webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Fiesta

"Therese Lizares!"

Nawala na ang ngiti ko nang bigla siyang magpakita at mapunta sa kaniya ang atensiyon ng lahat.

"Hoy, hiwalay na sila. Balik na sa Ponsica ang apelyido niya."

"Ay, oo nga pala! Therese Ponsica!"

Nagpapasalamat na lang ako na agad din siyang na-occupy sa mga kakilala niya sa batch kaya umalis muna ako sa tumpokan para balikan ang table naming magkakaibigan. Hinigit kasi ako ng mga iyon para maki-join sa kanila sandali.

"Akala ko ba hindi pupunta? Bakit biglang nagpakita?" narinig kong tanong ni Hugo kay Ada nang makarating ako sa table namin.

"Akala ko nga rin, e. She already declined the invitation. Siguro napilit ng mga malalapit niyang kaibigan sa batch natin."

Tinanggap ko ang inabot na Red Horse ni Nicho sa akin at tahimik lang na nagpasalamat sa kaniya. Diniretso kong tungga ang alak. Ewan kung pang-ilang bote ko na sa gabing ito. Siguro naka-isang kaha na ako. Ramdam ko na ang tama pero hindi naman talaga totally lasing. I can think straightly pa naman. Thanks to now and then dancing, nahihimasmasan ako kahit papaano.

Pero simula nang dumating si Therese sa reunion na ito, naging tahimik na ako. Sumasagot naman ako sa mga tanong at pagbati ng iba pero ramdam na ramdam ko ang pagiging tahimik. Parang nanumbalik din sa akin ang mga sinabi ni Tonton kaninang hapon. Parang ngayon lang totally nag-sink in sa utak ko.

He married Therese because of Therence's dying wish. Pero kailangan ba talagang matupad ang hiling ng isang taong nasa bingit ng kamatayan? Can he just ditch it? Can't he just make it come true? Patay na rin naman noon si Therence bakit kailangan niya pang tuparin ang hiling niyang iyon?

Papa's dying wish nga ay ang makita ako before siyang sumakabilang-buhay, but it didn't happen. Isang taon pa ang nakalipas bago ko tuluyang nalaman ang tungkol sa kaniya. But he was long gone.

Wala namang ibang nangyari no'ng hindi matupad ang wish ni Papa. Kaya bakit kailangang unahin ni Tonton ang nararamdaman ng kaibigan niya kaysa sa akin? Mas matimbang ba talaga siya kaysa sa akin? Akala ko ba mahal niya ako. Bakit ganoon?

Kahit nalaman ko ngayon na tuluyan nang nawalan ng bisa ang kasal nila, it didn't change the fact na pinakasalan niya pa rin ito at mayroon silang anak.

Maingay ang nasa paligid ko. Abala sa usapan na ilang taon ding hindi nangyari. The music is also booming in the background. Pero parang ang tahimik ng mundo ko habang nakatitig lang sa hawak kong bote ng Red Horse. Para akong nabingi at ang tanging narinig ay ang tumatambol kong puso.

"Ano ba 'yan, Ada! Bakit ang lungkot ng kanta!"

"Ang sakit naman n'yan!"

Pero parang on cue, nang marinig ang music mula sa background, tuluyang bumagsak ang luha ko. Sunod-sunod na parang ayaw pahinto. Hinayaan ko ang sarili kong lunurin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko sa loob ng limang taon.

Unti-unting nagkakaroon ng kasagutan ang mga tanong ko pero bakit hindi man lang nabago ang nararamdaman ko ngayon? Mas lalo akong nasaktan. Mas lalo akong nabigatan sa intensidad ng mga nalaman.

I was invincible for years. I shielded my feelings from the prying eyes of people, from the prying eyes of the people who are close to me. Ayoko silang mag-aalala. Ayokong tingnan nila ako ng isang nakakaawang tingin dahil iniwan ako ng taong mahal ko. Kaya ayokong sabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni Tonton. Ayokong isipin nila na lugmok ako dahil lang sa isang taon. Umiiwas ako sa mga pagkakataon kung saan mas lalo akong nalulugmok sa kalungkutan. Nakatulong ang kalungkutan na iyon sa kung anong mayroon ako ngayon. Pero hindi ko matatakbuhan ang isang katotohanan na nilulugmok na ako ng sarili kong kalungkutan. Sa kaiiwas kong harapin ito, mas lalo lang akong hinahatak paibaba.

