webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Teen
Not enough ratings
62 Chs

22

Pake

Rosie

Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng pagtatapong iyon naging maayos na rin ang lahat pero alam kung may kulang

"Ahm rosie tara na!"ani ni Elaine saakin at umalis na kami sa dorm papunta nga pala kami ngayon sa Mall para naman mag-hang out

Nang makababa na ako ay nagulat ako na may isang kotse sa harap nila Elaine nung una nagtataka ako pero ng lumabas yung dalawang lalake sa Van na yun ewan ko pero ayoko ng atmosphere ngayon

"Oyy Sir Lary?"ani ni ivy at mabilis na pumunta sa kinaroonan nito ganun din si Riri ng makita nito si Vaigan Naikuwento saakin ni Riri na malapit na daw niya itong sagutin

Nagtama ang aming paningin ni Lary ngunit ako na ang unang umiwas at pumunta kay Elaine

"Psst!"ani ko at lumingon siya saakin natatawa ako sa mukha niya mukha kasing naiinggit eh

"Buti pa sila LVL!"ani nito at napakunot naman ang noo aning LVL?

"Anong LVL?"

"LoVeLife."at nauna na itong mablakad papunta sa loob ng van wag nilang sabihin dyan kami sasakay!Ano toh Group Date?

Agad akong pumunta kay Elaine bago pa siya makapasok hinila ko siya papunta sa isang poste di kalayuan duon sa may Van

"Tara wag na tayong sumama sa kanila!"ani ko at nanlaki naman ang mata nito sa sinabi ko

"Ano ka sinuswerte minsan na nga lang sa ganyang kotse ayaw pa!?"inakbayan ko siya at naisip ko ang magandang plano

"Bakit may boyfriend ka ba para sumama?Di tayo bagay dyan mas maganda ibigay na lang natin yung moment na yan saka na tayo sumama sa kanila pag may mga Boyfriend na tayo pero sa ngayon wag muna maa-out place lang tayo."ani ko at tumango naman siya at pumunta kami duon sa van para sabihin yung naisip namin nandun na pala sila sa loob at mukhang kami ang hinihintay

Sa unang pagkakataon nakita ko ulit yung mga matang yun sa malapitan....

"Ahm riri ivy ano kasi mauna na kayo ah!May gagawin pa pala kami nitong si Rosie."nakangiti ani nito at kumunot naman ang mga noo nila

"Huh?Sumama na kayo ano bang gagawin niyo?"

"Susunod naman kami eh."tumango na lamang si Riri at nagpaalam na kami sa kanila

"Mag-iingat kayo."ani ni Lary at ngumite na lamang ako sa kanya

Third

Nakarating na ang apat sa Mall at hinihintay ang dalawa nag message ito na hintayin sila sa unang gate ng Mall na sinasabing pupuntahan

"Antagal naman ata nila?"tanong ni Vaigan at napa-kibit balikat na lamang si Ivy nakatingin lamang sila sa may pedestrian lane dun daw sila dadaan eh

Hanggang sa isang mahabang Van ang humarang ngunit nang makaalis na ito ay nakita nila ang dalawa malaki ang ngiti ng dalawang dalaga ng makita nila ang dalawang babae kumaway si Elaine dito

Habang si Rosie naman ay hinagod ang buhok dahil mahangin at nasira na ang tamang porma ng kanyang buhok.Nang tumingin siya sa kanyang harap ay nakita niya ang dalawang pares ng mata na titig na titig sa kanya

Naglakad na sila at pumasok na sa mall nasa likod ang dalawang lalake habang ang apat na dalaga ay nasa unahan

"Nakakatuwa nga talaga yung lalakeng iyon eh biruin mo ibigay saakin lahat ng paper tapos ipasagot ng one day lang!"ani ni Elaine at gigil na gigil tinutukoy kasi nito si Ethan ngayon lamang nai kwento ng dalaga ang tungkol duon malimit kasing walang oras ang mga babae sa mga chickahan

"Hahaha yieee baka maging kayo niyan ah!"ani naman ni rosie at pinag-susundot ang tagiliran nito at natawa naman ang lahat ng magsalita ito ng 'Che'

"Eh ikaw Rosie kamusta naman ang Love life?"ani ni Riri at lahat naman ay napatingin sa kanya

'Kaya ayoko sumasali sa gantong usapan eh!Naha-hot seat ako eh.'

"Ayun masaya naman."ani nito at ngumite

"So may boyfriend ka na?"ani ni Lary at naoatingin naman ito sa kanya at napalunok na lamang

"Ah wala i mean masaya lang walang pang-gulo."ngumite ng pili t ang dalaga at natawa naman si Ivy

"Baka naman maiwanan ka namin niyan Rosie!Baka nga matapos na ang College Life wala ka pa ring Boyfriend."ani ni Riri at sumang-ayon naman ng ubang babae

"Set-up kaya kita ng blind date?"ani ni Ivy at nanlaki naman ang mata ni Rosie dito

"Ayoko!"

"Bawal!"

