webnovel

Chapter 6

August 17, 2017

"Halimaw pa rin si Jiana!" Griffie was pushing my arms, praising me for my noteworthy solutions.

"Pa'no mo nasolve 'yun? Dugo na ilong ko, girl, wala pang lumalabas na formula!"

Naghands up pa si Gallustine at 'I worship you' gesture sa akin dahil ako na daw ang genius of the century. Bidang-bida na naman ang squad namin kanina dahil kami lang ang may sagot sa mabangis na number three. When in fact, may ibang mabangis talaga ang sumagot doon. I am still so far from that level. And I don't think I'd ever reach that.

Si Jat pa siguro, may tiyansang lumaking tulad ng lalaking 'yon.

Hindi ko sila sinagot at inirapan ko lang. After all, how am I supposed to answer that?

Ah. Nagpatulong kasi ako kay Dice. Yung kaibigan ni Vance na gumawa ng eksena noong symposium noon. At saka pala na pinagpapantasyahan mo Griffie kahapon.

Gano'n?

No way! Mauuna pa akong tamaan ng kidlat bago ko hayaan ang sariling mamatay sa kantyaw.

"Wala. Nagpatulong lang kay Daddy." Pinabayaan ko ang sariling ama na angkinin ang credits.

Pilya namang pumapalantik ang pilik-mata ni Grif sa sinabi ko.

"Ay... sana all may daddy." Griffie's almost gayish remark before she gave out a malicious and thunderous laughter.

Tumawa lang si Gallustine sa kaniya, nag-iisip ng sindumi ng sa isa at hindi na ako nagtaka pa nang lumayo na ang usapan nila. Napunta na sa sugar daddy at sugar baby, kung gaano kanakakatawa iyon gawing tag sa omegle at ang pangalan ng mga kakilala nilang rumored daw na may sugar stuff nga. Nailing na lang ako sa kung gaano kabilis ang transition nilang dalawa ng topic. Iba pa rin talaga pag natural na baboy katulad ni Griffie.

I settled myself on my armchair. I silently ran my fingers on the pages of my notebook. His clear handwriting was there.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdamang nag-iinit iyon. My heartbeat doubles kapag inaalala ko kung paano niyang sagutan ang worksheet ko, that one cozy afternoon in my home.

His eyes rose from the cookie to the worksheet.. reading the problem in less than a minute before diverting his gaze to my eyes.

"Your brother will laugh at you.." he mocked.

Nag-init lalo ang pisngi ko. I reached out for my notebook but he immediately hid it behind his back.

"Akin na!"

Tumigil ako sa pag-agaw. I don't want to act like the stupid girls on films. Obvious naman na pag pinilit ko pang kuhanin sa likod niya ay mapapalapit na ako sa kaniya. Ayoko ng subsuban sa dibdib na mga eksena. It's like digging my own grave for Mommy's endless teasing and malicious eyes. At isa pa.. wala akong mukhang ihaharap sa Dice na ito pag nagkataon.

Mariin ko siyang tinitigan. Day by day, my solid indifference towards him starts to decrease. I find a little comfort with his presence to the point that I am now able to shout at him.

Kahit pa nga ibang usapan ang malalim niyang mata na walang ibang alam gawin kundi palambutin ang tuhod ko.

"Jat's a genius! Sino bang hindi nakakaalam no'n?!"

Sumubok pa ulit akong kuhanin ang notebook at worksheet. Sa gilid ko nga lang pinadaan ang kamay ko para hindi kami magkalapit.

"Akin na! Hindi naman kita pinilit tumulong ah!"

He remained hiding it behind my back and it messes me to see that he looks quite happy and fascinated with my reactions.

"I'm sorry. I was just kidding.." he said gently.

Halos mapaatras ako sa lambot ng boses niya. There was another strange melody in my heart. Bayolente rin ito at nakapagpapakirot. This is the reason why I seemed to be indifferent to him so much. Hindi ko gusto ang mga pinaparamdam niya sa akin.

It was always tiring for me. Hindi katulad ng sa kaibigan niya na nagpapaexcite sa akin at nagpapainit ng puso ko. Vance is light and warm.

But this Del Sierra.. would never give me that soft presence. Masisisi niya ba ako kung bakit ayaw kong lagi siyang nandito. Come on.. who wants to tremble every single day?

