webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Graduation And Future Endeavors

If it weren't for my busyness of studies and eagerness to graduate, I would've killed myself with sorrowness and pain. Mabuti na lang at inabala ko na lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Nawala pansamantala ang mga iisipin ko.

Now, I'm getting the price I really wanted since I entered college. After five years, finally, ay ga-graduate na ako ngayon. Wearing this black toga I've been longing to wear for the longest time. Finally!

Mama went home from Canada. It's surprising too na pati si Tita Leceria ay sumama. After all these years, nakakatuwa lang makita na hanggang ngayon, heto pa rin sila't nagmamahalan daw. Good for them. I tried loving two sexes, but here I am, left with nothing.

But anyways, walang puwang ang malungkot ngayon. Graduation ko! Dapat masaya ang lahat!

I feel so euphoric, kakaibang kasiyahan ang naramdaman ko during the graduation rites. Matapos ang graduation, pumunta kami sa isang resto at kumain kami ng family ko to celebrate this milestone of my life. After din no'n ay diretsong uwi na sa Escalante kahit sobrang gabi na. Pero matapos ang lahat, matapos kong makipagsaya sa lahat, nagkulong ako sa kuwarto na dinama na naman ang lungkot.

Ganoon naman talaga araw-araw simula no'ng Pasko. I can pretend the whole day but at the end of it, mag-iisa ako at dadamahin na naman ang lungkot. Yayakapin ang unan at mahinang iiyak.

Ilang buwan na ang nakaraan, pinilit ko ang hindi makibalita sa kaniya. Pero nang magkita kami ng barkada sa Escalante, days before my graduation, kusang nakarating sa akin ang balita tungkol sa kasal. Decart said it himself.

Umasa ako ng mga buwang iyon. Umasa ako at naghintay. Kahit na sinabi na ni Decart mismo ang tungkol sa balitang iyon, umaasa pa rin ako. Naghihintay na balikan niya ako at bigyan naman ng kahit kaonting importansiya para sabihin ang nangyari. Ganoon-ganoon na lang ba 'yon? Matapos niya akong sabihan na mahal niya, bigla siyang mawawala at iiwan ako sa ere kung kailan hulog na hulog na rin ako? Ang unfair nang ganoon.

Pero kailangan kong mag-focus para sa nalalapit kong board exam. Kahit na sa susunod na taon pa 'yon, kailangan ko pa ring mag-prepare.

Isang araw, days after my graduation, habang nagka-kape, Mama opened up about the possibility of me migrating in Canada. Itutuloy na raw 'yong dating plano. She's always asking me about it kahit pa noong nasa high school at college pa ako. But I always decline kasi gusto ko rito, kasi masaya ako rito.

Pero ngayon… nagdadalawang isip ako kung sasama na ba ako. Gusto ko kasing kumuha muna ng lisensiya, 'yon ang sabi ko sa kaniya. Pero ang totoo, gusto ko muna rito kasi kung sakaling umuwi siya at bumalik, nandito ako para maghintay ng explanation niya, ng side ng story niya. I can't go on with life not hearing his side. Unfair nga sa akin ang nangyayari ngayon pero mas unfair kung hindi ko man lang pakikinggan ang side niya.

Kaya for the nth time, I declined Mama's offer.

"Pag-isipan mo, anak. You have a bigger opportunity there. At saka, 'di ba dati gustong-gusto mong samahan mo ako roon? Ngayon, puwedeng-puwede na kitang i-petition."

"Ma, kukuha pa kasi ako ng board exam. Next year na lang. Sayang din ang limang taon kong pag-aaral ng architecture tapos hindi rin pala ako kukuha ng board exam para maging isang tunay na architect na talaga."

"Puwede kang maging architect kahit wala kang lisensiya sa Canada. Tutulungan ka ni Tita Leceria mo. She's an engineer, baka nakakalimutan mo? Marami siyang connection sa construction field ng Canada, lalo na sa Silver Lining Construction. Puwede kang magtrabaho roon."

"Promise, Ma, after board exam. Makapasa man o hindi, susunod ako sa 'yo sa Canada."

But what I did in the next few months are all kind of pathetic. Instead of focusing myself over the review, heto ako't palaging lumalabas para mag-adventure, alone. Binalikan ko lahat ng lugar na napuntahan naming dalawa para ma-experience ulit ang adventures na nagawa namin.

