webnovel

#6: Leo

7

Nakatitig ako sa hawak kong calling card dahil nalaman ko sa doctor na nakatalaga sa ina ko na Clark Kriston ang pangalan ng taong nagbalik sa nametag ko at nagbayad sa bill ng ina sa hospital at ang nakasalamuha ko sa kalye noong nakaraang araw ay iisa.

"Ano ang maibibigay mong trabaho kung lalapit ako sayo."naitanong ko habang titig na titig parin ako sa calling card na hawak ko na para bang nasa harapan ko lang siya.

Napag alaman ko ding isa siya sa mga master sa AU. Hindi ko pa lubos na kilala ang pitong Master na kilalang kilala sa pinapasukan kong universidad. Dahil hindi naman ako interesadong alamin.

"Pwede na tayong umuwi anak."ang ina ng makapag ayos na ito para makauwi na kami sa bahay. At sa apat na araw na nandito kami sa hospital ay hindi man lang bumisita ang walang hiya kong amahin. Na ipinagpasalamat ko na din dahi hindi ko nakita ang pagmumukha niya na matagal ko ng gustong burahin sa mundo.

Magkaagapay kaming lumabas sa hospital saka na kami dumeretso ng uwi. Hindi na din namin naabutan ang amahin ko sa bahay. Siguro, nasa babae na naman niya ito. Mabuti pa ngang hindi na ito umuwi para wala na akong problema sa kanya at hindi ko na iisipin na masasaktan na naman ang ina.

"Huwag na kayong magtaka ina, subukan niyo ng sanayin at unti untiing kalimutan ang walang kwenta niyong asawa dahil siguradong nasa kandungan na naman iyon ng mga babae niya." Hindi ko itinago ang galit sa mga salita ko sa aking ina. Pero hindi naman na siya umimik dahil totoo naman lahat ng sinabi ko.

"Mali ka lang diyan sa inaakala mo anak."sabi nito saka nagtuloy sa loob ng kwarto nila.

Sinundan ko ito saka ako sumandal sa hamba ng pinto.

"Hindi ko kayo kinukunsinti ina, pero sana hindi ko na ulit makikitang magkapasa kayong muli, dahil sa oras na mangyari ulit iyon ay hindi niyo na ako mapipigilang patayin ang asawa niyo."seryusong sabi ko sa kanya. "Sige po at may pasok pa ako ngayong hapon. Huwag niyo na ako hintayin sa gabi para kumain dahil dederetso na ako sa pinagtratrabahuan ko."

"Mag ingat ka anak. Huwag mo masyadong sagarin ang sarili mo."

"Ayos lang ako ina hanggat nakikita ko kayong nasa maayos. Sige po, tutuloy na ako." Humalik ako sa pisngi niya ng lumapit ito sa akin saka ako tuluyan ng umalis para pumasok sa panghapon kong klase.

"Kumusta ang mama mo Leo?"

"Maayos na siya at nawawala na ang mga pasa niya sa katawan at mukha."sagot ko kay Marky ng maupo ako sa tabing upuan niya. Nagtuloy kasi kami sa canteen ng matapos ang unang subject ko at may isa pang subject akong dadaluhan bago ako tumuloy sa night club na pinagtratrabahuan ko.

"Mabuti naman kung ganun, siya nga pala iyong itinawag mo sa akin, bakit mo natanong ang pangalan ni Master Clark?"sa kanya ko kasi nalaman ang ibang tungkol dito dahil sa social media na pinagtignan ko ay iilan lang ang nakita kong impormasyon sa kanya.

"Wala naman, may utang na loob lang akong dapat bayaran sa kanya."

"Paano ka naman magkakautang ng loob sa  isa sa mga master ng AU eh halos hindi nga mahagilap ang mga iyon dito at walang nagtatangkang makasalubong ang landas nila."sabi pa nito.

"Bakit naman?"

"Naku naman Leo, kailan ka ba ipinanganak at wala ka man lang kaalam alam sa kanila."

"Hindi naman ako interesado sa buhay ng ibang tao Marky, kaya wala akong alam sa paligid ko. Ang makahanap lang ng mapagkakakitaan ang goal ko sa buhay at hindi ang pakikialam sa buhay ng iba."sagot ko dito.

"Ewan ko sayo. Eh sa ano ngayon ang balak mo? Paano ka makakabayad ng utang na loob kay master Clatk, gaya ng sabi mo."

"Ewan, pag iisipan ko pa."

"Sabihan mo ako ah kapag makikipagkita ka kay master Clark, para naman makita ko siya ng malapitan. Isa siya sa sikat ng car racer, kaya gusto kong magpa authograph sa kanya."