Humigpit ang hawak ko sa bote and let the music control my feelings. Kahit kasi anong palis ng luha ko, patuloy pa rin ito sa pagbagsak kaya hinayaan ko na lang. Hinayaan kong kainin ako ng sariling nararamdaman.

"Sige, Zetty, ilabas mo lahat. Ilabas mo ang dapat sana'y nailabas mo na noon pa."

Mas lalo lang lumala ang nararamdaman ko dahil sa pag-uudyok at yakap ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon. I hated to be this vulnerable but I just want to… for once, kahit isang beses lang, kahit ngayon lang.

"Zet, nandito lang kami ha?"

"Ada kasi, bakit ka nagpatugtog ng Paubaya?"

The side voices are really irrelevant but it made me laugh for a while. They waited for me to be fine but they didn't ask why I cried. I remained silent and embarass but like what I did sa backstage, I smile anyway, like nothing happened.

"May joke ako!" natatawang sigaw ko matapos ilabas lahat ng luha.

"Ay, hindi na! Halika na, Zettiana! Magsayaw na lang tayo!"

Kinaladkad nila ako papunta sa gitna para magsayaw sa upbeat music. "Pero may joke ako! Makinig kayo!" I insist. May joke naman kasi talaga ako.

"Hindi na. Save your joke when your sober. Let's party!"

Pero gusto kong mag-joke, e!

Mas lalo nila akong kinaladkad papunta sa gitna at itinaas pa ang pareho kong kamay para sabayan sila sa pagsasayaw na ginagawa nila. Siguro dahil sa dikta ng alak, nakisabay ako sa kasiyahan ng lahat. Kasi ito naman ang dapat 'di ba? Ang maging masaya lang hanggang sa dulo.

Sa kalagitnaan ng kasiyahan ng lahat, nang dahil sa makulit kong mata, nakita ko ang paglalakad na ginawa ni Therese palabas ng venue. Nahimasmasan ako ng kaonti dahil sa pagsasayaw na ginagawa namin ngayon kaya I can think straigthly now.

Agad kong sinundan ang daang nilakaran niya pero bago pa man ako makaalis sa dance floor, napigilan na ako ni Nicho. "Zetty, don't!"

"Kakausapin ko lang, Nicho. Usap lang. Hindi ako iiyak. Hindi ako mananakit. Usap lang."

He sighed, trying to convince me that he's satisfied with my answer. "Please don't cry again. Pinagbigyan kita ng isang beses. 'Wag mo nang ulitin because I hate seeing you cry. Kung iiyak ka na naman, I swear, susuntukin ko na talaga ang gagong iyon."

"Pagod na akong umiyak, Nicho. Ang gusto ko na lang ngayon ay kasagutan sa mga tanong ko."

Nicho let go of me kaya agad akong naglakad papunta sa daan na nilakaran ni Therese, dala-dala ang assurance na hindi na nga ako iiyak.

Agad kong nasundan si Therese, saktong palabas pa lang ng building. Tinawag ko ang pangalan niya to halt her from walking. She eventually stop. But when she look at me, she's already crying. Humihikbi na ang iyak niya and she even cover her mouth, trying to stop her from crying out loud.

"Z-zetty… I-I'm s-sorry. H-hindi ko a-alam ang… ang tungkol sa inyo ni Tonton. N-ngayon ko lang n-nalaman. I'm s-sorry, Zetty," she said in between her sobs.

Oo, tama, galit na galit ako sa kaniya for stealing my man. Pangalawang beses niya akong sinaktan. Una, nang minsan niyang sirain ang tiwala ko sa isang tao. Pangalawa, ang pagpapakasal at pagpapabuntis niya sa lalaking mahal ko. Magkaibang rason pero nanggagaling sa iisang tao ang sakit.

Umigting ang panga ko habang nakatingin kay Therese ngayon. Hindi na pareho ang tingin ko sa kaniya noon. Oo, minsan akong nagkaroon ng pakialam sa kaniya but the moment she lied to me, that's when everything ended. Kahit ang maging kaibigan lang siya, wala nang natira.

Marami ang nagulat nang malaman na nagpakasal silang dalawa. Marami ang naintriga. Marami ang nagtaka. But I was busy diverting my attention to that news that I don't want to hear from it anymore. Nakaririnding marinig ang tungkol sa kanila noon. Two people… are continuously breaking my heart. The people once I trusted the most.

