webnovel

My Bittersweet Love (Tagalog Romance)

作者: Nadia_Lucia
都市
完結 · 149K ビュー
  • 7 章
    コンテンツ
  • レビュー結果
  • N/A
    応援
概要

Pagkatapos ng break up ni Athena sa dating boyfriend ay nagresign at nag-apply siya sa isang sikat na restaurant bilang patissier. Pero paano na lang kaya kung malaman niya na ang lalaking tumulong sa kanya noong minsan siyang malasing ay ang siyang may-ari ng restaurant? Magagawa kaya niyang makapagtrabaho ng maayos gayong mukhang may crush siya sa masungit na amo? Pero kakagaling lang niya sa isang bad break up ano ang susundin niya ang utak na nagdidikta sa kanya na wag na muling umasa o ang pusong nagsasabi may panibago na naman itong tinitibok? Hala anong gagawin niya?

Chapter 1Chapter One

"IT'S not you, it's me." Parang gustong magmura ni Athena nang marinig ang gasgas na linyang 'yon galing sa boyfriend niyang si Randolf.

Sa pakakataon na'yon gusto niyang hanapin ang poncio pilatong nagpauso ng linyang 'yon na pambanat ng mga lalaking gustong makipag-break.

Ang galing pa ng acting na damuho, pang-FAMAS na para namang nagsisisi itong maghihiwalay sila.

Benta na sa kaya ang ganong acting 'tado, kung hindi lang niya napigilan ang sarili ay malamang na naihambalos na niya rito ang lamesang mahigpit niyang hawak.

Huminga siya ng malalim at nadasal sa lahat ng santong kilala niya para bigyan siya ng mahabang pasensya para sa lalaking kaharap

Pinakalma niya ang sarili, hindi niya dapat ito bigyan ng kahit anong satisfaction mula sa magiging reaksyon niya.

Walang karapatan ang manlolokong 'to kahit isang patak ng luha mula sa kanya.

"Naiintidihan ko, thank you for wasting my two years of my life with you."

"Babes, wag mo naman sabihin 'yan." Pilit nitong ginagap ang kamay niya pero nanatili lang iyong nakahawak sa lamesa.

Ang kapal ng mukha ang sarap ingudngod ng mukha sa plato. Sa isip niya ay nakagawa na siya ng isang daang beses na paraan kung paano papatayin ang dating kasintahan.

"Randolf, wag na tayong maggaguhan, pareho nating alam kung bakit tayo maghihiwalay. Tama na 'yang 'it's you not me' mong linya dahil hindi 'yan gagana sa'kin."

Nakita niya ang naguguluhang tingin nito, ang galing talagang umarte!

"Athena, wag mo naman akong ipahiya wala naman akong ginagawang masama."

Ngumiti siya isang malupit na ngiti saka kinuha ang cellphone niya at ipinakita rito ang mga larawang siya mismo ang kumuha.

"Mahiya? Marunog ka pala 'non. Pagkatapos mo kong lokohin ng dalawang taon para lang sa isang kaladkaring babae? Ngayon sino sa atin ang walang ginagawang masama? Wag ako."

Nakita niyang namutla ito at napalunok pero sinubukan pa rin nitong lumusot sa kasalanan.

"Hindi ako 'yan baka naman photoshop lang 'yan beside faithful akong boyfriend kaya bakit kita ipagpapalit sa iba?"

Okay na sana, kung umamin lang ito patatawarin madali sana niya itong mapapatawad, pero hanggang sa huli ay gagawa at gagawa ito ng paraan para lang hindi ditto masisisi sa kasalanan na nagawa nito.

"Tarantado, ako mismo ang kumuha ng pictures na 'to at akala mo ba hindi ko alam ang mga conversations niyo sa text at chats?"

Marahas siyang tumayo sa kinauupuan. "A cheater will always be a cheater."

Nahagip ng kamay niya ang isang baso ng wine at isinaboy iyon as mukha nito.

Pabagsak na ibinaba niya ang baso saka taas noong naglakad doon palayo. Sayang ang napakaganda niyang dress kung hindi naman niya irarampa lalo pa at lahat ng tao ay nakatingin sa kanya.

With pride, ease and elegance she exited in the restaurant with a bang.

PADABOG na binaba ni Athena ang hawak na shot glass matapos niyang mainom ang pangalawa niyang order ng tequila.

Napadpad siya sa isang bar sa Makati pagkatapos niyang paliguan ang ex-boyfriend niya ng wine, saying ang Hashtag outfit of the day niya kung ang ending lang niya ay umuwi ng bahay.

Mabuti na lang talaga at naisipan niyang mag-ayos dahil hindi siya ang klase ng babaeng ngangal ngal lang sa isang tabi dahil niloko at nakipagbreak sa kanya ang ex niyang walang kwenta.

Hindi siya naglalasing dahil brokenhearted siya, naglalasing siya bilang selebrasyon sa panibagong yugto ng buhay niya isa pa hindi siya magaaksaya ng panahon para magpakalango sa alak para lang lalaking niloko lang siya. Matapang siyang babae at wala sa lahi nilang mga Mendoza ang umiiyak at magmukhang kawawa sa tabi.

Um-order pa siya ng isang pang Tequila saka itinaas 'yon sa ere. "Cheers for the new beginning."

Mukha man siyang tanga sa pinaggagawa niya ay wala siyang pakialam pag may sumita talaga sa kanya baka sample-an niya ng mga ito mabagsik na litanya mula sa kanya.

Pagkatapos niyang maubos ang laman ng shot glass ay nagbaba na siya ng pera sa may counter at nagpasya nang umalis.

