webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Pusit

Justine, my cousin, confirmed it. He said na nasabi nga sa kaniya ni Sonny ang tungkol sa kasalan. At nasa ibang bansa nga sila ngayon para raw sa kasal.

Ang dami palang alam ng bugok, ngayon pa nagsalita kung saan para na silang mga timang na nag-uusap-usap tungkol sa usaping iyon.

I want them to stop talking about it. I want them to shut their mouths and just move on with a different topic. Ayokong marinig ang tungkol doon. Hindi ko pa kayang i-digest sa utak ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng sistema ko.

"Grabe talaga itong si Tonton, 'no? Sinulot ang kambal."

"Isang Lizares 'yan. What's new?"

"Nakakagulat lang kasi. Babae pala itong si Therese at pumapatol sa lalaki. Akala ko pa naman tomboy talaga. Mukhang bumigay kay Tonton."

"Sino ba naman kasing hindi bibigay sa isang Lizares?"

"Ayan si Tonette."

"Shut up, Kuya!"

Just please… stop!

"Okay ka lang?" tanong ni Nicho sa akin habang abala pa rin sa pag-uusap.

Ngumiti ako sa kaniya at sunod-sunod na tumango. "Oo naman. Bakit naman hindi?"

Inatupag ko ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Magpa-Pasko na, walang room para magmukmok sa balitang narinig. Walang hiyang iyan.

It took them an hour before they changed the topic. Saka lang din sila nag-change ng topic 'yong malapit na ring magsi-uwian. So, basically, halos tungkol lang sa usaping iyon ang naging usapan nila.

Kanina pang masikip ang dibdib ko. Kanina pa ako hindi mapakali. Gustong-gusto ko na lang munang umuwi at i-sink in sa utak ko ang nalamang balita.

Kaniya-kaniyang uwi kami after that breakfast. Hindi na rin nawala ang picture taking. Pero walang-wala na talaga ang gana ko. Hindi na mahagilap pa.

Pagkauwi sa bahay, akala ko maso-solo ko na ang sarili ko. Pero hindi pa pala. Naging okupado at abala rin ako para sa preparasyon ng Pasko. May mga handaan kasing naganap, isang Christmas party sa mga tauhan ni Tito Jose. To busy myself, tumulong ako at nakipaghalubilo na rin sa ibang tao.

Buong araw akong naging busy. Pagdating din ng gabi, preparation naman para Noche Buena. Dito rin kasi magpa-Pasko sina Tita Annellia and family. Nakipag-video call kami kay Mama during Noche Buena. Nag-exchange gift din kami. Nagbigayan na rin ng regalo. Lalo na si Lolo at Lola na sobrang galante yata ngayong taon kasi ang daming ibinigay sa aming mga apo nila. May picture-an ding naganap, mawawala pa ba iyon?

Sobrang bongga lang ng gift ko ngayon kasi ang cell phone na ibinigay sa akin ay 'yong latest release ng iPhone. Sobrang mahal nito at sobrang appreciated ko ang ibinigay nilang ito. Sobrang tuwa ko rin. Sino bang hindi? Ang sabi rin nila ay nag-ambagan daw silang lahat para mabili ang cell phone na ito. Mahal ito. Kung Osmeña ako, ma-a-afford ko ito pero simpleng tao lang kami at hindi namin basta-bastang ma-a-afford ito kaya sobrang nakakatuwang malaman na nag-ambagan sina Mama, Lolo, Lola, mga Tito, at Tita ko para lang mabigyan ako ng ganitong klaseng cell phone. Okay na nga sana ako sa android phone lang, e. Kailangan talaga iPhone?

Sabagay, iPhone nga rin pala 'yong ninakaw na cell phone ko. Sobrang tanga talaga, Zettiana.

Pero pagkabigay sa akin ng iPhone na iyon, sinamahan pa nila ng kaonting sermon. Sana naman daw ay aalagaan ko na ito kasi alam kong mahal daw. Aba, siyempre. Aalagaan ko talaga ito.

Matapos ang kainan at kuwentuhan para sa Paskong ito, kaniya-kaniyang ligpit ang lahat para makapagpahinga na. Napag-usapan din kanina na maliligo kami ng dagat kinabukasan para maubos ang handa namin ngayong Pasko. Sukat-akalain ba namang nagpa-lechon, e, kaonti lang naman kaming nandito. Okay na sana 'yong lechon belly lang, e, pero isang malaking lechon talaga ang ipina-lechon.