Inilagay ko ang pareho kong kamay sa loob ng side pockets ng jacket ko. Umigting ang aking panga para kahit papaano ay mailabas ko sa pamamagitan no'n ang inis at galit ko.

But she don't deserve my wrath. She lost her sister. And no amount of pain could ever fathom when you lost the one who were there since you were born.

"Bakit nawalan ng bisa ang kasal n'yong dalawa?"

Nakita kong parang napaurong ang katawan niya sa biglaang naging tanong ko. Natigil nga rin siya sa pagpunas ng mga luha niya at dahan-dahang napatingin sa akin.

"I… we… um, T-the Lizares… the Lizares discovered that Tonton's not the father of my child."

Unti-unting bumagsak ang mga kamay ko palabas sa bulsa ng jacket ko nang marinig ang sinabi niya. Naramdaman ko ang bigat ng mundo dahilan para magtaka na ako sa sinabi niya.

"A-anong… a-anong ibig mong sabihin?"

Kung may mas nakakagulat sa pagkaka-diskubre kong patay na si Papa noon, ito 'yon. Ramdam na ramdam ko ulit ang pompyang sa aking ulo na paulit-ulit din akong gino-gong. Para akong mawawalan ng balanse at hindi ko alam kung paano pa ako nakatayo sa situwasiyon na ito.

"H-hindi si Tonton ang ama ng anak ko. He never… he never touched me. But he was man up enough to accept the child like his own and took the risk of owning and letting him bear his name for the sake of Therence's dying wish."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang maramdaman ko ang luha sa pisnge ko. Nicho's gonna kill me if he saw me crying now but I can't help it.

"Kaya s-sorry kung ano man ang nagawa ni Tonton sa iyo. He just… he just granted Therence's dying wish."

Bago pa man ako bumigay sa kinatatayuan ko, pinilit ko ang sarili kong maglakad pabalik sa venue para makalayo sa kaniya. Hindi matanggap ng sistema ko ang narinig kaya bumalik ako para uminom at para magsaya.

It went on for days, during the duration of the city's annual fiesta celebration. Araw-araw akong may pinuntahan na handaan at inuman. Lahat ng reunion at gatherings ng mga kaibigan, tinanggap ko. Kasi ang gusto ko lang ngayon ay lunurin ang sarili ko ng alak ng mga katotohanang ngayon ko lang narinig.

"O, ano? Tuloy pa ba ang Pinta Lawas judging stint mo? You're way too far from being a sober."

Umirap ako sa sinabi ni Aki at minasahe na lang ang pisnge ko. Lasing na lasing na naman ako kagabi dahil kahapon 'yong alumni homecoming ng buong school. Siyempre, masaya ang lahat kaya masaya na rin ako.

"Kaya 'yan. Ako pa."

"Kayamukat jud ka."

"Psh."

"Ba't ka ba kasi naglalasing? Hindi ka naman lasinggera ah?"

"E, kasalanan ko bang kaliwa't-kanan ang inumang napupuntahan ko?"

"Ayusin mo 'to, Zettiana ha. Malaki ang ibinayad ng city sa 'yo para lang maging judge ng prestigious competition nilang ito."

Hindi na ako sumagot at sumandal na lang sa kinuupuan ko. Iidlip muna ako para talagang straight ang utak ko mamaya sa competition. Mga walang hiya naman kasi 'yong mga kaklase ko sa high school na lasinggero, ginawang kape ang alak kaninang umaga, e. Hindi pa nakuntento sa inuman na ginawa namin kagabi.

I felt festive but my soul isn't. I am still trying to run from the truth. Sa tuwing nakikita ko si Tonton, agad akong umiiwas. I can't think straightly whenever I saw him. Mabuti't I have the courage to stay away for awhile.

'Yong idlip ko, para lang akong nakapikit ng mata pero 'yong diwa at tenga ko, gising na gising at pinapakinggan ang ingay sa paligid. Nandito ako pansamantala sa office ng tourism officer ng ciudad. Naghihintay kung kailan masisimulan ang Pinta Lawas Competition.

