webnovel

Accidentally fall inlove with my enemy

Heysel_Estoquia · 若者
レビュー数が足りません
8 Chs

Chapter Six

SPAIN'S POINT OF VIEW

"Spain!!!Gising na!"

Rinig na rinig ko ang sigaw ni Ate Louisse mula sa labas ng kwarto ko.

"Spain!Gising ka na ba!?"

"Oo!Gising na gising!"

Tumayo na 'ko at pumunta sa banyo.Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na 'ko ng sarili ko at shaka bumaba.

"Kumain ka muna!"si Ate Louisse na naghahanda ng pagkain sa lamesa."Nandito siya kagabi"

"Sino?"tanong ko

"Si Lux.Sino pa ba?Kaso tulog ka na kaya...umuwi kaagad siya"

"Buti 'di mo 'ko ginising"

"Hindi ka niya pina-gising sakin"sagot niya sakin

"Tapos na 'ko!Alis na 'ko!Bye!"iniwan ko siya kusina at umalis na

PARKING LOT

Pinarada ko na ang kotse ko.Hindi narin ako nagpapasundo kay Kaycee dahil ayokong may naghihintay sakin dahil mabagal akong kumilos.Baka parehas pa kaming ma-late pagnagkataon.

Pagkababa ko ng kotse ay sakto namang nakita ko si Dark.

Malas!

Hindi niya 'ko nakikita dahil nakatalikod siya sakin.Inaayos niya ang bag niya,kaya naman nilapitan ko siya.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya at bahagya siyang nagulat.

"What the fuck!?"sigaw niya.Lumingon naman siya sakin."Ikaw!?Anong ginagawa mo dito!?"nakakabinging sigaw niya

Babasagin niya ata ang eardrums ko!

"Pinuntahan ka,obvious ba"

"Umalis ka nga dito!Bwiset!!"

"Hoy!May itatanong ako sayo" sabi ko at agad naman siyang natigilan.

"ANO!?"

"King ina,isa pang-sigaw mo dadapo na 'tong kamao ko dyan sa nguso mo"banta ko sa kanya at bigla naman siyang tumahimik

Okay,effective!

"Ikaw ba ang naglagay 'non kahapon sa upuan ko?"tanong ko sa kanya na ikinagulat niya naman.Alam niya ang tinutukoy ko.

Sabi ko na nga ba!?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo"

Sinungaling!

"Kung ganon,ay ikaw nga"

"Anak ng--sabi ko hindi ko alam"

"Okay!Bat ka sumisigaw?"tanong ko at mas lalo siyang napipikon.

"NONE OF YOUR BUSINESS!!!"agad ko siyang tinalikuran dahil ang sakit sa tenga ng boses niya.Pumunta agad ako sa classroom at na-upo sa pwesto ko.

Ano kaya ang pwede?

Nag-iisip ako ng paraan para magantihan ang lalaking 'yon.Kailangan kong makabawi sa kanya.

DARK'S POINT OF VIEW

Sa sobrang inis ko sa babaeng 'yon ay 'di ko namalayanang oras.

"Shit!Malapit ng mag-umpisa ang first period namin"tinakbo ko ang room namin dahil nasa third floor kami Pumasok ako sa roomng hingal na hingal.

"Oh anyare sayo?Nag-fun run ka ba!?"si Ice

"Buti wala pa si Miss Sally!Akala ko late na 'ko"

"Good morning,Class"

"Ayon sakto!Ang swerte mo HAHAHA!"si Zymer

Nagsulat si Miss Sally ng equation sa board at pagkatapos ay humarap ito samin.

"Ms.Manabat,answer this equation:six plus squareroot of nine divide two times three--what's the answer?

"Ahh Miss?Hindi niyo pa po ito natuturo samin"

"Naturo ko na sa kanila ito kahapon,kayo nalang ang hindi.Kaya sa ayaw at sa gusto niyo sasagutan niyo ito.What's the answer Ms.Manabat?"

