webnovel

Accidentally fall inlove with my enemy

Heysel_Estoquia · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter Seven

SPAIN'S POINT OF VIEW  

GOOD MORNING SATURDAY!

Maaga akong gumising dahil may lakad ako.Pagkababa ko ay sinalubong ako kaagad ni Ate Louissse.

"Saan ka pupunta?"tanong niya habang nagwawalis

"Magpapa-practice"sagot ko

"Nang ganito kaaga?"nakataas kilay niyang tanong."Kumain ka muna.Hindi kita papayagang umalis kapag hindi ka kumain.Magagalit sakin si Madam!"

Sumunod ako sa kanya sa kitchen.Nakahanda na ang mga pagkain sa table.May sandwich,bacon,egg,hotdog at fried rice.Lago siyang ganito tuwing umaga.Naglilinis ng bahay,naghuhugas ng pinggan,naglalaba ng mga damit,nanlalapaso ng sahig,nagtatanggal ng mga dumi o alikabok.Napaka-sipag!

Pagkatapos kong kumain ay umalis kaagad ako.Pumunta ako sa court na malapit sa subdivision namin.Nagpa-practive ako magbasketball kapag wala akong ginagawa sa bahay.Minsan ginagawa ko 'to kapag nai-stress ako sa mga business na pinapagawa sakin.

Eight years old palang ako ay nakahiligan ko ng maglaro ng basketball.Lagi kong kasama si Daddy noon.Siya ang nagtuturo sakin kung paano ito laruin.Masayang ala-ala nung kabataan ko pa.

Dinidrible ko muna ang bola,bago ko 'to i-shoot.Tapos tatakbo ako na parang may kalaban at shaka ako magco-cross over.Tapos tatakbo ulit ako at shaka ko ito isho-shoot.Pinag-aaralan ko rin ang paghagis ng bola mula sa court ng kalaban hanggang sa court ng aming team.Alam kong impossible ito ngunit gumagamit ako ng siyensyapara macalcula ko at mai-shoot ito sa ring.

Nag-stay pa 'ko sa court ng ilang oras.Maya-maya pa ay may nagsidatingan na mga lalaki.Siguro maglalaro sila,kailangan ko ng umalis,mag-gagabi na.Dahil sa pagmamadali ko ay may nabangga ako.Nag-angat ako ng tingin,ito yung mga lalaki na binugbug ko dati.

Patay na!

Baka mamukhaan nila ako!

"Sorry,Miss"sabi nung lalaki na nabangga ko.Tumango lang ako at naglakad na.Pero hinigit niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako."Nagkita na ba tayo dati?Pamilyar ka kasi sakin.Ano nga palang pangalan mo?"nakatalikod ako ng bahagya sa kanya.

Shit!Wala akong practice ngayon!

"I have to go" sabi ko.

"Sandali lang!Natatakot ka ba sakin!?"hinarap niya 'ko sa kanya."Sandali...namumukhaan na kita!"nagulat ako sa sinabi niya

Anong gagawin ko?Tatakbo?

"Ikaw yung babaeng,bumali ng buto sa kasama ko!"

"Nagkakamali ka.Aalis na 'ko"pinigilan niya ko

"Wag mo kong gawing tanga!Alam kong ikaw 'yon!Akalain mong dito pa tayo magkita?"

"Mukhang gaganahan ako nito!" Sabi ng kasama niya

"Mamaya na tayo maglaro,tikman muna natin 'tong babaeng to!"

"Oo nga!Tara na!"

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay ko.Ang lalaking kaninang nakakilala sakin ay nag-hubad ng damit. Kadiri! Unti-unting lumalapit siya sakin.Nang medyo naaabot ko na siya ay bigla ko siyang sinipa sa private part niya.Rinig na rinig kong dumaing siya.Ang dalawang lalaking humawak sa mga kamay ko ay nabigla sa ginawa ko kaya kinuha ko amg pagkakataon na 'yon para makuha ko ang dalawang braso ko.Sinipa ko ang nasa kaliwa ko at sinuntok ko naman ang nasa kanan ko.Ang iba pa nilang mga kasama ay sumugod sakin.Pero imbes na lumaban ako ay tumakbo ako.Hindi ko muna sila lalabanan ngayon dahil kagagaling sa practice,pagod pa ko ngayon.

Hanggang ngayon ay tumatakbo parin ako.Alam kong pinaghahanap na nila ako kaya nagtago muna ako sa likod ng puno.Ang subdivision na 'to ay pinaliligiran ng mga puno.Bukod sa mga malalaking bahay,ay mga puno dito.Nakita ko na papalapit sila sa gawi ko pero huminto sila——tila may hinahanap At alam kong ako 'yon.Nang wala silang makita ay bumalik nalang sila.

