webnovel

Chapter Six

PAGKAPASOK pa lang ni Dan sa Flavors of Asia ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba. Katulad ng dati ay binati siya ng gwardiya habang pinagbubukas ang glass door, binati rin siya ng mga waiter na nakakasalubong pero hindi pa rin maialis sa kanya ang nararamdaman.

His staffs were unusually lively this day, pinuntahan niya si Rainier sa opisina. Nag-angat naman ito mula sa binabasang papeles at agad na tumayo nang makita niya.

"Kakarating mo lang?" tumango siya at hindi maiwasang mapakunot ng noo maging ito ay may napapasin din siyang kakaiba.

"Anong meron?" hindi niya maiwasang maitanong.

Ngumisi ito bilang sagot saka binuksan ang adjacent na pinto papunta sa kusina. As usual ay busy ang buong kusina pero hindi katulad noon na madalas ay kailangan pang ng supervision ng mga 'to ay tila naging maayos na ang daloy ng trabaho sa loob.

"What happened?"

"An Athena syndrome."

"What?"

Natawa ito sa pagtataka niya. "Athena, she's like a jack of all trades. Magaling siyang makisama at makihalubilo sa lahat. By the way maganda ang response ng mga customers sa pastries natin hindi iilang beses sa kaninang umaga na tinawag ito ng mga regulars natin para magbigay ng compliments sa mga gawa niyang bread and pastries."

Hindi niya maiwasang ma-impress at kung maging si Rainier ay ganon na lang ang puri sa dalaga kung ganon ay naging tama ang desisyon nilang ito ang i-hire sa kabila ng lack of credentials nito.

Napahalukipkip siya, hindi pa rin siya napapasin ng mga ito dahil busy sa kanya-kanyang trabaho.

"Athena!" napalingon siya nang sumigaw si Lemuel waiter niya.

"Ano? Sigaw ka ng sigaw hindi ako bingi." Mula sa isang panig ng kitchen ay lumabas ang dalaga na may bahid ng harina sa mukha at nakapusod ang lagpas balikat nitong buhok.

Imbes naman mapikon ay nagsitawanan ang mga nakarinig sa sinabi nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa loob?"

"Nakikipag-conference sa bago kong oven, close na kami." Muling nagtawanan ang mga kasamahan nito.

Napakamot lang si Lemuel sa batok. "Hay nako, tawag ka sa labas."

"Na naman?" hinipan nitoang tumabing na hibla ng buhok sa mukha nito. "Teka lang maglalagay lang ako marami pang harina sa mukha para naman mapansin nilang busy ako. May gas ang hirap maging sikat." Saka ito pumasok sa loob.

Kahit siya ay bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi dahil sa kalokohan nito. Pero hindi katulad ng sinabi nito ay maayos na mukha nito saka sumunod kay Lemuel.

Sinundan niya ito ng tingin saka lumabas sa main door ng opisina. Magalang itong nakipagusap sa customer na tumawag ditto nagawa pa nga nitong mapatawa ang mga ito at bago umalis ay bumili pa ang mga ito ng isang set ng pastries para pasalubong.

Napatango siya, tama ang sinabi ni Rainier bukod sa social skills ay magaling din ang babae sa sales talk.

Nang muli itong pumasok ng kusina ay sinundan niya itong muli, gusto niyang ma-obserbahan ito ng mabuti, kung tutuusin ay dapat nasa probation pa lang ito pero dahil sa suggestion ng assistant niya ay hinayaan na nila itong magumpisa ng regular na trabaho.

Ang akala niya ay mahihirapan itong makihalubilo sa isang bagong environment pero mali siya ng akala.

"Alright! Isang cake na naman ang out of stock!" nakangiting imporma nito sa loob.

"Isa lang ibig sabihin niyang bake ka daw uli." Kantiyaw ng isa.

"With pleasure my dear with pleasure." Akmang babalik na ito sa working station nang matigilan. "Teka sa tingin niyo ba kong iuwi ang oven? In love na ko sa kanya."

"Bawal kunin ang oven ditto." Napapitlag pa ito nang marinig ang boses niya saka siya nilingon. "Baka hindi ka pa nakakalabas napisat ka a sa laki 'non."

"Grabe ka Sir, tingin mo naman sa'kin dwende?"

