webnovel

Chapter 5 - Deja Vu !

Ayen's POV

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bakit ba kase nakakaramdam ako ng ganun pag tinataasan ng boses. Hindi ko tuloy alam kung pano ko haharap sa boss ko ang worst is pano ko ipapaliwanag na ganun. baka sabihin nag iinarte lang ako.

Nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng gutom. sa sobrang excited ko, hindi ko na naisipang kumain ng breakfast. kumukulo na tiyan ko.

bigla akong napatayo ng makarinig ako ng katok. Inayos ko yung damit ko maging yung buhok kong mejo nagulo dahil sa pagkakahiga.

" Ms. Eunice? "

" Y-yes Sir? " - buti nalang si Mr. sanchez yung pumasok.

" kung nagising kita, pardon me. but Mr. Xander asked me to check if your ok, and muka namang ok ka. Pero ok ka na ba? "

" Ok na po ako sir. pasensya na po kanina. But ill make sure na ok na po akong magtrabaho Sir. " - ok naman na ako ee, nabigla lang ako kanina. ewan ko ba kung sakit to or sadyang sensitive lang ako, o baka nga nagiinarte lang ee. haayy Ewan.

" Ok then, wait for Mr. Xander here, saglit lang naman yung meeting. I'll leave you here. " - tumango nalang ako. Anong gagawin ko dito? sana palang nagpaalam akong kakain muna, gutom na gutom na talaga ako as in. Baka mahimatay na naman ako mamaya, ang this time dahil na sa gutom.

iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid na yun, malaki siya, may sariling tulugan nga ee.

"Kenneth Xander Prieto?" - xander? haha bigla kong naisip yung lalaking pinagpanggap kong boyfriend ko. yung lalaking pinagsusuntok ko.

" Nakakahiya ka Ayenesha Eunice!!! " - bulong ko sa sarili ko. Hindi ko kilala yung tao, pero nasa gitna ako ng tinatawag na No Choice kaya hindi ko na inisip ang consequences. Kumbaga bahala na mamaya. Hindi na man na kami magkikita for sure, and hello anlaki laki kaya ng lugar na to.

" Ahemm .. " - napalingon ako sa kung sinu man ang tumikhim. at paglingon ko hindi ko sinasadyang matabig yung maliit na figurine sa mesa ni sir.

" S-sorry Sir. Awwww --- " dali dali ko siya pinulot kaso sa kasamang palad na sugat pa ako. Ano ba namang first day to oh. bad luck badluck. Naramdaman kong palapit siya sa kinalalagyan ko and Ohmygad. gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Hinawakan niya yung braso ko, ayoko siyang tignan kase nahihiya nako ng sobra.

" Sir ok lang po ako. " - inunahan ko na siya kase mukang wala siyang balak magsalita.

Bigla niya akong hinila saka pinaupo sa may sofa.

" Sir ok lang po talaga ako, maliit lang po na sugat to tsaka hindi naman po maaapektohan ang trabaho ko dahil sa maliit na sugat na to sir. " - Muka akong timang dito, nagsasalita pero di man lang ako pinapansin. Pumasok siya sa sleeping area niya at paglabas niya may dala na siyang first aid kit.

" Sir ako nalang po. band aid lang po ito. " Napatingin ako sa kanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

* dug dug -- dug dug *

Parang kilala ko ang kamay na to. yung pakiramdam na to. It feels like i already held this hand before. I really dont know kung saan, ni hindi ko alam kung sinu.

" Stop starring. " - He said it in a soft but very manly voice . napalingon tuloy ako sa ibang direksyon.

" Awww " - aray ko naman, may pagdiin talaga ?

" Sorry . be careful necstime, anyway are you ok? " - tinanong niya yun ng hindi tumitingin sakin.

" Ou sir. ok na ko. maliit lang na sugat to. " - well hindi ako takot sa dugo. kaya no worries, malayo sa bituka.

" What i mean is of what happen earlier, you suddenly fell down. " - hindi ako makatingin ng deretso, nakayuko lang ako dahil ayoko namang malaman niya yung totoo, nakakahiya!

" did i scare you? If it is so then Im sorry "

" Its not like that Sir, its just -- " -sasabihin ko ba? Ano sasabihin ko ba?