"Sit down, Jiana." Isinenyas niya ang espasyo sa tabi niya. "I'll explain this to you."

Halos tunawin ko ang space na ibinibigay niya. That small distance from him would never be enough to keep me sane and stable! Evaporate, you couch!

"Upo na.."

I cleared my throat. Awkward akong umupo sa pang-isahan na sofa na adjacent lang sa inuupuan niya.

"D-dito na lang."

Nagtagal ang titig niya sa akin. He pursed his lips at muntik na akong mastroke nang siya mismo ang umipod. Kung kanina ay nasa gitna siya ng malawak na couch, ngayon ay nasa dulo na siya, malapit sa armrest at sa akin!

"A-ayos na a-ako.." utal-utal kong tutol sa paglapit niya.

A strong distinct perfume welcomed my nose. Parang nagpapakilala ito sa ilong ko at nakikipagkaibigan. Demanding to be memorized and imprinted to me. Hindi ko matanggap na pwedeng maging ganito kabango ang isang tao matapos ang madugong araw sa school.

"How would you hear my explanation if you're far?" He raised an eyebrow.

"O-okay lang kasi.."

"Stop protesting before I declare again that you want a different engineering student."

Nalaglag ang panga ko pero wala na sa akin ang atensyon niya. His slender fingers gripped the pen effortlessly. It was lazily scribbling the solutions I could never bring out alone.

The longer I watch him solve it, the more I could see his strong resemblance to my brother.

Are all smart asses this.. uh.. attractive when they demonstrate to you how their brain works?

"This is just tricky but the same concept applies," paliwanag niya sa mahabang solution na hindi inabot ng minuto bago natapos. He explained a lot more. Pati mga posibleng tricky questions na ibato raw sa coming discussion ay ipinaliwanag niya kung ano lang talaga ang kailangang bigyan ng focus.

Naisip ko tuloy na tama si Griffie. It must have been cool to have a smart engineering student as a boyfriend.

What?! Jiana!

Oh bakit? Just think of it! Kapag si Vance naging boyfriend ko.. ahhh!

"Are you still with me?" Ang masungit niyang boses ang nagpabalik sa akin.

"Huh? Uh.. oo.." lumunok ako at ipinako ang tingin sa notebook.

Kahit parang naglalaro na lang sa mata ko ang x at y at parang sumasayaw na lang ang iilang figures, pinilit kong ibalik ang focus sa mga iyon. Hindi naman yata tama na ang rumerehistro na lang sa akin ay ang amoy niya, ang paraan ng paghawak niya sa ballpen, ang Lacoste niyang relo sa palapulsuhan at ang lahat ng maliliit na bahagi tungkol sa kaniya!

"Most likely, you would next discuss.."

I let myself be in awe for his knowledge. He's gifted. I could give him that. Now I see that I am in no place to question my brother's respect for him and why he was so deserving to mentor another genius soul like Jat. I could regard him that high though I doubt that I have seen already one-sixteenth of his intellect in this short session.

He flipped my notebook. Pupunit sana siya sa pinakalikod na page para magpakita ng ilan pang solutions pero natigil siya nang buksan iyon.

Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes dimmed a little. Kinabahan tuloy ako sa biglang pagbabago niya ng ekspresyon.

"B-bakit?"

Sinarado niya iyon at iniabot niya sa akin ang notebook ko.

"Tapos na.."

"Huh?" Agad?

I mean, hindi ko nga expected na tuturuan niya pa ako ng extended topics pero obvious na may gusto pa siyang sabihin kanina.

"Kaya mo na 'yan," he stood up and sat back when he's in the middle of the couch again. He purposely sat away from me. I felt my insides disappointed. Nag-eenjoy pa ako sa naaamoy ko eh!

Hindi ko tuloy kinaya ang kyursosidad ko at agad kong hinawi ang notebook papunta sa pinakahuling pahina. What could possibly change his temper at the back of my notebook?

Halos lumuwa nga lang ang mata ko nang makita kung ano iyon.

In a cute calligraphy, written clearly was the name of the different engineering student he assumes I wanted to have on his place.

"Vancellion Andrei S. Vienavista"

Buong-buo pa talaga!

"A-ano.." I don't know what to say! May dapat ba akong sabihin? Dapat ba akong magpaliwanag?

