webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · perkotaan
Peringkat tidak cukup
165 Chs

Wala Akong Karapatang Pangarapin Ka

Humakbang palapit si Gu Jingze. Nagdikit ang mga kilay at hinila palayo si Lin Che.

"Kung hindi mo naman pala alam kung ano ang laman nyan, bakit basta-basta mo nalang yan binubuksan?"

Nagtatakang nilingon ni Lin Che si Gu Jingze. "Sa tingin ko ay kay Shen Youran nanggaling yan. Sinabi niya kasi sakin na may ipapadala siyang regalo dito."

Hindi pa rin nawawala ang pagsususpetsa sa isip ni Gu Jingze kahit na sinabi nitong sa kaibigan nito iyon nanggaling. Sinigurado niya munang nakalayo na si Lin Che bago sinimulang buksan nang dahan-dahan ang box. Pero nang mabuksan na iyon ay napatigil siya.

Ang laman ng karting iyon… parang may mali…

Napansin naman ni Lin Che ang ekspresyon sa mukha ni Gu Jingze kaya dali-dali itong lumapit. "Ano ba kasi iyan?"

Pinunit niya ang pagkakabalot ng package at doon ay tumambad sa kanya na ang laman pala nun ay…

May makukulay at ang iba naman ay kakaiba ang hugis. Tinanggal niya ang laman at nakita niyang nahulog sa sahig ang isang bagay na hugis-saging. May nahulog ding malalambot at magagaspang na bagay. Sa ibaba ay mayroon ding hugis-oval. Nagsilabasan ang mga iyon isa-isa…

Ilang sandaling napatigil si Lin Che at pagkatapos mag-isip ay narealize niya, "Ah… hindi ba't… mga ano ito… sex toys…"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay napatakip siya ng bibig at sinulyapan si Gu Jingze.

Nanlalaki ang mga mata nito at nakatayo lang doon. Nakasimangot din ito dahil alam nito kung ano ang mga iyon.

Hindi niya akalaing…

Lagot ka sa akin, Shen Youran!

Parang gusto niyang patayin ang kaibigan.

Ang sabi nito ay bibigyan siya nito ng regalo. Ito ba ang sinasabi nitong regalo?

Muling napalingon si Lin Che sa di-maipintang hitsura ni Gu Jingze at napapikit dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Natatarantang niligpit niya ang mga bagay na iyon.

"A-a-ano… Itong mga 'to… Itatapon ko agad ang mga ito…"

Nanatili pa ring nakatayo si Gu Jingze at nakatingin kay Lin Che. Nang sandaling iyon ay napaisip siya kung ganito ba lahat ang kaibigan nito?

Nauutal na nagsalita ulit si Lin Che, "H-hindi ko rin alam ang tungkol dito… Tiyak na pinagtitripan lang ako ni Shen Youran."

Dumako ang tingin ni Gu Jingze sa mga bagay na iyon. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang na-curious tungkol sa mga ito.

Pero, kaagad namang nag-iba ang takbo ng kanyang isip. Ano kaya ang magiging hitsura ng mga ito kapag ginamit kay Lin Che…

Marahil ay dala na rin ng natatapos palang nilang pag-uusap ni Chen Yucheng at malinaw pa rin sa kanya ang mga sinabi nito. Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ng doktor: 'ba't di mo subukan nang iyong malaman', at pagkatapos ay maiibsan na ang kanyang paghihirap.

Pinapanood niya si Lin Che na nagkukumahog sa pagligpit ng mga laruang iyon at hindi niya namalayang nakalapit na pala siya dito.

Kung susubukan niya, baka nga siguro maunawaan na niya.

Pero, saktong paglapit niya dito ay nakatayo na si Lin Che.

Hindi siya nakaabot. Pinikit niya ang mga mata at naramdaman niya ang muli na namang pananakit ng katawan dahil sa nangyari kagabi. Kaya, tumuwid ulit siya ng pagkakatayo.

Lihim na pinagalitan niya ang sarili. Nagiging tanga na siya.

At si Lin Che ang may kasalanan nito!

Nakita niyang isinadlak ni Lin Che ang mga laruan sa storeroom ng kwarto at para siyang isang batang nakasunod lang dito.

Kaya nang humarap si Lin Che ay bumangga ito sa kanya.

Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya si Lin Che at mas lalong nagtaka nang mapansin ang mukha niyang pulang-pula.

Maraming mga bagay ang nakalagay sa storeroom kaya kahit na malawak ang lugar na iyon ay nagmistulang masikip sa kanilang dalawa.

Nang tumingala si Lin Che ay nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Hoy… Anong nangyayari sa'yo? Bakit ang pula ng mukha mo?" wika ni Lin Che at hinawakan ang pisngi nito. May lagnat ba ito? Bakit namumula ito?