Nasa huwisyo ako para tumulong sa pagliligpit ngayon. Siyempre, tuwang-tuwa kasi bago ang cell phone. Tumulong pa nga ako sa paghuhugas ng pinggan kahit na ayaw na ni Ate Nene na tumulong ako. I insisted. Siyempre, tuwang-tuwa.

"Tuwang-tuwa. Inspiradong-inspirado. Sana all talaga may bagong cell phone," kantiyaw pa ni Ate Nene sa akin habang naghuhugas kami ng pinggan.

"Aba, siyempre, Ate Nene. Isang buwan akong nagtiis na walang cell phone. Ang hirap kaya."

"Edi mati-text mo na n'yan 'yong boyfriend mo?"

"Anong boyfriend? Wala ako no'n, ah?"

"Weh? Kasapi ka pala ng SMP ngayon?"

"SMP?" natatawang tanong ko pa habang inilalagay ang mga pinggan na tapos ng hugasan sa lalagyan nito.

"Samahan ng malalamig ang Pasko! 'Yong mga lonely is the night when I'm not with you ang drama, ganoon."

Humagalpak ako ng tawa dahil sa kinanta ni Ate Nene. Muntik ko pa nga'ng mabitiwan 'yong babasaging pinggan dahil sa pagtawa. Ewan, basta gusto ko lang matawa.

"Ang init kaya ng Pasko ko ngayon. Literal na mainit, ah? Ang init-init naman kasi sa Pilipinas," sabi ko pa habang pinapaypayan ang sarili gamit ang damit.

"Oo nga. Nakakapanibago. Paskong-pasko pero ang init ng panahon. Kanina nga sa Christmas party ng mga tauhan ni Kuya Jose, tagaktak 'yong pawis ko," pagku-kuwento pa ni Ate Nene.

Nakangiti ako kahit na hindi naman siya nakatingin. Iniwan ko muna saglit ang ililigpit na mga pinggan at pinuntahan ang cell phone kong nakapatong sa ibabaw ng ref. Nagda-download kasi ako ng mga apps para magamit ko na nang tuluyan itong bago kong iPhone. Nang makitang on-going pa rin ang pagda-download, ibinalik ko sa kaninang puwesto nito at bumalik na rin sa ginagawa.

"Ma-intriga nga kita, Zetty. Alam mo, sa tagal kong nagta-trabaho rito sa bahay ng Lolo mo at sa tagal mong nakatira rito, ni minsan ay hindi ko nalaman na may pumunta ritong nobyo mo o umakyat man lang ng ligaw. Maganda ka naman, paniguradong ang daming nagkakagusto r'yan sa 'yo. Wala ka ba talagang naging nobyo, Zetty?"

Kailangan talagang pag-usapan namin ang lovelife ngayon?

Unti-unting nawala ang kasiyahan na kanina ko pang naramdaman. Pero pinilit ko pa ring ibalik sa dating estado ito. Ayoko namang ipahalata kay Ate Nene na apektadong-apektado ako sa lovelife-lovelife na iyan.

Tumalikod na lang ako at inatupag ang mga liligpiting pinggan nang sagutin ang tanong niya.

"Hindi ko na inaalala 'yan, Ate Nens. Mas focus ako sa pag-aaral ngayon. Ayoko namang biguin si Mama na siyang nagkakayod kalabaw sa ibang bansa para lang mapag-aral ako sa kursong gusto ko tapos sisirain ko lang kasi mas inatupag ko pa ang lovelife kaysa sa pag-aaral ko, 'di ba?"

"Heh? Grabe ka naman, Zetty. Porque't may nobyo lang ay masisira agad ang pag-aaral? Tingnan mo nga 'yang mga pinsan mo, iba't-iba na nga ang naging nobyo't nobya nila pero nag-aaral naman ng maayos. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nang may ipinakilala 'yang mga pinsan mo sa pamilya mo, e. Pero napariwara ba ang buhay? Hindi naman 'di ba? Depende kasi 'yan sa nagdadala at sa mga magulang kung gugustuhin mong mapariwara ang buhay mo dahil sa pag-ibig na iyan. Maayos ka namang napalaki ni Ate Carmy, nang Lolo at Lola mo. Hindi ka naman siguro mapapariwa sa buhay. At saka, nasa tamang edad ka na rin para sa lovelife-lovelife na 'yan."