Pinagtaasan lang niya ito ng kilay kung ikokompara ang taas nito sa height niyang six one mukha talaga itong dwende sa paningin niya.

"Sir bakit kahit hindi ko naririnig ang sinasabi mo, napipikon ako? Palibhasa nasobrahan ka lang sa cherifer kaya ganyan ka naging kalaki."

"Cheri—what?"

"Cherifer Sir, 'yung afford ng mga yayamanin. Gatas lang kasi ang keri ko pero kahit yata isang gallon na nalaklak ko hindi pa rin ako tumangkad."

Bakit ba ang kulit ng isang 'to? Hindi niya maiwasang maitanong sa sarili. Para itong mini Renz na times two ang kakulitan.

"Just get back to work!" mauubusan siya ng pasensya sa isang 'to.

"Aye aye Sir!" sumaludo pa ito gamit ang dalawang darili saka siya iniwan 'ni hindi man lang ito natakot sa kanya.

Samantalang ang mga empleyado niya ay nakatingin sa kanila parang nagtataka kung bakit parang ganoon ka kaswal ang paguusap nilang dalawa. Sinamaan lang niya ng tingin ang mga ito at agad na nagsipagbalik sa trabaho.

Napailing na lang siya saka pumasok na sa opisina hindi niya akalain nag anon kataas ang energy ng isang 'yon para makipagkulitan sa kanya. Ano bang sakit sa ulo ang naipasok niya sa restaurant niya?

Napabuntong hininga na lang siya at naisipang tapusin na lang ang trabbahong nakabinbin sa lamesa niya. Para kahit papaano ay mawala sa isip niya ang isang makulit na nilalang.

MARAHAS na napabuga ng hininga si Athena nang makapasok na siya ng working station niya. Mabuti naman at kahit papano ay nagmukhang normal ang pakikipag-usap niya kay Dan kahit na ba ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya.

Hindi niya kasi akalain na pupunta ito sa restaurant ngayon, ang sabi kasi ni Kenneth ang assistant chef ay madalang ito pupunta doon dahil may inaasikaso itong isa pang negosyo. Sa kabila kasi ng pagiging head chef nito ay inaasikaso rin nito ang isang bar and restaurant kung saan isa ito sa mga co-owner.

Oh, di ba first day pa lang niya 'don ang dami na niyang nalalaman daig pa niya ang isang TV reporter palitan na kaya niya si Boy Abunda? Dami niyang nasasagap na balita.

But anyway passion niya ang baking kaya malabo ang iniiisip niya, ay nako daig pa niya ang robot na nagelectric circuit nang makita niya si Dan kanina nagkandabuhol-buhol na nga bigla pang nag shut down buti na lang at hindi siya nito nahalata kanina.

Pambihira pangatlong beses pa nga lang niyang nakikita ito ganito na ang reaksyon niya anong bang nangyayari sa kanyang brain? Ipa-MRI na kaya niya 'yon? Kagagaling lang niya sa break-up kalandian na naman ang iniisip nakakaloka.

"Oh anong meron?" nagtatakang tanong sa kanya ni Leila. "Bakit pang nagkakagulo sa labas?" sandali niya itong iniwan dahil sa tumawag sa kanya ibinilin niya rito ang mga nakasalang na cake sa new best friend niyang oven.

"Ah, si Sir Dan."

Napakurap ito. "Bakit anong ginawa mo?"

"Ay grabe siya ako agad? Wala nga kong ginagawa eh, bait ko kaya."

"Ikaw naman nagtatanong lang, oo nga pala tapos na 'yung cake nahalo ko na rin ang frosting."

Agad niyang itinuon na ang isip sa trabaho, para kahit papaano mawala sa isip niya ang Adonis na nagpaganda sa araw niya. Pero asa siyang mapapasin nito ang mga ganong uring lalaki bagay sa mga dyosang babae hindi katulad niyang napakagandang mortal lang. Oo na siya na ang magsasabing nagbubuhat siya ng sariling bangko.

Pero kung ano mang naiisip ngayon ng utak niyang baliktad hindi na dapat niyang sulsulan pa 'yon at mag-focus na lang sa bago niyang trabaho. Mahirap ang maging mahirap kaya dapat kayod marino siya ngayon lalo pa at may pangarap siyang gustong matupad balang araw.

Nadia Lucia

次の章へ