I was caught to have randomly calligraphed his friend's name!

He was back to drinking the milk. Bumaling siya sa akin habang ang mata lang ang walang tabon. His lips and the part of his nose was covered by the glass. His eyes seemed to mock me at kahit wala na akong pwedeng gawing paliwanag ay parang hinihintay niya pa rin akong magdahilan lang ng kahit na ano.

"Wala lang 'yon.." was my best excuse.

Gusto kong tampalin ang sarili lalo nang makita ang dry humor sa mukha niya. He was expecting a better cover-up from me but all he got was that. Pakiramdam ko ay unti-unti kong pinalalabas ang iceberg sa loob niya.

"You know his full name, huh?"

I shivered immediately with his cold tone. Ni hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata habang nangangapa ako ng sasabihin.

"K-kasi.." Magpalusot ka Jiana! Mag-isip naman ng kaunti! "Di'ba.. nagsymposium? Ayun, narinig ko."

His face remained impassive and he wasn't a degree impressed with my statements. Pakiramdam ko talaga ay bibitayin naman ako kahit ano pang isagot ko. Still, my stubborn heart tried to make a lame excuse.

"Ah.." tumango siya.

"Yes.." I added, hindi rin sigurado kung sinong kinukumbinsi.

He tilted his head and eyed me hardly, "How poor do you think my memory is?"

"Huh?" Namamaang kong sagot habang unti-unti akong sinasakop ng confidence niya.

"The symposium, though it had been months since that happened, natatandaan kong hindi binanggit ng MC ang Andrei sa pangalan ni Vance."

Shit.. hindi nga ba?

Now that I try to think of it.. hindi nga yata! Hala hindi nga!

"You knew it on your own research." Paratang niya.

"Hindi! A-alam ko na. Naaalala ko na! Kay Luxine ko nalaman. Nabanggit niyang minsan."

"Nabanggit niya o tinanong mo?"

Though I don't get the logic why I have to defend why I obtained the knowledge of his friend's full name, I still felt obliged to explain. Siguro kasi nga itinatanggi kong interesado ako sa kaibigan niya.

"Tinanong ni Gal."

"And you remembered." He added. Like taking note of his friend's name is a crime.

"I.. just remembered." Another alibi from me. Bahagya pang nanginig ang labi ko sa pagsisinungaling.

"And calligraphed accidentally?"

Hindi ko na kinakaya ang hiya! I was as scarlet as the setting sun!

Tumayo ako mula sa upuan. "B-bakit ba natin pinag-uusapan 'to?"

Nagbawi siya ng tingin. He put the glass on the table. Habang wala sa akin ang mata niya ay sinamantala ko iyon para tingnan siyang mabuti. His dark eyebrows are more than enough to tell me that he's annoyed.

Masyado niyang ipinagkakait sa akin ang kaibigan niya. Eh wala namang girlfriend iyong tao at itinatanggi ko namang gusto ko pero para siyang pikon na pikon na interesado ako kay Vance.

"Do you even know my name?" He looked at me, taking a hold of my breath. The way he asked that gave me the impression that he wants me to know his name, too. P-pero bakit naman di'ba?

Siguro kasi.. ang unethical ko? Nagpapatulong ako sa kaniya pero maski pangalan niya hindi ko alam? I brought him snacks, he's my brother's tutor and he helped me with my homework yet I didn't bother asking his name.

Hinintay niya akong magsalita pero wala. Instead, my focus dropped down to his black shoes. Its black leather looked so expensive. I could recognize an Italian logo of the shoes as well.

"You don't know my name.." pasadsad niyang sabi, mas madilim kaysa kanina.

His name.. alam ko naman.. yata? N-natandaan ko rin pero.. this conversation feels so awkward now. Hindi ko na magawang bawiin pa ang kongklusyon niya.

"Finish the rest," iniabot niya ang kasamang worksheet ng notebook na dala ko kanina.

He's dismissing me. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. I don't want his tone. It felt like I did something wrong. Parang hindi ko rin kayang tagalan na naniniwala siyang hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

Pumikit ako.

"Dice.." maliit ang boses kong sabi. "Dice... Del Sierra, d-di'ba?"

Umaakyat ang kaba sa lalamunan ko. My feet felt cold though it has no direct contact with our granite. The man blinking cutely in front of me was already too much pressure for me. Hindi ko na kailangan marinig ang tunog ng pressure cooker ni Mommy sa kusina.