At para na rin saktan ang sarili ko. Gusto ko kasing maging numb sa sakit. Gusto ko kapag nakita ko na siya, okay na ako at handa na akong harapin siya nang hindi umiiyak sa harapan niya kapag sinasabi na niya sa akin ang eksplenasyon niya. I am literally torturing myself by living again the memories we made.

Pero sa ganitong paraan kasi, imbes na maging manhid ako sa sakit, mas naramdaman ko pa ang pagmamahal niya. Takte naman kasi, hulog na hulog na ako sa kaniya no'ng bigla siyang hindi nagparamdam. Daig ko pa hiniwalayan ng jowa sa estadong ito kahit literal naman na hindi naging kami pero para na rin namang naging kami. Kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito ang tanggap ko sa sakit na ito.

Wala nga rin ako sa sarili ko nang malaman kong ikakasal na si Yosef kay Charmaine at in the next few days ay magaganap ang engagement party nila.

"Itanan mo kaya ako."

Pagod akong nagbaling ng tingin kay Yosef nang basagin niya ang katahimikan naming dalawa. It's after he said about this engagement party na magaganap next week. Hindi ko narinig ang buong detalye kasi wala na sa kaniya ang atensiyon ko simula no'ng marinig ko ang salitang kasal. Lumilipad na naman kasi ang utak ko.

"Bugok ka ba. Ano ba 'yang pinag-iisip mo?" medyo naiinis kong tanong sa kaniya.

"Ayoko kasing magpakasal kay Charmaine o sa kahit sinong babaeng irereto sa akin ng mga magulang ko."

"Edi tumutol ka. Sabihin mo ayaw mo. Mahirap ba 'yon? Kung gusto mo, edi go. Kung ayaw mo, edi don't. Ang simple ng buhay, pinapa-komplika mo."

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap."

"Mahirap ba talagang tanggihan ang isang kasal? Na kahit ayaw mo, mapipilitan kang suungin dahil may responsibilidad kang kailangang harapin? Sef, kilala kita. High school pa lang tayo, kilala na kita. Alam kong hindi mo matatanggihan ang tradisyong ito ng pamilya mo, which is weird, which is odd, which is… whatever. God! Arrange marriage at this age? At this generation? Sucks! The point is… kaya mo lang naman ginagawa ito 'di ba kasi ang tingin ng lahat sa 'yo ay isang responsableng anak at tao na gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. Hindi naman masamang maging responsable pero hindi rin masamang humindi paminsan-minsan. Kung ayaw mo, edi don't. Kung kaya mo namang lunukin ang responsibilidad na ito, edi go."

Amusement is plastered in Yosef's face. Hindi niya tuloy alam kung matatawa ba siya o ano sa mga narinig mula sa akin. May sense ba 'yong sinabi ko? Ewan ko kung tama pa ba iyong mga pinagsasasabi ko. 'Yon lang ang kaya kong i-advice sa kaniya, e.

Matagal bago nanahimik si Yosef. Paminsan-minsang natatawa. Kung kaya ko lang ibigay sa kaniya ang focus ko ngayon, kanina ko pa binatukan ang bugok na ito dahil sa ginagawa niya.

"Alam mo, Zetty, crush kita rati."

What the heck?

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa biglang sinabi niya.

"Ngayon mo talaga sasabihin sa akin 'yan?"

"Totoo. High school pa lang crush na kita."

May halong seriousness ang boses at mukha ni Yosef kaya nakisabay ako, medyo naging seryoso na rin.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol dito?"

"God knows how many times I tried telling you about it. Pero palagi akong naduduwag. Hanggang sa pumasok na sa eksena si Therese and you admitted that you like her. And that's when I stop liking you."

Napa-iwas ako ng tingin kay Yosef dahil sa m-in-ention niya ang pangalan ni Therese.

"Sa tingin mo… nanganak na ngayon si Therese?"

"Seriously, Zettiana? I am literally confessing to you right now and you're gonna ask me if Therese gave birth already?" eksaheradong tanong niya.

Natatawa tuloy akong nagbalik ng tingin sa kaniya.

"Ikaw kasi. Sinali pa sa usapan."

"Nanisi pa. E, kasali naman talaga siya sa usapan."

Sumimsim na lang ako sa kapeng nasa harapan ko at tinanaw ang maaliwalas na tingin sa paligid.

"Hanggang ngayon ba… crush mo pa rin ako?" Kibit-balikat lang ang naging sagot niya. "Why didn't you make a move when Therese and I broke up? You had the chance."