Pagkababa niya ng highstool na kinauupuan ay parang umikot ang mundo niya, gusto niyang mapapalatak pero in the first place kasalanan din naman niya. Iba pala ang tama ng tequila kaysa sa Gin bulag na iniinom niya minsan sa kanto ng inuupahan niya.

Sandali siyang huminto at nang masigurado na niyang hindi na umiikot pa ang paningin niya ay tuluyan na siyang lumabas ng bar.

Napatingin siya sa relo at noon lang niya napansin na hatinggabi na pala, madalas na ayaw niyang umabot ng dis oras ng gabi dahil hindi magandang mag byahe ng ganitong alanganing oras.

Labag man sa loob niya ay no choice na isya kung hindi ang kumuha ng taxi. Dakilang kuripot kasi siya pero alam namann niya kahit na anong gawin niya ay hindi naman niya madadala ang pera niya sa hukay. Security first compute na lang later, takot lang niya magkaron ng gripo sa tagiliran. Mukha pa man din siyang yayamanin sa suot niya ngayon gabi mahirap na.

Ang kaso mukhang talagang malakas ang tama sa kanya ng ininom niya dahil magsimula na naman siyang maliyo at namimigat ang mga mata niya. Pambihira talaga kasalanan 'to ng Tequila maysa demonyo yata ang gumawa 'non dahil hindi mawala agad ang tama sa kanya.

Ipinilig niya ang ulo saka lang niya napansin na green na ang ilaw. Ang kaso bago pa siya tuluyang makatawid ay bumigay na ang tuhod niya at sunod na lang niyang narinig ay ang malakas na busina ng isang sasakyan at ang pagsagitsit ng gulong.

Nahiling na sana naman paggising niya hindi pa siya makikipagkumperensya kay San Pedro dahil lang sa kagagahan niya.

ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni Dan nang mabilis siyang prumeno dahil sa isang tangang babaeng naglalakad nang nakagreen na ang ilaw ng stop light.

Alam niyang hindi niya ito nasagasaan pero hindi pa rin ito tumatayo. Pasalamat nalang siya at hating gabi na at walang mga usisero sa paligid dahil kung nagkataon baka siya pa ang sisihin ng mga ito na may kasalanan.

Napapalatak na lang siya at tinanggal ang seat belt bago siya umibis sa kanyang sasakyan. kung minamalas ka nga naman kaya nga niya iniwan na si Renz sa Cosmic Bar para makapagpahinga ng maaga pero ito naman ang nangyari.

Napasulyap siya sa kanyang kotse mukha namang walang kasabwat ang babae kung sakali mang isang Modus ang ginagawa nito.

"Miss?" tawag niya pero hindi pa rin ito natinag. Lumapit siya para lang malukot ang mukha nang maamoy niya ang alak sa hininga nito. Napailing na lang siya saka ito pinangko at ipinasok sa kotse niya hindi na siya nagabala pang tignan ang mukha nito saka idineposito ito sa driver seat ng kotse niya.

Binuksan niya ang maliit nitong hand bag pero maliban sa pera at isang lumang cellphone ay wala na itong pagkakakilanlan.

Dinampot niya ang cellphone nito at binuksan para lang malaman na naghahanap iyon ng pin code. Frustrated na napabuga siya ng hangin.

Pambihira mukhang nakadampot pa yata siya ng isang nawawalang kuting.

Ah ewan, bukas na lang niya ito kakausapin kapag nagising na, pagod na siya at kaysa makulta ang utak niya kakaisip kung paano ang gagawin niya sa isang pasaway na 'to.

Ang akala pa man din niya nakatakas na siya sa isang pasaway 'yon pala may sasalubong din sa kanya na bago. Dapat pala nanahimik na lang siya sa may kusina.

Napailing na lang siya bago pinaandar ang kotse.

Nadia Lucia

あなたも好きかも

My PI Lady

WARNING: RATED SPG She was only living for one reason. Seek justice for her parents before she'd disappear. It was supposed to be just that. Pagkatapos ng trahedyang nangyari sa buhay niya, Private investigator Sam Javier had lived her life finding the culprit who ruined her once perfect life. Ganun lang sana kasimple ang takbo ng buhay niya. But when Cameron del Fuero entered to her life, blackmailing her to be his P.I., she thinks her life would never be more complicated than that. One tigress private investigator and one granite-headed slash stingy business mogul. With these two stubborn people being thrown together, World War III is bound to happen and a sweet mess is inevitable. ~~~~~~~~~~~~~~~~~ "So this was all your plan.." I groaned when he hissed that with a knowing sound in his voice. "Bitawan mo'ko, Mr. Del---" "So this was all your plan!" I glared up at him when he'd suddenly shouted that with an eardeafening voice. "Oo na! Tama ka! That's my plan after I solved this case! After I found that man who had killed my parents and ruined my life! I'd disappear and you'll never ever see an annoying woman like me!" "And when you find that man..... Are you just going to leave na para bang wala kang maiiwan pag-alis mo?" "Yes." I answered with a nod, staring straight to his eyes. "Aalis ako na para bang hindi man lang kita nakilala... Aalis ako na para bang hindi man lang ako dumating sa mundong 'to. That man had killed my parents and took everything from me so leaving everything behind would be so easy for me." I sniffed and wiped my cheeks with my other hand when I think I felt some unknown liquid rolled down on it. Blurring my vision more. "I'd leave without leaving any trace.." I heard him cursed out under his breath. #Taglish

Totale_Chaose · 都市
レビュー数が足りません
102 Chs

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · 都市
5.0
50 Chs