"Thank you for remembering my family name," he looked away again.

Namumula na naman ang leeg niya pero suplado pa rin ng bahagya ang tono.

"But it's Diocese," bulong niya. "Dice is a nickname. It's Diocese A. Del Sierra, Jiana."

Wala sa sarili akong tumango habang natutulala sa suplado ngunit nakanguso niyang mukha.

Diocese.. huh? Ang.. gwapo naman yatang pakinggan.

I got my senses back when he cleared his throat, too.

"T-thank you for teaching me." I bit my lips and hugged my notebook and worksheet as tight as I could. "I'll be willing to return the favor.. kung may kaya akong gawin para sa'yo, K-kuya Diocese."

His lips twitched again. A familiar anger passed his eyes but he immediately concealed it.

"Really?"

"K-kung kaya ko.."

"Kaya mo." He said firmly.

Tumango ako kahit kinakabahan, "Ano po ba?"

"But I doubt na gagawin mo."

"A-alin ba?"

Hindi siya sumagot. Our eyes locked for a while as he seemed to measure me with his gaze. Those black orbs are too demanding. Kahit hindi ko ugaling makipagtitigan sa ibang tao, pakiramdam ko wala akong magawa pag mata na niya ang nag-imbita.

I just bend to its bidding like a lowly servant to the Egyptian Pharaoh.

"Wala.." he breathed half-heartedly.

Pero dahil hindi ako sanay ng may pinagkakautangan, hindi na ako nagulat nang magpumilit ako. "I'll do it."

"Hindi na."

"Gagawin ko nga!"

"Hindi na nga."

"Kuya, gagawi-"

"Tear that page," nauupos niyang sabi. Mukha siyang napigtasan ng kontrol. Parang kanina niya pa pinipilit ang sarili na huwag humingi ng out of the world request pero wala akong ginawa kundi itrigger siya.

Ngayon namang narinig ko, heto naman ako. Nanlalaki ang mata at pasimple pang kumakapit sa sandalan ng sofa dahil lang sa nanginginig na ang tuhod.

"Jiana, tear that page... and calligraph my name. Gagawin mo ba.. para sa'kin?"

Replaying those lines all over again still give me the same shivering effect. The intensity wasn't even cut to half. It feels like I am still under that black spell casted by his eyes.

Pinasadahan ko ang likod ng notebook ko at kinapa ang bagong pangalan doon habang abala sina Gallustine at Griffie sa pakikinig ng pinakabagong kanta daw ni Ed. Kung maka-Ed sila, akala mo, sabay silang lumaki ni Ed Sheeran.

I busied myself as I felt the ink of my letters. Hindi ko alam kung allowed ba akong punitin ang page na ito gaya ng ginawa ko sa page na may pangalan ni Vance. Basta ang alam ko lang, ito yata ang pinakamagandang design ng calligraphy ko so far. Isang dahilan kung bakit pinanghihinayangan kong punitin.

"Woy!"

Napasarado agad ako ng notebook nang gulatin ako ni Griffie.

"Ginagawa mo d'yan?" She asked suspiciously.

"Wala.. bakit ba?"

"Punta kami sa inyo mamaya."

Panic alerted my body immediately. Not today!

"Bawal!" Napalakas ang sigaw ko kaya pati si Gallustine na nagbubura na sa white board ay napabaling sa akin.

"Wag ka ngang madamot. Makikitambay lang," sabi ni Griffie habang nakikidukot sa Eggnog ko.

Tinampal ko ang kamay niya, "Hindi nga pwede. Sa Friday na lang. May gagawin kasi kami nila Daddy mamaya."

Hindi naman 'yon pagsisinungaling. Kakain kami nila Daddy. Counted naman iyon as gagawin di'ba?

"Ano?"

"Secret! Basta Friday na lang kasi. Half day lang pati tayo ng Friday. More time." Pangungumbinsi ko.

She threw me another 'sige maniniwala muna ako sa'yo' look bago niya ulit ako ninakawan ng Eggnog.

I heaved a sigh of relief. Mahirap na. Kapag inabutan niya ang isang Diocese sa bahay, kukuyugin niya ito. Ayoko sa ideya na 'yon. Kasi maaabala si Jat sa review. Pag naabala siya, baka matalo pa siya. At pag natalo siya, baka ako pa ang masisi, di'ba?