Sa sobrang haba ng sinabi ni Ate Nene, parang gusto ko siyang palakpakan at luhuran para mabigyan ng pugay. Natatawa na lang akong lumingon sa kaniya.

"Ako, aaminin ko, medyo napariwara nga ang buhay ko nang dahil sa pag-ibig na iyan kasi nga maaga akong nabuntis. Nahinto ako sa pag-aaral kasi nga kailangan kong buhayin muna ang magiging anak ko. May iba rin d'yan na nakipagtanan pa sila para lang sa pag-ibig na mayroon sila. 'Yong iba rin nabuntis, katulad ko. Pero kapag marunong ka namang humawak ng sarili mong buhay, hindi naman mangyayari sa 'yo ang mga nangyayari sa ibang tao. Iba-iba naman kasi tayo ng paraan kung paano natin iha-handle ang pag-ibig na 'yan. Kung sakaling magkamali man, edi bangon ulit. Basta ba't hindi mo na uulitin ang minsan mong naging kamalian sa buhay. Sabi nga palagi ni Ate Crestine, kapag nagkamali ka, 'wag mo nang ulitin pa kasi dapat ay natuto ka na sa pagkakamaling iyon kasi kapag inulit mo, sariling desisyon mo na 'yon, choice mo nang maging tanga," dagdag pa na sabi niya.

"Ate!" natatawang pagpigil ko sa mga susunod niyang sasabihin. "Ako lang 'to ha? Si Zetty," natatawa pa ring sabi ko. "Ang lalim mo pala, Ate Nene. Ang dami mo na sigurong napagdaanan sa buhay. Pero salamat sa mga sinabi mo. I'll take note of that."

"Sama ka kasi nang sama sa Tonton Lizares na iyon kaya hindi ka makahanap ng sariling lovelife. Ang dami mo ring naging kaibigan, puro na lang kaibigan, wala ka bang nagustuhan sa kanila?"

Tuluyan nang nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Ate Nene ang pangalan ni Tonton. Napayuko ako at matik na napatingin sa kaliwang palasingsingan ko.

Psh, hanggang ngayon, hindi ko pa rin pala hinuhubad ang singsing na ito. Walang hiya talaga.

Pagak na lang akong natawa at napa-iling sa sariling iniisip.

"Darating siya kung kailan hindi ako handa, Ate Nene. At 'yon na lang ang paghahandaan ko. Ang kusa niyang pagdating sa nalalapit na hinaharap," makahulugang sabi ko sa kaniya.

Alam kong confuse na confuse na itong si Ate Nene sa binitiwan kong mga salita. Salubong na salubong ang kilay niya pero hindi na rin siya nagsalita pa at tumango na lang sa sinabi ko, nagpatuloy na rin sa ginagawa.

"Sabi na nga ba't nandito ka lang."

Agad na napalingon ako sa likuran namin ni Ate Nene nang marinig ko ang boses ni Nicho. Nakadungaw siya sa may hamba na siyang nagdi-divide sa dirty kitchen at sa dining room. Para pa niyang dina-drum ang sementong wall habang nasa ganoong posisyon.

"Bakit?"

"Nasa labas sina Yosef. Inuman daw."

"Ano? Wala bang Pasko sa kanila? Ba't nandito sila?"

"Labas!" matigas na sabi ni Nicho at isinenyas niya pa sa akin ang direksiyon ng labas. Masama na rin ang tingin niya sa akin at mukhang hindi susuko kung saka-sakaling hindi ako magpakita sa kanila.

Napabuntonghininga na lang ako.

"Sige na, Zetty, ako na rito. Lumubas ka na't hanapin mo na ang lovelife mo."

"Ate Nene talaga…"

Humagikhik na lang si Ate Nene at kinuha pa ang pinggang dala ko. Hindi pa rin umaalis si Nicho, mukhang hinihintay talaga ako.

