webnovel

Kabanata 2: Ang Simbahan ng San Agustin

1887?!

'WTF?!'

Hindi ko akalain na sobrang layo nitong panahon ang napuntahan ko!

'Akala ko ay sa 70-90 years ago lang pero ito?! 134 years!'

"Binibining Fabiana? Binibining Fabiana??" Tawag ng babae.

"Ah oo! oo palabas na." Sagot ko.

Tiningnan ko ulit yung kalendaryo.

Enero 11..

Tiningnan ko ang hawak kong pantusok sa buhok at tinago sa cabinet sa tabi ng kama at lumabas.

Angganda ng mansyon..

"Sumunod kayo sa akin, binibini" Napatingin ako sa babae. Bata pa siya, sa tingin ko ay 15 palang siya. Tumango ako at naglakad na siya.

Sinundan ko lang siya pababa.

"Kanina ka pa namin hinihintay, Fabiana." Bungad ng may edad nang lalaki. Siya ata ang magiging ama ko sa panahong 'to.

"Pasensya na po" Sabi ko. Uupo na ako ng magsalita yung babae.

"A-ah.. mahal kong kapatid, iyo na naman bang nakaligtaan? Dito ka sa tabi ko" Sabi niya. Napapahiya naman akong umupo sa tabi niya. "Tila masyadong naapektuhan ang iyong alaala dahil sa pagkakabagok ng iyong ulo" Nag-aalalang sabi niya.

'Nabagok ang ulo ko?'

"A-ayos lang naman ako, w-wag kang mag-alala" Sagot ko.

"Sige na Fabiana, kumain ka na." Sabi ng ama.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas ako ng bahay.

"Ang ganda.." Namamanghang bulong ko. Tiningnan ko ang paligid..

May malawak na bakuran, may mga puno at sa harap ng puno ay may nga bench, may hardin sa paligid at may napakalaking gate sa harap ng mansyon.

Naglakad lakad ako sa paligid. Ang daming guard na nagbabantay sa paligid ng mansyon. Nakakita ako ng iba't ibang kulay ng bulaklak, hindi naman matataas ang damo at may ilan ilan ding puno, may mga bench sa bawat gilid nito.

Nang napagod ako ay humiga ako sa damuhan.

Maya maya ay may karwahe na huminto sa harap ng malaking gate at bumaba ang isang may edad nang babae pero maganda parin at kasunod ang... gwapong binata~

Napatayo ako at naglakad sa harap ng mansyon.

"Buenos Diaz.. Binibining Fabiana." Bati ng lalaki. Hinubad niya ang sumbrero niya at tinapat sa dibdib at yumuko. Yumuko din ako.

Yumuko din ang kasama niyang babae sakin.

"Maaari mo ba kaming samahan papasok Fabiana?" Nakangiting tanong ng babae at tumango ako at tumabi sa kanya kaya naglakad na kami papasok.

"Maayos na ba ang iyong kalagayan Fabiana? Nabalitaan ko ang aksidenteng nangyari sa iyo kahapon?" Tanong ng babae

"Maayos na po ako.." Sagot ko nalang.

"Mabuti naman kung gayon, mag-iingat ka nalang sa susunod para hindi ka maaksidente" Sabi niya at tumango nalang ako.

"Maligayang pagdating Donya Clara at Ginoong Lorenzo" Bati ng ama ko sa panahon ngayon.

"Kamusta naman kayo Donya Felipa at Binibining Emilia?" Bati ni Donya Clara sa dalawa.

"Maayos lang naman kami Donya Clara, salamat sa inyong pag-alala. Pansin kong kayong dalawa lang ni Ginoong Romeo ang narito, nasaan si Don Leonardo?" Tanong ni Donya Felipa/Ina.

"Ang aking asawa ay nagtungo sa kabilang bayan, Donya Felipa." Sagot ni Donya Clara at tumango naman si Ina. "Balita ko'y nalalapit na ang kasal ng iyong bunso?" Tanong niya.

dO_Ob

'Sino ba yung bunso samin?'

Tiningnan ko naman si Emilia.. mas mukha siyang matured sakin. Ang ibig bang sabihin--?

"Oo nga Donya Clara, hindi na rin ako makapaghintay sa nalalapit na kasal nila Fabiana" Sagot naman ni Ina.

'Ako yung ikakasal?!'

Kinagabihan.

Hindi ako maka-relate sa pinaguusapan nila! Kaya ko gustong pumunta dito ay para mag-explore, hindi mag-asawa! Nakakainis naman.

'Lola.. bakit naman ganito? Gusto kong mag-explore, hindi mag-asawa eh!'

Napatayo ako sa higaan ng may kumatok. Si Binibining Emilia pala.

