webnovel

Chapter 18

"Numb, totoo? Sinabihan ka nya ng ganoon?" Pigil na pigil si Krisha sa kanyang pag tawa kaya inirapan ko siya.

"Oo, yun ang alam ko kagabi." I shrugged my shoulder.

"Hindi mo pa talaga kilala ang cousin ko ano?" Nakapa kunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Okay." Tumango ako. "I just want the get to know each other. Dahil kapag dumating na iyong time na magpapanggap kami is kilala ko na siya."

"Sigurado kaba na hanggang friend lang kayo? Support naman ako-"

Umiling ako kaagad. Imagining Lucas is my more than friend.. It just felt... weird.

"Wag kana umasa sis." Irap ko at kinain ang ice cream habang hinihintay si France dito sa mall.

Nawala ang ngiti sa mukha nya at tinignan ako na para bang nakaka-awa ako. Ayoko pa naman sa lahat ay kinaka-awaan ako.

"Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sainyo pero ito lang ang advice ko." Nilapit nya ang mukha nya sa akin para mas magkarinigan kami dahil sa ingay ng mga tao.

"Kung alam mong walang pag-asa. Tanggapin mo na lang, lumayo kana agad kung ayaw mong mag mukhang kaawa-awa sa tingin ng ibang tao."

"Ano bang sinasabi mo?" Napakunot ang noo ko. Hindi matanggap ang pinagsasabi niya.

"Sis, engaged na yung tao. And that man will never like you. Gising nga." Gigil na sabi nya na parang gusto akong sampalin.

Magsasalita na sana ako nang matanawan si France na naglalakad papunta sa table namin. He was wearing a blue pants and black shirt.

"Iwan ko na muna kayo dito." Hinalikan pa muna nya ako sa pisngi bago tinanguan si France.

"I'm sorry, traffic." Umupo sya sa harap ko at hinuli ang tingin ko.

"Ok lang." Pinaglaruan ko ang spoon sa loob ng cup.

"Ok ka lang ba, ang daming nagbabalita na ilang araw ka daw nagkulong sa kwarto mo."

Nagtataka ko syang tinignan at natawa naman sya sa reaksyon ko. "Sabi ng mommy mo sakin."

"Ah, nakiki balita kapa pala." I unconsciously said.

"Chloe, magkaibigan pa rin naman tayo. Hayaan mo, babawi ako sa'yo. Pumayag naman si Elisha dahil sa mga pinapakita kong photos mo sa kanya noong nakaraan."

Nakita ko ang pagkislap ng mata nya ng banggitin nya ang pangalan ng babae. Parang gusto ko na lang tuloy layasan siya para hindi na ulit marinig yung pangalan ng mahal niya ngayon.

"Sige." Kusang lumabas sa bibig ko kaya naman dumagdag ang kasiyahan sa mata nya.

"Great. Ano yang hawak mo, Ice cream? Akin na lang kung ayaw mo na." Bibong sabi nya kaya tumango ako at binigay na lang sa kanya.

"Sige na, kahit kailan kuripot ka." Sinubukan kong maging tunog masaya.

Pinanliitan nya ako ng mata bago sumubo ng Oreo Ice Cream bago natawa.

"Hindi kaya! Ang sama mo talaga sakin, gusto ko lang kasi na hindi masayang yung pagkain." Pagpapaliwanag nya.

"Kailan ako naging masama sa paningin mo?" Tulalang tanong ko at tinignan sya.

Nagulat sya sa tunog ng boses ko. Muntik pang mahulog ang hawak nyang cup.

"Bakit ang seryoso mo na bigla? Ok ka lang ba talaga?" Kunot na ang noo nya, nagtataka sa reaksyon ko.

"Na-miss lang kita." Pag-amin ko.

Napangiti sya sa narinig at tumayo bago ako bigyan ng yakap. Niyakap ko sya pabalik kasabay ng pagsakit ng dibdib ko.

"Nandito na ulit ako, bibigyan na ulit kita ng oras, Chloe. And I missed you too." Humigpit ang yakap nya sakin at nararamdaman kong naiiyak na ako kaya tumingala ako.

"Hanggang kailan?" Halos pabulong na sabi ko.

"For two months. Ok ba? magbabakasyon na ulit tayo." Tuwang tuwa na sabi nya.

****

Kahit ayaw ng isip ko, pumayag naman ang puso ko. Hindi ako nagpatalo kaya mas natuwa sya ng malaman na hindi ako tumanggi sa alok nya.

Natuwa pa ako dahil halatang namiss nya ako. Bumalik yung pagiging clingy nya sa akin matapos ang apat na araw. Halos palagi na din kaming nagkikita na para bang wala syang ginagawa.

Isang araw, nagulat na lang ako dahil nagpa-plano na siya sa pupuntahan namin bago siya ikasal. Ang sabi nya ay mas gusto na daw nya sulitin ang natitirang panahon na magkasama kami. Dahil kapag kinasal na sya, mawawalan na sya ng time sa kaibigan nya at sa akin.

Mula din nang magpakita si France, si Lucas naman ang hindi nagparamdam. Hindi ko na iyon pinansin at nakipag kwentuhan kay France bago kami matulog.

I choose to stay at his condo. Hindi ko sinabi kaila Krisha dahil alam ko na hindi sya papayag sa gusto kong mangyari. Pero walang pwedeng makapigil sa gusto ko ngayon.

Maaga ako nagising kinabukasan, nakapag impake na din kami papuntang Palawan.

Ako na ang nagluto ng almusal namin. Simpleng tinapay at pinalamanan na lang namin ng corned beef na may patatas para mas madaling kainin.

"Kumain kana muna bago ka maligo." Sabi ko sa kanya at inasikaso pa siya.

"Meron kapa bang bear brand choco dyan?" Inaantok na sabi nya kaya naghanap ako.

"Meron pa naman, ako na magtitimpla." Inunahan ko na sya dahil mukhang pagod pa sya.

"Salamat Chloe ko." Niyakap nya ako sa likuran at mukhang gusto pang matulog.

"Always welcome, tara na let's eat." Palakpak ko bago kunin ang baso at binigay sa kanya.

Mabilis kaming natapos kumain bago maligo. Good thing dahil dalawa ang cr nya. Mayroon sa isang kwarto kaya iyon na ang ginamit ko.

1 pm ang flight namin papuntang palawan kaya naman nag apply na lang ako ng powder at liptint bago ayusin ang mga gamit sa maleta ko.

"Ready?" Bungad nya sa akin ng makalabas ako ng kwarto bitbit ang maleta ko.

"Always ready."