webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · perkotaan
Peringkat tidak cukup
165 Chs

Nag-aalala Ako na Baka Iba Ang Isipin ni Miss Mo

Aroganteng tumayo si Mo Huiling. Nakasuot ng mamahaling damit mula ulo hanggang talampakan, napakaliwanag nitong tingnan. Kung isasama pa ang mapagmataas nitong ekspresyon, mas lalo itong nakalamang kay Lin Che. "Huh, sa palagay ko, hinding-hindi mapapasaiyo si Gu Jingze kahit pa kasal na kayong dalawa. Sasabihin ko mismo sa kanya na hindi ko gustong magkasama kayo palagi. Sasabihin ko sa kanya na umalis sa lugar na ito at sumama sa'kin. Kahit mag-asawa man kayo, hinding-hindi mo na siya makikita pa muli. Mawawalan ng saysay ang lahat ng mga pinaplano mong gawin!"

Paanong nangyari na ikaw ang napangasawa niya kahit ako naman ang totoong mahal niya?

Bagama't nagmamataas si Mo Huiling sa kanyang harapan, ramdam pa rin ni Lin Che na wala itong ibang magawa kundi ang magalit na lang.

Kahit naiinis man siya sa babaeng ito, naaawa pa rin siya sa kalagayan nito.

Marahil nga, isa ito sa mga problema ng mayayaman. Minsan, ang pagpapakasal ay hindi naaayon sa sarili nilang kagustuhan.

Biktima lang silang lahat; kaya't di niya maiwasang maawa kay Mo Huiling.

Pero kung nalulungkot siya, bakit kailangan niya pang itago ito? Bakit hindi nila ipaglaban ang kanilang sarili? Sa halip na kulitin si Gu Jingze, mas pinili ni Mo Huiling na kausapin siya mismo.

Matamang nag-iisip si Lin Che. Hindi niya talaga alam na ganito pala ka-komplikado ang mga bagay-bagay. Kung alam niya lang sana, edi hindi kaagad siya pumayag sa kasal na ito. Sino ba naman kasi ang may alam na may girlfriend na pala ito?

Direkta namang sinabi dito ni Lin Che, "Kung pumayag siyang sumama sa'yo, magiging masaya ako para sa inyong dalawa. Pwede mong sabihin 'yan sa kanya."

Inis na inis talaga si Mo Huiling kay Lin Che. Sa tuwing nakikita niya ito, lalo siyang nagagalit, lalo pa't ang hamak na katulad nito ay asawa nga ni Gu Jingze.

Maganda din naman si Lin Che; maputi at malambot ang kanyang balat, at napakabata pa nito. Kahit mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, minsan, ang mga katulad niya ang mas maiitim ang budhi.

Inaamin naman ni Mo Huiling na nakakaakit nga ang mukha nito. Kaya't hindi talaga siya mapapalagay na ang ganitong mukha ay laging makikita ni Gu Jingze.

Tiningnan uli nito nang masama si Lin Che bago tuluyang umalis.

Sa gabi, napakatahimik ng buong bahay nang umuwi si Gu Jingze. "Nasaan si Madam?"

Agad namang sumagot ang katulong, "Nasa kwarto po si Madam."

Naglakad siya papasok sa kanilang silid.

HIndi niya inaasahang makita ang hubad na likuran ni Lin Che nang buksan niya ang pinto.

Nagpapalit siya ng damit.

Nang bumukas ang pinto, halos lumundag sa gulat si Lin Che.

"Ah... Gu Jingze!" Sigaw niya. Okay lang sana kung sumigaw lang siya. Pero ang problema, napaharap siya dito dahil sa pagkabigla...

Ngayon, hindi lang basta ang kanyang likuran ang nakikita ni Gu Jingze.

Napatigil si Gu Jingze dahil sa dalawang malalambot na dibdib na nakatambad sa kanyang harapan.

Natataranta namang tinakpan ni Lin Che ang kanyang dibdib habang nakatingin sa lalaki sa kanyang harapan. "Gu Jingze, hindi ka ba marunong kumatok?!"

Patuloy lang na nakatitig si Gu Jingze sa kanyang maputing kutis at makipot na balikat; mukhang namumutla ang mga ito at napakasarap hawakan...

Bahagyang lumakas ang tibok ng kanyang puso kaya't agad niyang inilayo ang kanyang tingin.

Huminga siya nang malalim saka sumagot, "Ako ang may-ari ng kwartong ito."

Napatigil si Lin Che. Kung pakaiisipin, oo nga, bahay niya ito...

Pero hindi pa rin ito tama...

"Hoy, kahit bahay mo pa ito, nakalimutan mo na bang mag-asawa tayo? Pagkatapos nating magpakasal, pag-aari ko na rin ang kalahati ng bahay na'to. Hangga't hindi pa tayo nadi-divorce, may karapatan akong tumira dito. Sa madaling salita, kwarto ko rin ito."

Patay-malisya naman siyang nilingon ni Gu Jingze. "Ah, hindi mo pala nakakalimutan na kasal pala tayo. So, sige, okay lang 'yan kahit hindi mo na takpan 'yan."

"..."

Iniyuko ni Lin Che ang kanyang ulo, hindi alam kung saan pumapasok ang lamig sa kanyang buong katawan. Nakalimutan niya na palang magsuot ng damit...

Natataranta nama siyang tumalikod at nagmamadaling nagsuklob ng damit.

