webnovel

#4: Leo

4

"Mabuti at nakapasok ka na."salubong sa akin ng isa sa katrabaho ko sa club na si Kevin sabay tapik ng mga balikat ko. Dito na ako tumuloy matapos ang klase ko. Tinawagan ko n lang ang ina ko na dederetso na lang ako sa hospital pagkatapos ko dito. "Kung hindi ka lang tipo ng manager natin siguradong tanggal ka na niyan. Lakas mo kasi sa kanya eh."ngingisi ngisi pa itong umakbay sa akin habang papasok kami sa locker room namin para magbihis.

"Gago! Tumahimik ka diyan baka marinig ka niya at pag initan ka na naman."suway ko dito kahit totoo naman ang sinasabi niya.

"Oo na! Ikaw na kasi ang biniyayaan ng gwapong mukha at magandang pangangatawan. Tiyak kong kapag pinatulan mo ang manager natin sigurado akong luluwa ang mata noon kapag tinuhog mo."

Kagigil din ang isang ito. Walang magandang inilalabas ang bunganga kundi kalaswaan.

"Kung ako lang ang gusto niya siguradong matagal ko na iyong tinutuhog sa pwetan magkapera lang ako."dagdag pa nito.

"Kalaswaan mo Kevin."naiiling na sabi ko na lang. "Tumigil ka nga diyan."ngali ngaling batukan ko ito o di kaya naman sungalngalin ko sa bunganga para hindi na makapagsalita.

Tumawa lang ito saka nagsimula na ding magbihis.

"Iyan tayo eh! Ikaw ba naman ang biyayaan ng magandang kutis pero nagtitigasang muscle sa katawaan. Ano bang iherhisyo ang lagi mong ginagawa at ganyan katitigas ang muscle mo sa katawan?"tanong pa nito na katitig sa may tiyan ko.

"Ito ba."sabay tapik ng tiyan ko na may anim na pandisal. "Nagsisibak lang ng mga kahoy. Nagbubuhat ng cavan cavan na bigas."sagot ko sa kanya. Dahil iyon naman ang totoo.

"Naman, ganyan ba talaga ang katawan ng mga masisipag. Pero sandali, bakit ang dami mong pilat sa katawan. Saan mo nakukuha ang mga iyan. At ito."sabay turo sa tagiliran ko na may mahabang pilat. "Gawa ba ito ng saksak?"

"Oo! Minsan kasi sumasabak ako sa isang iligal na death boxing. Doon kasi ako nakakakuha ng malaki laking pera. At duon ko din nakikita ang mga pilat na ito sa nga katawan ko."

"Kaya naman pala may pasa ka pa sa mukha e. Pero nakakadagdag iyan sa kakisigan mo. Dahil bakikita diyan na marunong kang makipaglaban."

"Napalaban ako noong isaan araw kaya heto natamaan. Pero saka na tayo mag usap. Magtrabaho na tayo ng matapos na ang gabi natin."pang iiba ko ng usapan dahil napaparami na kami ng kwentuhan.

Total naman wala naman masyadong isusuot eh. A black trunks lang tapos sinamahan lang ng butterfly tie sa leeg kaya naman halos wala na kaming naitatago.

Isa kasing gay bar ang club na pinagtratrabahuan ko kaya ganito lahat ng suot namin. Hindi ko sana papasukin ang trabahong ganito kung hindi lang malaki ang apat na oras kong sahod. Ikaw ba naman ang kikita ng limang libo sa apat na oras. Kasama pa iyong tip ng customer.

Kahit na alam kong pinagpapantasyaan na ang katawan ko ay sige lang. Wala naman silang mahihita sa akin dahil hindi ko sila papatulan. At wala akong balak na pumatol sa kanila.

"Hindi ka nag report sa akin na papasok ka pala."ang manager namin na nakapasok na pala sa locker room namin. At ang luko nakatingin na naman sa harapan ko na para bang wala akong suot.

"Nagmamadali na kasi ako boss. Kaya hindi na ako nakaderetso sa opisina mo."sagot ko dito saka ipinagpatuloy ang pag aayos ng bow tie ko.

"Sige, total naman may sense naman kaya ka nahuhuli sa trabaho. Kumusta na ang mama mo, maayos na ba ang kalagayan niya?"tanong pa nito saka lumapit sa akin.

Iiwas sana ako pero nahawakan na niya ang tie na inaayos ko sa leeg saka siya na ang nag ayos niyon.

Napatikhim naman si Kevin na biglang natahimik ng makita ang manager namin na kanina lang ay pinag uusapan namin.

"Magtrabaho ka na at huwag ka lang tumayo diyan."singhal nito kay Kevin na agad naman tumalima.

