webnovel

26

AND it's a small world after all. Sabi nga ng kanta. At ang gusto ring sabihin sana ni Fabielle nang makarating siya sa tapat ng bar at restaurant na nakasaad sa card na nakapaloob sa envelope na iniabot sa kanya ng naka-formal na delivery man nang umagang nasa paboritong coffee shop sila ng kaibigan.

I'm sorry I wasn't able to keep in touch these past few days. Got busy fixing things. Will you meet me somewhere at 8pm tonight?

I miss you.

-Josh

Iyon ang nakalagay sa note na binigay nito. Sa likod niyon ay nakalagay ang address na pagkikitaan umano nila nito. Hindi naman niya inakalang ang address na iyon ay magdadala sa kanya sa restobar na iyon kung saan niya unang naranasang malasing nang husto.

Sa isiping iyon ay gusto niyang mapangiwi. She can't exactly remember what happened that night. Just that she had a couple of drinks before she went unconscious. Wala namang sinabi ang kaibigan niya na ginawa niyang kababalaghan nang madatnan siya nito. So she must have just been unconscious when she got really drunk. Nothing else.

Pero bakit ba iyon ang iniisip niya. It was not like the people in there would remember her and tell her out to Josh. Why was she even getting paranoid?

Huminga siya nang malalim at naglakad nang papasok ng restobar. Pagpasok pa lamang niya ay naglibot na ang paningin niya sa paligid, hinahanap ng mga mata ang lalaking ilang araw na rin niyang inaasam makita.

The place was full of people. Kagaya nang unang beses na makapasok siya doon. Ngunit hindi niya makita ang pamilyar na lalaki sa mga okupadong lamesa maging sa bar counter. Masyado ba siyang maaga at papunta pa lamang ba ito?

Natawag ang atensiyon niya sa entablado ng lugar nang magsimulang umalingawngaw ang pagtugtog ng gitara at literal na mapanganga nang makilala ang lalaking tumutugtog sa doon. Nakatayo ito sa tapat ng mikropono habang abala sa pagtugtog sa gitara nito.

Alam niyang isang businessman si Josh ngunit wala yata itong nabanggit sa kanya na tumutugtog din ito. At sa restobar na iyon?

"You're not seeing things you know. That's really Josh playing the guitar." Agad na lumipad ang tingin niyasa gilid niya kung saan natagpuan niyang nakatayo na sa gilid niya ang isang lalaki. Isang pamilyar na lalaki. "Welcome back to the Metro, Miss Aguirre" Ang nakangiting sabi pa nito nang magtama ang tingin nila.

"Sir Apollo!" bulalas niya. Ito ang may-ari ng publishing house na pinagtatrabahuhan niya. May ilan pang kompanyang pag-aari ang lalaki ngunit nakikita nilang mga manunulat ang lalaki sa tuwing magkakaroon ng mahalagang pagpupulong silang mga manunulat kasama ito. "Anong ginagawa niyo rito?" hindi napigilang tanong niya.

"Shouldn't I be the one asking you that? Hindi ba dapat ay nasa harap ka ng laptop mo at isinusulat ang nobelang magdadala na naman ng kaperahan sa kompanya ko. Your readers miss you, you know?"

"Eh?"

"Hun, don't pressure Fabielle. Hindi mo ba alam na discretion ng mga manunulat kung kalian sila dapat magsulat. Hindi maganda ang kinalalabasan kapag sapilitan ang pagsusulat. Sasakalin kita kapag hindi na nagsulat pa ang paborito kong romance writer nang dahil sa kaka-pressure mo." Wika ng magandang babae sa tabi nito. Kilala niya ito. It was Jean, Apollo's fiancée. Nakita na niya ito isang beses minsang pumunta siya sa opisina at naroon din ito. "Hi, Fabielle. I'm Jean, a big fan of yours." Nakangiting baling nito sa kanya saka inilahad ang palad sa kanya na tinanggap naman niya.

"You're right, hun." Sabi ng boss niya sa babae saka muli siyang binalingan. "Sorry about that. Kahit next year ka na magsulat, ayos lang, Fabielle." Bawi nito sa sinabi nito kani-kanina lamang.

Hindi na niya nagawang sumagot pa nang mula sa entablado ay umalingawngaw ang isang tinig. Isang gwapo at pamilyar na tinig.

Oh, you waited so long

Sometimes it's hard to stand out

And you don't have to do anything else

But be yourself, oh

And you, you dressed up so nice

But all I could see was your eyes

And the crowd came and pulled you away

And then you were gone

Oh, yeah..

"He has never performed in his stage before. In fact, he has never performed anywhere else before. Isinasali namin siya sa banda pero ayaw niya dahil wala daw siyang balak ipahiya ang sarili niya sa mga tao. Kaya nga self-appointed manager ang papel niya sa barkada." Maya maya ay komento ng boss niya.

"Well, he does not sound so bad, hun. At stage niya naman iyan, technically. He owns the place." Kibit-balikat na sabi ng nobya nito.

"Ilang taon na siyang nagpapanggap na pinakawalang talent sa barkada. At ngayon niya naisipang lumantad? For a girl?" Pumalatak pa si Apollo. "That guy is definitely showing off."

