"
Aking munting kaibigan
handa akong pakinggan ang iyong kalungkutan
sa oras ng iyong kadalamhatian
ako ay libre mong malalapitan
Naalala mo pa ba noong tayo ay nagaway
tayong dalawa ay nagkahiwalay
ngunit sa sarili'y iniisip na para bang may kulang sa ating buhay.
Ang kulang pala na iyon ay tayo na dating magka karamay.
Bakit sa kasalukuyan?
hindi na tayo nagpapansinan?
dahil ba'y may bago ng mga kaibigan.
Kaya ako ay iyong nalimutan?
Ako ay iyong natatandaan sa oras ng kagipitan.
kapag natulungan na kita sa iyong kahirapan
ako'y iyong papasalamatan
at pagkatapos ay ako ay iyong tatalikuran.
Ayos lang naman para saakin
na ako'y iyong limutin.
Kapag ako'y iyong hahanapin
madali mo lang akong hahagilapin
"
Hi guys good morning! sorry sa super late na update.Thank you sa pagbasa ng story na ito love you all!?