webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · 若者
レビュー数が足りません
62 Chs

23

Yes!

Riri

Sinabi ko sa kanila na mauna na dahil may pupuntahan pa kami ni Vaigan sa ilang buwan din namang panliligaw na ito di ko na papatagalin

Relasyon ang pinapatagal hindi ang ligawan....

Sinabi ko sa kanya na kumain kami sa isang stall lang sa tabi nagugutom na kasi ako eh.Tapos yung pinanood pa namin ano nakakasuka bumabaliktad yung sikmura ko

"Ayos ka lang?"ani ni Vaigan saakin tumango na lamang ako at hinintay na maluto yung binili niyang burger at isang milktea

"Sino si Bluce ryl?"tanong nito at Kinuha ko muna yung pagkain bago sumagot sa kanya

"Ah yun lalakeng naghihiram lagi ng biology book saakin tuwing nasa library ako bakit?Selos ka?"ani ko at mabilis itong tumanggi saakin haysh kahit naman na di niya aminin kitang kita eh

"Ikaw ha!"ani ko at natawa na lang sa gilid habang naglalakad kami ay unti unti akong kinakabahan buhat na rin siguro sa sasabihin ko paano ko ba sasabihin at saan?

"Tara balik na tayo."ani nito at nauna na sa akin ayshh kahit kailan ang haba talaga ng binti sana binuhat na lang ako charrr

"Sandali!"

Nakarating kami kung saan kami kakain syempre tinapon ko na yung kinain ko naubos na rin naman eh

"Ow!Sa samgyupsal!"nakakatuwa naman dito pa talaga sila kumain ayshh perfect spot tapos mag nag-oo ako sa kanya syempre maghihiyawan sila hahaha friend goals whahahahaha

Kumaway saamin si Ivy at nakita ito ng iba naming kaibigan at mabilis akong naglakad papunta sa kanila at umupo sa tabi ni Rosie

Niyakap ko si Rosie nami-miss ko na siya sobra nagulat man ay ngumite ito saakin nilapag nito ang tongs at niyakap din ako pabalik ayshhh ang sarap niya yumakap

"Sorry ah!"ani ko at tumango naman si Rosie at mas hinigpitan pa lalo ang yakap saakin akala ko talaga di ako makakahinga eh

"Ayan bati na sila!"nagtawanan ang lahat at natawa na rin kami inayos naman ni Rosie ang bangs ko siguro nagulo ng niyayakap niya ako

"I love you riri."malumanay ngunit masarap pakinggan hinalikan ako ni Rosie sa noo ko

"Sweet naman."kinikilig na ani ni Ivy at nagpatunog pa ng pinggan umayos na kami at pinagpatuloy na ni Rosie ang pagluluto ng mapansin nito na nakatingin sa kanya si Lary

Minsan di ko alam kung bakit parang may simething sa dalawa na di ko alam parang ang lagkit ng tingin nito ni Lary kay Rosie kahit na kayabi na niya si Ivy

Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon kaming mga babae ay pinaguusapan ang ilan sa sikat ng brand clothes habang ang tatlo ay kumakain lang ngunit nagsasalita rin naman sila maliban kay Bluce

Si Bluce naman kasi ay panay kain lang siya nga ang nakakaubos ng baboy eh!

"Oy hinay-hinay bluce baka mabulunan!"ani ko at natawa naman siya

"Ano ka ba!Kaya yan lahat ng bibig ko."ani nito at nag-thumbs up pa

"Nga pala Ivy!Kamusta na kayo ni Sir lary ayieee."ani ni Elaine at napatingin naman kami sa kanilang dalawa magkatabi kasi sila ni Ivy at halatang kinikilig si Ivy habang si Sir Lary naman ayun nakangiti lang

"A-ayos lang."ani nito at namumula pa rin ang mukha

"Ayos daw pero namumula!Wala kang maloloko oyy!"ani ni rosie at lahat kami ay nagtawanan

"Kayo na ba?"ani ko at nagulat silang dalawa uminom naman ng tubig si sir Lary

"Ayos ka lang Lary?"ani ni Bluce at inalok ang baso nito ngunit tinanggihan iyon ni Sir Lary kasi naman yung baso ni Bluce may mantika sa tubig iwww....