I'm safe!

***

"Oh bakit parang namumutla ka?"tanong sakin ni Ate Louisse."May nangyari ba?"

"Wala naman"liar.Mukhang hindi ko makukumbinsi si Ate Louisse kaya mas lalo siyang lumapit sakin at sinipat-sipat ang aking mukha.

"Wag kang mag-sinungaling sakin Spain.Ano ang nangyari?"tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa.Madali niya kong mahalata kapag nagsisinungaling ako kaya naman kwinento ko sa kanya ang nangyari.Pati ang mga walang kwentang detalye ay sinabi ko na rin.

"Ngayon,pwede na ba akong umakyat?Pagod na 'ko"

"Sa susunod na magpapractice ka ng basketball,doon kay coach.Hindi yung kung nasaan ang court ay basta ka nalang maglalaro.Kaya ka napapahamak!"

"Oo na.Sige na"nag-paalam nako at shaka umakyat sa kwarto.

Mabilis lumipas ang panahon.Kaya naman ngayon ay balik eskwela ulit.Makikita ko na naman ang malas sa buhay ko.Dapat hindi na ko nag-aral pa.Masyadong hassel.

DARK'S POINT OF VIEW

Hello Monday!

Nagda-drive ako papunta sa school ngayon.Magiging masaya ang araw ko ngayon.Pagkatapos akong pahiyain ng babaeng 'yon sa harap ng mga taga-hanga ko.Alam kong siya ang may pakana 'non.Ang paglagay ng syrup sa inuupuan ko.Wala nang ibang gagawa 'non kundi siya dahil siya lang naman ang may lakas ng loob na kalabanin ako.Alam ng mga kaibigan ko na mag-kaaway kami ni Spain pero minsan palihim parin akong umaatake at lingid iyon sa kaalaman nila.

This is gonna be exciting!

PARKING LOT

Pagkalabas ko ng kotse ay walang masyadong estudyante.Sinadya ko talagang agahan dahil may malaking pasabog ako.Hindi ito alam ng mga kaibigan ko.

CLASSROOM

"Good morning Dark!"bati sakin ng kaklase ko na kinikilig pa

"Good morning din"ngumiti ako.Pumunta na 'ko sa upuan ko at hinihintay na magsidatingan ang iba pang mga estudyante.

A few minutes later

"Naks!Ang aga natin ah..!"si Zymer

"Good morning babes!"nang-aasar na ngiti ni Mark Jay

"Pakyu ka!Anong babes ka dyan!Kasiri ka!!"pagtataboy ko sa kanya

Maya-maya pa ay dumating na si Spain,kasama niya ang mga kaibigan niya.Umupo sila sa kanya-kanyang mga upuan.

Sakto naman ang pagdating ni Miss Sally.Nakakunot ang noo nito habang naglalakad papunta sa gitna.May dala itong index card at isang ballpen.Doon niya siguro ire-record ang mga scores namin.

"Ang hindi makakasagot sa tanong ko ay tatayo at maaari  lamang itong umupo pagkatapos ng klase ko.Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo Miss!"sagot namin

"Give the meaning of isoceles trapezoid.Santiago!"tawag niya sa kaklase ko

"Isoceles trapezoid is a convex quadrilateral with a line of symmetry bisecting one pair of opposite sides.It is a special case of trapezoid.Alternatively,it can be defined as a trapezoid in which both base angles are of the same measure

"Sitdown.Next,angle A plus angle B plus angle C equals one-eighty degree.The value of A is 41°,the value of B is undefined ang the value of C is 36 equals one-eighty degree.Now,what is the value of angle B?"tumingin siya kay Spain.

Basta pagmahirap kay Spain niya pinapasagot.Pero nasa kung saan lang ang tingin ni Spain.Wala siyang pakialam.Lahat kami ay nakatingin sa kanya,naghihintay na magtagpo ang tingin nilang dalawa niMiss Sally.

"Hoy aba!Kanina pa 'ko nakatingin sayo!Wala kang balak sumagot!?"galit na tawag ni Miss

Tumayo nan si Spain at deretsyong nakatingin kay Miss."Angle B plus seventy-seven degree equals one-eighty degree.Angle B equals one-eighty degree minus seventy-seven degree.The value of Angle  is 103°."pagkatapos sumagot ay umupo agad siya pero pinatayo ulit siya ni Miss.