"Hindi na rin ako makapaghintay, Fabiana.." Sabi niya. "May bumabagabag ba sa isip mo, mahal kong kapatid?" Tanong niya.

'Napansin niya?'

"Wala naman po.. A-ahh may tanong lang ako, Binibining Emilia" Tanong ko.

"Binibining Emilia? Bakit Binibining Emilia ang tawag mo sa akin, kapatid?"

'Hindi ba siya si Emilia? Diba Emilia daw sabi nila Don Julio?'

'Ay oo nga pala, dapat "mahal kong kapatid"!'

"Ang ibig kong sabihin ay 'mahal kong kapatid' hehe" Sabi ko.

Totoo ba ito? May natatawag na akong kapatid ngayon.

"Tila masyado talagang naapektuhan ang memorya mo, Juliet.." Malungkot na sabi niya.

'Paano pala ako nabagok?'

"O-oo nga.. paano pala ako n-nabagok, Emilia?"

"Wag mo nang alalahanin 'yun, mahal kong kapatid.. magpahinga ka na muna." Sabi niya at lumabas na.

Bigla ko namang naalala yung kanina..

Kinabukasan.

Pasikat palang ang araw ng magising ako.. nasanay na akong gumising ng maaga dahil ganitong oras ako maghahanda para pumasok.

Teka..

dO_Ob

'Nandito parin ako sa panahong 1887?!'

Napatayo ako at tiningnan ang paligid.

'Nandito pa nga ako.. Angbait naman ng matanda, sabi ko kahit isang araw lang e. Pero teka.. hanggang kailan kaya ako tatagal dito?'

Bigla namang gumalaw yung cabinet sa gilid kaya napatalon ako at nahulog sa lapag!

"Aray!" Napasigaw ako sa sakit at hinimas himas pa yung pwet ko!

Tiningnan ko naman yung cabinet na gumalaw kanina at nilapitan.

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang nag iisang nakalagay sa loob.

'Yung pantusok sa buhok..'

Kinuha ko yun at tiningnan..

'Angganda~'

'Maganda kaso hindi ko kayang itali sa buhok ko..'

--

Sinubukan ko nang itali sa buhok ko ng ilang beses kaso hindi ko nagawa.

"Pati rin ba ang pagtali sa iyong buhok ay iyo ding nakaligtaan?" Tanong niya. Napalingon naman ako sa likod ko.

Tinuruan niya akong itali ito sa buhok ko at mahirap pala..

"Ah.. nga pala mahal kong kapatid, maghanda ka na dahil tutungo tayo sa simbahan." Sabi niya at naglakad na palabas.

'Ano? Pa'no ako maliligo?'

"Sandali!" Tawag ko at napalingon naman siya. "Saan ako maliligo?" Tanong ko na ikinataas ng kilay ni Emilia.

"A-ano?" Takang tanong niya. "Hindi mo alam kung saan ka maliligo?"

"O-o-- ay alam ko na pala!" Sabi ko at dali-daling bumaba.

Tama ba? Diba sa ilog na mismo sila no'n naliligo? Ganun kasi sa ibong adarna eh.

Nandito na ako sa ilog sa likod lang ng mansyon. Tinanggal ko na yung tsinelas ko at pantusok sa buhok at nagpunta sa ilog.

'Ang ganda talaga sa panahong ito.. malinis pa at kulay blue yung tubig sa ilog. Samantalang sa modernong panahon ay puro basura na at patay na ang ilog..'

Maya maya ay napatigil ako ng may marinig akong kaluskos!

"Sino yan?" Tanong ko. Maya maya ay lumabas sa likod ng puno ang isang maginoong lalaki, si Lorenzo!

"L-lorenzo.." Tawag ko sa kanya.

"Pasensya na Binibini.. hindi ko batid na makita kayo rito" Sabi niya at yumuko.

"Ayos lang.. may kailangan ka ba?" Tanong ko at umiling naman siya.

"Paalis na rin ako, pasensya na muli." Sabi niya at tumalikod na.

"Wait lang!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya ulit sakin. "A-ah pa'no ka pala nakapunta dito?" Tanong ko.

"Naglilibot lamang ako ng makita ko kayo rito binibini" sagot niya.

"Kaya ka nagtago?" Tanong ko. Hindi naman siya makatingin sakin."Bakit hindi ka sakin makatingin?"

"Ang pagtingin sa babae habang naliligo ay isang pagkakasala, binibini"

'Oo nga pala! Bakit ba kasi napakalayong panahon ang napuntahan ko?!'

"Ah oo.." Sagot ko nalang at umalis na siya.

