webnovel

Taming Leo's

作者: Yu_ChenXi
その他
連載中 · 24.8K ビュー
  • 6 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Leo and Clark

タグ
1 タグ
Chapter 1#1 : Leo

1

"Damn it."galit na galit ako habang nakatingin sa ina kong puro pasa na naman ang katawan dahil sa walang hiya kong amahin. Halos madurog na ang mga buto ko sa kamao sa hihpit ng pagkakakuyon ko.

Damn him! I will kill him. Pero hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ng martir kong ina na gawin iyon.

Hindi ko ngayon alam kung saan ko siya hahawakan. Dahil sa tuwing hahawakan ko siya ay napapaigik ito sa sakit.

"I will kill him."nanggagalaiti kong sabi.

"Huwag anak. Nakikiusap ako sa iyo. Mahal na mahal ko ang amahin mo kahit sinasaktan niya ako ng ganito."

"Walang hiya namang pagmamahal na iyan inay. Tignan mo ang sarili mo. Ni hindi ko alam kong saan kita hahawakan. Papatayin ka mismo ng pagmamahal mo sa kanya."gigil na sabi ko.

Nabibingi na mismo ang tainga ko sa hindi ko mapigilang pagkimpian ng mga ngipin ko.

"Anak, magbabago din ang amahin mo. Hindi naman siya dating ganito. Kapos lang siya sa pera kaya mainit ang ulo niya palagi."

"Kapos sa pera? Bakit saan ba niya ipinupunta ang perang kayo mismo ang nagbibigay. Na kayo mismo ang naghihirap kumita para lang ibigay sa kanya. Ina, niluluko ka na ng harapan ng walang kwentang lalaking iyon." Hindi ko mapigilan ang magtaas ng boses dito.

Hindi ito nagsalita. Dahil totoo naman lahat ng sinabi ko.

Gusto kong magwala sa tuwing nakikita ko ang ina ko na ganito. Kawawang kawawa ang kalagayan. Puro pasa ang katawan. Namamaga ang pisngi dahil sa pagsuntok sa kanya ng demonyo kong amahin.

"Ewan ko lang ina. Ito na ang huli ko kayong makikita na ganito ang kalagayan. Dahil sa oras na ulitin niya mismo ang ganito sa inyo. Hindi niyo na ako mapipigilang wakasan ang buhay ng walang kwenta niyong asawa." Galit na tumayo ako saka ko siya iniwan.

Wala naman din akong magagawa sa kalagayan niya ngayon. Total nagamot ko na ang mga pasa niya.

Matagal na akong nagtitiis. Pitong taon ako ng magsama sila ng amahin ko. At sa mga taong nakakasama ko ito sa iisang bubong ay siya namang taong paghihirap ko. Kaya mula ng kaya ko ng ipaglaban ang sarili ko sa amahin ko ay hindi na niya ako nagagawang saktan. Pero ang ina ko na ang binalingan niya simula nuon.

And damn him. Hindi ko siya magalaw dahil sa pakiusap ng aking ina. Pero punong puno na ako. Hindi na ako makakatiis pa.

Kumilos na ako para magbihis para makaalis na ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho ngayon para sa karagdagan ng allawance ko sa susunod na linggo.

Ayaw ko na sanang mag aral ng koleheyo dahil talagang walang wala kami. Pero sa kagustuhan ng ina ko na makapagtapos ako ay pumapasok parin ako. Kaya heto. Kabi kabila ang pinapasok kong trabaho kapag may free time ako. Ni hindi na ako nakakatulog ng maayos dahil halos 24/7 na puno ang schedule ko. At ngayon nadagdag pa ang walang kwentang demonyo kong amahin na wala na ngang alam gawin sa buhay ay dumadagdag pa sa palamunin namin.

Nakakakulo ng dugo kapag nakikita ko siya. Gustong gusto kong suntukin ang pag mumukha niya. Gustong gusto ko ng kitilin ang buhay niya.

Damn him again. I can't help my self not to curse him repeatedly dahil sa mga kawalang hiyaang ginagawa niya sa ina ko.

"Hoy! Leo. Saan ang lakad mo?"

Napalingon ako sa nagsalita na parang gusto ko ng gawin ang mga naiisip ko kanina ng mapagsino ito.

Ang lakas ng loob na magpakita sa akin.

"Pakialam mo?"pabalang na sagot ko sa kanya. "Hindi ko obligasyon ang sabihan ka kung saan ako pupunta."

"Abat- bakit may maipagmamalaki ka na ba at ganyan ka makipag usap sa akin?"galit din na tanong nito.