Subalit, nakapasok na sa loob si Gu Jingze na parang wala lang nangyari. Binuksan nito ang wardrobe, kinuha ang isang folder, at tahimik na lumabas.

Nakatayo pa rin doon si Lin Che, tiningnan ito habang palabas ng kwarto at nagpakawala ng malalim na hininga. Ilang beses niyang ipinikit ang kanyang mata at naalala ang sinabi ni Mo Huiling... sinabi nito na hindi nito papayagang tumira si Gu Jingze kasama niya, pero nandito na naman ito.

Nang lumabas si Lin Che, nahihiyang inayos niya ang kanyang damit.

Nagbabasa ng ilang papeles si Gu Jingze. Nakayuko lang ang ulo nito na parang hindi siya nakita.

Lumapit si Lin Che sa kanya. Hindi niya alam kung paano ba ito lalapitan. Lalo pa't marami itong iniisip. Malamang, pagagalitan na naman siya nito kapag nagsalita siya.

Aalis nalang sana siya nang sa wakas ay nagsalita ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanyang mga dokumento.

"May gusto kang sabihin?"

Marahang hinawakan ni Lin Che ang dibdib dahil sa gulat. Sa isip niya ay kung bakit bigla-bigla nalang may ginagawa ang lalaking ito sa kanya kaya't hindi niya rin malaman kung ano ang dapat niyang gawin.

"Ah, napansin mo pala na nandito ako. Akala ko hindi mo ako narinig kasi hindi ka naman lumingon sa'kin kaya aalis nalang sana ako para hindi ka na maistorbo," pagpapaliwanag ni Lin Che habang naglalakad palapit dito.

Itinaas ni Gu Jingze ang kanyang ulo para tingnan siya. Nakatukod ang baba nito sa isang kamay at namumungaw ang mga mata sa ilalim ng ilaw, hindi mapigilan ni Lin Che na mapatigil sa pagtibok ang kanyang puso.

"Naaamoy ko ang pabango mo", paliwanag nito.

Tumigil si Lin Che.

Biglang nag-init ang kanyang mukha; hindi ba nito alam na parang iba ang dating ng kanyang sinabi?

Nakita ni Gu Jingze ang biglang pamumula ng mukha ni Lin Che kaya't nagtataka siyang nagtanong, "Bakit namumula ang mukha mo? Bakit? May sakit ka ba?"

"..." Ikaw ang may sakit. Hindi, may sakit ka nga pala dati pa. Nakalimutan mo na namang uminom ng gamot.

Itinanggi naman ito ni Lin Che, "Hindi naman ah."

Pakiramdam ni Lin Che naisahan na naman siya nito.

Naisip niya na hindi niya talaga ito kayang pantayan. Bagama't sinasabi niya sa kanyang sarili na isa siyang propesiyonal na aktres, parang hindi maganda ang iginagawi niya simula noong una. Halata namang hindi pinaghahalo ni Gu Jingze ang kanilang usapan at ang personal nilang buhay.

Marahil, nagagawa niya ito dahil nga may iba na siyang mahal.

Hindi katulad niya, napaka-propesiyonal ni Gu Jingze. Nagpapatunay lang na hindi talaga babae ang tingin nito sa kanya nang wala man lang itong naging reaksiyon nang makita ang nakahubad niyang katawan. Mahal na mahal niya talaga si Mo Huiling.

Hindi siya mananalo kay Mo Huiling, aniya sa isip.

Nakatingin lamang si Gu Jingze sa kanya habang nag-iiba-iba ang kanyang ekspresyon. Itinaas niya uli ang ulo at nagtanong, "Hindi mo pa ako sinasagot. May gusto ka bang sabihin?"

Paano nito nalaman na may gusto siyang sabihin kahit hindi pa man siya nagsalita?

Nilapitan niya ito at sumagot, "Wala naman. Gusto ko lang malaman kung bakit nandito ka na naman."

Nagtagpo ang mga kilay ni Gu Jingze sa pagtataka. "Hindi na ba ako pwedeng umuwi dito?"

Tiningnan ni Lin Che ang ekspresyon nito. Sa isip niya ay nagtatanong siya; hindi pa ba sinabi ni Mo Huiling dito na ayaw nitong dito siya umuuwi?

Nang mapansin niyang parang nagtataka si Gu Jingze, agad niyang itinaas ang kamay at umiling.

Hindi siya pwedeng manghimasok sa relasyon ng dalawa. Tutal, wala pang sinabi si Mo Huiling dito, sa isip niya, mas mabuti kung ito na mismo ang magsasabi. Ayaw niyang madamay sa problema ng dalawang ito.

Ikinibit niya ang kanyang balikat. "Ang ibig kong sabihin... sa tingin ko, hindi mo naman kailangang umuwi dito palagi. Marami namang mag-asawa ang hindi talaga nagsasama sa iisang bahay. Isa pa, napaka-busy mong tao. Hindi makakabuti sa'yo kung palagi kang mananatili dito."

Sinulyapan naman sya nito. "At bakit?"

"Naisip ko lang na baka nagagalit si Miss Mo dahil lagi tayong magkasama. Mas mabuti siguro kung hindi ka titira dito."

Napakunot naman ang noo ni Gu Jingze. Tiningnan niya si Lin Che, "Akala ko ba napag-usapan na natin dati na bahay ko'to. Kung hindi ako titira dito, saan naman ako uuwi?"