Inirapan ko na lang si Nicho at kinuha muna ang cell phone ko sa ibabaw ng ref bago siya sinabayan palabas ng kusina. Inakbayan niya pa ako habang chini-check ko kung ano na ang status ng mga d-in-ownload ko.

Nicho tap the top of my head pero hindi na rin naman nagsalita. Hinayaan ko na. Mamaya ko na lang tatablahin 'tong bugok na ito.

Dinala ako ni Nicho sa malawak na bakuran. May iniwang isang maliit na ilaw doon at bukas pa rin ang Christmas lights na ipinalamuti sa buong bakod at sa bakuran na rin simula noong September kaya medyo maliwanag pa. Nandito nga ang mga inaasahan kong bugok, kasama ang hindi inaasahang bisita.

"Pato! Nandito ka na?!" Agad akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Takteng bugok na ito, hindi man lang nagsabi na uuwi pala! "Hindi man lang nagsabi ang ogag na umuwi ka pala! Kailan lang?" dagdag na sabi ko as I punched his now bulging arms.

Hindi na siya 'yong payatot na Pato na kalaro ko rati!

"Heto na naman ang maingay na si Zetty."

Hindi nakasagot si Pato sa sinabi ko kasi naunahan siya ni Tito Jose sa pagsasalita. Napatingin tuloy ako sa pilyo kong Tito at pabiro siyang sinamaan ng tingin. Ginulo niya lang ang buhok ko't natawa sa naging reaksiyon ko.

"Gising pa po pala kayo, Tito?" tanong ko pa. Kanina kasi ay nagpaalam na itong matutulog na raw. Medyo nakainom din itong si Tito, e.

"Nandito lang ako para paalalahanan itong mga batang ito. 'Yong sinabi ko kanina ha? 'Wag damihan ang inom. Kapag hindi na kaya, dito na matulog, 'wag nang piliting umuwi."

"Opo, Tito," halos sabay-sabay na sabi nila.

"Kami na pong bahala rito, Tito. Pahinga na po kayo. Merry Christmas po!" sabi ko sa kaniya.

"Sige, sige. Nga pala, bago ang cell phone nito, binyagan n'yo," natatawang sabi niya pa sa mga kaibigan namin.

Agad naman silang sumagot ng oo nga po, Tito. At tinawanan na lang ang pag-alis ni Tito Jose sa tumpokan namin. Sinundan siya ng tingin ng mga bugok pero agad ko ring naibigay ang atensiyon ko pabalik kay Pato.

"Pasalubong ko?!" sabi ko pa sabay lahad ng palad para makuha na ang pasalubong. Galing ibang bansa ito, dapat lang na may pasalubong siya sa akin.

May kinuha siya sa lamesa ng garden at agad na inilagay sa nakabukaka kong palad ang bote ng isang mamahaling inumin.

Takte! A twenty-five year old Chivas Regal, 'te!

"Merry Christmas, Zettiana!"

"Takte ka. Salamat sa effort mong pagdaan sa Duty Free ha?"

"'Tang ina, ang inggrata mo pa rin hanggang ngayon."

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya at inilapag sa lamesa ang ibinigay niyang whisky para batiin ang iba pang bugok. The original bugoks. Nandito ang mga Osmeña: Yosef, Ada, Tonette, at Clee. Hugo is also here, and siyempre, ang balikbayan na si Pato Vergara! Fiona Osmeña is not around kasi nasa Manila raw. Doon na nag-Pasko. Mukhang seryoso talaga sa buhay med student niya.

"Hindi mo ba kasama si Pax?"

"Ako lang 'yong umuwi. Sa bagong taon pa susunod sina Mama. Pero inaya ko naman si Pax kaso ayaw niya raw munang umuwi. May bakasyon daw kasi silang magkakaibigan sa Chicago."

"Ah, ganoon ba? Anong balita?"

At nagkuwento nang nagkuwento si Pato sa mga karanasan niya sa ibang bansa. From time to time ay may communication naman kami sa kaniya kahit simula no'ng mag-migrate sila sa ibang bansa ay ngayon lang siyang nakauwi kaya iba pa rin talaga kapag personal niyang shini-share ang mga kuwentong iyon. We shared some talk together with that expensive bottle of whisky ni dinala ni Pato. It turned out din na hindi lang pala 'yon ang dala nila. Bukod sa mga tira naming inumin kanina sa party, may dala ring iba pang variant ng hard drinks ang mga Osmeña.