"Ahmm..."nararamdaman kong kinakabahan siya

"Hindi mo alam?Puro kase pakikipag-landian ang inuuna niyo!Remain Standing!Ms.Perez,answer!"

"I don't know,Miss"nakatungong sumagot si Yannie

"Ayan!Isa ka pa!Kalandian ang inuuna!Ikaw,Ms.Diaz,ano ang sagot!?"

"Hindi ko rin po alam,Miss"si Keziah

"Tsk!tsk!Isa ka rin!Puro pagno-nobyo ang inaatupag!Mga walang alam.Oh ikaw,Ms.Bautista!"hindi rin naka-sagot si Amanda at nakatayo parin sila.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko.Syempre,isa ka rin.Kung nasaan ang mga kaibigan mo,nandoon ka rin.At isa ka pa!"turo niya kay Kaycee. "New Student ka pa 'man din!"pagkatapos niyang pagalitan si Kaycee ay tumingin naman siya kay Spain

Doon ko lang napansin na wala siyang pakialam sa paligid niya.Na kahit napapagalitan na ang mga kaibigan niya ay kalmado parin siya.Nakatingin lang siya sa board at wala paring paki-alam.Bigla nan siyang tumayo at tumingin kay Miss Sally.

"Ako na ba ang sunod?"matapang na sagot niya.

"Aba!May pakiramdam ka pala,ano!?Alam mo ba ang sagot?Malamang hindi,isa ka rin sa--"

"Six plus squareroot of nine divide by two times three is equal to six plus squareroot of three divided by six and the total answer is nine over six."pinutol ni Spain ang sinasabi ni Miss Sally.

"Woah!Ang galing niya...!"rinig kong namangha si Zymer

"Akalain mo nga naman ano!?Ang hindi ko pa naituturo sa inyo ay alam mo sagot!Sige nga,tingnan ko ang galing mo!"nagsisimula nang sumabog si Miss Sally.Halatang napipikon na ito kay Spain."Six minus squareroot of nine divided by two times three,what's the answer?"nakataas ang kilay niya.

"Six minus squareroot of three divided by six and the answer is three over six"sagot ni Spain.Hindi man lang mababakas sa mukha niya ang kaba at takot.

"Solve this equation; four equals K times twelve?"Isa pang tanong ni Miss

"K equals four divide twelve,K equals zero point thirty-three,X equals zero point thirty-three Y,Y equals twelve divide zero point thirty-three and the answer is Y equals thirty-six point thirty-six"mahabang sagot ni Spain .

"Aba!Akalain mong pati ang pang-second quarter na topic ay alam mo!?Tsk!tsk!Kaya siguro malakas ang loob mong makipag-date,ano!?"

"Tayo na ang sunod nito.Ihanda niyo na ang sarili niyo!HIHIHI!"pilit na tawa ni Zymer

"Tumahimik ka nga dyan!"saway ko

"Tss!Sisiw"nahinto sa pagtawa si Zymer at nagulat ako dahil sa sinagot ni Spain kay Miss Sally.

"Napaka-yabang mo pala!Naturingan ka pa namang new student pero ganyan ka umasta.Baka nakakalimutan mong ako parin ang teacher dito!"

"Baka nakakalimutan niyo rin na estudyante kami.Responsibilidad niyong mga guro ang turuan kami at disiplinahin,pero sa pinapakita niyo-kayo ang walang disiplina.Sinasabihan niyo kami na hindi kanais-nais na salita"

"Aba't sumasagot ka pa!!Wala kang respeto!"sigaw ni Miss

"Tapos na ang oras niyo,Miss"sabay ngiti kay Miss.

"Ipagpapatuloy natin ang discussion sa Monday!Maghanda kayo dahil may recitation tayo.Goodbye!!"

"Ano ba 'yan!?Recitation?"

"Kainis naman!"

"Mamatay na magpapa-recitation!"