Nagulat ang lahat ng biglang tumaas ang boses ni Lary at napatingin sa kanya ang lahat

"I-i mean bawal kasi malapit na ang deadline ng some requirements natin right?"ani nito at napatango naman ang ilan sa kanya

"Next month pa naman ah?"ani ni elaine at napakamot na lamang si Lary

Napangiti na lamang si Rosie sa pagdadahilan nito.Kumain sila sa isang buffet ang mga lalake na mismo ang nagbayad dahil ayaw nilang pinagbabayad ang mga babae

"Nag-buffet pa talaga."bulong ni elaine at napa-irap na lamang sa kawalan napahagikgik naman si Rosie dahil duon at napatingin ang lahat sa kanya at natawa na lamang si Elaine ng malakas duon habang ang iba naman ay naguguluhan

Ibang klase kasi ang hagikgik ni rosie parang isang batang natatawa

Matapos nilang kumain ay pumunta sila sa isang cinehan at nanonood ng isang horror movie ang iba ay ayaw pa pero mapilit ang mga lalakeng kasama nito

"Bakit kasi horror pa."ani ni Riri

"Nakakatakot naman ata talaga yan Sir Lary eh."ani ni ivy at nakakapit sa bisig ng binata

"Nandito naman kami girls pwede niyong gawing takip hahaha!"tumawa naman si Vaigan sa sinaad ni Lary at tumuloy na sila sa loob habang si Rosie ang naiwan dahil bibili ito ng popcorn

Habang naglalakad ito papunta sa may bilihan ng popcorn ay may isang kamay na umakbay sa kanya dahil sa takot at pangamba ay hinawakan niya ito at pinihit paikot at mabilis na hinawakan ang balikat nito

"Sino ka!?"ani ni Rosie at tumingin sa mukha nito at nagulat ito sa kanyang nasaksihan

'Siya?'

"Ang sakit!Aray....Aray naman!"ani nito at tumingin sa kanya

"Bakit ka ba kasi nang-aakbay huh?"galit na ani ni rosie at lumapit dito."Pasensya ka na akala ko kasi kung sino eh."napakagat labi na lamang ito at ramdam kasi nito ang sakit ang ginawa nito sa binata

"Di ko alam na ganyan ka pala kalakas."tumawa na lamang ito at tumingin sa kanya

"Papunta ka ba duon?"turo nito at tumango naman si Rosie at sinabing sabay na sila sa pagpunta duon

Habang nakapila sila ay panay ang kwentuhan ng dalawa parang sila lang ang taong dalawa palabiro kasi ang binata at natatawa naman si Rosie sa mga jokes nito

Nang makabili na sila ay nagpaalam na rin ito sa isa't isa

Nang makapunta na sa loob ang dalaga ay hinanap nito kanyang seat at nakita rin naman nito di pa nagsisimula ang movie buti't nakahabol pa ito

"Hay buti na lang si Elaine ang katabi ko."bulong nito at pumunta na sa kanilang upuan napansin naman nila ang resensya nito

"Ang tagal mo ata?"ani riri sa may dulo ngumite ito

"May kaibigang naka salubong not actually a friend stranger hahaha."ani nitoxat umupo naguguluhan man ay di na pinansin ni Riri ang sinabi nito

Nang malapit ng magsimula ang movie ay naramdaman nito ang presesnya ng isang tao sa may gilid nito nakatuon lang kasi ang paningin nito sa screen habang pinapalabas ang mga pangalan ng character

"Hi."dahang-dahan nitong tiningnan ang katabi nito at nakangite pa ito sa kanya

"Hey what are you doing here?"tanong nito sa pabulong na paraan

"Syempre manunuod."umirap na lang ito at di na niya pinansin ang binata

Nang nasa kalagitnaan na ng palabas ay panay hiyaw ng mga tao dahil sa nakakatakot na creature at intense na scene

Habang ang ang dalawang babae na meron kanya-kanyang lalake ay kapwa nagtatago sa kanilang braso habang si elaine naman ay chill

Di makikita sa mukha ni Rosie ang pagkainis dahil sa katabi nito kanina pa kasi ito hiyaw ng hiyaw at panay takip sa kanyang braso

"Daig pa nito ang babae eh."bulong ni Rosie at inalis ang kanyang brasong nakakapit sa kanya at inayos ang manggas ng kanyang damit

Matapos ang palabas ay nakahinga ng maluwag ang mga dalaga at huminto saglit sa isang tabi baka daw kasi masuka sila may mga tema kasi na brutal kung paano patayin ang ilang characters

Nang makalabas ang dalawa na si Rosie at Ang binata ay napatingin sa kanila ang lahat

"Thank you sa manggas mo ah."ani nito sa kanya at inirapan lamang

"Bluce!"ani ni riri at nagulat naman ang iba sa kanila nanlaki ang mata ni Bluce at lumapit dito

"Magkakilala kayo?"tumango ang dalawa at napatango na lamang si Rosie dito

"Rosie kilala mo pala toh?"ani ni riri tumango nilagay nito ang kanyang kamay sa bulsa nito

"Sinong bang hindi ang isang lalakeng panay ang sigaw at daig pa ang babae sa hiyaw?"inirapan nito ang lalake at natawa na lamang sila dito maliban sa isa si Lary

"Tiisin mo na!Joker naman ako!"

"Pake ko?"