"Ah hindi pa eh!Pero mukhang soon na."ani ni sir lary at mas lalong pumula ang mukha ni Ivy ay nako pag-ibig nga naman

"Eh kayo ni Vaigan?"ani nito pabalik saakin kaya naman lahat sila ay napatingin saakin ito na yung magandang scene para sumagot na ako

Walang araw na di ko siya iniisip,yung pakiramdam na nami-miss mo siya sa bawat sandali di ko alam kung bakit ganto pero alam ko ang isang bagay

Inlove na ata ako sa kanya..♥

Kapag nakikita ko siyang binibigyan ako ng mga bagay na nakakapagpakilig sa isang babae grabe yung talbog ng puso na akala mo sumabak ako sa race

Kapag ngumingite siya di ko alam kung bakit hanggang sa pagtulog ko nakikita ko yung mga ngiting iyon tumatatak siya saakin kahit na tanggalin ko na siya sa isipan ko ayaw umalis

Nakita kong nakatingin saakin si Vaigan ng nakangiti habang ang kamy ay nakatukod para suportahan ang kanyang ulo

Sa ganyang mga bagay bigla na lamang akong kinikilig at mas lalong tumitibok ng mabilis ang puso ko

"Kyryll?"

"Yes!"ani ko ang lahat naman ay nagulat sa sinagot ko sa kanya at nagulat rin ito

"You mean sinasagot mo na ako?"tanong nito at unti-unti akong tumango bilang sagot at tiningnan ko ang mukha niya pero di ko alam kung gulat ba yun o saya parang halo-halo eh

Nilagay nito ang kanyang kamay sa kanyang bibig na animo'y uubo natawa na lamang ako sa kanya ba't ganyan ang reaksyon niya

Habang ang iba ay palihim na kinikilig din sa tagpuang nangyayare ngayon

Tumikhim naman si Rosie at tumayo ito

"Congratssss Riri and Vaigan."nang sinabi nito ang pangalan ni Vaigan parang malungkot siya pero alam ko matatanggap din niya itong naging disisyon ko

Ang iba na rin ay nag congrats saamin akala mo naman ay buntis ako hahaha!

"Wow!Pa kain naman."binatukan naman ni Rosie si Bluce dahil sa sinabi nito

"Pakain ka pang nalalaman pabayaran namin to sayo eh!"ani nito at natawa kaming lahat parang bagay sila kung titingnan hahaha

"Eto naman."Ani ni blyce at hinimas ang ulong nabatukan naramdaman ko ang kamay ni Vaigan sa kamay ko ngumite na lamang ito saakin ganun din ako

Naisipan naming umuwi na rin dahil mag-gabi na habang binabagtas namin ang kalye pauwi saamin. Tinitingnan ko ang bawat bahay na nadadaanan namin yung mga ilaw ang gandang tingnan naramdaman kong kinalabit ako kaya lumingon ako

"Riri."ani ni Elaine saakin at tumaas ang kilay ko dahil duon

"Ang saya mo siguro ano?Pakiramdam na may boyfriend na tulad niya?"kinikilig man ngunit mahina pa rin ang boses nito dahil baka marinig ni Vaigan iyon na nasa harap namin

"Hahaha okay lang naman hanap ka na rin para maranasan mo."ani ko at napasimangot na lamang ito saakin hahaha

"Sasabihin mo ba to kay kila kuya lucs?"ani nito saakin naalala ko yung sinabi ko kay lola na walang boyfriend na magaganap pero binigo ko sila

"Ewan nangako pa naman akong walang mangyayareng ganto eh."natatakot man ay wala na akong magagawa basta mag-aaral pa rin ako ng mabuti kailangan makatapos ako ng pag-aaral para kahit na may boyfriend ako alam nilang di nga distraction si Vaigan saakin

Nang makarating na kami sa dorm ay nag-paalam na rin kami sa kanila pero bago yun lumapit ako kay Vaigan at hinalikan ito sa pisnge

"Our first day as couple."ngumite ako ng pagkatamis-tamis sa kanya ngumite rin ito at hinalikan ang noo ko

"Sige na pumasok ka na malamig na."ani nito at pumasok na sa Van ganun din ako pumasok na rin sa Dorm

"Sarap sa feelingss...♥"