" If its that personal, then it's ok. " - napatingin ako sa kanya. He's very considerate, knowing na its my first day. Nahiya tuloy ako sa kanya. Well wala namang mawawala sakin pag sinabi ko, and malalaman at malalaman din naman niya ang totoo. nang matapos na niyang linisan ang sugat ko, tumayo na siya, niligpit na niya yung first aid kit na ginamit, tumalikod na siya and thats the time na kailangan ko nang magsalita, Its now or never.

" I had this sudden feeling of being suffocated Sir, when someone is shouting. " - nakita kong napatigil siyang maglakad, pero hindi siya lumilingon. He was just standing, listening.

" Being scared of i dont know, even when its not directed to me and the result of it is i cant properly breath, thats why " - hindi siya nagsasalita. nanatili lang siyang nakatayo. Galit ba siya? o baka naman iniisip na niyang tanggalin ako sa trabaho. Parang ang labas, excuse ko lang ito para hindi mapagalitan, well hindi ko siya masisisi, sinu ba namang boss ang gugustuhing magkaron ng empleyadong may disorder.

" Magpapasa nalang ako ng ----- "

" Thanks for telling. Anyway, i have to meet the departments today, so join me so that i can show you and intoduce you to them. " - hindi siya galit ? seryoso ? parang wala lang ganun ?

Pero bago pa man ako maka oo, bigla nang tumunog yung tiyan ko. OHMYGAD talaga, nakakahiya! sa sobrang tahimik ng paligid, jusko hindi ko yung maitatanggi, at hindi ko pwedeng sabihin na hindi ako yun. Ano Ayen? Puro kahihiyan nalang ba ang dala mo sa araw na to. Jusko naman, gusto ko nalang talagang magpalamon sa lupa.

" I think we should eat first. " - sabe niya saka niya pinasok yung first aid kit sa loob ng sleeping area. Kinuha niya yung coat niya saka naunang naglakad, sumunod nalang ako dahil hindi nako makapagsalita sa sobrang hiya. Panay ang tunog ng tiyan ko, nag hahumm na nga lang ako ee para hindi masyadong marinig.

Lahat ng nakakasalubong namin binabati siya, actually kahit ako binabati ee. CEO ba naman tong kasama ko diba? very proud na ako ang secretary and at the same time hiyang hiya talaga ako hahaha.

" Do you have anything you dont eat? "

" aawww " - HAYYY gusto ko nalang talagang magpalamon sa lupa.Bigla bigla kaseng tumitigil ee, ee xempre nasa likod ako. hindi ko napansin kase may iniisip ako,

"You're soo clumsy " - clumsy agad? hindi ba pwedeng tanga lang ? haha

" sorry ulit Sir ^__^ ako nalang po mag oorder ng pagkain ko po. " - dederetso na dapat ako sa counter kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko.

" Sit and let me order something for you. what i was asking is if you have something you dont eat. " - Sir wag kang ganyan. mabilis akong mafall ^__^ haha ! grabeh, assuming tong utak ko.

" may allergy po ako sa may gata sir. " - and He nodded. Muka siyang masungit pero muka naman siyang maalumanay. Hindi lang siya masyadong ngumingiti, bihira lang.

" Here .. " - wow adobo, favorite ko. 2 rice? haha nahiya naman ako, pero hayaan mo na gutom nadin ako sobra.

" Thanks Sir, " - napakatahimik ng paligid. Tanging kutsyara lang ang maingay. at mejo naiilang pa ako neto,

" Dont you remember me? " - Tinanong niya yun habng kumakain.

" ah -- ako po ? " - malamang! may iba ba kayong kasama ? Ayen naman.. Utakkk !!!

" Sorry sir ah, mejo malabo kase mata ko, kaya pag wala akong salamin hindi na po ako nakakakilala. "

" Even my voice? " - ano bang ibig sabihin neto? Boses, mejo familiar nga pero hindi matandaan kung saan ko siya narinig, sa dami dami ng nakakasalamuha ko araw araw.

" Actually sir, your voice, it seems like ive heard it before but i dont know where and when, Bakit Sir? Have we met before "

" Oh I see .. " - yun lang ? haha sinagot ko lahat ng tanong niya ah tapos yung kaisa isang tanong ko hindi niya sinagot,

" Are you done ? lets go ? " - tumango lang ako saka tumayo. tapos naman na ako. Mejo nag papababa lang ako ng kinain.

