webnovel

About The Past

"Ibinalik kita sa panahong ito hindi dahil iyon ang kahilingan mo.. sapagkat iyon ang kapalaran mo." Isinusulat noong: Hulyo 22, 2021 Unang inilathala sa: Hulyo 24, 2021 Wattpad username: undeadbee (Nasa Wattpad ang mga larawan kung nais niyong makita)

caspianfleire · 歴史
レビュー数が足りません
3 Chs

Kabanata 3: Pamilya ng Alfaro

Napatingin siya sa kamay namin na magkahawak ngayon. Lumapit siya at hinatak ako!

Bawal nga palang makitang magkahawak yung kamay sa panahon ngayon!

"Ama.. hayaan niyo akong magpaliwanag"

"Uuwi na tayo." Galit na sabi niya at hinatak ako.

Napalingon ako kay Lorenzo na gulat ang itsura at naistatwa.

Padabog niya akong isinakay sa karwahe at nagsimula nang lumayo sa simbahan.

'Nakakainis naman! Hindi ko naman kasi hiniling gusto kong may pamilya ako sa panahong to eh!'

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hinatak ulit ako ni ama papasok ng mansyon at hinagis!

"Ano ba ang problema mo Fabiana?! Alam mong ikakasal ka na pero dumidikit ka sa ibang lalaki?!"

"Julio kumalma ka.. hindi natin alam ang tunay na nangyari" Sabi ni ina at humawak sa braso ni ama.

"Hindi pa ba sapat ang nakita natin? Nakakahiya ka! Maraming tao ang nakakita sa inyo, Fabiana!"

"Hindi niyo naman alam ang totoong nangyari." Bulong ko.

"Ama.. maaari ngang hindi natin alam ang nangyari kaya h'wag po muna natin pag-isipan ng masama si Fabiana" Sabat ni Emilia at lumapit sakin.

"Makinig po muna kayo sa akin ama.." Mahinahong sabi ko.

"Hindi na kailangan. Lumayo na nalang kay Lorenzo upang hindi kayo pag-isipan ng masama. Tapos ang usapan." Seryoso ngunit may galit na sabi niya at naglakad na.

'Nakakainis naman kasi! Hindi ba siya marunong makinig? Para siyang babae. Nagkapamilya nga ako pero parang hindi naman masaya.'

Napabuntong hininga nalang ako at umakyat sa kwarto ko.

~~

Habang nakahiga ay bigla kong naalala ang sinabi ng lola..

"Tandaan mo, kailangan nito laging magkasama at sa oras na magkahiwalay ito ay malaking problema ang darating sa'yo.. at habang lumilipas ang oras na magkahiwalay ito ay mas hihirap ng hihirap ang magiging problemang kakaharapin mo"

'Ito na ba ang kabayaran ko? Angbilis namang dumating ng parusa ko. Kailangan ko nang mahanap agad ito dahil habang tumatagal ay mas hihirap ang problemang kakaharapin ko!"

Anong oras na ba?

Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng orasan.

'Woah'

Nakita ko na 'tong orasan na 'to sa picture eh! Ang ganda naman nito pag actual na nakita..

Hindi ko na sinayang ang oras ko at agad akong bumaba at lumabas ng bahay at pumunta sa likod ng mansyon.

Hinanap yung pantusok ng buhok..

Pero.. wala.

'Nahulog na kaya sa ilalim ng ilog yon? Wag naman sana'

Hinanap ko na siya kung saan saan pero wala talaga! Bwisit naman.

Napaupo nalang ako sa bench at naalala ko naman bigla yung sinabi sakin ng lola..

"Sa oras na mawala yan, ang magiging kapalit ay matinding kabayaran"

'Totoo kaya yun? Sobrang halaga ba nun para maging kapalit ang matinding kabayaran?'

'Ano naman yung magiging kabayaran?'

Hindi kaya.. Hindi na ako makakabalik sa panahon ko?!

Gusto ko lang mag explore dito, pero hindi ko naman gustong mag stay dito!

d>_<b

'Ang hiniling ko lang naman ay makabalik sa makalumang panahon, pero hindi ko naman hiniling na magkaroon ng pamilya pagbalik ko rito.'

dT_Tb

Hindi naman sa ayaw ko sila. Yung totoo nga mabait naman si Ina at si Emilia.. pero mas maganda sana kung wala nalang, sanay na naman akong walang pamilya eh.