Nailing ako sa sinabi niya. Pero tinanguan ko na lang siya bilang sagot. Wala pa naman ako balak ngayon. Nag iisip pa ako kung lalapit ba ako sa kanya o hindi na kailangan. Dahil sa popularity nito malamang hindi na din niya maalala na may isang Leo na minsan na niyang nakilala.

"Tara, halos pasimula na ang huli nating subject."aya ko dito saka ko sinabayan ng tayo. Panabay na kaming nagtungo pabalik sa room namin.

******

"Anong kailangan mo dito?"tanong ng isa sa nagbabantay sa labasan ng MC na nasa loob ng AU ng makapag isip isip akong gusto kong makausap si Clark. Hindi na muna ako tumuloy sa trabaho ko pero ganito pala kahigpit ang pagbabantay na hindi basta basta ang makapasok. Maraming mga guard na nakapaligid.

Ano ngayon ang gagawin ko? Damn! Aalis na lang kaya ako at hindi na tumuloy. Baka hindi na rin niya maalala na nag alok siya ng trabaho sa akin.

"Kung wala kang passcard na maipapakita ay hindi ka makakapasok sa loob."muling sabi nito.

Hindi ko na nga ito sinagot, tinalikuran ko na lang siya.

"What it is Henry?"narinig kong tanong ng isang babae na nakasalubong ko.

"Master Kelly magandang hapon. Gusto niyang pumasok sa loob pero wala naman siyang maipakitang passcard kaya pinigilan ko siya."sagot na may pag galang ng guard dito.

Master Kelly, so ibig sabihin ay isa ito sa pitong pinuno ng MC.

Tumingin naman ito sa akin. Well, ang ganda niya. Pero sabi ni Marky, lahat ng master ng MC ay magaling makipaglaban. Pero ang isang ito ay para namang hindi makabasag pinggan sa kaamuhan ng mukha. Parang anghel lang na bumaba sa lupa.

"Hello there! Anong kailangan mo at gusto mong pumasok sa loob. Kung maganda ang rason na maririnig ko mula sayo, I will give you passcard para you can come here anytime you want."at ang lambing pa ng boses niya. Paanong ang isang mahinhing babae ay naging pinuno ng MC.

"Gusto ko lang makausap ang isa sa inyo."sagot ko dito.

"Hey! Kiddo,."tawag pansin ng guard na sumita sa akin kanina. "Kung makipag usap ka kay master Kelly ay parang hindi mo alam kong saan ka lulugar ah.!"may galit pa itong tumingin sa akin. "Baka gusto mong makita kong saan ka dapat lumagay."

Tinignan ko ito ng masama. Bigyan ko kaya ito ng suntok ng makita niya. Kung makapaghamon ay parang wala akong binatbat. Baka idagdag ko pa siya sa gusto kong burahin sa mundo kapag nagkamali ito. Sasagot na sana ako ng marinig kong tumawa ang babae. Sabay sumenyas sa guard ng ayos lang.

Ang ganda pa sa pandinig ang tawa niya.

"It's okay,  Henry. I can handle this."sabi nito. "Sino sa isa sa amin ang gusto mo makausap?" pagkuway balik tanong niya sa akin.

Kinuha ko ang calling card na nasa bulsa ng polo ko at ipinakita ito dito. Kimuha  naman nito iyon saka binasa.

"It was Clark, may calling card ka naman pala niya eh, kung ipinakita mo ito kanina pa sa guard ay malamang nakapasok ka kaagad. Dahil wala ni sino man ang nakakakuha ng calling card sa amin maliban kong kami mismo ang magbibigay. Come on, I will walk with you kay Clark."sabi nito saka nagpatiuna ng maglakad. "Follow me."

Tinapunan ko na naman ngayon ng masamang tingin ang guard na ganun din ang ginawa sa akin bago sumunod dito.

"Kailan mo nakilala si Clark. Bihira pa naman na mahagilap ang isang iyon. Kung hindi sa karera siya naroon ay hindi na siya lumalabas dito sa MC o di kaya naman sa compony niya."pag kukwento nito habang nakasakay na kami sa elevator. Sa limang palapag tumigil iyon.

"Hindi ko siya totally nakausap at nakilala, pero sabi ng ina ko na nakakilala sa kanya sa hospital noong isang araw ay siya ang nagbayad ng bill namin sa hospital."sagot ko dito.

"Really, that strange, kailan pa naging mapagbigay ang isang iyon."naiiling na sabi nito saka saglit na tumingin aa akin.