Starting today, I mentally noted that Gal and Griffie are only allowed to visit my residence during Fridays, Saturdays and Sundays.

"Bilisan mo naman, Jiana!" Naghihilahod na si Gallustine pababa sa pinto ng room namin. Dramatikong dramatiko ito na akala mo ay isang sentenaryo na siyang naghihintay.

Breaktime na kasi at papunta kaming canteen pero itong si Gal ay iilang segundo pa lang sa pintuan, naghihihiyaw na doon.

"Oo! Kumukuha lang ng wallet! Pwede namang hindi kung ililibre mo ako!" I shouted back and zipped my bag. Kinuha ko rin ang tumbler ko dahil mahal ang bottled water. Tagtipid tayo ngayon.

"Sige, wag kang magdala at maghugas ka na lang ng pinggan para makabayad ka." Maarte niyang balik sa akin habang hindi tumitigil sa 'dooring'.

Inirapan ko siya bago dinaluhan. Ipinukpok ko pa sa ulo niya ang wallet ko bago siya sinabayan sa pagsigaw. Si Griffie naman ang pinagtulungan namin.

"Griffie, grabe ang tagal," Gal's annoying demand to speed things up.

"Hala, ubos na yung tinda," gatong ko.

"Sobrang kupad man din."

"Kala mo walang naghihintay no, ganiyan 'yan si Griffie." Bulong ko kunwari pero sobrang lakas naman.

"Paano'y pabebe."

"Pacute kamo."

"Pabida."

"Pa-genius."

"Mga bwiset kayo! Magsiuna na kayo!" Halos batuhin niya kami ng sapatos.

Bumunghalit lang kami ng tawa ni Gallustine. Mga ilang minuto pa bago natapos si Griffie sa pagsusuklay, pagpupulbos at pagbibilang ng allowance na nagkulang daw ng bente kahit na folder pa lang ang nabibili niya simula kaninang umaga. Nang mapagsakto na niya ay saka pa lang kami nagkaroon ng pagkakataong makaalis.

It was self-satisfying to avail my favorite egg pie at the canteen. May isang rice meal din ako habang dalawa naman kay Gallustine. Griffie got some golden spaghetti. No, hindi palabok. Golden kasi ginto ang presyo. 65 pesos ang serving eh simpleng mamamayan lang naman kami. She bought it anyway because according to her book of kaartehan, she's craving for it and when humans crave, we should address it.

We had the usual nonsensical discussions at our table. Ganito naman ang nakasanayan naming atmosphere. Hindi kami tipong pangseryoso masyado, unless we are all in the mood to step on a different wheel.

Siguro ay tatlong subo na lang ako ng tapa at kanin nang kalmutin ako bigla ni Griffie.

"Beh, yung mga pogi!" Humahaba ang leeg niya habang impit na namang tumitili.

"Huh?" I asked while munching.

Inginuso niya sa akin ang likod ko at agad ko naman iyong tiningnan. I immediately regretted it when I saw the pair I never wanted to see. Walking with both long legs, the college uniform never looked so hot in my eyes as it did when the two of them wore it.

Iba ang dating ng dalawa kaya hindi na ako nagtataka na ang buong canteen ng senior high ay umiingay ng kaunti. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung anong sadya nila dito.

Tahimik kong ibinalik sa kinakain ang ulo pero tensyonado na ang buong katawan ko. I don't know if he noticed me. And if he did, I do not expect him to greet me, anyway.

The goal is to finish the meal, Jiana! Magpakabusog at sumibat! Huwag na huwag kang gagawa ng eksena!

"Jiana, bili ka ng bottled water," pumulupot si Gallustine sa braso ko habang inginunguso ang counter. He showed me his puppy eyes. "Please.."

"Yuck! Pangit mo!" I pushed him. "Ikaw na! May baon akong tubig. See?" Sabi ko sabay taas ng tumbler.

Tinitigan niya lang ako ng masama. Maya-maya ay tila nagkabright idea at itinutok sa akin ang tinidor.

"Aha! May utang ka sa akin kahapon! Sakto, kinse 'yon!"

"Anong kinse?"

