webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Art Exhibit

Two different artists that bound to meet together.

Two different art forms that bound to collide with each other.

United with the same subject: to express theirselves.

People make art just to be understood by the people around them. I make art to finally see who is really meant for me.

Ang buhay ng tao ay parang isang pinta. Minsan maganda, minsan magulo, minsan masalimoot, minsan hindi mo maintindihan, minsan… parang wala lang. It consist of variety of colors that represents how they feel. Depends on the situation.

Pero 'yong tao mismo ang pintor ng buhay niya. Siya ang may control kung anong magiging kalalabasan ng kaniyang ipininta. Kung ginagawa niya ba ito para maintindihan siya ng mga tao o para maintindihan niya ang kaniyang sarili.

Ano ba 'tong iniisip ko? Nakatingin lang naman ako sa pinakamalaking painting na nagawa ko sa buong buhay ko, kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. Umayos ka nga, Zetty!

"Zetty? Excuse me for a while, someone wants to meet you."

Lumingon ako sa kaliwa ko, only to see the one I trusted the most with this exhibit. Ngumiti ako sa kaniya at sinundan siya sa kung saan nakapuwesto ang gustong kumilala sa akin. Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa ibang mga tao na nakatingin sa iba pang paintings na nagawa ko.

Maya't-mayang may gustong kumilala sa akin, knowing that I'm the star of the night. Marami rin akong mga nakilala. Mga prospective and interested buyers ng iilang paintings that up for auction. Though hindi ko sila personally na kilala, para na ring nadagdagan ang list ng friends and acquaintances ko. People aren't that bad at all just like how I used to believe.

I am gracefully walking the floor, greeting everyone who greets me. I wore a peach bodycon dress with a d'Orsay pump. My now-shoulder-length hair bounce as I walk. Pina-curl ko ito kanina para babagay naman sa pa-cute kong look ngayon, feeling teenager, ganoon, kahit ilang taon na lang ay lalagpas na ang edad ko sa kalendaryo.

Huminto si Aki at ipinakilala sa akin ang isang eleganteng middle-aged woman.

"Mrs. Felicity Lizares, this is Ms. Zettiana Mondejar, the artist of this very successful exhibit."

Malawak pa ang ngiti ko no'ng una pero nawala rin ito nang mamukhaan ko siya at marinig ang pangalan niya.

Damn it!

Matamis siyang ngumiti sa akin habang inaabot ang kamay niya. I stare at it for a second before I accept it. Kumakabog na ang puso ko. I know going home and organizing my first exhibit here in the Philippines is a bad idea. I should've seen the red flags coming.

"I'm so glad I finally meet the artist behind these amazing works. My son actually recommended your works to me. Actually, he's here. Sandali, nasaan ba sila?"

Matinding paglunok ang nagawa ko nang banggitin niya ang tungkol sa anak niya. Kinakabahan akong napalingon kay Aki na alam kong walang ka idi-ideya sa nararamdaman kong kaba ngayon.

Marami siyang anak na lalaki, lalaki lahat ng anak niya, imposibleng siya ang dadalhin ni Mrs. Lizares tonight. No, it's not him.

"Relax, Zetty. Normal na tao lang sila. Hindi sila 'yong expert sa mga paintings. There's nothing to worry about. Actually, gusto nga'ng bilhin ni Mrs. Lizares ang painting na tinitingnan mo kanina." Lumapit pa sa akin si Aki at ibinulong iyon.

Halata ba talaga na tensiyonado ako ngayon? Sino ba naman kasi ang hindi mati-tense ngayon?

Bawat patak ng segundo, mas lalo akong kinakabahan. Agad ding bumalik si Mrs. Lizares sa harapan namin ni Aki pero hindi niya kasama 'yong anak na sinasabi niya. Ang sabi niya, baka naaliw sa ibang paintings kaya pinahanap na lang niya sa body guards na kasama niya. Kuwento lang siya nang kuwento pero lumilipad na talaga ang kinakabahan kong utak at puso.

Hindi na ba ako naaalala ni Mrs. Lizares?

"Oh, they're here!"