Reklamo ng mga kaklase ko.Nakatingin ako sa gawi ni Spain.Tahimik lang siya at nagbabasa ng libro.Nagkwe-kwentuhan naman ang iba pang mga kaibigan niya na para bang walang nangyari.

"Grabe!Bilib ako sa tapang ni Spain!"si Mark "Ikaw Zymer?Bakit tulala ka na dyan?"

"Ang talino niya.Pucha,nasagot niya ang lahat ng equation!"

"Siya lang ang nakagawa non kay Miss Sally.Eh kahit nga si Dark na anak ng may-ari ng school ay hindi 'yon nagawa.Ang astig niya,diba Sean!?"si Ice

"Yeah.I like her"sabay-sabay kaming napalingon kay Sean

"Nakasagot lang siya,gusto mo na agad?"sabi ko kay Sean

"Da-moves mo rin eh HAHAHA"si Zymer

Pumasok naman agad ang sunod na lecturer namin.

DISCUSS

DISCUSS

QUIZ

DISCUSS

LUNCH BREAK

CANTEEN

Pagkatapos naming umorder ay umupo na kami sa pwesto namin.Nagtitilian ang mga babae kapag napapadaan kami.Minsan nan ay nagpapa-picture pa.Hindi naman bago samin 'yon.Peeo ang napansin ko ay si Spain.Kapah nakikita niya 'ko ay walang kislap ang mga mata niya.Hindi tulad ng mga babaeng nakasalubong ko.

Siguro tomboy siya!

Pero hindi eh..kilos babae siya!

"Pwede ba kaming maki-table?"bumalik ako sa ulirat ng may nag-salita.

"Oo naman!Kayo pa!?"si Mark

Sa hinding inaasahang pagkakataon ay nakaharap ko si Spain.

Oo!Siya nga!

Kapag minamalas ka nga naman o!

Patuloy lang siya sa pagkain niya at wala siyang pakialam sa nangyayari.

Manhid kang tomboy ka!!!

"By the way,Ang galing mo kanina Spain.Akalain mong nasagot mo ang lahat ng equation ni Miss Sally!Naks!*pagkwe-kwento ni Yannie.

"Oo nga!Ang galing mo sa part na 'yon!"dag-dag ni Amanda

"Buti nalang at nasagot mo lahat 'yon dahil kung hindi tiyak na pati ikaw ay nasabihan na ng malandi HAHAHAHA!"nagtawanan sila

Hanggang ngayon,hindi parin umiimik si Spain.Nasa pagkain ang atensyon niya.

"Matalino talaga 'yang bestfriend ko!"si Kaycee

"Bibili muna ako ng juice"paalam ko sa kanila

"Ako rin!"palahaw ni Ice

"Pucha,Naka-limang juice ka na,nakukulangan ka parin!?"giit ni Zymer

"Ii-ihi ko rin naman 'to!"

"King ina ka!Kadiri!!"si Mark

Iniwan ko na sila at tumungo nasa counter.Pagkatapos kong umorder ay bumalok na'ko.Patuloy parin sila pakikipag-kwentuhan.

"HAHAHAHA Oo nga!"malakas na tawa ni Zymer

"Dahil sa katakawan ni Ice,sumama ang tyan niya...tapos nag-cr siya-ang problema may mga tao sa lahat ng cubicle.Ayon no choice siya,tiniis niya yung tawag ng kalikasan HAHAHAHA"kwento ni Mark

"WHAHAHAHAHAHA!!!"tawanan nilang lahat

Hindi parin nakikisali sa tawanan si Spain.

"Hoy!Hindi totoo 'yan!Wag kayong maniwala sa kanila!"pagtatanggol ni Ice sa sarili.

Pagkatapos ng kainan at kwentuhan namin ay nagyaya na silang umakyat.

SPAIN'S POINT OF VIEW

"Dark ano yan!?"tanong ni Mark

"Ang alin?"

"Ayan oh!"turo moya sa pwetan ni Dark."Nireregla ka ba?"

