webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

Ako nalang lagi

"

ako nalang lagi ang sinisisi niyo

alam ko naman na bobo ako

huwag niyo nang ipamukha sa mukha ko.

Alam ko naman na kahihiyan ako para sainyo.

Ano ba ang gusto niyong gawin ko?

sundin ang mga pinapagawa niyo?

Na kapag nagkamali ako , siguradong patay ako sainyo.

Ganyan ba talaga sakin ang tingin niyo ?

Oo inaamin ko na masakit isipin

na ayaw niyo akong tanggapin.

Kahit ano ang aking gawin

ako'y itataboy niyo pa rin.

Hindi man ako tulad ng inaasahan niyo

ngunit masasabi ko na ginagawa ko ang makakaya ko.

Para lang matanggap niyo

ang presensiya ko sa tabi niyo

"

Yey 2 updatess! thank you for reading my story.Road to 300 na tayo and kuntento na ako doon.Please check out yung mga iba kong story love you all.

LonelyMonstercreators' thoughts