"Yes boss."

"Masyado niyong pinag iinitan si Kevin boss. Baka naman umalis siya dito dahil doon."

"Umalis siya kung gusto niya. Total nandito ka naman."balewalang sagot nito saka binitawan ang necktie ko ng maayos niya iyon.

Humakbang ako paatras para makalayo dito. Sa klase ng tingin niya ay para na niya akong kakainin ng buhay. Baka hindi ako makapagpigil ay paputukin ko ang labi niya ng wala sa oras.

"Magtratrabaho ma ako boss."pang iiwas ko sa kanya saka sinabayan ng labas sa locker room at hindi ko na talaga siya hinintay na makasagot.

Nagpatuloy ang pag se-serve ko ng alak na order ng mga customer. At gaya ng dati ang dami na namang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko pero balewala na iyon sa akin. Bahala silang maglaway sa kakatingin sa akin.

"Hey you. Halika dito."tawag pansin sa akin ng nasa kabilang lamesa kaya naman lumapit ako. 

Ng makalapit na ako ay nabigla pa ako ng bigla itong humawak sa garteran ng trunks ko kaya naman napaatras ako palayo dito.

"Ang liksi mo naman, titigna ko lang kung ano ang pangalan mo na nakalagay diyan sa suot mo."gigil na sabi nito.

Niyuko ko ang nametag na nakalagay sa trunks mo. Oo nga pala. Doon pala nakasabit ang nametag namin dahil walang ibang pangsasabitan.

"Maari niyo namang tanungin sa akin sir at hindi niyo na kailangang kayo mismo ang tumingin."maalumanay na sagot ko dito kahit nanggigil ako sa hangin ng tuno ng boses nito. "Leo ang pangalan ko. Para alam niyo na."

"Mailap ka ah. Bakit hibdi mo gayahin ang ibang kasama mo na game na game na makipaglaro sa ibang custumer."

"Pag se serve lang po ng order ang trabaho ko sir. At hindi na po iyon parte ng trabaho ko. Kung gusto niyo po, ikukuha ko kayo ng ibang makaksama dito."

"Sa ikaw ang gusto namin eh. Ikaw lang ang nag instand sa lahat ng waiter dito. Malakas ang dating at maapil."

"Sorry po talaga sir. Hindi po talaga ako tumatanggap ng ganyan sa mga customer ko."hinging paumanhin ko sabay yuko para hindi nila makita ang nagtatagis kong mga ngipin za gigil at gusto ko ng bigyan ng leksyon ang mga ito kung hindi lang ako nagpipigil. "Kung wala na kayong oorderen at ibang sasabihin ay mauuna na ako. Madrami pa pong mga order na dapat kung ihanda."hindi ko na sila hinintay na makapagsalita at agad ko na silang iniwan.

Piniliit kong iniwasan ang mga ganung klaseng tao hanggang sa matapos ang apat na oras ng trabaho ko.

"Mauuna na ako sayo Kevin."paalam ko kay Kevin ng makapagbihis ako.

"Sige lang Leo. Ingat pre."at sinabayan iyon ng tango. Nagpaalam na din ako sa manager namin at gaya ng dati binigyan na naman niya ako ng tip dahil daw sa dami ng customer namin ngayon. Kaya naman pitong libong piso ang perang naiuwi ko ng gabing ito.

*****

Naglalakad na ako para makapunta sa paradahan ng tricycle dahil wala ng nadadaan sa lugar na ito kapag ganito ng mga oras ng may mga lalaking humarang sa akin sa daraanan ko sa makipot na daan na tinatahak ko.

"Anong kailangan niyo sa akin."tanong ko sa kanila. Pinalibutan nila akong anim.

Tinignan ko sila isa isa. Mukhang walang magandang mutibo anv mga ito. Nakitaan ko ng ngising demonyo sa mga labi nila.

But Damn them. They pick a wrong person to bully. Dahil hindi ko sila sasantuhin.

"Kung pera ang kailangan niyo hindi ko kayo mabibigyan. Dahil wala ako niyan."sabi ko sa mga ito.

"Ikaw ang kailangan namin. Dahil nakita ka namin kagabi sa night club."

"Is that so. So ano naman ang kinalaman ng trabaho ko sa inuo."singhal ko sa mga ito. Pero sa tingin ko alam ko na ang gusto nila sa akin. Sa klase ng ngisi at tingin sa akin ay puna ng demonyo nilang isip ng pagnanasa sa katawan ko.

"Sa tingin namin masarap ka. Sa umbok ng puwetan mo malamang mapapaligaya mo kami." Sabi ng isa na kitang kita ko ang isang ngisi ng pagnanasa sabay basa ng laway sa sariling labi.