Kaya paniguradong dito matutulog ang mga bugok na ito ngayon.

Nag picture-an na rin kami gamit ang bago kong cell phone. Sinabi nila sa akin na kailangan ko raw i-upload 'yon dahil wala na raw akong naging update sa social media accounts ko simula no'ng mawalan ako ng cell phone. Na-pressure tuloy akong i-upload ang isang picture out of many photos we had.

Usapan lang nang usapan. Kung ano-ano na. Tawa nga lang ako nang tawa, e. Lahat kasi ng tagay ay ininom ko. 'Yong chaser nga namin sa vodka na iniinom ay itong five hundred ml na Red Horse.

Aminado akong lasing na lasing na ako ngayon at tawa na lang ako nang tawa sa mga pinagsasasabi nila. Lalo na sa mga kuwento ni Pato.

Ewan ko ba. Sobrang saya ng buhay ko ngayon. Sobrang saya na gusto ko na lang talagang malagutan ng hininga katatawa.

Paminsan-minsan silang natatahimik pero hindi ko hinahayaang matahimik sila. Agad akong nagsasalita. Hihirit ng jokes o mag-s-share tungkol sa naging experience ko no'ng mga panahong wala akong cell phone. Basta marami akong nakuwento sa kanilang mga masasayang kuwento.

Diniretsong lagok ko 'yong Tanduay na iniinom namin ngayon. Natahimik silang bigla kaya matapos malagok ang inumin, ngumiti ako sa kanila at muling nagsalita.

"Heto pa, heto pa… anong pusit ang buntis?" Kahit hindi ko na masiyadong maaninag ang mga mukha nila, tiningnan ko pa rin sila gamit ang mapupungay kong mata at malawak kong ngiti para lang makita ang magiging reaksiyon nila. "Sige na, itanong n'yo kung ano?" pang-uudyok ko pa sa kanila kasi parang naging tahimik na talaga sila nang tuluyan. Mga lasing na ba sila?

"Ano?"

Lumingon ako kay Pato nang marinig ang tanong niya. Mas lalo akong ginanahan magsalita. Hinawakan ko ang balikat niya at pinigilan ang sariling pangunahan ng tawa sa susunod na sasabihin ko.

"Edi… pusitive!" at hindi na talaga napigilan ang matawa nang tuluyan. "Ito pa, may baon pa ako. Ano 'yong mataba na loyal?"

Legit! Sobrang nakakatawa ng joke na ito. Matagal ko nang pinag-isipan itong joke na ito, mabuti talaga at nagagamit ko na ngayon.

"Hoy, ano ba, sagot naman kayo! Ang tatahimik n'yo naman!" medyo naiinip kong tanong sa kanila. Wala kasing nagsalita.

Inatupag ko ang basong para sa akin kasi bigla akong nauhaw. Kailangan kong uminom ng… alak! Yehey, Happy Christmas! Ang saya-saya ng Pasko ko, ebarg!

"Tonette, stop texting."

"What?!"

"'Yon! Buti may nagtanong. Buti nagtanong ka, Net! Ang mataba na loyal ay… matafat!"

Humagalpak ako ng tawa. It always get me. Ebarg 'yong joke na iyon. Sobrang legit na nakakatawa talaga!

"Okay ka lang ba talaga, Zetty?"

Hindi ko pinansin ang naging tanong ni Tonette. Patuloy pa rin ako sa pagtawa. Hindi ba obvious sa kaniya na okay na okay ako ngayon? Sobrang okay na ako ngayon!

"Net, stop asking her that."

"Ssshhh, tumahimik nga muna kayo! Makinig muna kayo sa joke ko! Matatawa na talaga kayo ngayon!" pagpapatahimik ko pa sa kanila. Inilagay ko pang hintuturo ko sa pagitan ng labi ko para patahimikin sila. Ang ingay na nga ng kapitbahay dahil sa videoke nila tapos mag-iingay pa sila rito. "Ito ha, anong bubuyog ang mataba?"

"Um… Jollibee?"