"Hoy binayaran ko photocopy mo sa p.e. natin! Ha! I'm so genius! Bravo, Gallustine!" He clapped his hands and laughed proudly. "Dahil matalino ka, may tubig ka! Ha-ha! Makakainom ang genius!" Umiling-iling pa siya sa sobrang bilib sa sarili.

Halos bumaluktot namang ang nguso ko sa protesta. Sa huli, binuksan ko rin ang wallet at binigyan siya ng kumikinang na five at ten.

"Bwiset.." reklamo ko.

"Ikaw na bumili!" Tulak niya sa akin.

"Ikaw na, aba! Abusadong 'to!"

"Hala oh!" Itinuro niya ako sa kumakaing Saguiliana na mukha namang walang pakealam sa issue sa buhay nitong bading naming kasama. "Walang utang na loob. Ibinilis ko ng photocopy tapos pag ako na magpapabili, ayaw!"

Iba-ibang estilo pa ng pangongonsensya ang ginawa niya. Kesyo ganito naman daw talaga ako at masyadong user. Kesyo take lang daw ako ng take at wala namang give. Pati pinahiram niyang matrix na ballpen kanina ay isinumbat na para sa punyetang Absolute!

Labag na labag sa loob ko ang tumayo sa upuan. Buong puso ang pag-angil ko at full force ang nguso sa pagpout. Sa sobrang dami kong kaartehan, huli na para magback out nang makita ko kung sino ang nasa unahan ng pila.

That tall yet slender frame.. I don't think I would need a minute to recognize who he is. Lalo ko lang iyong nakumpirma nang maamoy ko ang pabango niya na pinagpipiyestahan ng ilong ko kahapon.

Nasa unahan niya rin ang kaibigan na masyadong taboo para sa akin dahil ayaw ng toreng Diocese na pinag-iinteresan ko itong tropa niya.

Psh! I may not be smart as their level but I'm definitely one of the smartest in my batch!

Mukhang hindi niya ako napapansin dahil hindi naman siya lumilingon. Vance was facing him kahit nasa unahan ito ng pila kaya ito ang unang nakakita sa akin. His eyes glinted with amusement and though I don't think Dice mentioned me to him before, he seemed to recognize me based on his reaction. Dahilan pa nga para mapalingon and Del Sierrang kausap niya sa direksyon ko!

I blinked when he looked at me. Tumikhim din ako bago nag-iwas ng tingin. Sobra-sobra ang kaba ko na baka sabihin niya ngayon sa kabigan niya ang hinuha niyang may gusto ako kay Vance! O baka nga nasabi na niya!

I tried to peek at Dice yet the only thing I've seen is the original dark eyes of his that I've known the first time we met. Hindi ko alam kung bakit nag-iiba ang tingin ko doon noong mga nakaraang araw. It seemed to be fascinated and glowing.

Ngayon ko naalala kung anong orihinal nitong itsura. It was dark and cold like how midnights usually feel like.

"Face your front, Vancellion. Nakakaabala ka sa pila," masungit nitong sabi.

Hindi ko maiwasang isipin na inilalayo niya talaga sa akin si Vance. Kanina naman ay wala siyang pakealam sa pila. Aba ngayon ay bigla siyang obedient citizen namin!

Vance chuckled deeply then shook his head. Sumunod rin naman ito sa kaibigan niya matapos ang halakhak.

I don't know what's funny pero napapansin kong tuwang-tuwa siya pag nagsusungit si Diocese.

Vance never looked back the whole lining time. Para bang alam niyang lalong mag-aasim ang kaibigan kapag lumingon pa siya at nagkaroon ako ng chance na matitigan siya.

Psh. Ang damot-damot mo kasing tore ka! Nakikitingin na nga lang ako! Madamot!

"85 pesos, hijo." Anang matanda sa canteen matapos kwentahin ang binili ni Vance.

"Heto po, manang," Vance smiled as he handed the payment.

"Bakit kayo napadpad dito, Vancellion? Wala bang masarap sa main canteen?"

Vance chuckled lowly and licked his lips, "Hindi naman sa gano'n, Manang.."

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya at sa ngiti niyang sobrang gaan. Kung natututunan lang sana nitong tutor ng kapatid ko ang ganiyang mga ngiti, edi ayos sana at hindi ako kinakabahan pag nakikita ko siya!