"Gago, hindi ako interisado sa inyo."galit na sabi ko sa mga ito at sinabayan ng talikod na sa kanila.

"Hey! Akala mo ba makakawala ka pa sa amin. Titikman ka na muna namin bago ka makaalis."pigil ng isa akin sa isa kong braso.

Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak mismo sa akin bago siya tinapunan ng masamang tingin. Hindi na ako naghintay pa na mabawi ang kamay niya at agad ko iyong hinawakan at mabilis ang ginawa kong pagpaikot sa kamay niya at walang babalang ibinalibag ko siya sa lupa.

Tinignan ko ang iba na nabigla sa ginawa ko pero sumugod na sila ng makahuma at sabay sabay na lumapit sa akin.

Walang panama ito sa mga nakakalaban ko sa loob ng death boxing kaya easy lang sa akin na mapabagsak silang anim. Ni walang kalakas lakas ang mga suntok nila at ang bagal nilang kumilos. Nagsasayang lang ako ng oras sa mga ito kaya naman minadali ko na ang pagpapabagsak sa kanila.

"Don't dare to lay your hand on me, asshole. Wala pa kayo sa kalingkingan ko." Ng lugmok na sila lahat sa lupa ay gigil pa na sinipa ko ang isa.

Pero hindi nakaligtas sa paningin ako ang lalaking kanina pa lihim na nagmamasid sa amin.

Napadura ako sa lupa saka ako tumingin sa gawi ng lalaking iyon.

Kasama din ba nila ang isang ito na parang takot na daga na nagtatago na nagmamasid lang sa mga kasama niya.

Walang kwenta.

"Ikaw, lumabas ka na diyan. Alam kong kanina ka pa nandiyan."sabinko dito.

Hindi ito agad na lumabas sa pinagtataguan. Pinalipas pa nito ang kalahating minuto siguro bago tuluyang lumabas.

Nakatingin ito sa mga lalaking pinabagsak ko saka nito pinagsalikop pa ang mga kamay sa dibdib.

"Hindi ko masyadong nakita kung paano mo sila napabagsak dahil sa bilis mo."

"Is that so. Hindi mo ba sila kasama?"seryusong tanong ko dito at inaarok kung tatanggi ba o hindi.

"Of course not. Napadaan lang ako. Kaya ako tumigil dito dahil akala ko kailangan mo ng tulong. Pero nagkamali ako."

Well, parang hindi naman ito nagsisinungaling pero hindi ko na siya sinagot pa. Tinalikuran ko na ito para ipagpatuloy ang naudlot na pag alis ko dahil sa lintik na limang lalaking walang kawenta kwenta.

"Hey! Wait. I heard that you are working at the night club. At tingin ko nag aaral ka pa lang. Do you need to earn extra money? Mayroon akong irerekomenda sayo. Baka gusto mo lang naman."narinig kong sabi nito kaya naman napalingon ako.

"No need. Kung ang sasabihin mo to satisfied you. Maghanap ka na lang ng iba. Dahil hindi ako interesado."deretsang tanggi ko dito. Isa lang siya sa mga lalaking pinabagsak ko. Kung akala niya madadaan niya ako sa pera para lang sa kamunduhang pangangailangan niya ay nagkakamali siya.

Sa pustura at hitsura nito ay sigurado akong marami itong pera. Napaka elegante magdala ng damit at napansin ko ang sasakyan niya kanina na tumigil sa hindi kalayuan. Isa iyong lamborghini. Na ipinarada na lang sa kung saan na para bang kanya ang daan

Muli ko siyang tinalikuran ng muli na naman niya akong pigilan.

"Wait!. Napakainit naman ng mga paa mo. This is my business card. Just call me if you want to work with me."nakangiting sabi pa niya sa akin sabay abot sa akin ng calling card nito.

Well, he has a perfect smile na bumagay sa mukha nito.

Hindi ko tinanggap ang card na binibigay niya pero isinilid niya mismo iyon sa bulsa ng damit ko kaya hindi na ako nakatanggi pa.

"Call me then. Clark Kriston Bentley thats my name. Dont forget it."sabi pa nito saka ito na ang unang tumalikod at tinungo ang sasakyan.

Ng makasakay ito ay tumingin muli sa akin saka sumaludo bago tuluyang pinasibad ng pagkabilis bilis ang sasakyan niya.

What the fuck. Is he rushing the way he drive. Parang lilipad na ito sa bilis.

Napailing na lang ako. Sanay na iyon dahil sa klase ng pagpapatakbo niy ng sasakyan. At anong pakialam ko kung sakali sa kanya.

Ipinagpatuloy ko na lang ang naudlot na paguwi ko.

******

@YuChenXi

次の章へ