Malawak ang ngiti akong lumingon kay Hugo dahil mabilis niyang sinagot ang naging tanong ko. Naituro ko pa nga siya sa sobrang participative niya. Hindi katulad ng iba na nakikinig lang sa mga joke ko. Hindi man lang nga natawa. Siguro natawa pero ewan talaga.

Nag-focus na lang ako kay Hugo.

"Hindi. Oo, mataba si Jollibee pero hindi 'yan ang sagot."

"E, ano kung ganoon?" narinig kong tanong ni Pato.

"Edi… chubbee. Alam n'yo 'yon? B-e-e," at muli akong natawa. Grabe talaga iyon, nakakatawa talaga iyon. Akala ko nga Jollibee ang sagot doon. Chubbee pala. Iba rin!

Tuloy-tuloy ang naging lagok ko sa panibagong baso na nasa harapan ko para lang mapigilan ang sarili sa pagtawa ng malakas. Ebarg! Halos kapusin na ako ng hininga kakatawa. Paniguradong namumula na ako kakatawa ngayon. Ebarg! Ang saya ng ganitong buhay!

"Ito last na… saan ka makakakita ng ten plus three equals one?" pagpapatuloy ko. I don't want to spoil the momentum of my happiness kaya agad akong humirit ng panibagong joke. Ang dami ko kayang baon tonight.

Natigil lang ang pagtawa ko nang padarag na tumayo si Yosef na nasa katapat ko lang. Napatingala pa ako sa kaniya at pilit inanig ang mukha niya. Dahil sa ilaw sa malapit, nakita ko ang magkasalubong niyang kilay. Pero masiyado nang malabo ang lahat.

"Zetty, hindi ka ba nasasaktan?"

Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa pasigaw na tanong ni Yosef. Bakit ba siya galit? At anong masasaktan?

"Huh? Bakit naman ako masasaktan? May nang-aaway ba sa akin?" dinaan ko pa sa tawang sabi ko at nilagok ang panibagong bote ng Red Horse sa harapan ko.

"Zet, kung masakit na, iiyak mo. Hindi 'yong dinadaan mo sa tawa ang lahat."

Napalingon ako kay Ada nang sumabat siya sa usapan.

"Bakit nga sabi ako iiyak? Bakit ako masasaktan? Wala namang rason para masaktan at umiyak. At saka, alam n'yo, kahit suntukin niyo pa ako ngayon, hindi ako iiyak. Para lang sa mga duwag ang iyak-iyak na 'yan. Hindi ako duwag 'no! Matapang ako!" sabi ko pa sabay pakita sa muscles ko. Itinaas ko pa ang sleeve ng suot kong t-shirt para makita nila ang muscles ko sa braso.

"Zettiana, gan'yan ba ang reaksiyon mo sa nalaman mo? Nabuntis ni Tonton ang ex mo at ikakasal na sila, baka nakakalimutan mo! 'Yan lang ba ang sasabihin mo? Hindi ka nasasaktan? Imposible!"

Lumingon ako kay Nicho, hindi na natuloy ang paglagok sana sa Tanduay sa isang shot glass.

"E, ano naman ngayon?" medyo naiinis kong tanong.

"Hindi kahinaan ang magpakita man lang ng kahit kaonting emosyon, Zettiana," sabi pa ni Nicho.

"E, anong gusto mong gawin ko, Nichodemus Felizar? I-presenta ang sarili ko para maging abay sa kasal nila? Kung gusto nilang maging abay ako sa kasal nila, padalhan lang nila ako ng invitation at pamasahe, agad akong lilipad ng States para um-attend ng kasal nila tapos sasabihin ko congratulations, best wishes, humayo kayo at magparami, ganoon ang sasabihin ko!" itinaas ko pa ang basong hawak ko at malakas na tumawa.

So far, ito ang pinaka-dabest kong joke ngayong gabi! Ebarg! Ngayon ko lang naisip 'yon. At akalain mo 'yon, nag-iisip pala ako ngayon?

Gusto ko sanang tumayo at sabayan ang musika ng kabilang bahay, 'yong videokemachine kasi nila ay umaabot dito sa amin ang ingay. Sinusulit talaga nila ang Pasko ngayon. Ang saya-saya ng Paskong pinoy!

Sinubukan pa akong pigilan ng mga katabi ko pero hindi talaga ako nagpapigil. Mas lalo akong nag-sway sa saliw ng musika nang maging pamilyar sa akin ang tono ng kanta. Wala sa sarili na lang akong natawa.

