After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.
Humahangos pa si Josh nang makarating siya sa airport pero wala siyang oras para magpahinga. Agad niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng airport na iyon. Hinahanap ng mga mata ang babaeng minamahal.
Malapit na siyang mawalan ng pag-asa nang mamataan niya ang isang babaeng hila-hila ang bagahe nito. Sa bulto nito at sa paglalakad ay kilalang kilala niya ang babae. Walang pag-aatubiling hinabol niya ang babae at pinigilan ang braso nito.
Agad naman itong humarap sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag nang masilayan ang magandang mukha nito. He was so afraid that he had already lost her. Mabuti na lang at malakas pa rin pala siya sa nasa itaas.
Ngunit sa halip na tuwa ang makita niya sa mukha ng babae ay pagkabahala ang bumalatay doon. Was she disappointed that he came for her?
"What are you doing here, Josh?" maging ang tono nito ay nagpapahiwatig ng pagkadismaya kalakip ng bahagyang pagkagulat.
"I'm here to get you. You can't leave, you know that." Sabi niya na nilangkapan ng pagsusumamo ang tinig.
"I have to, alam mo 'yon." Ang simpleng sagot nito.
"Our wedding is tomorrow. How can you just leave!" hindi makapaniwalang sabi niya. Pero bakit pa nga ba siya nagugulat? They were in an airport! Iisa lamang ang ibig sabihin niyon. "Please don't leave. Pagkatapos ng seremonya, kung gusto mo sasamahan pa kita. But it's our wedding, for Pete's sake!"
"We can just postpone it, right?" ang simpleng sagot nito sa kanya.
"What?"
"Look, this is very important to me. Ito na ang pinakamalaking hakbang para sa pangarap 'ko. Please understand me." Kulang sa emosyong sabi pa nito.
"Are you even hearing yourself? It's our wedding! Hindi man lang ba ito kasama sa sinasabi mong pangarap mo?" nagugulumihanang tanong niya. Was the wedding not important to her? Was he not important to the woman he was so ready to be with all his life?
"'I'll come back. I promise I will. Just after this. We will get married. Just give me time, please."
Hindi siya makapaniwala. Ipinagpapalit siya nito at ang kasal nila para sa umano ay pangarap nito? And just a day after they were to wed? Naramdaman niya ang matinding kirot sa dibdib niya. He was not her dream. He never was. And he was sure he will never be.
"Go ahead." Mababa na ang boses na sabi niya. Kusa ring bumitaw ang kamay niya sa braso nito.
"Josh, listen---"
"No, you listen. It's fine. I kind of get the picture now. You go on ahead." Mahinahon nang sabi niya.
"I will come back for you, I promise." Wika ng babae na bahagya nang nagkaemosyon ang tinig. Gayunpaman ay hindi na siya naapektuhan pa niyon. She was still leaving.
"You probably will." Malamig na sabi niya. "But I won't be here to wait for you, anymore."