"Wala pa akong maipagmamalaki sa ngayon. Pero at least ako kumakain ako galing sa sarili kong pawis. Ikaw ba? Pagkain mo na nga lang hindi mo pa kayang bilhin."

"Mag ingat ka sa pananlita mo Leo. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."

Ang pagtitimpi ko ay hindi ko na napigilan. Nilapitan ko ito at kinuwelyuhan.

"Kilalang kilala ko kung sino ang kausap ko. Ikaw lang naman ang walang kwenta kong amahin na walang ibang alam gawin kundi lumamon ng lebre. Pasalamat ka sa ina ko na pinipigilan ako na patayin ka. Dahil kong hindi ay matagal ko ng ginawa. Kaya ito ang tatandaan mo. Ito na ang huling pagkakataon na makikita ko ang ina ko na puro pasa ang katawan at mukha niya. Dahil sa oras na gawin mo pa ulit iyon."sinadya kong itigil ang sinasabi ko saka ko inilabas sa bulsa ko ang isang pocket knife at itinapat iyon sa leeg niya.

"Dahil sa oras na gawin mo iyon. Ihihiwalay ko ang ang ulo mo sa katawan mo."

"Gago! Bitawan mo ako."nagpumiglas ito kaya naman binitawan ko siya.

Hindi na ako nagsalita pang muli pero bago ako tuluyang umalis ay tinapunan ko muna ito ng nakamamatay na tingin.

******

"Go Leo. Go! Kaya mo iyan."mga sigaw ng mga taong nagsipusta sa akin ng ako na ang nakasalang sa boxing ring.

Isa ito sa mga pinagkakakitaan ko ng pera. Dahil madaling kumita ng pera sa ganitong trabaho o trabaho nga ba ang matatawag dito.

Karate boxing o matatawag ng death boxing. Dahil kung hindi ko tuluyang malulumpo ang kalaban ko ay ako ang lulumpuin at mapapatay kapag naawa ako sa kanila.

Ako si Leonel A.K.A. Leo Sebastian. Labing walong taon nang nabubuhay sa mundong ito na kinalakihan ang ganitong buhay.

Dugo sa kamao ang isa sa kinalakihan ko. Kaya hindi na ako takot sa kung sino. Handa na akong mamatay at pumatay sa ganitong trabaho. At least dito ay nakakapag aral ako at nasusustentuhan ko ang aking ina.

"Go Leo go. Go Leo go."pangalan ko ang namayani sa loob ng maliit na gym boxing kung saan ako ngayon. Pangatlong laban ko na ito at talaga naman pagod na ako pero kakayanin ko pa.

Ngayon pa na ang laki ng pusta sa akin. Kahit isang taon akong hindi magtratrabaho kung mananalo ako.

Limang daang libong piso ang magiging premyo ko kapag nagkataon.

Kaya naman binaliwala ko ang pagod ko sa naunang dalawang laban ko. Kailangan kong matapos ito ng maaga dahil papasok pa ako mamayang gabi sa night club na pinapasukan ko.

Pero ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ang magiging kalaban ko.

Damn! Si Keven Owens ba ito. Sa laki ng katawan baka hindi nito indain ang suntok at sipa ko.

Lihim akong napalunok at napaatras ng dalawang hakbang. Langya naman. Kaya naman pala malaki ang magiging premyo ko kung sakali dahil naniguro sila na hindi ako mananalo.

Ang kaninang sigawan sa pangalan ko ay biglang humina ng humina hanggang sa tuluyan ng natahimik ang lahat.

Dehado ako nito. Pilit kong pinatatag ang sarili ko. Kakayanin ko ito sa ngalan ng limang daang libong piso.

Hindi pa man ako nakakapaghanda ay sumugod na ito at inundayan ako ng suntok. Nakaiwas man ako pero dumaplis parin iyon at talaga namang malakas. Paano na lang kung napuruhan ako. Malamang tulog na ako agad.

Mura ako ng mura sabay dura.

Iwas at sangga na lang ang tangi kong nagawa dahil dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makaporma.

Ang ipinagpapasalamat ko ay mabilis ako. Kaya naiiwasan ko ang ilan sa mga banat niya. Hanggang sa nalingat ako ay tinamaan ko mismo sa panga na siyang dahilan para umikot ang mundo ko.

Napasadsad ako sa sahig. Ang sigawan na namapakalakas ay parang slow motion pang naririnig ko.

Damn! Ito na ba ang katapusan ko?

Naipilig ko ang ulo ko at pilit na pinapakalma ang katawan ko sa panginginig. Nasagi ng isip ko ang kalagayan ng aking ina. Hindi ako pwedeng magpatalo ngayon. Kung bibigay ako ay malamang mas lalo kong hindi siya maiaalis sa kinalulugmukan niya sa piling ng dimonyong amahin ko.