"Ito lang masasabi ko ha?" sabi ko habang hinihintay ang chorus ng kanta. "It must have been love, but it's over now! It must have been good, but I lost it somehow!"

Tinawanan ko silang lahat at nilagok ang huling patak ng Red Horse. Binitiwan na rin ang baso sa table.

I look like a mess, I know. But who cares? For heaven's sake, I am happy! I am damn well and happy! Birthday ni Papa Jesus ngayon, dapat lang na masaya ang lahat! Wala dapat nasasaktan. Paskong-pasko, bakit may masasaktan? Walang puwang 'yan!

Muli akong umupo at natatawang isinandal na lang ang ulo sa balikat ni Nicho. Pumikit na ako. Inaantok na ako. Pagod na pagod na ang buhay ko. Sa lahat ng nangyayaring ito.

"This is what I always tell you… never ever meddle with the mess of the Lizares because the Lizares are fucking untouchables," narinig ko pang sabi ni Tonette pero hindi ko na pinansin as the silent pain and dizziness indulged me.

Nagising lang ang diwa ko sa isang madilim na silid. Gising na gising na ang diwa, napatitig na lang ako sa bintana ng kuwarto namin ni Krezian. Naaninag ko kanina na nakahiga na si Madonna sa kama ni Krezian, tabi silang dalawa. Habang ako ay mag-isa lang ngayon sa kama ko.

Mukhang lasing na lasing na naman ako kagabi o kanina? Siguro kanina nga. Halatang madaling araw pa kasi madilim pa ang labas. Nakauwi kaya ang mga bugok? O nasa bagong gawang guest room sila ngayon? Hindi ko alam. Mukhang nakatulog na naman ako sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin. Hindi ko maalalang naglakad ako papunta sa kuwartong ito, e.

Habang yakap-yakap ang unan, matagal akong napatitig sa kurtina ng kuwarto na nagsasayaw na tila alon sa payapang karagatan, saliw sa hangin ng musikang kaniyang napapakinggan.

Sa tagal kong nakatitig sa inosenteng kurtinang iyon, hindi ko halos namalayan ang sarili kong napaluha na pala ako dahil sa mga alaalang biglang pumasok sa utak ko. Hinayaan ko na lang muna ang sarili kong lunurin sa alaalang hanggang alaala na lang.

Sobrang sakit at sikip ng dibdib ko dahil sabay kong naiisip ang memories naming dalawa at ang mga nalaman ko kahapon.

After years of building myself again, here I am, back to zero, back to be left with nothing.

Ayoko sanang maniwala kasi gusto ko manggaling sa kaniya ang katotohanan. But everyone around me showed some receipt and he was nowhere to be found. Hindi na nga siya nagparamdam, nawala na lang bigla, na tila ba multo na tumawid na sa kabilang buhay.

Akala ko ba gusto na niya ako. Akala ko ba mahal na niya ako. Bakit unti-unting naging kasinungalingan sa akin ang mga nagawa naming memories together? Kung kailan naman naamin ko na sa sarili kong mahal ko na siya, saka naman ganito.

I gave him a month to gather all his reasons kung bakit hindi niya ako sinipot nang gabing iyon. I extended my patience kasi baka busy lang talaga. I was too confident that he will eventually show up, maybe with flowers in his hands, stretching it out to me and saying all the reasons why he didn't show up that night.

Handa akong tanggapin kung anong magiging rason niya kahit gaano katagal at ka-pathetic ito. Pero bakit makalipas ang isang buwan, ito ang malalaman kong balita?

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilang makawala ang hikbing kanina ko pang gustong gawin. Tuloy-tuloy na bumagsak patagilid ang luha ko na tahimik ding sinalo ng unan na yakap-yakap ko.

You know what's the worst kind of cry? It's when you're crying all alone, silently and careful enough not to make noise, feeling the intense pain, and facing the battle alone.

Why naman ganito, Tonton, kung kailan sigurado na ako sa 'yo, kung kailan nabuo ko na ang sarili ko nang dahil sa 'yo, kung kailan handa na akong mag-commit kasama ka, biglang ganito.

Why naman, Tonton?

~