Yan tuloy hindi ako makagala.

Hiniling kong makapunta sa panahong ito para mag-explore—kaya naman ngayon nandito na ako.. edi tutuparin ko na yon para naman makita ko yung mga makalumang mga bagay dito at...

'Baka sa paglilibot ko dito ay mahanap ko rin yon.. Tama!'

Agad akong tumayo at hinanap si Ina pa makapagpaalam.

"Ina!" Tawag ko sakanya at lumapit ako. Nasa kusina siya ngayon. "Kung maaari po sana ay lalabas lang ako.. mag-eexplore lang"

"E-eksplor?" Takang tanong niya. "Kailan ka pa natutong mag-ingles?"

dO_Ob

Oo nga pala!

"H-ha? A-ano po.. nagbasa basa lang?" Palusot ko. "A-ang ibig pong sabihin no'n ay---mamamasyal?"

"O sya.. papayag ako ngunit sasamahan kita." Sabi niya at naghugas ng kamay. Pinaalam na rin niya sa babae na kapag hinanap daw kami ni ama ay sabihin na namamasyal lang kami.

Nandito kami ngayon naglalakad sa gilid ng ilog dahil papunta daw kami sa bangka, una daw kaming pupunta sa palengke.

Sa gilid lang ng ilog ay may mga bahay na.. puro gawa nga lang sa kahoy. Mala-Venice Canal pala rito. Maraming tao ang nag uusap, karamihan ay mga babae.

Pagsakay ko palang sa bangka ay yumugyog bigla ito kaya napahawak sakin si ina.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya kaya tumango ako.

Pag-andar ng bangka ay hindi ko maiwasang mapangiti.

'Akalain ko yun? Pinapangarap ko lang dati na makabalik sa panahon na 'to, pero ngayon nandito na 'ko? Omg'

Pero..

'Anglayo ng panahong nabalikan ko.. natatakot ako na baka sa isang pagkakamali ko, baka mapahamak ako.'

~~

Nasa harap na kami ngayon ng palengke. Marami rin ditong mga tao, may mga nag-uusap, nagtatawanan, nagbubuhat ng mga ititinda, at namamalimos.

"Halika rito Fabiana" Tawag sakin ni ina at lumapit ako.

Btw, bakit Fabiana pa yung tawag nila sakin at pwede namang Fab nalang, ang haba kaya ng Fabiana.

Namili kami ng mga gulay para daw mamayang gabi.

Pagkatapos naming mamili ay umuwi na kami. Bukas ko nalang hahanapin yung pantusok ng buhok, pagod na rin ako ngayong araw. Angdami agad nangyari.. 'nong nasa modernong panahon pa ako dapat recess namin ngayon tapos nanonood ako sa harutan ng mga kaklase ko pero ngayon? Hays eto, nakahiga na sa kama dahil sa pagod plus nabungangaan ako ng ama—like wtfreak hindi niya manlang ako pinagsalita bakit? Siya lang ba may karapatang magsalita? Nabwisit lang ako kakaisip ko.

Pero.. alam ko ring mali ako. Dapat sabihin ko sa kanya yung totoong nangyari. Ngayon na nga lang ako magkakaroon ng ama e may away agad. Sige tama.. kailangang magkaayos kami kahit masungit siya. Aish bakit pa kasi nireregla ang mga ama sa panahon ngayon e.

Pumikit nalang ako at nagpahinga.

~~

"Binibining Fabiana?" Rinig kong tawag saakin kaya nagising ako. "Binibining Fabiana tawag na po kayo"

"Oo bababa na" Sagot ko at tumayo. Sinamahan ako ulit ng batang babae pababa ng hagdan. Required bang may tour guide pag bababa ako?

Pagbaba ko ay nakita ko silang kumakain na. Nginitian ako ni Ina at ate Emilia pero si Ama ay hindi manlang tumingin sa'kin.

Tahimik lang kaming kumain nang basagin ko ang katahimikan. "A-ah ama.. tungkol sa kanina—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng tumingin siya sakin na parang sinasabing 'hindi ko kailangan ng eksplanasyon mo'

"Sana po hayaan niyo nalang akong magpaliwanag" Sabi ko at yumuko.