Mahinang natawa si Yosef sa sinabi ko. "Kung kailan wala na, saka mo sasabihin sa akin na I had the chance? At saka, akala ko noon na babae na talaga ang papatulan mo at hinding-hindi ka na lilingon sa mga lalaki. And it was better admiring you from afar. You know, less talk, less heartache, less problem."

Marahan ko na lang na hinilot ang sentido ko. Natatawa sa mga pinagsasasabi ni Yosef ngayon. Alam kong wala na naman ito ngayon and it's all in the past now. I really wasn't affected by this sudden confession of him from the past because my mind is literally clouded with different kinds of waves. I am thinking of something else. Someone, actually.

"Ano? Sabihin mo lang sa akin ngayon na crush mo pa ako, itatanan talaga kita," pagbibiro ko pa.

"Gago!"

I guess, feelings do really fade in time. Siguro, mawawala rin itong nararamdaman ko ngayon. Balang-araw, masasabi kong wala na akong nararamdaman sa kaniya kasi it's either naubos na o expired na talaga nang tuluyan.

"To answer your question awhile ago… yes, Therese gave birth. Thelaine posted this a week ago."

Inabot sa akin ni Yosef ang cell phone niya para ipakita sa akin ang p-in-ost ni Thelaine sa Instagram. It was a, I don't know how many months, baby boy. Captioned with our newest little one in the family.

Hindi ko na pinatagal ang pagtitig sa mukha ng bata. Agad kong ibinalik ang cell phone kay Yosef kasi nararamdaman ko na naman ang sikip sa aking dibdib.

Ngumiti ako kay Yosef para ipakita sa kaniyang okay lang sa akin ang nakita at hindi ako apektadong-apektado talaga. He just stared at me.

Lutang na ang utak ko nang pag-usapan naman namin ni Yosef ang tungkol sa kasal ng kaklase namin noong high school sa susunod na buwan. Lumulutang na naman ang isip ko kakaisip sa kaniya.

He must be happy. He has a little one now. Lalaki pa. A family to take care of kaya bakit niya pa maiisip na balikan ako rito para lang mag-explain. Baka nga by now, wala na talaga ako sa isipan niya. All he said to me were a spur of the moment feelings, all lies, everything.

Sa sumunod na linggo, hindi na ako nagtaka nang hindi sumipot si Yosef sa mismong engagement party nila ni Charmaine. We were there during his engagement party kaya agad naming nalaman ang naging announcement ng mga Lim na pinuputol na nila ang ugnayan nila sa mga Osmeña dahil sa ginawang iyon ni Yosef. Ang sarap lang niyang batukan nang umalis siya nang wala man lang paalam sa aming lahat. Pero baka 'yon ang magpapasaya sa kaniya, kaya hinayaan ko na. Sana naman this time, maging masaya na talaga siya nang tuluyan kung saan man siya magpunta. Takte, parang namatay 'yong tao, e.

To make use of the venue, nakipag-inuman na lang kami sa mga Osmeña no'ng araw na iyon. As I was there, a decision has finally reached my conclusion.

Isang linggo ko ring napag-isip-isip ito. Simula no'ng malaman kong nanganak na si Therese, sumagi na sa isip ko ang pumayag sa gustong mangyari ni Mama noong graduation ko pa lang. Kaya after ng supposedly engagement party ni Yosef ay kinausap ko si Mama through video call since bumalik na siya ng Canada a month after my graduation.

"Ma, I think I'm ready," biglang sabi ko out of nowhere after updating her what had happened to Yosef's cancelled engagement party.

"Ready for what, anak?"

I saw her attentiveness from the screen when I look at her.

"To migrate there. To work there. To stay there. Napag-isip isip ko, Ma, na baka nga puwede kong ipagpatuloy d'yan ang karerang gusto kong gawin sa buhay. Baka nga po nand'yan ang suwerte ko. Baka nga marami akong opportunity na makita r'yan."

Kasi sa totoo lang… nawalan na ako ng pag-asang babalikan pa ako ni Tonton dito sa Pilipinas para lang mag-explain matapos kong makita ang picture ng bata, matapos kong malaman na nakalabas na sa mundo ang anak niya.

"Really? Sigurado ka ba, anak?"

"Mm-Hmm…" sigurado kong tango.

"H-How about your board exam? 'Di ba ang sabi mo, kukuha ka muna ng board before ka pupunta rito?"