Pinisil ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che.

Gusto niyang panindigan ang kanyang prinsipyo, pero may isang bahagi naman ng utak niya ang nagsasabing sundin ang sinabi sa kanya ni Chen Yucheng.

Hindi siya sigurado kung titigil na ba ang puso niya sa pag-aalala para kay Lin Che kung sakaling angkinin niya ito.

"Hoy…"

Napaatras si Lin Che, samantalang humakbang naman palapit si Gu Jingze. Nakatingin ito sa kanya, "Bakit hindi natin subukan ang mga laruang yun… Tutal, nandito naman na sila…"

Biglang pinagpawisan si Lin Che. "Anong ibig mong sabihin na susubukan? Wala! Wala akong susubukan sa mga iyan!"

Gamit ang dalawang kamay ay itinulak niya si Gu Jingze. "Bitiwan mo nga ako! Anong binabalak mo ha?"

"Lin Che… Nakalimutan na ba talaga ang nangyari kagabi?" Malalim ang boses na tanong ni Gu Jingze.

"Oo," mabilis na tugon niya.

"Pero ako, hindi ko makalimutan iyon."

"Anong… Ano namang kinalaman ko dun? Talaga bang sinabi ko ang mga iyon? Pasensya na talaga. Sobrang lasing lang talaga ako kagabi."

HInawakan nito ang mukha niya. "Pero gusto mo rin akong maangkin, di ba?"

"Hoy… ano yang pinagsasasabi mo," pulang-pula na ang mukha niya habang pilit na itinutulak si Gu Jingze. "Bakit ko naman gugustuhin iyan?"

Habang nakatingin sa kanyang mapulang pisngi ay inilapat ni Gu Jingze ang labi sa kanya.

Nanigas ang kanyang katawan. Parang biglang nagising ang natutulog niyang puso at sobrang bilis ng tibok nito na para bang sasabog na.

Magkadikit pa rin ang mga basa nilang labi. Niyakap siya nito at dahan-dahang nagdikit ang kanilang katawan.

Nagugustuhan ng katawan niya ang nangyayari. May biglang pumasok na eksena sa isipan niya. Bahagi iyon ng nangyari kagabi.

Bigla niyang naalala na tinanong niya ito kung kailan sila magdi-divorce pero sinabi nito sa kanya na hindi siya nito papayagang umalis…

Iminulat niya ang mga mata. Nandoon pa rin sa bibig niya ang init ng mga halik nito; sobrang sarap ng mga halik na iyon na kahit sinuman ay hindi nanaising tumigil…

Tinitigan siya ni Gu Jingze, "Oh di ba? Gusto mo ring gawin ito…"

Lalong namula ang kanyang mukha.

Nagpatuloy si Gu Jingze, "So, bakit umaayaw ka pa?"

Inilagay nito ang mga kamay sa kanyang baywang.

Wala sa sariling kinagat niya ang sariling labi. Punung-puno ng pangamba at takot ang kanyang puso.

"Gu Jingze… Ano… Madali akong natatalo sa panunukso mo; magaling ka. Sobrang talino mo pa. Siguro ikaw na ang pinaka-the best na lalaking makikilala ko sa buong buhay ko. Dati, sobrang malas ko at lahat nalang ng taong nakikilala ko ay sinasaktan lang ako. Kaya nang makilala kita, pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang daan palabas kasi sobrang bait mo sa'kin. Pero may mahal ka ng iba at naranasan ko na rin ito noon. Ayoko ng maulit pa iyon sa pagkakataong ito. Nakita ko… Kahapon, nakita ko ang regalong binigay sa'yo ni Mo Huiling. Gu Jingze, tama ang sinabi niya sa akin. Kayong dalawa ang bagay sa isa't-isa, kaya kung gusto mo mang paglaruan ang damdamin ko, please wag mo ng ituloy pa…"

Nanlumo ang puso ni Gu Jingze. Naalala niya ang regalong binigay ni Mo Huiling na hindi niya binuksan kaya wala siyang ideya kung ano iyon.

"Ang totoo niyan, yung regalong yun…"

"Ano pa man yun, parang ikaw lang din yun. Hindi ko pwedeng pangarapin na maging akin."

Nang matapos niyang sabihin yun ay itinulak niya si Gu Jingze. Biglang nabalot ng kalungkutan ang puso niya pero agad siyang ngumiti. Sanay na siya sa ganitong pakiramdam noon pa man. Ang taong katulad niya ay walang ibang choice kundi harapin ang masakit na katotohanang iyon. Araw-araw niyang nakikita ang taong gusto niya, pero araw-araw din niyang kailangang kalimutan ang nararamdaman.

Dahil wala siyang karapatang pangarapin ang taong gusto niya…