" So lets start with the HR team " - habang naglalakad kami sa hallway, biglang sumagi sa isip ko yung Kenneth na pinagpanggap kong Bf ko.

What if magkita ulit kami sa hindi inaasahang pagkakataon? what if, Yung kasinungalingan na yun ay magkatotoo pala? Oh my gad! instant Boyfriend ^^__^^ . Hindi nako mapipilit ni mama pag nagkataon na totoong magkakaBf ako.

" Here we are " - lumilipad na naman tong utak ko. Focus ka Ayen focus!

Halos walang nakapansin sa pagdating namin, lahat sila sobrang busy. Lahat nakatutok sa kanya kanya nilang mga monitor.

" Excuse me? "

" Sir Xander? " - mukang nataranta siya nung makitang CEO ang nakitang dumalaw sa department nila.

" Yes, could you please gather everyone, i just want to formally introduce myself to you guix. "

" o-of course Sir, 2 mins " - and the introductory part begin. ngumingiti naman pala siya ee. and He seems very friendly naman sa ibang tao, bakit ako? bakit sakin hindi? may nakakahawa ba akong sakit? Hindi ko masabing cold siya sakin, hindi ko din naman masasabing Hot siya. Uhm, ok hot siya konti lang haha. silly girl!

" By the way, if you need something from me, You can tell it to Ayen, she's my secretary " - at tumango naman sila. So bago makarating sa kanya, kailangan munang dumaan sakin. bwahahahaha !!

" anyway, wheres brandon? " - sinu si brandon? Im just curious :D

" Yes Sir Xander? "

" Thanks for complementing my parents ..... Bro " - tuluyan na siyang tumalikod at hindi na niya inantay magsalita yung brandon dahil mukang tulala siya sa sinabi ni Sir Xander. Bro? really, were they friends? close sila? or baka naman acquiantance lang. Anyway, calling Him bro from the CEO himself is a different thing.

We visited departments from the company at mukang walang kapaguran tong si Sir. Full of energy pa siya ee halos magtatanghali na.

" Sir do you want anything? drinks ? water ? " - actually nagtanong ako kase ako yung nauuhaw, kunya kunyarian lang yan. haha gutom na naman ako.

" No im ok " - bigla siyang tumigil maglakad. muntik na naman akong mabangga. buti nalang.

" something wrong Sir? "

" Let me get something for you. "

" Pooooo ? no Sir. Ok lang po ako " - at naglakad na siya pabalik sa dinaanan namin canteen kanina.

" Sir Im really ok. Dont bother to get something for me. Hindi po ako gutom, hindi rin ako nauuhaw. " - anak naman ng teteng to oh. Hindi niya ako pinapansin, tuloy lang siyang maglakad hanggang sa makarating kami ng canteen. hayy antigas ng ulo netong boss ko, maygad! Kumuha siya ng isang bote ng tubig saka ibinigay sakin.

" Sir ok lang po talaga ako, hindi po ako nauuhaw--- "

" Drink " - sinabi niya yun habang nakatingin sakin. Putek, para naman akong robot na biglang sumunod sa utos. and guess what, sa sobrang uhaw ko, ubos ang tubig.

" Not thirsty huh ? " - ngumisi siya. saka naglakad palabas. Nang aasar ba to ? grabeh, feeling ko ampula pula na ng muka ko.

" Sir ? "

" Yes ? " - habang nakatingin sa folder na hawak niya. bakit ang bait niya sakin?

" Thank You :) " - hindi niya ako sinagot but i can see Him smile. And thats more than enough.

Natapos kami mag libot ng mga 4:30 siguro. grabeh yung mga binti ko hinog na sila pwede nang pitasin. Sakit! kailangan kong maglagay mamaya ng hot patches.

" Here take this. put it later before going to sleep, it will relieve the pain. " - Sir bat ang baet mo sakin ? wag kang ganyan, baka mamisinterpret ko. haha ^__^ likot ng utak ko.

Hindi ko mapigilang titigan si Sir, actually, ideal man siya kung tutuusin, nasa kanya na ang lahat ee. mabait siya muka lang hindi, i dont wanna judge Him. Mas inaalala niya yung iba kesa sa sarili niya, He has this sense of responsibility sa mga tao niya, matipuno matangkad, maputi ang ganda ng mga mata, mapula yung mga labi, at ito ang panalo nakaka inlove siya ngumiti kaso ang mahal niya ngumiti ee, bihira kase.