"What the--what is this!?Saan galing 'to!?"tumingin siya sa inuupuan niya kanina.May nakita siyang kulay pulang likido.At kumapit ito sa pants ni Dark.

"Dude,hindi mo sinabi samin na meron ka pala ngayon,edi sana binilhan ka namin ng napkin HAHAHAHA!"pang-aasar ni Zymer

"Shut up Zymer!!"

"Oh my ghad!Si Dark,look!"

"Hala! Anyare sa kanya!"

"Tingnan mo Josie,yung crush mo parang may something sa pwet niya HAHAHAHA!"

"Hala,oo nga!Ano kaya 'yon?"

"Shit,nakakahiya!Mauuna na muna ako!"paalam ni Dark

Ngayon,alam mo na ang pakiramdam!

Buti nga sayo!

Habang paakyat kami ay patuloy parin sila sa pakikipagkwentuhan.Ako naman ay tahimik habang naglalakad.Iniisip ko kung ano na ang mga ginagawa niya ngayon.

Good job,Spain!

Nakaganti ka rin!

CLASSROOM

"Sab!Alam kong ikaw ang may gawa non"bulomg sakin Kaycee Kahit kailan talaga ay kilalang-kilala na niya 'ko.

"Tumahimik ka na lang,Cee"

Flashback

Nagpaalam na bumili ng juice si Dark.Habang nagkwe-kwentuhan sila ay may kinuha akong lalagyan sa bulsa ko.Ang laman nito ay syrup. Oo!Syrup itong pancake. Bumili ako kanina ng pancake at humingi ako ng exyra pang syrup.Dahil sa kagustuhan kong makabawi sa kanya ay ginaya ko ang ginawa niya sakin.

Hindi nila napansin ang paggalaw ko dahil busy sila sa kakatawa.May kanya-kanya silang mundo.Binilisan ko ang kilos ko.Kinalat ko ito sa inuupuan niya.Hindi niya ito mararamdaman dahil liquid ito.

Hanggang sa nakabalik na siya.Parang walang nangyari.Tuloy parin sila sa pakikipag-kwentuhan.

End of flashback

Nakita ko na umupo si Dark sa pwesto niya. Wao!May bagong pants din siya. Mukhang may baon din siya.Nakita ko lilingon siya sa gawi ko kaya naman umiwas agad ako ng tingin.Baka isipin pa non na may gusto ako sa kanya. Yuck!

Pumasok naman agad ang lecturer namin.

DISCUSS

DISCUSS

LONG TEST

DISCUSS

DISMISSAL

"Yes,sa wakas!"malakas na wika ni Kaycee habang inuunat pa ang kamay niya."Let's go na,Sab!"tumango naman ako sa kanya.

DARK'S POINT OF VIEW

Nasa parking lot kami ngayon.Pasakay na dapat ako sa kotse ko nang biglang natanaw ko sila Kaycee at si Spain.

Nakita ko na pasakay nasi Spain sa kotse ng biglang siyang sumigaw.

"AHHHH...!"

Lumapit agad sa kanya si Kaycee at biglang hinila si Spain papunta sa likuran niya.May kung anong inaapakan si Kaycee.Pagkatapos niya 'yong gawin ay humarap siya kay Spain at sabay yinakap niya 'to.Parang batang umaatungal sa iyak si Spain.Nanginginig din ang kamay nito.Pilit na pinapakalma ni Kaycee amg kaibigan niya.Nang medyo maayos-ayos na ang pakiramdam ni Spain ay inalalayan ni Kaycee si Spain papunta sa kotse nito at pagkatapos ay parehas na nilang nilisan ang parking lot.

Anong nangyari sa kanya?

Bat nagka-ganon 'yon?

Lumapit ako sa pwesto nila kanina.Tiningnan ko ang kaninang inaapakan ni Kaycee.At nagulat ako sa kadahilanang takot siya dito.

Pagkatapos kong tingnan 'yon.Pumunta na 'ko sa kotse ko at nag-drive pauwi.