"Ibinalik niya ang nametag na nalaglag ko noong isang araw."dagdag ko pa.

"Oh! It was you, iyong nakabangga sa kanya sa pasilyo ng hospital. Tignan mo nga naman. Pero kung ang balak mo ay ang ibalik ang pera na pinambayad niya sa hospital, huwag mo ng subukang gawin, saka ano lang naman iyon sa kanya. Barya lang iyon sa bulsa niya." nangingiting sabi pa nito. "Kaya huwag ka ng mag abalang bayaran iyon pabalik sa kanya."

"Ganun ba. Pero gusto ko parin siyang pasalamatan ng personal."

"Okay then,halika. Pasok ka."alok nito ng buksan ang isang pinto na nadaanan namin.

"Bakit ang tagal mo, kanina pa kami naghihintay sayo?"bungad sa kanya ng isang lalaki saka ito sumalubong sa kanya at hinalikan sa labi. Pero bumaling ito sa akin ng mamataan ako sa likuran nito.

"And who is he Kelly? Don't tell me-"

Tinampal nito ang nuo ng lalaki. Saka tumingin sa akin.

"Kung ano agad ang tumakbo sa utak mo. He is here for Clark. Asan ba ang isang iyon."

"Iyon na nga eh! Hindi daw siya darating ngayon. Kita kits na lang daw tayo bukas para sa gaganaping pagtitipon para sa proposal ni master Clyde. May naghamon sa kanya sa karera eh. Alam mo naman iyon, 2nd proirity na lang niya tayo kapag iyon na ang pinag uusapan."sagot naman ng isang babae na lumapit din sa amin. Pero saan ko ba ito nakita? Parang namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala kung saan.

"And you kiddo!."pansin nito sa akin

"Im not a kid so don't call me kiddo. Mas matanda nga kayo sa akin pero huwag niyo akong ituring na bata."sabi ko dito.

"Wow!"ewan kong namamangha ba ito sa sinabi ko pero bakit naman kung sakali. "I haven't seen someone talked to me like the way you talk, I haven't seen any fear from you."

"Why should I?"tanong ko, "how can I feel fear, sa isang anghel sa harapan ko."

"Hoy! Bata, umayos ka."sita naman sa akin ng isa pang lalaki na umakbay dito. "Kung may pantasya ka sa girlfriend ko, umatras ka na." nahimigan ko naman ang pagbabanta sa boses nito. Tinignan ko sila isa isa. Bali lima silang lahat na narito. Si Clark ang isa. So ibig sabihin may isa pa. At ang pagkakarinig ko master ang tawag nila sa Clyde na pangalang binanggit.

"Wala akong intenston na agawan ka. Bakit kung sakali man, papatalo ka ba?"pahamon na tanong ko dito.

"Abat-"

Tumawa ang iba sa sinabi ko.

"Alam mo bang pangatlo ka na sa taong nangahas na sagutin kami. Ako nga pala si Monica. Kambal ko ang taong hinahanap mo." napatitig ako dito kaya naman pala namumukhaan ko siya. Female version siya ni Clark. "Una si Zoey, pangalawa si Azami, and now, tssk! Sana hindi magkatotoo ang mga naiisip ko."makahulugang dagdag pa nito pero hindi ko naman ang ibig niyang ipahiwatig. "By the way, anong kailangan mo sa kambal ko?"

"He is here daw para pasalamatan si Clark dahil sa pagbabayad ng bill ng mama niya sa hospital. And he is the one who bump Clark at the hospital pathway."

"Ah! Ikaw iyong nakalaglag ng nametag. Himala yatang nagkaroon ng paki alam sa ibang tao ang kambal ko."napabali ito sabay tingin kay mga kasama. "Kaso wala siya ngayon eh. Bumalik ka na lang sa susunod o di kaya naman bukas, dumalo ka sa gaganaping pagtitipon. Para naman masaksihan mo ang surpresa ng master namin sa boyfriend niya."

"Sige salamat na lang kung ganun."nasabi ko na lang saka ako nagpaalam sa mga ito.

"Wait, take this passcard so you can freely come here if you want."si Kelly.

"Salamat muli. Magpapaalam na ako."

"Ok! Nice meeting you."saka ko tuluyang nilisan ang MC at nagtuloy na sa trabaho ko.

Hindi pa siguro ito ang panahon para magkita kaming muli. Marami pa naman araw paf mapasalamatan siya. Sa ngayon, gagawin ko muna ang trabaho ko para may maiuwi at maibibigay ako sa kanya.

*****

@YuChenXi