Napabuntonghininga ako sa naging tanong ni Mama at bumababa na lang ang tingin sa hita ko.

"To tell you honestly, Ma, isang buwan na po akong nag-stop mag-review. Kahit kasi anong gawin ko, hindi ko magawang i-focus ang sarili ko sa review kaiisipi no'ng offer mo," pagdadahilan ko. Ayoko namang sabihin kay Mama na kaya ako nag-stop mag-review kasi nasasaktan ako, kasi brokenhearted ako, kasi puros Tonton lang ang naiisip ko sa tuwing sinusubukan kong mag-review.

"Ganoon ba? Sige, as soon as possible, aasikasuhin ko ang mga papeles. Sasabihan ko na rin ang mga Tito at Tita mo para sila na ang mag-asikaso ng mga papeles mo r'yan. 'Wag ka nang mag-abalang i-process sila. Ang gusto kong gawin mo ay magpahinga ka, make use of your time to bond with the family, with your friends there. In a month, I assure you, tapos na ang pagpa-process at lilipad ka na rito sa Canada. Si Mama na ang bahala, anak ha?"

Wala sa sarili akong napangiti at tumango sa sinabi ni Mama.

Sinunod ko nga ang sinabi niya. Una kong sinabihan sina Lolo at Lola sa desisyon at plano ko. Kinausap na rin naman pala ni Mama ang mga kapatid niya para tulungan ako sa pagpa-process ng mga papeles ko. But they did not allow me to interfere with the processing kasi ang gusto ni Mama ay makipag-bond nga ako sa mga maiiwan kong kaibigan.

And I did. Kinausap ko sila sa mangyayari. It was easy. It was easy leaving everything behind. It was easy ignoring everyone when you were ignored first by the one you love. Parang wala na lang sa akin kung may maiiwan ako rito. Sa sobrang sakit na naramdaman ko habang nandito ako sa Pilipinas, parang wala na akong pakialam kung maiiwan ko silang lahat.

Wala pang isang buwan, tapos na ang pag-process ng mga papeles ko. It was then easy kasi permanent resident na rin naman si Mama roon and through the help of some connections, naging madali ang pagpunta ko.

You know what, hindi ko naman talaga alam kung anong status ko at kung bakit ganoon kabilis na-approve ang papers ko. Hindi naman kasi talaga sinasabi sa akin. Basta sinabihan lang ako nina Tito at Tita na okay na, puwede na akong pumunta ng Canada. End of story.

Next week pa 'yong flight ko papuntang Canada but I already packed my things. Just to prepare. Puwede rin akong umalis na rito anytime soon kasi sa Manila talaga ako sasakay ng eroplano papuntang Canada.

But I ought to go to Manila this week. I needed to go. Because a few days before, naka-receive ako ng isang friend request sa Facebook from a girl named Myx Mondejar.

I was about to ignore that friend request, just like I always do with the people I didn't know personally. Pero nang makita ang dala niyang apelyido at makita ang mukha niya, I got curious so I immediately accepted her friend request. Then I stalked her.

It was an idle account. Wala masiyadong shared posts, wala masiyadong posts like pictures or status. But that friend request was sent a few hours ago.

Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng babae. I never saw her here in my hometown. Kung pagbabasehan ang information na inilagay niya sa profile niya, she's in Manila now. Studying in UP - Diliman and a member of Dulaang UP. Actually, ang cover photo nga ng account niya ay isang group picture na may nakalagay na Dulaang UP or something.

I patiently stalked her account pero wala akong nakitang sagot sa mga katanungan ko. Wala akong nakitang family picture man lang or something. Wala akong nakitang sagot kung bakit Mondejar ang apelyido niya.

My hand's itching to sent her a message and ask her about that. But she sent me a message first before I could even construct one.

Myx Mondejar: Hi, I know it's weird to ask you this but are you Zettiana Aelexandrae Saratobias Mondejar?

My hand is in slight shaking when I read her message. Ewan ko kung ba't ako kinabahan nang dugtungan niya ng Mondejar ang buong pangalan ko.

My Facebook account name is Zetty Saratobias lang. Hindi ko siya kilala kaya bakit niya alam ang buong pangalan ko? Pati na ang totoong apelyidong nasa birth certificate ko? Sino ba siya?

Matagal kong natitigan ang mensahe niya bago ko naisipang magtipa ng reply sa naging message niya. I was thinking thoroughly before acting.

Ako: Yes, why?