Just so you know, Pinta Lawas is a competition between artists from inside and outside the city. They are real time na nagpipinta sa harap ng madla and their canvas is the human body. Yes, buong katawan ng tao. The city will choose a certain theme and will judge according to some criteria. This will be a team work between artist and model. Kasi kung maganda ang theme mo pero pangit ang nagdadala ng ipininta mo, you have a lesser chance of winning this one pero kung maganda ang theme at magaling magdala ang modelo, you are the winner! Am I making any sense here or am I drunk enough to explain that?

"O, kape, nang mahimasmasan ka naman."

Dinanggil ni Aki ang balikat ko para magising ako. Pero gising na naman talaga ako kaya nagmulat na lang ako ng mata at tinanggap ang kapeng ibinigay niya. Umayos ako ng upo at inabala na lang ang sarili sa pag-inom ng kape.

May exclusive lunch daw dito sa office ng tourism officer at kasama ko mamaya ang iba pang judge. Maaga lang talaga akong nandito kasi kinausap pa ako ng president ng CAGE o Creative Arts Group of Escalante. Isa rin itong organization ng mga artists. Nabuo yata ito no'ng time na nasa ibang bansa na ako. Ang naaalala ko lang kasing org na present that time ay ang Kasikas. Although, yeah, Kasikas still exist up to now.

Habang nagkakape, hindi ko maiwasang maisip ang dati. Dati kasi, never akong nakasali sa Pinta Lawas kasi feeling ko ang bata ko pa para sa ganoon at wala talaga akong kahit anong experience kahit gustong-gusto kong subukan. Pero kita mo ngayon, never akong nakasali pero ako 'yong judge. Paano ko maja-judge 'yan?

"Kilala mo ba ang mga makakasama mo ngayon?"

Pinasadahan ko ng panandaliang tingin si Aki nang magtanong siya. Busy siya sa pagtingin sa iba't-ibang trophies na naka-display dito sa office ng tourism… officer.

"Hindi. Paniguradong hindi ko rin naman makikilala ang mga 'yan. Sa pagkakaalala ko, mga dayo ang kadalasang kinukuha nilang judges sa competition na ito."

"Oh? So, hindi mo alam na Tonton's one of the judges too?"

Iinom na sana ako ng kape nang matigilan sa sinabi ni Aki. Tumingin ako sa kaniya gamit ang kalmado kong mukha. Na para bang wala lang sa akin ang narinig.

"Okay?"

"'Okay? 'Yon lang sasabihin mo?"

"Ano ba dapat ang sabihin ko?"

"Hindi ka ba magugulat o maghi-hysterical man lang? Magwo-walk out? Magagalit? Sisinghalan ako kasi ngayon mo lang nalaman ang tungkol doon? Gan'yan lang talaga ang reaksiyon mo?"

Bumuntonghininga ako at napairap sa ganitong klaseng reaksiyon ni Akihira. Siya yata 'yong mas hysterical, e.

"E, ano naman ngayon? Wala rin naman akong pakialam?"

"Ah, talaga lang ha? Kahit sabihin ko sa 'yong hiwalay na sila ng kaniyang asawa at hindi niya pala anak 'yong anak ng babae? That months ago, they had this DNA testing and it resulted that that child isn't Tonton's?"

Umiling ako at pinagtoonan na lang ng pansin ang kape.

"Ah, so kaya gan'yan ka mag-reak kasi alam mo? Alam mo rin ang tungkol sa bata at sa kasal? Alam mong hiwalay na silang dalawa?"

Tumango ako para tumahimik na ang bruhildang ito.

"Tapos hindi mo sinabi sa akin ang tungkol doon?"

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Paano ko sasabihin sa 'yo? Sasabihin ko ba na… Oy, Aki, 'yong TOTGA ko, hiwalay na sa asawa niya kaya puwede na kaming dalawa! Ganoon ba?"

"Hindi naman. Third law of motion… for every action, there is an equal and opposite reaction. Imposible namang hindi nayanig ang mundo mo nang malaman mo ang tungkol doon?"

"Nayanig. Sobrang yanig ang naramdaman ko. Pero wala akong magagawa kasi labas ako sa usapang iyon."

"Kahit sabihin kong ikaw ang rason kung bakit kami naghiwalay na dalawa?"

What. The. Heck!

Napalingon ako sa pintuan ng opisina and it appeared right before my eyes the presence of someone we just talked about.

"A-ah, ano, I'll just talk to the organizers outside. Ikaw na munang bahala sa kaibigan ko, Mr. Lizares, ha?"

