webnovel

inhale and exhale

Papauwi na sana ako nang maisipan kong pumunta sa lugar kung saan ako palaging pumupunta.

As I walked, I feel the familiar breeze on my skin.

I close my eyes as I feel my comfort zone. Sa lugar na ito, dito ko natutunang mag muni muni. I love this place. My father brought me here when I was four.

And I always  found myself here when I want to vent my thoughts in life.

Pagka bukas ko ng aking mga mata, parang makita ko si Callia.

"Baka namamalikmata lang ako,"I whisper to myself. "O hindi." Pagtutuloy ko.

Ilang beses kong ipinikit ang aking mga mata at nahanap ko ang aking sarili na nakatayo sa harapan ng bahay nila' Callia.

Tumakbo ako papalapit kila Callia at niyakap s'ya. Totoo nga. Andito ulit ako kila Amir!

"Callia, na miss kita." Masayaa kong sambit.

"Ate, hindi po ako makahinga." Mahina n'yang sabi.

May dumaan na kalabaw na may hila hilang kariton.

"Amir!" Gulat kong sigaw ng bigla s'yang lumitaw sa harapan ko.

Gusto ko s'yang yakapin kaso nahihiya ako at higit sa lahat', hindi kami close.

"Amir, alam mo bang ang tagal kong hinintay na makabalik ulit dito? Hindi ko nga alam kung paano ulit ako napunta rito e. Ang weird lang." Mahabang sabi ko sakan'ya.

"Ha?" Mailing sambit n'ya. "Wala." Sabi ko nalang.

"Ate! Halika raw sabi ni Inno!" Sigaw ni Callia na may accent pa na ybanag.

"And cute ng accent n'yo ano, Amir?" Tanong ko kay Amir habang papunta kami kila Callia.

"Mas makasta ka paga ngay." Bulong bulong n'ya na hindi ko naman naintindihan.

"May sinasabi ka?" Tanong ko.

"Wala. Sabi ko, bilisan na natin at nag hihintay na sila Inno." Ani n'ya.

Hindi ko alam pero may feeling ako na may iba pa s'yang sinabi.

 

"Inno! I miss you po!"

Sigaw ko habang yakap yakap s'ya.

"Mehhh~" napahiwalay ako ng yakap Kay inno.

Sinundan ko Ang ingay na iyon at nakita ko "kambing!!!" Sabay takbo papuntang likod ni Amir.

Nagtawanan sila Inno at Callia habang wala parang imosiyon sa mukha ni Amir.

"Tumog palang ng karneru takot kana, paano pa kaya kung lumapit sa'yo iyan?" Ani ni Amir.

"E bakit kasi? Minsan lang kaya ako makita ng kambing kaya natatakot ako." Pagdedepensa ko saakin sarili.

"Ate, gusto mo?" Taming ni Callia.

Pinakita n'ya ang Isang saging na kulay berde pa at sobrang haba. Parang hindi pa hinog.

Kinuha ko ito, "hindi pa ata hinog, e." Sambit ko.

Kinuha saakin ni Amir iyong saging at binalatan ito.

"Ahh~" sambit n'ya habang tinututok ang saging saakin bunganga.

Natulala ako sa ginawa n'ya kaya hindi ko nainganga ang aking bunganga.

"Ahhh~" paguulit n'ya.

At sa wakas, nakisama narin ang katawan ko.

Ngumanga ako at isinubo n'ya saakin ang malaking saging.

Nakatingin lang s'ya sa aking mga mata at ganu'n din ako sakanya.

Nang may tumikhim sa among likuran, doon ko lang naramdaman ang kahihiyan.

"O siya, Viv. D'yan muna kayo at mag luluto lang ako ng hapunan." Inno said to me.

Tumango nalang ako at tumalikod.

I need to breathe. Inhale, exhale. Inhale, exhale. Pagpapakalma ko saaking sarili.

Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako makapag react. Crush ko ba si Amir?

"Vivienne?" Ani ni Amir.

To be continued...