Maliit lang ang naging reply ko pero natagalan bago ko na-send sa kaniya kasi nag-iisip ako kung anong iri-reply sa kaniya. Puros type tapos magbubura lang ang ginagawa ko.

Myx Mondejar: Ate…

My heart pump a little bit faster when she first sent me that message. Mukhang hindi pa siya tapos magtipa kasi nakikita ko pa ang tatlong tuldok na gumagalaw. I patiently waited for her next response.

Myx Mondejar: Kilala mo ba siya?

Hindi rin nagtagal at na-receive ko ang sunod niyang mensahe. Sinamahan niya pa ito ng isang photo. I clicked it and zoom it as near as possible.

Medyo malabo ang pagkakakuha ng picture kasi excerpt din siya sa isang developed picture pero maka-klaro naman.

Isang litrato ng isang lalaki na may karga-kargang bata ang s-in-end niyang picture. That little thump I felt awhile ago turned into a horse racing like beat of my heart. Nagsimula akong pagpawisan nang makilala ang lalaking nasa picture.

Isang beses lang akong nagtangka rati na hanapin ang larawan niya at sa isang beses na iyon, it eventually etched in my mind. Na para bang nakikita ko siya sa araw-araw na mahirap nang kalimutan ang mukha niya.

Hermogenes Alnoe Mondejar.

Inilapag ko ang cell phone sa kama ko at pilit pinapakalma ang nanginginig kong kamay.

Breathe, Zettiana, just fucking breathe!

Myx Mondejar: 'Yong lalaking nasa picture ay si Hermogenes Alnoe Mondejar. At ang batang karga-karga niya sa picture ay ikaw.

Myx Mondejar sent a photo

Myx Mondejar: Ito raw ang birth certificate mo. Photocopy lang ang mayroon siya.

Myx Mondejar: Pasensiya ka na kung bigla akong nag-chat sa 'yo ng ganito. Ang bilin kasi niya sa akin ay hanapin daw kita. Natagalan ang paghahanap ko sa 'yo kasi hindi ko alam na ganoon ka pala kahirap hanapin.

Myx Mondejar: Ikaw daw ang panganay niya. Ako naman 'yong kapatid mo, ang sumunod sa 'yo. Matagal ka na pala niyang hinahanap. Pero natatakot siyang makita ka at baka raw hindi mo siya makilala. Recently ko lang din nalaman ang tungkol sa 'yo.

Myx Mondejar: I don't want to freak you out but I am just telling the truth.

Sunod-sunod ang pagpadadala niya ng messages. Sa sobrang dami, hindi ko ma-digest sa utak ko ang nababasa at ang photos na sini-send niya. Masiyado akong nagulat, teka lang.

Ako: Where are you? Can we meet?

She sent me the exact address of her place. Pero hindi ko na hinabaan ang pag-uusap naming dalawa. Gusto kong personal na marinig ang mga kuwentong iyon. Sinabihan ko lang siya na saka ko na lang siya ko-contact-in ulit kapag luluwas na ako ng Manila. We had this mutual agreement eventually.

Masiyadong mabilis ang pangyayari. May biglang nag-friend request sa akin tapos m-ini-essage niya pa ako saying about the existence of my lost father with some pictures to show. I even saw my birth certificate na ayon sa kaniya ay photocopy lang. As usual, nasa akin ang original copy.

That's when I decided to leave this province as early as possible, kahit bago man lang ako umalis papuntang Canada.

My flight going to Manila is today pero hindi alam ng mga kaibigan ko iyon kasi ang akala nila, sa makalawa pa. Pinilit lang talaga akong mag-stay ngayon kasi kasal nga ng kaklase namin noong high school and everyone from our section are invited and we deserve this kind of reunion daw. Kaya for the last time for this moment, pagbibigyan ko ito.

It's Saturday. Nandito kami sa simbahan para masaksihan ang pag-iisang dibdib nilang dalawa. We were the mere audience kaya sa back part ng pews na kami umupo at pumuwesto.

The groom was our classmate. Remember the guy who used to like me and even insinuated a surprise galore during my seventeenth birthday? Yeah, Fedgie. Siya 'yong ikakasal ngayon. Time flies? Destiny works? Amazing.

Nakakatuwang tingnan ang bride habang naglalakad sa aisle papunta sa groom niya. I can also see genuine happiness from Fedgie's eyes. They're so inlove with each other. And we are happy for them. Genuinely.

