webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Ako na saksi

"

Ako na naging saksi sa nangyayari dito sa ating mundo.

Narinig ko sa kanto , nasusunog ang libo libong mga puno.

Doon sa ibang bansa na sa atin ay malayo.

Nasaan na ang mga tao?

Imbis na tumulong sa apektado

Memes memes lang sakanila ito

Kailan ba tayo magseseryoso?

kapag ba ay malapit na tayong paalisin sa mundong ito?

Nasaan na ang mga tao?

Nandyan tambay sa kanto.

Palamunin lang ang tao.

Gusto niyo ba talaga ng pagbabago?

Ang mga dalawang mata ko na naging saksi ng katotohanan.

Ngunit ayaw niyo naman ako na paniwalaan.

Tunay ko ba kayong mga kababayan?

O mayaman lang ang inyong kinakampihan?

Ang mga mata ko na ayaw niyong tignan

Dahil ba ako'y inyong kinaaawaan?

Kinaaawaan saan?

Sa estado ng aking kabuhayan?

Bastusin niyo na ang pagkatao ko

Dukitin niyo na ang mga mata ko

Basta't tandaan niyo

Na lahat ng nasa mata ko ay ang testigo na kinakatakutan niyo

"