webnovel

Chapter 17

Kinabukasan ay sinimulan ko nang mag ayos ng mga pinamili matapos kumain at maligo. Tinulungan naman ako ni Lucas ng makarating sya ng galing gym dahil naabutan kong pinupunasan nya ang pawis nya.

He was wearing a black short and a gray sando shirt His muscles are showing. Mukhang wala namang pakielam kung pagtinginan ang katawan nya ng mga helpers namin.

"Ayos na, salamat." Sambit ko nang matapos kami.

Uminom sya ng tubig habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko sya ng kilay, naghahamon.

Tumawa pa nga, hindi ko naman alam na may nakakatawa. Minsan, iniisip ko na bipolar sya dahil paiba-iba ang mood nito. Minsan masungit o friendly.

"I wanna ask you out." Sabi nya habang pinupunasan ang tumutulong pawis sa may noo nya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Simula nang malaman ko na nakakaintindi pala sya ng tagalog ay panay tagalog na din ang sinasabi ko. Hindi naman sya nahihirapan doon.

"I wanna ask you a.." Tumikhim sya at namula bigla ang mukha nya at tenga nya.

"Ano nga?" Kunot noong sagot ko.

"Date." Halos pabulong na sabi nya at tumalikod.

Date? bakit naman nya ako aayain ng date? Wala namang kami.

"Bakit ako?" Sambit ko at iniharap siya sakin.

"Why not?"

Nagulat ako sa sagot nya. Seryoso pa talaga sya at tinitigan pa ako. Nailang tuloy ako bigla at ramdam ang pag init ng mukha ko sa kahihiyan.

"Tsk. don't blush, it's just a friendly date." Sarcastically said and rolled his eyes at me.

"Ah talaga ba, bakit nahiya kapa kung walang meaning sa'yo?" Deretsong tanong ko, hinahamon sya.

Malalim ang buntong hininga nya bago harapin ako. Nauubusan na nang pasensya ng dahil sa'kin. Wala naman akong ginagawa na ikinagagalit nya ah?

"Just change clothes." Umalis na sya at hindi na sinabi kung bakit pa sya nahiya.

Nagbihis na nga ako. I was wearing a white pants and a pink croptop long sleeves. Nagsuot na lang din ako ng white shoes at suot palagi ang diamond necklace.

It's just a simple date. A friendly date, wala nang iba. I applied a powder on my face and a liptint to cheeks and small lips. Itinali ko na lang ang buhok ko in a half ponytail bago lumabas.

Tahimik lang kami buong byahe. Pero mabilis lang din naman kaming nakarating dahil wlaang traffic, himala nga e.

Mabilis din syang nag shower at nagbihis. He was wearing a blue pants and a peach t shirt. Inayos nya pa ang madulas nyang itim na buhok bago humarap sa'kin.

"Let's go." Hinawakan nya ang kamay ko at nagulat naman ako doon.

Tumango na lang ako at hindi nakapagsalita. Na we-weirduhan sa kinikilos nya after a month. Hindi naman sya ganito e. Pero hindi na ako magtataka dahil nagbabago naman talaga ang tao kung gugustuhin nila.

"Saan ba ang punta natin?" Tanong ko ng makapaspk sa sasakyan nya at sinuot ang seat belt.

"Amusement park." He pursed his lips and hiding a small smile on his lips.

Tumango na lang ako at hindi nagsalita. Naramdaman ko naman na nilingon nya ako.

"It's okay if you don't want to-"

"No- It's okay." I bit my lower lip and looked at the window.

It just didn't feel... right. I always remember him.. with me. And I don't want to compare with that small things. He didn't also known either, I don't want to ruin his joyful mood for today.

Should I be happy with another person I only knew for months? Should I escaped what my experience from the past?

****

Pagkarating namin ay hinawakan nya agad ang kamay ko na may ngiti sa kanyang labi.

Nagpahila naman ako sa kanya, mukhang sya pa ang excited kahit na hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala.

I should be happy. Yes, I should. I intertwined our hands together at napatingin sya doon.

"Ready?" Tumango naman ako sa kanya at tiningala sya ng kaunti dahil mas matangkad sya sa akin.

I already have fun with him. Tumili pa ako ng bumaliktad kami sa roller coaster habang nagsisigaw ako. Narinig ko pa ang tawa ni Lucas sa tabi ko dahil sa reaksyon ko.

We ride more before we ended up eating. Habang kumakain ako ng fries ay nakatingin lang sya sa sa mga tao na nakasakay sa ibang mga rides.

"I only have one wish."

"Ano?" Tumingin ako sa kanya ng maramdaman ang tingin nya sa akin.

He gave me a small smile. "If I came back, I'll bring my girl here.."

Napakunot ang noo ko ng hindi marinig ang huling sinabi nya. Binigyan lang nya ako ng ngiti bago magpaalam dahil bibili.

Marami pa kaming sinakyan matapos bago nag aya ng umuwi dahil magdidilim na. Tahimik lang kami sa sasakyan nya kaya naman nagpatugtog na lang ako para hindi magkaroon ng awkward sa loob.

Biglang nag vibrate ang phone ko kaya humina yung sound. Kinuha ko naman iyon at chineck nang biglang matigilan ng makita ang pangalan nya.

From: Paris

Can we go out for tomorrow? I wanna talk to you.

Pinatay ko ang phone matapos mabasa ang mensahe niya. Nagdadalawang-isip kung papayag ako.

"Is that your best friend?"

Huminga ako ng malalim bago tumango. "Yes."

"Then you should talk to him, It's time now Chloe."

He simply said that.

Ang daling sabihin, pero kapag nandyan na, akala ko kaya ko. Pero hindi pa pala. Napakahirap mag plano para sa sarili, napakadaling mag isip ng pwedeng gawin pero kapag nandyan na, talo kana naman.

"Sure," Yun lamang ang sinabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Thanks for the ride, and sa friendly date." Sambit ko sa kanya at tinapik sya sa balikat.

"Why are you so numb?" Biglaang tanong nya kaya nagulat ako.

"Huh?" Tanong ko pabalik ng hindi ma gets ang pinupunto nya.

"Nevermind, you're welcome." Hinalikan nya ako sa noo at nagulat ulit ako doon pero hindi ko na pinahalata.

"Ingat." Sambit ko bago tinanggal ang seat belt at bumaba na.

Tumawa siya sa reaksyon ko bago kumaway sa akin. "I'll see you next time."