Pag ahon ko ay nagpunta na ako sa mansyon ng sinalubong ako ni ina.

"Bakit basang basa ka, anong nangyari sa iyo?" Nag-aalalang tanong niya at nagpakuha pa ng tuwalya sa babae.

"Naligo lang po ako dun sa ilog, ina. Ayos lang ako." Sagot ko at binigay na sa kanya ang tuwalya at nilagay niya yun sa ulo ko.

"Bakit hindi ka nalang naligo sa ating palikuran? Sige na, magbihis ka na at tayo'y aalis na." Sabi niya kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

'May cr na pala sa panahong 'to.'

--

'Tsk! Pa'no ba kasi suotin 'to?!'

"Fabiana hindi ka pa ba tapos? Mag-uumpisa na ang paunang misa." Si Emilia.

"Sandali, malapit na!" Sigaw ko.

Pa'no ba naman susuotin 'to e laylay yung sa balikat!

"Anong ginagawa mo Juliet??" Napatingin ako sa nagsalita. Si Emilia, gulat na gulat yung itsura niya.

"Tulungan mo nga 'ko rito, nakakainis naman!" Inis na sabi ko at tinulungan naman niya ako.

"H'wag mong sabihing pati ang pagsuot ng barong ay nakalimutan mo na rin?" Tanong niya.

"H-ha? Hindi.." Sagot ko.

"Ganyan talaga ang buhay mahal kong kapatid.." Sabi niya habang may tinatali sa likod ko. "Kapag ang iyong gagawin ay hindi mo pinag-iisipan, tiyak hindi mo magugustuhan ang kalalabasan.. baka ikaw pa ay mahirapan" Makahulugang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ang lalim naman"

"Halina't hinihintay na tayo nila ina" Sabi niya at lumabas na kami.

"Hindi ka mag-aayos ng buhok anak?" Takang tanong niya.

Agad akong napatakbo sa kwarto at hinanap yung pantusok sa buhok pero isa lang ang nandito! Bumaba ulit ako para pumunta sa ilog..

"Fabiana!" Lalabas na ako ng sumigaw si ama kaya napatigil ako! "Huli na tayo sa misa, ano bang ginagawa mo at ikaw ay takbo ng takbo?!" Galit na tanong niya.

"P-pero ama.."

"H'wag mo nang pilit hanapin ang bagay na nawala na!" Galit na sigaw niya na ikinagulat namin! "Halina't huli na tayo sa misa!"

'Mainitin ba talaga ang ulo ng mga ama sa panahon na to?'

"O-opo.."

Pagkalabas namin ng mansyon ay sumakay na kami sa karwahe na nasa labas naghihintay.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang sumilip sa labas.

Masasabi kong mas maganda talaga ang makalumang panahon kaysa sa modernong panahon ngayon..

"Nawala mo ba ang iyong pantusok ng buhok anak?" Tanong ni ina.

"Y-yung isa po.. sa tingin ko ay naiwan ko ito sa ilog"

"Narito na tayo" Sabi ni ama kaya bumaba na kami.

'Woah!'

Hindi ko alam kung anong simbahan 'to pero angganda nito kahit hindi masyadong kalakihan.

"Fabiana?" Natauhan ako ng tawagin ako ni ina.

"A-ahh pasensya na po" Sabi ko at lumapit sa kanila.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid.

Maraming tao at mukhang close na close sila sa isa't isa, may mga nagbebenta ng rosaryo sa gilid ng simbahan at mga nagbebenta ng kakanin.

--

Pagkatapos ng misa ay magtitirik na kami ng kandila.

'Sana po ay mahanap ko ang pantusok ko sa buhok..'

Ano ba kasi yung tawag don? Hindi naman 'pantusok sa buhok' yung exact name non eh

Pag-angat ko ng ulo ay nakita ko yung matanda na nakatayo sa likod ng puno at deretsong nakatingin sakin! Yung nagbigay sakin ng pantusok sa buhok!

Tumalikod siya kaya tumakbo ako para habulin siya.

"Fabiana! Saan ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ni Emilia pero hindi ko na siya nasagot.

Medyo malayo na siya kaya naman mas binilisan ko ang takbo ko!

At dahil mahal ako ng katangahan..

Natapakan ko yung dulo ng barong ko kaya nadapa ako!

"Ayos ka lang ba binibini?" Napaangat ang tingin ko ng may magsalita!

Si Lorenzo.

Nakalahad ang kamay niya at naghihintay na abutin ko kaya inabot ko at tumayo.

Sinilip ko pa yung matanda pero hindi ko na siya makita.

"Fabiana! Lorenzo!" Napatingin kami sa sumigaw. Si ama!

'Oh no'

&& ..

I badly need some support please..