"May sinabi ba 'kong umupo ka?"si Miss Sally."Solve this equation;X squared minus 2x equals three"

"X squared minus two X minus three equals zero,X squared plus one minus three X minus  three equals zero,X plus one times X minus three equals zero,X plus one equals zero,X minus three equals.The answer is X equals negative one and X equals three"pinilig niya pa ang kanyang ulo,tila nagmamalaki.

Yabang!

"Sitdown!"galit na sigaw ni Miss."Ms Manabat stand up,parallelogram and not parallelogram lamang ang maaari mong isagot.Trapezoid."

"Not parallelogram,Miss"

"How about,rectangle?"

"Parallelogram"

"Okay!You may sitdown!"tumingin sakin si Miss Sally.Tumayo ako kaagad dahil paniguradong ako na ang susunod."Nakakaramdam ka pala Mr.Santillan!?"

"Of course,Miss"sagot ko

"The given is A1 equals ten point five.The question is,what is MC?"

"21,Miss"

"How did you solve for MC?"

"By only adding the length of A1 by itself"

"Another given is CG equals thirty-two.What is GI?"sunod na tanong ni Miss Sally sakin.

"16 Miss"sagot ko ulit

"How did you solve for GI?"

"By adding CG by 2"

"Sitdown Mr.Santillan!Sa susunod kung makikipag-date kayo siguraduhin niyong hindi kayo liliban sa klase ko!Mga naturingang estudyante pa naman!Bukas maghanda kayo dahil magkakaroon tayo ng quiz!Goodbye!"nagdere-deretsyo paalis si Miss Sally sa classroom namin.

Mabilis natapos ang pang-umagang klase namin.Kaya naman dumeretso kami kaagad sa canteen.

"Nice catch,Dark!Nasagot mo lahat ng tanong ni Miss!"puri ni Mark sakin.

"Oo nga!Iba talaga kapag nagre-review!" Wika ni Zymer

"Tss!Timigil nga kayo!"pagpapatahimik ko sa kanila.

"Kanina ang galing ni Spain.Grabe, yung dalawang difficult equation na tanong sa kanya ay parehas niyang nasagot.Akalain mong alam niya lahat 'yon.Nag-review ako nung sabado't linggo——yung mga tanong ni Miss Sally sa kanya ay advance ng dalawang quarter."paliwanag ni Mark

"Mas magaling parin ako sa kanya.Tss!"pagmamalaki ko sa kanila.

"Hambog ka,Dilim!"naka-ngusong saad ni Ice

"Eh,mas madali lang 'yong tanong mo kaysa sa kanya HAHAHAHA!"tumawa ng malakas si Zymer at nakuha nito ang atensyon ng lahat.

"Ang ingay mo!"saway ko "Sandali lang magbabanyo lang alo"paalam ko sa kanila.

SPAIN'S POINT OF VIEW

Nakita kong umalis si Dark sa pwesto niya.Mukhang inaasar siya ng mga kaibigan niya dahil sa lakas ng tawa ni Zymer.Nandito kamo ngayon sa canteen.Kasama ko ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa classroom.Kasunod lang namin ang grupo nila Dark.Sakto naman at  dumating si Miss Yell.

"Kumuha kayo ng papel at magkakaroon tayo ng quiz.One to twenty lang naman.Tungkol ito sa previous lesson natin kaya madalu nalang ito para sa inyo."kumuha ako kaagadng papel sa bagko,napansin ko ang maliit na box sa loob nito.Kinuha ko ito at dahan dahan kong binuksan.

"AHHH~~"

*BOOM*

KAYCEE'S POINT OF VIEW

"AHHH~~"narinig kong  sumigaw si Sab kaya naman lumingon ako kaagad ngunit nakita kong nakahiga siya sa sahig.Agad ko naman siyang nilapitan at niyuyuguog ang ulo niya.

"Anong nangyari——dyos ko!Anong nangyari kay Ms.Chavez!?"gulat na tanonh ni Miss Yell."Dalhin niyo sa clinic,boys...paki-buhat si Ms.Chavez"turoniya sa grupo nina Dark.Agad namang binuhat ni Mark si Sabrina.

Clinic.Hanggang ngayon wala paring malay si Sab.Nandito kami ngayon sa tabi niya.Kasama ko sina Yannie,Keziah,Amanda at Mark.Iniwan muna kami ni Miss Yell dahil hindi pwedeng iwanan ang iba pa naming kaklase.

Lubos akong nag-aalala sa kanya dahil hindi ko mawari kung anong dahilan ng pagkahimatay niya.Nababahala din ako sa magiging resulta nito kay Sab.

