webnovel

Whirlwind Marriage (Tagalog)

Mayaman, makapangyarihan, at gwapo. Si Gu Jingze ay ang "cream of the crop" ng bansa. Ang mga lalaki ay nangangarap na maging katulad niya at ang bawat kababaehan naman ay siya ang pinapangarap na mapangasawa. Perpekto ang kanyang buhay... ngunit... may isang madilim na sekreto sa kanyang pagkatao na walang sino man ang pwedeng makahawak o makalapit man lang sa kanya...lalo na kapag babae. Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya sa loob ng isang silid kasama ang isang di-kilalang babae.: si Lin Che. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay kinailangan niya itong pakasalan--bagama't malayong-malayo ang personalidad nilang dalawa, Simpleng babae lamang si Lince na may iisang pangarap sa buhay: ang maging isang sikat na artista. Dahil itinakwil ng pamilya kaya't napilitang maging independent, nag-isip siya ng isang plano para mas mapalapit sa minimithing pangarap. Ngunit, nabigo siya sa kanyang plano at labag sa loob na nagpakasal sa isang walang pusong lalaki na si Gu Jingze. Bukod pa rito, kailangan niya ring hanapin ang kanyang lugar sa isang lipunan na kinabibilangan ng napakaraming inggiterang babae at mga masasamang tao-- lahat ng iyan, habang tinatahak ang kanyang pangarap. Dalawang istranghero sa isang bubong. Sa pagsisimula, nagkasundo silang huwag manghimasok sa kani-kanilang personal na buhay. Pero sa hindi malamang dahilan, laging naroroon si Gu Jingze sa mga panahong kailangan niya ang tulong nito. Lingid din sa kaalaman ni Lin Che, unti-unting nagiging mahirap para sa kanya ang harapin ang bukas nang wala si Gu Jingze. May patutunguhan kaya ang kanilang pagsasama o ang kanilang pag-aasawa ay mananatili lamang sa isang kontrata?

a_FICTION_ate · perkotaan
Peringkat tidak cukup
165 Chs

Ang Magkaaway Sa Makipot Na Daraanan

Nag-isip nang ilang saglit si Gu Jingze bago sumagot, "Iyong hindi masiyadong kamahalan. Tutal eh babae naman ang gagamit."

Kaagad din namang sumang-ayon si Lin Che, "Tama, tama. Dapat iyong hindi masiyadong mahal dahil baka mainggit masiyado ang ibang makakakita."

Iniscan ni Gu Jingze ang catalog at sinabi, "Ito, okay na ito. Itong dilaw na kotse nalang ang kunin mo para maliwanag tingnan at nang hindi ka mawala sa daan," nanunuksong tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che.

Nagdilim naman ang mukha ni Lin Che. "Hindi ako biik para mawala sa daan, 'noh!"

Pagkasabi niya nito ay tiningnan niya ang catalog at nakita niya na ang tinutukoy ni Gu Jingze ay isang Porsche 911. Hindi naman siya makapaniwala.

Akala niya, nang sabihin nito na hindi masiyadong kamahalan, ay yaong mga nagkakahalaga lang ng 200,000 yuan. Hindi niya inaasahan na ang sinasabi pala nitong 'hindi masiyadong kamahalan' ay…

"Gu Jingze, hindi ba masiyadong mahal naman yata nito?" Tanong niya.

Sumagot naman si Gu Jingze, "At bakit naman ito masiyadong mahal?"

"Milyon milyon ang halaga nito. Hindi ba't mahal naman talaga ito?"

"Kung tama man iyang sinasabi mo, mas magiging mahal pa ang mag-hire ng driver para sa'yo."

"Huh?"

Nagpatuloy si Gu Jingze, "ang mga driver ng mga Gu ay sumasahod ng 3 million yuan kada taon."

". . ."

Buong akala ni Lin Che ay napakahirap ng buhay niya at nagpapaka-responsible lang ito sa kanya kaya ganito siya nito tratuhin palagi. Pero nakalimutan niya na… ubod nga pala ng yaman ang lalaking ito.