Nakatitig lang ako sa kaniya kahit gustong-gusto ng katawan kong pigilan si Aki sa pag-alis at pag-iwan sa aming dalawa.

But that didn't happen.

And now we're alone… again.

"I know you're avoiding me, but please let me just finish my side."

Inilapag ko ang mug ng kapeng hawak ko at mariing napatingin sa kaniya.

"Hindi pa ba tapos 'yon? Oo na, pinakasalan mo na si Therese dahil sa hiling ni Therence. Kasi gusto niyang akuin mo ang anak niya sa ibang lalaki. Kasi papatayin siya ng mga magulang niya kapag nalaman nila na nabuntis si Therese at hindi ito pinandigan ng lalaking nakabuntis sa kaniya. Oo na, Tonton, klaro na sa akin 'yon. Klarong-klaro sa akin 'yon. Ano pa ba dapat ang marinig ko?"

"Na mahal kita! Na hanggang ngayon mahal pa rin kita."

Tumingala ako sa kisame ng opisina at pinigilan ang sariling maibagsak na naman ang mga luha. I've had enough crying for years. I've had enough with this pain.

Mahal? Madaling sabihin pero ang hirap gawin, ang hirap maramdaman lalo na kung taliwas nito ang mga ipinapakitang aksiyon ng taong nagsabi noon.

Lakas-loob kong ibinalik ang tingin sa kaniya. "Ikaw nga, Tonton, matanong ko… kung hindi ba nalaman ng mga magulang mo na hindi mo anak ang anak ni Therese, hindi mo ba siya hihiwalayan? Habang-buhay mo bang paninindigan ang batang hindi naman sa iyo?"

Umiwas siya ng tingin at hindi agad nakapagsalita. I gave him an ample time to answer my question. But when time ran out, napa-iwas na rin ako ng tingin at hindi na napigilan ang ipatak ang luha.

"Hanggang salita lang ang pagmamahal mo sa akin, Tonton."

Naglakad ako papunta sa pintuan na nasa likuran niya. Nang mapadaan ako sa gilid niya, mabilis niya akong nahawakan sa braso.

"I'm sorry, I'm not sober enough to face you."

Kumalas ako sa hawak niyang iyon at dire-diretsong lumabas ng opisina.

Buong duration ng competition, para lang akong nakalutang sa ere at tulala. Gusto ko mang i-focus ang sarili ko sa mga nagpipinta sa paligid ko, alam kong nadi-distract na naman ang utak ko. I can't barely recognized people who cheered and called my name from the crowd. Basta, pinansin ko na lang silang lahat.

I don't even remember who the winner was. Basta pagkatapos ng awarding at pagbigay sa akin ng sariling certificate of appreciation, agad akong nagpaalam kina Aki na aalis muna. Dala ko naman ang isang kotse ni Justine na ginagamit ko na since I went home here in Negros.

Medyo clouded na naman ang utak ko ng alak ngayon kasi kanina, while judging, ay may hawak akong alak. It's allowed naman kasi chill-chill lang ang people kanina sa event.

Gabi na, nag-drive ako hanggang sa makarating ako sa barangay kung saan sakop ang Mt. Lunay. Tahimik na ang paligid. Mukhang tulog na ang mga tao o baka nasa proper barangay, nanonood at nag-i-enjoy sa programs ng fiesta.

Lumabas ako ng kotse at tinanaw ang krus sa tuktok ng Mt. Lunay.

Sumandal ako sa hood ng kotse at mataman kong tiningnan ang krus. Napangiti sa likod ng aking isipan dahil mula rito sa kinatatayuan ko, nararamdaman ko ang ganda nito kahit gabing-gabi na. The neon lights did its job in making it more beautiful even at night.

Dati, maliit na ilaw lang ang nakikita r'yan, pero ngayon, buong structure na ng krus ay may ilaw kaya mas lalong nag-emphasize ang krus nito. Pati simpleng krus, nago-glow up din pala. Ako na lang yata 'yong hindi.

Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin na sinabayan ng aking malalim na pag-iisip.

Hanggang saan ka nga ba dadalhin ng pagmamahal mo? Hanggang sa maubos ka ba? Hanggang sa mawala na ang nararamdaman mo? O hanggang sa walang hanggan?

Niyakap ko ang aking sarili at hinayaang damhin ulit ang sakit na paulit-ulit ko na lang na nararamdaman… with the same person.