"Ano bang nangyari kay Spain?Bakit siya nahimatay?"tanong ni Yannie

"Hindi ko alam.Nakita ko nalang siya na nakaratay sa sahig.Maayos naman siya nung nasa canteen tayo."sabi ko

"Sabi ni Nurse Anne dahil daw sa sobrang pagkatakot kaya siya nahimatay Ang tanong,saan naman siya natakot?"tanong ni Keziah

"Owemji!Hindi kaya dahil..."binitin ko ang sasabihin ko

"Dahil ano!?"sabay-sabay nilang tanong

Biglang bumukas ang pinto kaya naman napalingon kaming lahat.Pumasok silang apat.Sina Zymer,Ice,Sean pati Dark.

Anong ginagawa nila dito!?

Kumpleto talaga sila,huh!

"May nakita kaming maliit na box na malapit sa upuan ni Spain."binigay sakin ni Zymer ang box.Binuksan ko kaagad ito.

"Shit!"bigla akong napasigaw dahil may tumalon sakin na nanggaling sa maliit na box.Pinagpag ko ito at shaka ko inapakan."Saan galing 'to!?"

"Nakita ko lang 'yan don.Baka kay Spain 'yan!"si Zymer

"Hindi sa kanya 'to!"medyo napataas ang boses ko

"Bakit,ano bang meron dyan sa gagamba?"pagtatanong ni Mark

Bumuntong hininga ako bago ako tumingin kay Spain.Pinagmasdan ko ang mukha ng kaibigan ko.

Letchugas talaga!

Kahit kailan,maganda pa rin siya!

"Ito ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya 'to.May phobia siya sa gagamba.Sa tuwing makakakita siya ng gagamba ay malaki ang epekto nito sa kanya.Nanginginig ang mga kamay niya,minsan naman mahihirapan siyang huminga,may pagkakataon pa nga'ng mahirap siyang kausapin."

"Kaming dalawa lang ang nakakaalam kung ano ang kinatatakutan niya,bukod sa pamilya niya syempre.Pero dito sa loob ng school mukhang may iba pang nakaka-alam 'non.Except sa inyo dahil kwinento ko na.Ang akin lang,sana hindi ito makarating sa iba."

"Kung ganon,sino naman kaya ang gagawa 'non?At paano niya nalaman na takot si Spain sa gagamba?"nagtatakang tanong ni Keziah

"Hindi ko alam"

Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni Sab.

"Hey Sab!Gising ka na!"niyakap ko siya."Okay ka na ba?May masakit ba sayo?Hey!Magsalita ka naman!"sunod-sunod kong tanong ngunit lang siya sakin.

"Hi Spain!Okay ka lang?"nag-aalalang tanong ni Amanda.Hindi siya nito pinansin subalit tinitigan niya lang ito.

Bumabalik na naman siya!

"Hindi natin siya makaka-usap ng ganyan ang lagay niya."sabi ko

"Nakaka-awa naman siya!"sabi ni Ice habang kumakain ng ice cream.

"Ahm...Bibili muna kami ng makakain,baka kasi gutom si Spain."

DARK'S POINT OF VIEW

Kasalukuyang nasa clinic kami.Nakahiga parin si Spain pero gising na ito.Nakatingin lang siya sa kisame at nilalaro niya ang mga daliri niya.Inaamin kong nagi-guilty ako.Hindiko naman alam na ganun ang magiging epekto sa kanya.Ang inaasahan ko kasing mangyayari ay magagalit siya o kaya naman ay magugulat lang.Mukhang napa-sobra ata ako.Ginamit ko ang kanyang kahinaan samantalang siya ay hindi.

Kaso ayokong nalalamangan ako.

Siya lang amg babaeng nakagawa ng mga bagay na hindi ginagawa ng mga ordinaryong babae.Ang nag-iisang lumaban at kumalaban sakin.Ang nag-iisang naka-suntok sa napaka-gwapo kong mukha.Pero dahil sa inis at galit ko ay pinatulan ko siya.

Sorry Chavez!

Dumating sina Yannie na may bitbit na pagkain.

"Eto na!Meron dyan'g pancake,chocolate cake,ice cream,peperoni pizza,fries at juice.Ubos na yung rice nila kaya ayan nalang yung binili namin."paliwanag ni Yannie

"Salamat dito girls"

Kinuha ni Kaycee ang pancake at humiwa ng konti at isinubo kay Spain.Kinain naman niya ito.

"Kumuha na kayo dito,boys"alok ni Keziah samin.

Kinulang ko lang ang Ice cream at kinain ito.Samantalang si Ice,lahat tinikman.Hindi ko alam kung saan niya nilalagay ang lahat ng pagkain sa tyan niya.Minu-minuto siyang kumakain.

Patay gutom!