Sumenyas na si Gu Jingze sa isang staff para kunin ang sasakyan.

Buong galak namang inasikaso ng may-ari ang kanilang order.

Sinulyapan ni Gu Jingze si Lin Che at sinabi, "Maghintay ka muna dito nang ilang saglit. Pupuntahan ko lang ang kotse at titingnan para sa'yo."

"Sasama ako."

Humarap sa kanya si Gu Jingze at marahang hinaplos ang kanyang ilong, "Sumunod ka na lang at hintayin mo ako dito. Kailangang i-test drive ang kotse. Hindi safe para sayo na sumama doon kaya dito ka lang muna."

Hindi naman napigilan ni Lin Che na makaramdam ng hiya nang hawakan nito ang kanyang ilong.

Sinundan na lang niya ng tingin si Gu Jingze at saka tumalikod.

Dahil wala siyang ibang magawa, naglakad-lakad na muna siya sa loob ng shop. Ito ay isang chain store ng mamahaling sasakyan. Bukod sa mga kotse ay mayroon din ditong shop ng mga car parts na makikita sa tabi nito. At dahil puro mayayaman ang customer nito, sinadya talagang gawing class ang disenyo ng loob nito na para bang isang posh café sa isang hotel lobby. May mga de-kutsong upuan at magagarang coffee table sa bawat kanto na may naggagandahang disenyo sa ibabaw ng mga ito.

Napansin ni Lin Che na may nakalagay na mga snacks sa table kaya kumuha siya ng ilan. Naisip niya na wala namang masama kung kakain siya ng mga iyon.

Napakagalang ng mga staff sa kanya dahil alam ng mga ito na kasama siya ni Gu Jingze. Tatlo o apat sa mga ito ang nakasunod sa kanya, at nakahanda sa ano mang iutos niya sa mga ito. Puno rin ng inggit ang mga mata ng mga ito sa kanya.

Kahit isa na siyang star, isang TV series palang ang nagaganapan niya at pangluma ang setting ng seryeng iyon. Marahil dala na rin ng makalumang mga costumes kaya hindi siya masiyadong nakikilala ng mga ito.

Saktong kumukuha ng snacks si Lin Che nang may marinig siyang pamilyar at sosyal na boses mula sa kanyang likuran. Kaagad siyang napalingon para sundan ang boses na iyon.

"Lin Li, kinailangan mo pa talagang samahan ako dito. Itong Qin Qing talaga, oo. Wala akong ideya kung ano ba ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Gusto kong bumili ng sasakyan na kasama siya pero anong nangyari, ikaw pa tuloy ang nakasama ko ngayon," litanya ni Chen Meili, ang maybahay ng mga Qin, na hawak-hawak ni Lin Li sa braso habang papasok sa loob ng shop.

Sa gilid ng dalawang ito ay ang iilang staff na nag-aassist sa kanila.

Kaagad namang nakilala ng lahat ng nandoon si Lin Li at alam din ng mga ito na si Chen Meili ay ang madam ng mga Qin. Buong galang at respeto na inasikaso sila ng mga ito.

Hindi naman inaasahan ni Lin Che na makakasalubong niya ang mga ito dito.

Nandito rin ang dalawa para bumili ng kotse…

Para silang magkaaway na nagkasalubong sa makitid na daan.

Noon din ay napansin siya ni Chen Meili na nakatayo doon.

"Eh? Hindi ba't si Lin Che iyan? Hindi ako namamalik-mata, hindi ba? Siya ba talaga iyan?"

Tumingin din si Lin Li at nakita si Lin Che. Hindi ito makapaniwala.

Bata pa lang si Lin Che ay kilala na siya ni Chen Meili dahil pareho lang ang paaralang pinasukan nila noon ni Qin Qing. Lagi siyang pumupunta noon sa bahay ng mga ito at makikipaglaro kay Qin qing, pero noon pa man ay ayaw na sa kanya ni chen Meili at gusto nitong tumigil si Qin qing na makipaglaro sa kanya.

Lumapit sa kanya si Chen Meili.

Mula sa malayo ay mahahalata kaagad na si Lin che nga iyon. Pero habang palapit si Chen Meili dito, napansin nito na may nagbago na kay Lin Che.