Bakit dati, ang dali ko lang namang nakalimutan ang ginawa ni Therese sa akin? Yeah, sure she hurt me, but it was easy back then. It was easy forgetting and forgiving. Bakit ngayon, nahihirapan akong ibalik sa dati ang buhay ko? Nahihirapan akong mag-move on? Takte, limang taon na pero nandito pa rin ako. Nasagot na ang mga tanong ko, I should be moving on. I should.

Hindi ko na alam. Naguguluhan na ako. May patutunguhan pa ba ito? Tama ba na umuwi ako ngayon? Tama ba na nandito ako?

The car pulled over from the distance. I did not dare to even look at it.

Mabigat akong nagbuntonghininga. Nanatili sa kinatatayuan at hinintay na lumapit siya. Alam kong siya ito. Alam ko na ang tunog ng kotse niya. Weird, but yeah, I am that weird.

"Zettiana…"

"Okay, sige, mag-usap tayo. Pag-usapan natin ang lahat ng gusto mong pag-usapan," agad na sabi ko, without even looking at him.

He stand a few meters away from me. Madilim sa paligid kahit na may poste naman ang barangay hindi kalayuan sa puwesto namin. Pero parang sira pa yata 'yon kasi hindi man lang nakaabot ang ilaw dito sa amin.

"Pero sa ngayon… ako naman ang pakinggan mo," dagdag na sabi ko nang hindi siya nakasagot sa unang sinabi ko.

"Makikinig ako."

Suminghap ako ng hangin at pinanatili ang tingin sa krus sa tuktok ng bundok. Kung puwede lang akyatin 'yan ngayon, inakyat ko na. Kaso gabi na and it is discouraged to go there at night.

I straightened my mind to be able to tell my own story.

"Nang gabing dapat ay magkikita tayong dalawa… sasabihin ko na sanang mahal na kita. M-mahal na mahal na kita at sasagutin na sana kita kung saka-sakaling nanliligaw ka nga, and I am so fucking ready to commit with you."

I heard him sigh harshly. "I-I'm so-"

"But you didn't come. Para akong tanga no'n kahihintay sa 'yo. I prolong my patience para hintayin ka. I prolong my patience kung bakit ang tagal mong nagpakita, kung bakit hindi ka na nagpakita. Kung ano-anong rason na ang ipinakain ko sa sarili ko ng mga oras na iyon kung bakit hindi ka sumipot, kung bakit hindi ka na ma-contact. I waited. I waited until someone snatched my phone and wallet. I waited until tomorrow. I waited. I waited until our friends broke the news of you and Therese. Para akong tangang naghintay sa 'yong magparamdam. Para akong tangang naghintay ng eksplenasyon mo but in the end, ang kasal n'yo ni Therese ang nalaman ko."

Huminga akong malalim kahit unti-unti nang nanlalabo ang tingin ko sa malaking krus.

"Kahit nga no'ng malaman kong magkaka-anak kayo at ikinasal na, naghintay pa rin ako. Naghintay akong mag-explain ka kung bakit naging ganoon. Naghintay ako, Tonton. Naghintay ako sa pagbabalik mo. Naghintay ako na makita kang muli para masabi sa 'yo 'yong nararamdaman ko. Because for once in my life, I am ready to take the crucial risk that I will do. Na kahit kasal ka na, na kahit may pamilya ka na, handa pa rin akong sabihin sa 'yo ang nararamdaman ko. But you didn't come home. Umalis na lang ako kasi hindi ka na bumalik, wala pa ring nangyari. Hindi mo na binalikan ang babaeng sinabihan mong mahal mo. Siguro nga, masaya ka na sa pamilya mo."

Marahan kong pinahiran ang pisnge ko nang magsibagsakan na nga ang mga luha.

"Nagbago ako nang dahil sa 'yo. Nagpakababae ako nang dahil sa 'yo. I even changed my sense of fashion, my sense of living, just to be within your standard. Ginawa ko 'yon nang mapagtanto kong mahal na kita, mahal na mahal. Kasi natatakot akong kapag hindi ako nagbago, kapag hindi ako nagpakababae, hinding-hindi mo na ako mamahalin at hindi mo na masusuklian ang pagmamahal na mayroon ako sa 'yo. Tapos kung kailan ko aaminin sa 'yo ang nararamdaman ko, bigla kang nawala, bigla kang hindi nagparamdam, tapos malalaman ko na lang na ikakasal ka na at sa babae pang minsang naging parte ng buhay ko."

