ulan ngunit tila di alintana sa binata ang lamig sapagkat dahan-dahan lang itong naglakad sa living room kahit pa nakabukas ang aircon.

"Sir, basang-basa po kayo, kukunan ko na po ba kayo ng damit?" alalang tanong ng dalaga since nakatunganga lang ito sa may garden view ng mansion.

Malungkot niyang pinagmamasdan ang ulan sa labas.

"Sir" lalapitan na sana ng dalaga si Drayce nang may pindutin ito sa wall.

Agad na luminaw ang opaque mirrored walls at automatic na nagbukas ang sliding door nito. Saka lang narealize ng dalaga na may karugtong pa pala ang malawak na living room na iyon.

Makikita niya ,mula sa kanyang kinatatayuan, ang mga mamahaling statues and paintings na nakabalandra sa kabilang side. Kung sa living room ay comfy and relaxing ang ambience dahil light themed colors ang ginamit ng designer dito, sa kabilang side naman ay green and gold. May maliit na fountain sa loob and greenish plants everywhere. Gold naman ang kulay ng mga bagay na makikita doon. Kaya sobrang na-amaze naman ang dalaga sa interior design nito kasi sa mundo nila, bibihira na lang ang makakita ng mga natural ornaments sa loob ng bahay since iba ang pinagtutuunang pansin ng mga interior designers and engineers. Mostly din kasi sa mga tanim doon ay kailangan ng maayos na pag-aalaga dahil iba na ang climate ng hinaharap compared sa kasalukuyan.

Naupo ang binata doon at nagmukmok lang. Kaya naisipan ng dalaga na gawan siya ng soup para mainitan ang katawan ng binata at kunan siya ng towel mula sa kwarto nito. Lumipas ang 30 minutes bago niya maibigay sa binata ang soup na ginawa niya at ang towel sa kadahilanang nahirapan siyang hanapin ang walk in closet ng binata since marami ring rooms ang available sa second floor ng mansion.

"Kailangan niyo po ito sir para hindi po kayo magkasakit" mahinang sabi ng dalaga sa kanya.

Ngunit imbis na magpasalamat ang binata dahil sa pag-aalala ni Avyanna sa kanya, kabaliktaran lang ang naging reaction nito.

"Do you think I will eat that after you tried to poison me with your food?" he said tapos tinapik niya sa kamay ng dalaga ang soup bowl na dala nito kaya nahulog ito sa sahig at nabasag.

Umalingawngaw tuloy sa loob ang ingay ng nabasag na ceramic dish.

"And this? saan mo ito nakuha?" galit na tanong nito sa dalaga habang hawak ang towel na ibinigay nito.

"S_sa closet niyo po" nanginginig na sabi ng dalaga sa kanya dahil pinagtataasan na naman siya ng boses nito. Hindi kasi siya nasanay sa ganyang treatment since sa mundong pinagmulan niya, buhay prinsesa din ang naging kapalaran niya.

"Who told you to touch my things without my permission?!!!!"

"P_pasensya na po sir" tapos agad niyang pinulot ang nabasag na soup bowl.

She tried not to cry dahil sa ginawa ng binata sa kanya pero hindi niya mapigilan ang kanyang sariling hindi manginig sa takot. Habang dali-dali niyang pinupulot ang nabasag kanina, bigla na lang nagdugo ang kanyang daliri dahil nasugatan siya mula dito.

Doon na siya napaiyak.

Iniisip niya kasing she don't deserve that kind of treatment. She was just worried kaya sinubukan lang niyang maging kind sa binata pero in return, sinigaw-sigawan lang siya nito as if sobrang laki ng nagawa niyang pagkakamali. Nasaktan pa siya physically ng dahil sa ugali nito.

"Look on what you've done" medyo mahinang pagkakasabi ng binata.

Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga but instead of comforting her, Drayce immediately walks out.

Buti na lang at dumating si Drake. Since umuulan, he decided na ihatid na lang si Mikaela sa kanila. And when he noticed na nakaopen ang door sa katabing side ng living room, nilapitan niya ito. That's when he saw Avyanna crying.

"Hey, what happened?" he asked ng mapansin nito ang kanyang nagdurugong sugat.

Hindi siya sinagot ng dalaga dahil humihikbi pa rin ito.

"J_Just wait, kukuha lang ako ng medical kit" tapos dali siyang pumunta sa living room at bumalik agad dala ang kit.

Dahan-dahan niyang pinunasan ng cotton ang nagdurugong daliri ng dalaga. Nilagyan niya ito ng ointment after malinisan and tinakpan na ng maliit na bandage. Siya na rin ang nagligpit sa kalat at pinaupo na muna ang dalaga sa couch.

Hinintay niya itong tumahan.

"Okay ka na?" he asked when Avyanna stopped crying.

Hindi pa rin kumikibo ang dalaga.

"Ano ba kasing nangyari?" worried na ask ng binata sa kanya habang pinupunasan ang nabasang pisngi ng dalaga.

Ayaw niya talagang nakikitang umiiyak ito dahil nalulungkot din siya.

Ilang saglit pa, bumaba na si Drayce after na makapagbihis.

"Andito na naman ang magaling kong kapatid" he said.

Irita pa rin kasi si Drayce dahil nagmukha siyang ewan sa meeting place sana nila Mikaela.

He waited for nothing.

And iniisip niyang sinadya ni Drake na yayain ang dalaga para ipamukha sa kanyang between them....si Drake pa rin ang pipiliin at pipiliin ni Mikaela.

"Eh ano naman ngayon kung andito na ako? saka ano na naman bang ginawa mo kay Avyanna huh?" he said habang papalapit siya sa kapatid.

Wala na rin kasi siyang ibang maisip na dahilan why would Avyanna cry. Pinaiyak na niya ito dati kaya alam niyang siya rin ang reason why she's crying now.

"tss. You're dating Mikaela but you're more concerned with our yaya. Iba ka talaga ano!" Drayce said habang itinulak-tulak niya pa ang kapatid.

"Hey, huwag mong ubusin ang pasensya ko sa iyo" Drake said. Tiningnan niya ng matalim ang kapatid pero hindi naman nagpayanig si Drayce.

"Bakit huh? do you think na kaya mo ako? You're nothing punk... you're nothing compared to me" then he smiled.

"You may think it that way, but at least I'm human, unlike you Drayce! Katulad ka na ni daddy!" nasabi ni Drake.

Natigilan naman si Avyanna dahil sa mga narinig.

"That name"

Napatingin siya sa dalawa. She wanted to make sure na ang nagsabi ng pangalan na iyon ay "ang Drayce na pinaniniwalaan niya"

Narealized naman ni Drake na for the second time, nadulas na naman ang dila niya. And this time, narinig na ito ni Avyanna.

There's no way to escape.

Kailangan na niyang sabihin ang totoo sa dalaga.

"What's wrong Drake?" nakangiti namang tanong nito nang mapansing something's not right between Avyanna and him.

Hindi pinansin ni Drake ang kanyang kakambal at sinundan na lang si Avyanna.

"Avyanna.....I_ I can explain" he said.

Nagmadali naman ang dalagang pumasok sa kanyang kwarto at nagkulong dito.

"Avyanna!" he tried to open the door pero nakalock na ito.

He knocked many times hoping that she will open it but still, no response from her. She's really mad at him dahil nagsinungaling siya sa dalaga.

Hello guys! Rainy season na kaya bagay na bagay sa chapter na ito. Please do read until the end!

Thanks again for your support guys!

From your Author.

MissKc_21creators' thoughts