webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

Mga pangakong lagi nalang napapako

Akala ko ba'y pangako na mamahalin mo ako habang buhay?

Bakit ang pangakong ito ay tila ba'y namamatay?

Dahil nakita kita doon sa kalye na iba ang kahawak kamay.

Ako ngayon ay nalulumbay

di alam ang gagawin sa buhay.

Habang ikaw ay nagsasaya diyan

Ako naman itong nasasaktan.

Bakit pa naghanap ng iba?

Nagkulang ba ako sayo sinta?

Minahal naman kita ng sobra

Sinaktan mo rin ako ngayon ng sobra-sobra.

Hindi ka pa ba nakuntento saakin?

kapag tinanong kita kung siya ba o ako , siya ba ang iyong pipiliin?

Sineryoso mo ba talaga a ko?

O pinaglaruan mo lang ang puso ko?

Ngayon ako'y nagiisa

Nasasaktan kapag kasama mo siya

Iniisip na mas masaya ka sa iba

Ano ba ang wala ako na mayroon sakaniya?

Gabi gabi akong umiiyak

Puso ko ay nawawasak

na para bang sinagasaan ako ng napakalaking truck

Mga luha ko ay walang tigil sa pagpatak.

Ngayon ako ay lumayo sayo

pinaubaya sa taong dahilan ng pagngiti mo.

Kahit masakit sa puso , nagparaya ako.

Para sa ikaliligaya niyo.

Dumaan ang maraming taon ikaw ay aking nalimutan.

Muli ulit akong pumasyal sa palaruan.

Nakita kita na masayang nakikipaglaro sa anak niyo ng aking kaibigan.

Maraming salamat dahil sa tulong niyo ako'y maraming natutunan.

Sorry sa super late na update baby monstersss.Salamat sa pagsupporta! donxt forget to vote and share my story sa iba. Love you all! Good morning!

LonelyMonstercreators' thoughts