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang hinihintay ni Mrs. Lizares. Tumingin siya at si Aki sa likuran ko. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang ibinigay ang atensiyon sa kung sino man itong nasa likuran ko.

Damn it!

"Zetty?" sabay na sabi nilang dalawa, gulat na gulat.

I smile weakly, trying to mask up the pain lalo na nang pagtingin ko sa ibaba, ang magkahawak nilang kamay ang una kong nakita.

They really are married and it disappoints me that after all these years, here I am, still trying to fix what they've broke in me.

"Oh, my God, Zetty! I've never seen you for ages!"

My body immediately twitched nang biglang yumakap si Therese sa akin. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng katawan ko na hindi ako nakatugon sa biglaan niyang pagyakap. Dumiretso ang tingin ko kay Tonton as he stand abruptly a few meters away from us. My heart then pump a little faster as we look into each other's eyes.

Gusto kong magsaya nang sa wakas ay nakita kita pero napapangunahan ako ng pagkamuhi sa sarili ko kasi pagkatapos man lang ng limang taon, heto pa rin ako't nagsusumidhi ang damdamin para sa 'yo.

Sumidhi, my ass.

"Therese…" marahan kong tinapik ang balikat niya para bigyan siya ng signal na puwede na siyang kumalas sa yakap na ginawa niya at hindi na ako tutugon sa yakap niya.

Sa tingin niya ba magagawa kong tugunan ang yakap niya? Anong tingin mo sa akin, santo? Na hindi magagalit na ikaw ang pinakasalan ng taong mahal ko? Sabi sa iyo, tanga ako. Habang-buhay akong magiging tanga.

And fuck, Zettiana! Where is your character development? Gone into waste?

"Oh? You knew each other, hija?"

Tahimik akong napatikhim nang sa wakas ay kumalas na si Therese sa yakap na ginawa niya at nagsalita na si Mrs. Lizares. Napatingin ako ulit kay Tonton at nakatingin pa rin siya sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin.

"Yes, Mom, she's Zettiana Saratobias! Gosh, Zetty! Akala ko kung sinong Zee Mondejar na, ikaw lang pala. Hindi kita nakilala!"

Pinilit ko ang sarili kong mapangiti sa mga pinagsasabi ni Therese. Pero ramdam na ramdam kong hindi man lang nakaabot sa mata ko ang ngiting iyon.

I was known in the industry as Zee Mondejar. I used Papa's surname kasi 'yon naman dapat ang apelyido ko. 'Yon ang nakalagay sa lahat ng public documents na mayroon ako. Hindi nga lang maiwasang magulat ang ibang kakilala at kaklase noong nag-aaral pa lang kasi Saratobias nga ang dala-dala kong apelyido at tanging sa mga importanteng papeles lang lumalabas ang apelyidong Mondejar.

Pa-simple ko na lang inayos ang sarili ko as I watch Mrs. Lizares stand in awe as soon as she recognized me. Mukhang nakalimutan ka nga talaga, Zettiana. Kalimot-limot ka naman kasi talaga, Zettiana.

"Saratobias? Oh, dang? Ikaw 'yong pamangkin ni Jose?"

Napangiti na ako ng genuine nang i-mention ni Mrs. Lizares ang Tito ko. Sa wakas ay nakilala na rin. Pero gusto kong matawa dahil she cutely said dang in the most elegant way. Ebarg! Hanggang ngayon, ang ganda-ganda at elegante pa rin ni Mrs. Lizares. Feeling ko tuloy hindi siya tumanda o nadagdagan man lang ang age niya. Hindi katulad nitong manugang niya na kahit naka-make up at nakaayos na't lahat, lumilitaw ang pagiging stress niya sa buhay.

"Yes po, Mrs Lizares…" maikling sagot ko pero nakalitaw na ang ngipin sa sobrang pagngiti.

Agad akong pinuri ni Mrs. Lizares matapos malaman iyon. Bineso niya pa nga ako at nanghingi pa ng maliit na pasensiya dahil hindi raw ako nakilala agad. She explained to me how she loves my works daw. She talks a lot that somehow lets me forgot, for a while, the presence of her very own third son.