Pilit akong tumayo at muling ipinilig ang ulo ko. Nasaan na ba ang galing ko kung matatalo ako dito. Nasaan na ang tapang ko kapag kapag sumuko ako. At nasaan ang pagnanais kong patayin ang amahin ko kung sa isang ito ako titiklop.

Ng makabawi ako ng kaunti ay mabilis na kumilos ako. Tumakbo ako paikot sa kanya to lure him. Malakas nga siya pero hindi siya mabilis gaya ko kaya kung hindi ako makakasabay sa lakas ng isang ito. Dadaanin ko sa bilis at diskarte.

Pumaikot ikot ako sa kanya. Kaya ng magkaruon ako ng pagkakataon na makalapitvsa kanya ng walang depensa ay tinalon ko ito mula sa likod at agad na hinawakan ito sa baba ay nuo. And a split of second, I put all my force on my hand to wrevk his neck at nagtagumpay naman ako.

Bumagsak ito ng wala ng buhay. Nagtagis ang ngipin kong napatingin sa mga taong nanduon. Hindi nakaimik dahil sa ginawa ko. Nananantiya kung ano ang gagawin. Hanggang sa lumapit sa amin ang tagahatol at pinulsuhan ang nakalaban ko. Tumingin ito sa akin saka umiling.

Ibig sabihin napatay ko ito.

Damn! This is the second time that I killed people because of money. Because of this game. At kung matutuloy ang binabalak ko. Ang amahin ko ang ikatlong mapapatay ko.

Tumayo na ito saka kinuha ang kamay ko at itinaas iyon. Kasabay ng malakas na sigawan muli ng mga taong nanduon.

May sumampa pa sa boxing ring at binuhat ako at ipinaikot mismo duon. Ako naman ay taas ang kanang kamay at nagsisigaw na din.

Bago natapos angvaraw na iyon ay tumawag ako sa manager ng night club na pinag i extrahan ko para sabihing hindi ako makakaposok ngayon. Idinahilan ko na lang ang akin ina na itinakbo ko sa hospital kaya naman naintindihan niya ako. At iyon naman ang balak kong gawin pag nakauwi na ako. Ang maipagamot ng maayos ang mga pasa ng inay.

Umuwi man ako na masakit ang katawan. May ngiti naman ako sa mga labi. Dahil hawak hawak ko na mismo ang perang pinanalunan ko.

*******

@YuChenXi

あなたも好きかも

POSSESSIVE HEIRS 2- Kanye Anderson (Tagalog)

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story: Siya si Kanye Anderson. Akala niya ay maayos na ang lahat. Nasa kanya na ang lahat lahat maliban sa isang bagay. Ang isang maganda at masayang pamilya kasama ang mahal niya sa buhay. At isa na doon si Elijah ng makilala niya ito. Pero wala siyang pag asang makamtam iyon dahil ang taong natutuhan na niyang mahalin ay asawa ng pinsan niya. Kaya naman mas pinagtuunan na lang niya ang pansin ang kanyang mga negosyo. Until one day, na ang akala niyang matagal ng wala ay bumalik at hindi lang nag iisa, kundi may dalawa pang sangkot sa pagbabalik nito. Na gugulo at magpapaalala sa kanya sa buhay niya noong kabataan niya. Sino siya? Sino ang taong iyong sa buhay niya? ***** Naghabol, nag stalk, nangulit siya para lang pansinin siya nito. Ipinagsiksikan ang sarili kahit alam niyang hindi siya nito seseryusuhin. At dahil sa kapangahasan at kapusukan niya noong kabataan niya ay nagbunga iyon ng isang alaala na kailanman ay hindi pwedeng basta na lang ibaon sa limot. Siya si Raellan Charles Dela Cruz, nagmahal siya ng isang lalaki na hindi alam ang salitang pagmamahal noon. Isang laro lang ang pag-ibig para dito. Kaya naman napilitan siyang lumayo dahil ayaw niyang mas masaktan sa piling nito dahil ipinapamukha sa kanya na isa lamang siyang pampalipas oras at hindi dapat siniseryuso. Nasaktan, nagpakalayo, bumangon ng buong puso at kalimutan ang lalaking iyon. Pero sadya bang mapaglaro ang tadhana? Kung kailan nakatakda na siyang magpakasal ay siya naman nagpakita ito sa kanya? Ano ang gagawin niya? Kung ito na ngayon ang lumalapit at inaangkin ang noon pa ay dapat sa kanya? Abangan!

Yu_ChenXi · その他
レビュー数が足りません
2 Chs