"Ituloy mo" Sagot niya at napatingin naman ako sakanya.

So pa'no ko sasabihin 'to? Sasabihin ko bang nakita ko yung matandang nagpabalik sakin sa panahon ngayon? Baka masabihan ako ng baliw.

"Ah ano po kasi.. may hinabol po akong tindero kanina—ah sa kasamaang palad ay nadapa ako at mabuti nalang ay nandoon din si L-lorenzo kaya tinulungan niya akong makatayo." Palusot ko.

Tinitigan niya lang ako at parang hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi kaya nginitian ko siya.

Tumango tango naman siya. "Pagbibigay kita sa ngayon. 'Wag na sana itong mauulit para hindi ka mapag-isipan ng masama. Tandaan mo, maraming mata sa paligid.. hindi lahat ng tao ay makikinig sa paliwanag mo. Maraming mapanghusga kaya mag-ingat ka sa bawat kilos mo" Sabi niya at nagpunas ng bibig at umalis na kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Masaya akong nagkaayos na kayo" Nakangiting sabi ni Ina.

"Ako rin Fabiana, mabuti nalang at hindi na masama ang loob sa iyo ni ama" Si Emilia. Nginitian ko lang silang dalawa.

"Emilia, Fabiana. Nakaligtaan kong sabihin sa inyo. Nagpadala ng mensahe si Donya Victorina, tutungo sila rito bukas ng tanghali kasama si Ginoong Leyo at ang pamilyang Alfaro. Maghanda kayo, lalo ka na Fabiana." Turo sakin ni Ina. "Nalalapit na ang kasal ninyo ni Leyo, 'wag ka sanang magkamali. Tulad ng sinabi ng iyong ama ay mag-ingat ka sa bawat kilos mo. Ang isang pagkakamali ay maaaring makasira." Pangaral ni Ina.

Kailan ba yung kasal? Nakakainis naman. Kung magkakaasawa ako edi pa'no na ako makakagala? Mas masasakal pa 'ko dahil magkakaroon ako ng asawa.

Lola bakit ganito, angsaya naman ng buhay ko:,))

Kausapin ko kaya sila para itigil ang pagpapakasal? Hindi naman masamang humiling diba? Si lola nga tinupad yung hiling kong makabalik sa makalumang panahon eh sila pa kaya na wala namang magic at mayaman lang naman.

Subukan ko kaya bukas? Kapag nandito na yung ipapakasal sa akin?

"Fabiana?" Tawag sa'kin ni Ina kaya natauhan ako.

"O-opo. Sige po aakyat na ako." Paalam ko at umakyat na at humiga sa kama.

Kaso..

Natatakot ako sa gagawin ko. Sabi nga nina Ina at Ama.. 'mag-ingat ka sa bawat kilos mo. Ang isang pagkakamali ay maaaring makasira' masama bang subukan?

Ganito nalang.. kailangan kong kilalanin yung lalaki. Kapag napansin kong mabait naman at hindi mukhang masama edi baka hindi ko nalang ituloy ang pagtutol. Pero kapag napansin kong masama siya at hindi mapagkakatiwalaan, edi tututol ako.

Kailangan lang ng oras. Be patient, in Tagalog maging pasyente.

Bigla ko namang naalala yung pantusok sa buhok.

Binuksan yung cabinet sa gilid ko at kinuha yung isang pantusok. Ito yung mas madilim yung kulay na baliktad yung repleksyon.

"Ang isa naman ay pagdanak ng dugo, kasamaan at kasakiman."

Ito ata yung tinutukoy ng matanda. Bakit naman ganun yung ibig-sabihin nito? Ibang kulay nalang sana yung pinili ko, ang creepy naman nito. Porque Gemini ako e mala-Gemini rin yung pinili ko.

E bakit pa kasi kailangan nito? Entrance ticket ba 'to? Sinabi niya sana kung bakit para hindi na ako tanong ng tanong sa isip ko.

Grabe naman ako, buti nga tinupad niya hiling ko eh.. medyo hindi nga lang malapit sa ine-expect ko.

Binalik ko nalang ito sa cabinet at nagpahinga na.

Enero 13.

Maaga akong nagising dahil sanay na ako. Naligo na ako—sa palikuran, hindi na sa ilog.