Nasabi niya rin sa akin kung gaano niya kagusto ang painting ko na pinamagatan kong The Troth. 'Yon ang pinakamalaki at unang painting na ginawa ko sa buhay ko at sa Canada. 'Yong ilang buwan bago natapos? The Troth ang tawag no'n. But second version na iyon ng original version kasi ang una kong ginawa, nandoon pa rin sa AGO naka-display. Pinag-uusapan pa ngayon kung puwede bang ilipat sa New York's most prestigious museum. Pinag-uusapan kasi ayaw bitiwan ng AGO. Kaya nga gumawa na lang ako ng bago na identical din naman sa una kong ginawa para may madala ako sa first exhibit ko rito sa Pilipinas.

"As soon as I knew that it is up for auction, agad na akong naghanap ng connection sa exhibit na ito para lang makuha ang painting na iyon. I'll bet whatever it takes just to get it. It is perfect for our dining room. And I would like to say thank you for initiating this auction, hija."

I genuinely smile at her. "The benefits of this auction will directly go to the victims of the recent typhoon in Samar, Mrs. Lizares. This exhibit is also collaborated with Project Aureliana."

We've been talking for almost half an hour na. Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin pero lahat naman may connection sa paintings ko at sa mga advocacies na mayroon ako. Nangumusta na rin siya kina Mama.

Okay lang na humaba ang usapan ko sa mga guests ng exhibit na ito. Tapos na rin naman akong i-introduce sa lahat kanina at mamaya pa naman magsisimula ang auction for the paintings na up for auction.

"Oh? The charity organization of Senyora Auring? That's good, hija."

Tumango ako sa sinabi niya. Project Aureliana is the organization behind this exhibit of mine. Because of Ada's talking skills, na-udyok niya akong magsagawa ng exhibit sa Pilipinas para raw makatulong ako sa mga nasalanta ng bagyo sa Samar nitong nakaraang taon. Ang dami niyang sinabi, narindi nga ako sa mga pinagsasabi niya nang puntahan niya ako sa Canada noon. Pero sa huli, napilit ako ng bugok. Ang galing talagang magsalita. Idinawit pa ang charity organization ng Lola niya. Pero ang punto lang naman ay gusto niyang umuwi ako sa tenth anniversary ng batch namin sa high school. Kailangan daw kasing nandoon ako. O 'di ba, ang daming sinabi pero 'yon lang talaga ang gusto niya sa buhay.

Nagpatuloy ang pagpuring ginagawa ni Mrs. Lizares. Wala namang nagawa ang dalawa niyang kasamahan kundi ang manatili sa tabi ng Donya. Paminsan-minsan ko lang silang napapasadahan ng tingin, kapag biglang sumasabat si Therese sa usapan namin ni Mrs. Lizares.

Kung hindi lang dahil may gustong kumilala sa akin na grupo ng artists na naka-base dito sa Pilipinas, hindi ako makalalayo sa kanila. Nagpaalam na lang ako sa Donya at tipid na nagpaalam naman sa dalawa niyang kasamahan at in-entertain ang mga gusto na namang kumilala sa akin. Si Aki naman ay nakasunod lang sa akin pero panandaliang nagpaalam nang kausapin ko na ang kapwa ko artists.

Katulad ng iba, pinuri lang din nila ako sa mga gawa ko. Tinanong na rin ng iilang relevant questions na malugod ko namang sinagutan.

Pero na-distract ang pakikipag-usap ko sa mga taong iyon nang makarinig ng isang sigaw ng bata. Napalingon ako sa direksiyon noon at hindi na inalis ang tingin sa kanila.

The kid run while spreading his both arms, aiming for a hug. He shouted something like daddy. The man on the other end, waited for that kid hanggang sa kargahin na niya ang batang iyon at niyakap. The kid kiss his daddy's cheek then face his mommy and showered her with kisses. Lumapit na rin sa kanila ang Lola niya para i-abot ang kamay niya for a bless. They animatedly converse from afar.

Ang saya ng pamilya nila. The kid grew up so well.

"Ms. Zee?"

Napa-ahon ako ng dibdib nang maramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko at ang pagtawag na rin sa pangalan ko. Bumalik ang tingin ko sa mga kausap ko.