The whole ceremony, lumilipad ang utak ko. Lumilipad ang utak ko sa isang isipin, sa isang imagination na hindi ko na dapat pang ini-imagine.

Instead of seeing Fedgie marrying the love of his life, I can see Tonton marrying Therese. Parang tanga pero nakikita ko si Tonton at Therese sa gitna, sila ang nagpapakasal.

What if they got married here in the Philippines? Invited ba ako? Kung invited man, pupunta ba ako para masaksihan ang pag-iisang dibdib nila? Paano kung silang dalawa nga itong nasa gitna. Kakayanin ko kayang makita na ikinakasal sa iba si Tonton?

Idiot, of course, not! Sinong tangang nagmamahal sa isang lalaking ikinasal sa iba ang kayang tumayo sa simbahan para masaksihan na ikinakasal na sa iba ang taong mahal niya. Siguro, for the sake of telling everyone that I am not affected with anything, magagawa ko yata 'yon: ang tumayo sa simbahang ito para masaksihan ang kasalan nila.

Tumingala ako at pinigilan ang nagbabadyang luha. I hate weddings. I started to hate weddings the moment I heard that the one I love the most is already married.

Don't get me wrong, I am so happy for Fedgie and his wife. But I can't take it anymore. Habang tumatagal ako sa simbahang ito, mas lalo kong nakikita ang pagmumukha ni Tonton at Therese sa gitna ng altar.

I excused myself for a while at nilapitan si Nicho. Dahil nasa likuran na rin naman kami, in-excuse ko rin siya muna para makausap sa labas ng simbahan.

"Bakit?" tanong niya na may halong pagtataka dahil sa biglaan kong paghablot sa kaniya.

"I need to go."

"Huh? Ang aga naman. Hindi pa nga tapos ang kasal. May reception at after party pa pagkatapos nito. Minsan lang ma-kompleto ang section natin, lubus-lubusin na natin. Lalo na't aalis ka na bukas."

I sighed. Medyo nanghihinayang na ngayon nga ang alis ko.

"I have a flight going to Manila later."

"What? Mamaya? Ngayong araw? Akala ko ba bukas pa ang alis mo?"

"May kailangan kasi akong asikasuhin sa Manila before akong umalis pa-Canada."

I did not tell anyone about Myx Mondejar. About my father. Even my Mama, hindi ko sinabihan na may contact na ako sa family ni Papa.

"Bakit ang aga naman? Bakit hindi mo agad sinabi?"

"I hate to leave this early but I really need to face this errand. Please, aalis na ako. Ikaw nang bahalang magsabi sa kanila sa pag-alis ko. You know I hate to say goodbye to everyone."

"Bakit naman kasi biglaan ito."

Niyakap ko si Nicho para manahimik na. Masiyadong corny itong ginagawa ko kasi hindi naman ako ganito ka-affectionate sa mga pinsan ko but for the last time, because I don't know when will this be happening again, ay ginawa ko na.

"Nicho, see you soon. I'll be in touch. Sasabihan agad kita kapag nakarating na ako ng Manila."

Sinuklian ni Nicho ang yakap ko. Isang mahigpit na yakap galing sa pinaka-close kong pinsan.

"Mag-ingat ka ha. Medyo tanga ka pa naman."

"Bugok!"

Humiwalay na lang ako sa yakap dahil hindi talaga natatapos ang usapan namin kapag hindi nag-aasaran.

"You want me to send you home?"

"Hindi na. I can manage. Baka hanapin ka pa ng iba. Justine's available naman today kaya sa kaniya na ako magpapahatid pa-airport."

"Kahit kailan talaga, ano, gusto mo 'yong biglaan. 'Yong alam mong hindi kami prepared?"

"Sige na. Alis na ako. Babush! Ikaw ang mag-ingat dito dahil mas tanga ka!"

Agad na akong umalis, baka mapansin pa ako ni Ada o ni Hugo at mas lalong matagalan ang pag-alis ko. Suwerte nga'ng hindi na kami pinansin kanina nang hatakin ko palabas si Nicho.

Sumakay ako ng traysikel pauwi. Good thing, just like what I said, Justine and his car are available. Kaya matapos kong makausap si Lolo, Lola, Tita Crestine, at Tito Jose, agad akong nagpaalam sa kanila. I just texted Tito Doane and Tita Annellia about my sudden departure. Napaghandaan na ito kaya hindi na nakakapanibago.

~