** kring kring **

" oh ma, bakit ? "

" Anong oras ka uuwi mamaya? "

" bakit ? mamaya pa siguro, madami pa kaming inaasikaso. "

" umuwi ka ng maaga. Andito ninang mo kasama niya si Sean, dito na sila magdidinner "

" Ano ba naman yan mama.! " - mejo napalakas ata ang boses ko dahil napatingin sakin si Sir. Lumabas nalang ako papuntang cubicle ko.

" Hindi ka pa ba nagsasawang ibenta ako sa iba ? Sawang sawa nako mama, pagod na pagod nakong sumunod sa isang bagay na ayaw ko naman. "

" Basta antayin ka daw nila dito sa bahay. "

Grabeng buhay to. walang kwenta ang mga sinasabi ko, kumbaga kahit ayaw ko basta gusto nila wala akong magagawa.

" Kainis !! kainis talaga !! ee kung hindi kaya ako umuwi? sabe na kaseng ayoko!! " - himutok ko sa cellphone ko. hayy buhay nga naman, kung icommit ako sa iba akala mo naman bagay ako. Kung tutuusin hindi ko nga kilala yung sinasabi niyang Sean ee.

" Ayen ? "

" Y-yes Sir Xander ? " - bakit pag siya ang tumatawag sakin ng ayen, ang sarap pakinggan ? haha! Stress reliever ko talaga tong Boss kong to. Buti nalang mabait siya ^_^.

" Whats my schedule for tomorrow? "

" you are scheduled to a breakfast meeting with Mr. Eric Gonzaga Sir, Owner of Saline Group of companies at exactly 8am. And at 2pm Sir, your going to meet Miss Joenna Mandauna, owner of Ollwyn Publishing Company "

" thats all ? "

" Yes Sir :) " - By the way im good in memorization kaya nasabi ko yun without looking at my notes.

" Ok. Thank You. " - Jusko sir ngumiti ka naman kahit konti lang. Pls Pls ? pampagaan lang ng loob kong nagdurusa sa mga oras na to.

" Anyway, you can go now .. " - kahit wala pang 5:30 ? atat na mawala ako sa paningin niya?

" Sir wala pa pong 5:30, wala naman po akong ibang gagawin sa bahay " - sige magsinungaling ka pa. pinapauwi ka nga ng maaga ng nanay mo diba ayen? diba? ke tigas ng ulo moh!

" Dont you have somewhere to go and to be with? "

" w-wala naman po Sir ,, " - parang may laman yung pagkakasabi ni Sir . narinig ba niya usapan namin ni mama kanina? Hindi naman siguro, nasa labas naman ako ee, tsaka nasa loob siya at may ginagawa.

Tumango nalang siya. Umalis nadin ako at nagtungo sa sarili kong cubicle. Ang hirap naman kase ng ganito. may karapatan naman akong tumanggi diba? Pero bakit pagdating kila mama wala akong karapatan. Parang walang kwenta yung mga opinyon at sasabihin ko.

Sinilip ko si Sir, mukang busy siya, andami niyang papeles sa table niya. First day palang naman niya ngayun, siguro workaholic to. Hmm. For sure wala pa tong Girlfriend haha! May pag asa pa ako ^__^. Dalhan ko kaya siya ng coffee ? Tama dadalhan ko siya.

Actually bukod sa canteen, may pantry din ang floor namin kase andito ang office of the CEO,oh diba social :D ..

" Matapang kaya o mejo sakto lang ?"

" baka mas gusto niya ang less sugar? "

" Miss Eunice, gawin mong no sugar, pure coffee " - bigla akong napalingon sa nagsalita. Parang kabute din minsan tong sir Sanchez na to ee. bigla biglang sumusulpot.

" Salamat Sir " - at yun nga, nagdala ako ng coffee sa office ni Sir kaso wala siya. IIwan ko nalang ba? or aantayin ko ?

" ahh alam ko na ! " - kumuha ako ng sticky note at nag iwan ako ng message dun saka ko siya iniwan sa table niya.

Sir ?

Coffee

^__^