Hinaplos ko ang bandang puso ko nang maramdaman ang sikip nito. Pinaka-ayoko sa lahat ay ang magsasabi ng sariling nararamdaman, lalo na kapag ganito kasakit.

Natahimik ako ng ilang segundo. Hindi na alam kung ano pa ang sasabihin. All I want to say to him right now is my side. All I want to say is I love him. Para makawala na ako sa madilim na parteng ito ng buhay ko. Para tuluyan na akong makausad sa daan ng buhay.

"Hindi ko sinabi sa 'yong magbago ka. Hindi ko sinabing magpakababae ka para sa akin. Wala akong pakialam kung magbago ka o hindi. Kahit ano pa ang kasarian mo, mamahalin at mamahalin pa rin kita. Hindi ang kasarian ang pinagbabasehan bago mo mahalin ang isang tao, Zettiana. Puso ang nagdidikta rito. Puso ang ginagamit, maging sino ka man."

Lumingon ako sa kaniya. Bahala na kung makita niyang umiiyak na naman ako ngayon.

"Minahal mo ba talaga ako, Ton? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"

Humakbang siya ng isang beses palapit sa akin. Hahakbang pa sana siya pero sinenyasan ko siyang huminto sa ginagawang paghakbang.

"Sumugal ako na mahalin ka kahit ang hirap-hirap sa aking mahalin ang mga lalaki dahil sa naging epekto ng ginawa ng sarili kong ama sa pamilya namin. Sumugal ako para sa 'yo. Pero kailangan ba talagang umalis ka na lang bigla? Kailangan ba talagang iparamdam mo sa akin kung anong ginawa ni Papa sa amin noon? Ang bigla na lang nawala at hindi na nagparamdam?"

"I'm sorry for leaving. I'm sorry for hurting you, Zettiana. But God knows, mahirap din ang naging situwasiyon ko. I kept a promise that needed to be done."

"Nangako ka rin sa akin, 'di ba? Kahit hindi ko alam kung ano ang pangako mo pero pinanghawakan ko 'yon. Nakakainis lang kasi hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Ilang beses ko mang sabihin sa sarili ko na masaya ka na sa buhay mo ngayon, I always end up loving you, longing for you, waiting for you."

He took a step again.

"Mahal din kita, Zettiana. Mahal na mahal. Simula pa lang, ikaw naman talaga ang minahal ko. Hanggang ngayon pa rin naman."

Suminghap ako at mariing kinusot ang mga mata ko, para matigil na ito sa pagluha. Nakakainis na.

"Hindi ko lang kasi maintindihan, Tonton, kung bakit kailangang iwan mo ako nang ganoon kung mahal mo pala ako. May mahal bang nang-iiwan? May mahal bang mas una pang tinutupad ang pangako ng iba kaysa sa pangako mo sa babaeng mahal mo? 'Yon lang ang hindi ko maintindihan, Tonton, e. Kahit pang-ilang beses mo akong sabihang mahal mo ako, hindi ko pa rin maiintindihan kung bakit kailangang saktan mo ako nang ganoon. I even gave you ample time to explain pero hindi ka na bumalik sa buhay ko para masabi man lang ang mga salitang kailangang-kailangan ko. Ngayon pa kung kailan handa na akong bitiwan ang lahat."

"I'm sorry, Zettiana," he whispered.

I can feel his need to hug me pero sa tuwing hahakbang siya, pinipigilan ko. Hindi ko hinayaang makalapit siya. Kailangan kong maging matatag. Ito ang hinihintay ko sa mahabang panahon, ang marinig ang side niya, para tuluyang makapag-move on sa buhay ko ngayon.

"Psst, ano 'yan?"

Napa-angat ako ng tingin at agad na nag-iwas nang itinutok sa akin ang flashlight.

Ugh! Nakakasilaw!

"Ay, Sir Tonton, ikaw po pala. Magandang gabi po."

Huminga akong malalim at tuluyan nang hindi pumatak ang luha ko dahil sa gulat kanina. Nagkaroon din ako ng lakas na maglakad para pumasok sa kotse at umalis doon.

Thanks, manong tanod, you gave me the chance to runaway again.

~