"Oh, ay bakit pala?"

"Kasi.. namiss ko lang ikaw, Manang." He smiled widely.

"Ikaw din ba, Diocese?"

Matagal na itong si Manang dito. Grade 11 pa lang ako ay nagtratrabaho na siya sa canteen. Pero mukhang inabot din pala ito nina Vance at Dice noong nagsenior high sila. That means.. dito din pala sila nag-shs.

"Iba ho ang namimiss niyan," Vance said and gave out a thunderous laugh. Siya lang naman ang nakakaintindi kung anong nakakatawa.

Pati kasi si Manang ay nakakunot ang noo. Lalo naman si Diocese.

Saglit kaming nagkatinginan ni Vance habang nasa labi niya pa ang ngiti pero ni hindi pa nagtatagal ay itinulak na ni Dice ang tray niya.

Napakamot ng ulo si Vance at tumabi sa gilid.

"63 sa'yo, Dice."

Tumango ito kay Manang. Akala ko magbabayad na siya pero lumingon siya sa akin.

"Ano sa'yo?"

"H-huh?"

May impit na tawa akong narinig sa gilid. I looked up to see Vance staring emptily at the ceiling but with lips that are controlling another laugh.

"Ikaw? Anong sa'yo?" Ulit niya habang nagpapanggap ang kaibigan sa gilid na hindi nakikinig.

"A-ako?"

Tipid siyang tumango. Buti at hindi pa nabubwisit sa pagpapaulit-ulit ko.

"Yes, Jiana. Ikaw. Anong sa'yo?"

"A-ano.. ako na lang. Sige na, bayad ka na.."

Para akong hihimatayin. Bakit may biglang atake siyang gano'n? At.. bakit niya naman kukunin ang order ko?! Pag nagpabili pala ako ng isa pang egg pie, makakalibre ako? Gano'n?

"Anong sa'yo, Jiana? Come on, may nakapila pa."

"Bunso, sabihin mo na at itong kuya mo yata ay nagmamadali..." Pilit ni Manang sa akin.

Vance could not hold his laughter anymore.

"Ang kuya mo.." tumawa siya at hinarap ako habang pulang-pula sa tawa. "Oo, may klase pa ang kuya mo.."

Dice glared at him kaya ibinalik niya din ang mata sa ceiling. Namumula naman ako. Heck kaya! Kinausap niya ako! My first crush talked to me again!

"Jiana, your order," untag ni Dice.

Naputol ang taimtim kong kilig nang makita ang madilim niyang timpla. Napasagot tuloy ako sa kaba.

"A-absolute lang.."

"Ilan?"

Humugot ako ng hininga dahil sa pagkabigla kada lumilipas na minuto. Kung lima ba pwede?

"Isa," bulong ko sabay abot sa kaniya ng kinse pesos.

Tinitigan niya lang iyon sabay baling kay Manang. "Isang Absolute po."

"Bayad ko.." I handed my money, this time, a little higher para makita niya.

Umiling lang siya at kinuha ang bottled water kay Manang. Iniaro niya iyon sa akin kaya iniaro ko din pabalik ang barya.

"Tubig mo.."

"Bayad ko.."

His lips pursed, "Get your water."

"Get my-"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"May iba ka bang gustong pagbayarin ng tubig mo?"

Nanlaki agad ang mata ko. I know where this is going! I don't like where this is going! Not to that different engineering student again!

Inagaw ko ang tubig sa kaniya habang sumisilay sa labi niya ang tagumpay na ngiti.

"Good girl."

Lalong umiling si Vance sa gilid. The same amused expression didn't wear off. Bago sila tuluyang umalis na magkaibigan ay ngumisi pa si Vance kay Manang na kanina pa pala kami pinagmamasdan.

"Ano, Manang?" Vance wiggled his eyebrows. "Gets niyo na po ba?"

Tumango si Manang habang nangingiti rin. They shared a meaningful look. Sila lang ang nakakaintindi at siguro.. ang lalaki sa tabi ko na matalim na tinititigan si Vance.

"Aba.." humalakhak si Manang. "Ay mukhang mapapadalas ang pagkamiss niyo sa akin, hijo."

"Mapapadalas ho talaga. At siguradong mauubos ang break time namin.. kadadalaw." Vance said before his friend dragged him out of the canteen.