Did I space out of nowhere?

"Y-Yes?" pilit ibinabalik ang atensiyon sa kanila kahit parang hinahatak na ang mata ko patungo sa pamilyang kanina ay tinitingnan ko.

"Are you okay?"

"Mm-Hmm. I'm fine." Napatingin ako sa wrist watch ko. O para lang talaga may pagkaabalahan? Damn it. "The auction will start any minute now."

Mabuti naman at nakisabay sila, agad silang nagpaalam para makahanap na raw ng puwesto sa hall kung saan magaganap ang auctioin ng paintings.

Iginala ko ang tingin sa paligid at mukhang tama nga ako kasi isa-isa nang ini-alis sa mga puwesto nito ang paintings na up for auction. Except na lang sa The Troth kasi nga malaki iyon.

Ibinalik ko ang tingin sa kaninang puwesto kung saan ko nakita ang masayang pamilya kanina pero wala na sila, mukhang pumunta na rin sa hall ng auction.

Napabuntonghininga na lang ako hanggang sa ako na lang ang maiwang nakatayo sa tahimik na hall ng exhibit.

Mabigat akong nagbuntonghininga, dahan-dahang ini-release ang kanina pang bigat ng pusong dala-dala ko. Marahan ko na ring hinaplos ang puso ko, baka sakaling makatulong sa mabigat kong nararamdaman.

"Hoy, okay ka lang?"

Damn it!

"Akihira!" naiinis na tawag ko sa pangalan niya. Bigla-bigla kasing tatabi sa gilid ko tapos gugulatin lang ako. Daig pa ninja ang isang 'to, e.

"Bakit?" natatawa lang na tanong niya pero inilingan ko na lang at nagsimula ng maglakad papunta sa auction area. Sumunod naman si Aki kasi narinig ko rin ang takong ng suot niyang heels habang nakasunod sa akin.

"Ay, teka, ang dami kong tanong sa 'yo," sabi pa niya na parang pinipigilan ang matawa. "Teka lang, 'wag ka munang pumasok sa loob!"

Hinawakan ni Aki ang kabilang braso ko kaya napatigil na ako sa paglalakad. Inirapan ko siya nang magkaharapan na kaming dalawa. Ano na namang nasa utak ng babaeng ito? Kung ngumisi kasi ngayon ay parang may masamang balak na nakaabang sa malapit.

"Ano na naman 'yan?" naiinip na tanong ko kasi imbes na magsalita at diretsahang magtanong sa akin ay may kinuha muna siya sa loob ng coat na suot niya. She opened her wallet and get something there. Something like a paper.

Nakatupi pa 'yong papel nang kunin niya sa wallet niyang iyon. Nag-cross arms ako habang naghihintay kung ano ang laman ng papel na iyon. Baka listahan ng mga pinag-uutangan niya tapos pababayaran niya sa akin o hindi kaya'y baka gustong bumali ng suweldo para makapagbayad ng utang. O baka ang mva gusto niyang i-shopping tapos inilista lang niya? Daming alama talaga ng Akihira na ito.

"Ang tagal kong itinago ang paper na ito. I never thought I will be able to use this today!" sabi niya nang tuluyan niyang maibuklat ang papel. Tinabihan ko na siya para makita ko naman kung anong laman no'ng papel na iyon.

"What the heck, Akihira? Bakit nasa iyo 'yan?"

Akmang hahablutin ko ang papel na hawak niya pero masiyado siyang mabilis at naunahan ako sa paglayo. Tumatawa pa talaga siya sa akin at parang mas lalo akong inasar.

"Sabi na totoong tao 'tong lalaking ito, e. I'm so brilliant of keeping this one. I'm so advance mag-isip talaga. I love myself na talaga for my brilliancy!"

"Anong brilliancy-brilliancy 'yang sinasabi mo? Bakit nga nasa iyo 'yan?" pilit pa ring inaagaw sa kaniya ang hawak-hawak niyang papel.

"Of course, I kept it! After you sketched this one, you just threw it like a lost puppy somewhere in your room. I found it fishy kasi kaya itinago ko. Grabe talaga ang brilliancy ko! Never thought I will see this man personally!"