Habang kumakain ako,hindi ko maiwasan na mapatingin kay Spain.Tahimim parin siya habang sinusubuan siya ni Kaycee.Nakokonsensya ako!

May phobia siya sa gagamba.

Naalala ko ang kwinento ni Kaycee.May phobia siya.

"Sab,gusto mo na bang umuwi?Tatawagan ko si Lux!"pagkausap niya kay Spain

"Wag!"biglang nag-salita si Spain.Bahagya pang nagulat si Kaycee dahil sa inasta niya.Umiwas ng tingin si Spain kay Kaycee."Yung...yung box may——"naputol ang sinabi niya dahil agad na nag-salita si Kaycee.

"Napatay ko na!Alam kong hindi ito ang tamang oras para tanungin ito pero,alam mo ba kung kanino galing ang box na 'yon?"

"Hindi ko alam!"tumungo ito

"Kung sino man ang naglagay non sa bag mo,batid kong intensyon niyang takutin ka"

Hindi ko naman sinasadya 'yon!

"Malalaman ko rin kung sino ang gumawa non"sabi ni Spain

Malalaman ko rin kung sino ang gumawa non

Malalaman ko rin kung sino ang gumawa non

Malalaman ko rin kung sino ang gumawa non

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya.

Hindi mo naman siguro ako papatayin kapag nalaman mong ako 'yon.

Teka?Ba't ba 'ko kinakabahan!?

Napa-iling nalang ako dahil sa sarili kong naisip.

"Okay ka lang,Dark?"tanong ni Mark.

"O-oo,okay lang ako"mapakla akong ngumiti.

Hindi namin namalayan na gabi na pala.Nalibang sila sa pakikipag-kwentuhan samantalang ako ay gumagawa ng paraan kung paano hihingi ng tawad sa babaeng 'yon. Damn it!

Magso-sorry ba 'ko o hindi?

Dapat nga siya ang magsorry sakin.Dahil sa ginawa niyang pagpapahiya sakin.Unfair!

Pero kasi nahimatay siya!So dapat ako ang manghingi ng sorry sa kanya!?

"Hoy Dark!Tara na.Ano dito ka nalang?"bumalik ako sa reyalidad mng magsalita si Zymer.

"Tara na bro!"si Ice

PARKING LOT

"Kanina ka pa tahimik ah!"baling sakin ni Mark."May problema ba?"

"Wala naman"sagot ko

"Sigurado ka ah..Baka kasi sumasakit 'yang puson mo kaya...!——ahhh!"binatukan ko si Mark dahil sa mga kapilyuhan na lumalabas sa bibig niya."Ang sakit ah.."

"Umayos ka nga!Baka ikaw ang masakit ang puson!"dumeretso na 'ko sa kotse ko.

Pagkasakay ko sa kotse ko ay pinaharurot ko ito.Iniwan ko na sila dahil alam kong aasarin lang nila ako.

Pagka-uwi ko sa bahay hanggang sa matulog ako ay hindi ko malimutan ang nangyari.

Flashback

Nasa canteen kami ng mga kaibigan ko.Nagpaalam ako sa kanila na magbabanyo ako.

"Sandali lang magbabanyo lang ako"paalam ko

Nang makalabas na'ko ng canteen ay dumeretso ako sa classroom.Nagsinungaling ako na pupunta akong banyo dahil ang totoo pupunta ako sa room.May dala-dala akong maliit na box,ang laman non ay gagamba.Nag-iisang gagamba pang 'yon pero malaki.Nilagay ko 'yon sa bag no Spain.Inilagay ko 'yon malapit sa notebook niya para mabilis niyang makita ang boxAt pagkatapos non ay bumaba na 'ko.Sumabay ako sa sa mga kaibigan ko ulit sa classroom para hindi nila mahalata.

Pumunta na 'ko sa pwesto ko at sakto naman ay dumating na ang lecturer namin.

"Kumuha kayo ng papel at magkakaroon tayo ng quiz.One to twenty lang naman.Tungkol ito sa previous lesson natin kay madali nalang ito para sa inyo"

Habang kumukuha ako ng papel sa bag ko ay may biglang sumigaw.

"AHHH~~"

Lumingon ako kaagad.Nakita ko si Spain na nakahiga sa sahig.Nakita ko rin ang maliit na box malapit sa kanya.Nilapitan siya kaagad ni Kaycee at pilit nitong ginigising si Spain.

Nakita kong nagulat si Miss Yell sa nangyari kaya naman pinadala niya agad ito sa clinic.Tumakbo kaagad si Mark papalapit kay Spain at shaka ito binuhat.

End of flashback