"And you're one to say that? Parang dumaan ka rin naman sa ganyan... Remember that----" hindi na rumehistro pa sa isipan niya ang sinasabi ni Jean sa boyfriend nito dahil natagpuan na lamang niya ang sariling buo na ang atensiyon sa lalaking tumutugtog sa entablado.

                                                                     Ooh everywhere that I go

I'll see your face and it kills me to know

That you never know what you did to me

And now you were gone, yeah I can't stop thinkin' about you

Doon niya napagtantong hindi nga niya ito lubusang kilala. Oo nga at hindi naman talaga pang-singer ang boses nito ngunit hindi rin naman iyon pangit. At ang isiping iyon ang unang beses nitong kumanta gaya ng sabi ng kaibigan nito ay nakakapagpamangha sa kanya.

Tila naman naramdaman nito ang pagtitig niya rito dahil nang mag-angat ito ng tingin ay diretso iyon sa mukha niya. Agad na kumabog ang dibdib niya nang magtama ang tingin nila at tuluyan nang nagwala iyon nang ngumiti ito. That familiar smile of his. Oh how she missed that smile.

Ayos lang kayang isiping kumakanta ito para sa kanya? Na ang unang performance nito ayon sa mga kaibigan nito ay para sa kanya?

And I don't even know your name

All I remember is that smile on your face

And it'll kill me everyday

'Cause I don't even know your name

Sabay-sabay ang palakpakan ng mga tao nang matapos ito sa pagkanta. Nagpasalamat ito sa lahat bago muling lumipad ang tingin sa kanya. Tila tumalon ang puso niya nang walang anu-ano'y kumindat ito kasunog ng isa pang matamis na ngiti.

Halos dalawang linggo din niyang hindi nakita ang lalaki, ngunit ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Na para bang anumang oras ay magha-hyperventilate siya dahil sa presensiya nito. She must really love this guy.

Nakangiti pa ring ibinaba nito ang gitarang hawak. Maging siya tuloy ay napangiti na rin. Na hindi naman nagtagal dahil isang babae ang umakyat sa entablado hindi pa man nakakababa si Josh.

Kanya-kanyang singhapan ang mga tao sa paligid. Maging siya ay napasinghap nang makilala ang babae. At ang kaninang kaba nang dahil sa muling pagkakita kay Josh ay napalitan ng kabang dulot ng pagkabahala.

It was Sasha Callarte. The world-renowned top model.

"This is not good." Sabi ni Apollo mula sa gilid niya. "We have to go, Fabielle." Sabi nito at hinawakan na ang braso niya ngunit hindi siya nagpatinag.

"Wait, I have to---" natigil ang anumang sasabihin niya nang makita ang sumunod na eksena sa entablado.

Tila tumigil ang pagtibok ng puso niya nang pumalibot sa batok ni Josh ang braso ng babae at hilahin ang ulo nitong pababa. Naglapat ang mga labi ng mga ito. Mas malakas na singhapan ang pumailanlang sa paligid.

Para lang siyang nanonood ng isang romance themed movie. Iyon nga lang ay imbes na kiligin siya sa eksena ay para bang dinudurog ang puso niya rito. And just like that, something struck her.

Sasha Callarte was kissing Josh. The top model Sasha Callarte. The very Sasha Callarte people had told her she has a striking resemblance to.

"She was my ex-fiancee. She left me a day before our wedding."

Umalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ni Josh na iyon. The reason he was at Sagada was his ex-fiancee. Ang ex-fiancee nitong kamukha niya.

Tila nag-flashback lahat ng nangyari sa dalawang araw na nakasama niya si Josh sa Sagada. Ang pagtulong ni Josh kahit pa hindi niya pa ito lubusang kilala. Ang pagiging sweet nito. Ang mga halik nito. It all makes sense to her now.

"I.." simula niya. "I think I have to go." Sabi niya saka tumalikod na at nagsimula nang maglakad palabas ng lugar na iyon.

Talk about tough luck. Noong unang beses na pumunta siya sa lugar na iyon, she was sporting a bruised pride because of her good-for-nothing ex-boyfriend. Now on her second time, she was sporting a broken heart.

Oo, sa pagkakataong iyon ay alam na niya ang pagkakaiba ng nararamdaman niya noon para sa ex-boyfriend niya at ngayon para kay Josh. Ang ulo niya ang masakit noon sa tuwing iisipin niya ang unggoy na ex-boyfriend niya. Pero sa pagkakataong iyon ay kakaibang sakit ang nararamdaman niya.a

Naramdaman niya ang pagmalisbis ng luha mula sa mga mata niya.

"Damn it!" inis na sabi niya kasabay nang marahas na pagpalis niya ng luha sa pisngi niya.

She had a two-day love affair, for Pete's sake! Pero bakit mas masakit pa iyon kaysa nang matapos ang tatlong taong relasyon niya kay Jason?

Napangiti siya nang mapait nang maisip ang sagot sa sariling tanong. Simple lamang naman iyon. Because she had fallen in love with a man regardless of the time they've spent together. And it's even stronger than the first time she fell in love.

Tough luck it is.

次の章へ