Mas lalo itong gumanda na para bang isang bulaklak na namumukadkad. Napaka-simple lang nitong tingnan noon, pero ngayon ay napakalinis at dalisay na ng hitsura nito. Napaka-elegante din ng damit nito. Ang katawan nito'y maihahalintulad sa isang malinaw na batis. Napakaganda nitong pagmasdan.

Ganoon pa man, matindi pa rin ang pagkadisgusto ni Chen Meili kay Lin Che. "Lin Che, ano'ng ginagawa mo rito? Bibili ka ba ng sasakyan?"

May bahid ng pangungutya ang tono ng pagsasalita nito dahil alam nitong mamahalin ang lahat ng kotse sa shop na iyon at hindi ito basta-bastang maa-afford ng kahit sino lang.

Tiningnan naman ni Lin Che si Chen Meili; mas tumanda na ito ngayon. "Oo, Aunty Qin. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito. Sige, maiwan ko na muna kayo. May titingnan lang ako doon."

"Hoy, Lin Che. Kinakausap pa kita. Bakit ka umiiwas?" Pagpigil ni Chen meili kay Lin Che.

Muli namang humarap si Lin Che.

Sinubok siya ni Chen Meili, "Nakita mo na ba ulit ang aming Qin Qing?"

Sagot ni Lin Che, "Hindi."

"Talaga ba? Hindi mo pa siya nakita ulit? O nagsisinungaling ka lang?" Panghahamak ni Chen Meili.

Napasimangot si Lin Che at napansin ang inis sa tono ng pananalita ni Chen Meili, "Aunty Qin, kung may gusto ka mang sabihin, diretsahin mo na ako."

Hindi nagustuhan ni Chen meili na makita si Lin Che na taas-noong sumasagot sa kanya nang ganoon. "Lin Che, balita ko ay may napasukan ka na namang gulo noong nakaraang araw at dinampot ka raw sa police station. Narinig ko pa nga na ang aking Qin Qing daw ang tumulong sayo para makalaya?"

Ah, iyon pala.

Totoo ngang tinulungan siya ni Qin Qing noon.

Tiningnan niya si Chen Meili at sumagot, "Oo, tinulungan nga niya ako."

Tiningnan siya ni Chen Meili at pagalit na sinipa ang mesa. "Lin Che, 'wag mo naman sanang masamain ang sasabihin ko ah, pero engaged na si Qin Qing sa kapatid mo. Magiging bayaw mo na siya balang araw."

Tinitigan lang ito ni Lin Che, "At ano naman ang masama kung tutulungan ako ng magiging bayaw ko?"

"Ano…" naiinis na napatingin si Chen Meili sa kanya. "Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Qin Qing, pero binabalaan kita; hindi mo deserve ang anak ko. Hinding-hindi siya magkakagusto sa katulad mong anak sa labas. Ano na ba ang tingin mo sa sarili mo ngayon? Porket ba artista ka na ngayon at may kaunting pera, eh magpapapansin ka na naman kay Qin Qing? Well, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa'yo. Sarado ang lahat ng pintuan namin para sa'yo."

Pinakinggan lang ni Lin Che ang panginginsulto nito at tahimik na ngumiti.

Sa gilid naman ay sinusubukan ni Lin Li na magmukhang humble sa harap ng kanyang future mother-in-law, pero hindi pa rin maitatago ang pagiging maldita nito sa mga mata. Habang nakangiti ay nakatingin siya kay Lin Che at tuwang-tuwang pinagmamasdan ang pagpapalitan ng mga salita ng dalawa.

"Aunty Qin, mukhang nagkakamali ka. Kaibigan lang ang turing ko kay Qin Qing at ngayon nga'y isa na siyang pamilya para sa akin. Oo nga't mabuting lalaki si Qin Qing, pero wala naman masiyadong special sa kanya. Marahil ay nagkakandarapa sa kanya ang lahat ng mga babae pero may sarili na akong boyfriend ngayon. At wala akong interes kay Qin Qing kahit kaunti man lang!"