Tinulungan ako ng dalagitang katulong sa bahay na mag ayos. May ipinasuot siya sa'king barong—na sobrang ganda asf. Binigay daw ito ni Ina para suotin ko ngayong araw.

Pagbaba ko ay nasa baba na rin sila at ako nalang ata ang iniintay. Tumabi ako kay Emilia at nasa pinto lang kami, iniintay ata yung Carlito. Pliz lola. Explore not housewife.

~~

Maya maya ay may humintong karwahe sa harap ng malaking gate. Bumaba ang isang babaeng nasa mid-aged, isang binata—na mukhang siya ang mapapangasawa ko, at isang dalaga—na mukhang bruha. Don't judge a book by its cover, baka mabait yan. At ang panghuli ay ang mid-aged na lalaki.

Nang makalapit na sila ay nagbatian na ang pamilya ko at sila.

"Maligayang pagdating Donya Felicita, Don Ecidro, Binibining Alinaya, at Ginoong Leyo." Bati ni Ina.

"Salamat Donya Felipa. Masaya kaming makabisita sa inyo." Sagot ng Donya Felicita

"Sumunod kayo samin" Nakangiting sabi ni Ama at naglakad na sa hapag-kainan. Andaming handa rito, andaming mga prutas, gulay at kaunti lang ang manok. Vegetarian ata.

Naupo na sila kaya naupo na rin ako at nagsimula na silang kumain kaya kumain na rin ako. Nakikisabay lang talaga ako.

"Tungkol sa kasalang Fabiana at Leyo.. napagdesisyunan naming dagdagan pa ng isang buwan ang itatagal nito, ayos lang naman ba sainyo?" Panimula ng Don Ecidro.

Ngumiti naman si ama at humarap sa kanila. "Bakit niyo namang naisipan na dagdagan pa ng isang buwan ang itatagal?" Tanong niya.

"Alam nating mga bata pa sila at masyado pang maaga para sa kanila ang maikasal.. baka mabigla sila, nag-aalala lang kami hindi lamang kay Leyo, pati na rin kay Fabiana." Sagot naman ni Donya Felicita.

Tumingin naman sakin si Ama. "Ayos lang naman sa amin, ayos ba sa'yo yun Fabiana?" Tanong niya, tumango naman ako. "Opo" good dog.

"Mabuti naman kung gayon. Maaari pa nilang makilala ang isa't isa." Si Donya Felicita. Ngumiti naman si Ina at tinuloy ang pagkain, ganun din si Donya Felicita.

~~

Nang matapos na kaming kumain ay tumayo na sila kaya't tumayo na rin ako.

"Maraming salamat sa masarap na pagkain, nasiyahan kami. Salamat sa inyong presensya." Si Donya Felicita.

Pansin kong siya lang lagi ang nagsasalita at minsan lang naman magsalita si Don Ecidro. Si Binibining Alinaya at Ginoong Leyo naman ay hindi ko narinig manlang na nagsalita.

Napatingin naman ako kay Leyo. May itsura naman siya, mapagkakatiwalaan nga kaya?

Nang makaalis na sila ay nagpaalam na akong aakyat na ako.

Pag-akyat ko ay agad kong kinuha sa cabinet yung isang pantusok sa buhok.

May kapangyarihan kaya ito? Ano ba ang nagagawa nito maliban sa pagtali lang sa buhok?

Tiningnan ko yung patulis nito.

Hindi naman siya gaanong matulis, siyempre sino ba namang gagawa ng matulis ba pang-disenyo lang naman.

Tiningnan ko naman ngayon ang repleksyon ko sa bead nito. Wala namang pinagbago, baliktad parin.

"Huy ikaw." Kunyaring tawag ko rito. "Hanapin mo yung kambal mo. May magic ka ba? Ano bang pwede mong magawa?" Tanong ko habang nakatingin parin sa bead nito.

Unti unti ay parang may nabubuong pangyayari sa repleksyon nito na ikinataas ng balahibo ko..

Nakita ko ang sarili ko..

Naliligo sa sariling dugo habang nakatusok ito sa aking bandang puso..

&&..

(Ano kaya ang ipinapahiwatig ng aguhilyang ito? Makakasama ba sa kanya ang sarili niyang kahilingan?

Abangan sa mga susunod na kabanata)