Natigil ako sa pag-agaw ng papel na iyon pero evident pa rin ang sama ng tingin ko sa kaniya. Kasalukuyan pa rin siyang nakatingin sa papel na hawak niya na parang asong ulol kung makangiti.

"Ang guwapo talaga! At mas nakakalula ang kaguwapohan sa personal! The imaginary boyfriend really exists ha? And speaking of guwapo… Hi! You're Mrs. Felicity Lizares' son, right? What's your name again?"

Magkasabay na pumikit ang mata ko at ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko nang tumingin si Aki sa likuran ko at talagang pinuntahan pa ang nakita niya. Marahan akong nagbuga ng hangin matapos ang ilang sandali.

"Tonton."

Saktong paglingon ko ay ang pagsabi niya sa pangalan niya kay Aki. Nagtama ang tingin naming dalawa pero ako rin ang kusang nag-iwas ng tingin.

"Oh? Tonton! Tonton Lizares?"

"Mm-Hmm."

"Okay? Um, may kailangan po kayo, Mr. Lizares?"

I pursed my lips as I memorized every details of his face. Maraming nagbago and I mentally compared it from the last time I ever saw his face.

"I just want to ask if where's the comfort room of this hall?"

His voice thundered around the hall but it remained in my system even after he talked. Umigting ang panga ko para mapigilan ang nararamdaman while dead-staring at the carpeted floor of this hall.

"Comfort room? Ay, there! D'yan po."

Saka lang ako nag-angat ng tingin nang maramdaman ang pag-alis niya. Nakatalikod na siya sa akin nang tingnan ko. Nakapamulsang naglalakad palayo sa akin.

I was about to indulge myself with that view of him when he suddenly stop. He then turn his attention to me.

"Congratulations on your exhibit, by the way, and nice to see you again, Zettiana."

What. The. Heck! Damn it!

"Mm-Hmm… sabi na malansa ang isda, e."

Dahan-dahan akong ibinuga ang hangin na kanina ko pa palang pinipigilan. Kung hindi lang nagsalita si Aki matapos ang ilang sandali, baka matagal akong magigsing sa pantasiya at pagkadismayang sabay kong naramdaman.

"What are you talking about, Akihira."

Patay-malisya ko lang siyang tiningnan at hindi siya hinayaang ratratin ako ng mga tanong. Mabilis akong naglakad papunta sa auction hall. Pero sa duration ng program, wala ako sa ulirat, para akong nakalutang sa ere, hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.

After five fucking years! 'Yon talaga ang una niyang sasabihin sa akin? Matapos niya akong iwan nang ganoon-ganoon lang? Matapos niyang hindi magparamdam? Matapos niya akong tulungan na ma-realize ko ang totoong feelings ko sa kaniya. Matapos kong maamin sa sarili kong mahal na mahal ko na siya. Matapos niyang mambitin at hindi man lang nagbigay ng konkretong eksplenasyon kung bakit bigla siyang nawala tapos malalaman ko pa after some months na ikinasal na sila ni Therese kasi nabuntis niya ito. Ganoon-ganoon na lang 'yon? Congratulations at nice to see you again? What the heck, Newton Isaac L. Lizares?! Sana pala ipinagpilitan ko na lang ang sarili ko rati na maging abay nila tapos sasabihin kong congratulations, best wishes, humayo kayo at magparami, kung ganitong mga salita pala ang una kong maririnig mula sa kaniya matapos ang lahat ng nangyari. Ang lakas ng apog!

Mabuti naman, ano, na kilala niya pa ako. Mabuti naman at nasambit niya pa ng tama ang pangalan ko. Wow, Lizares! 'Yon na lang talaga 'yon?

"Oh, so, Newton Isaac Lumayno Lizares is the name. An award winning wildlife photographer but a photographer by profession. Hmmm, hot siya pero masiyadong private ang personal life niya."

Maka-ilang beses na akong nag-irap ng mata dahil sa mga sinasabing ito ni Akihira. Kanina pa siya gan'yan. Mukhang tinotoo ang sinabi kanina after ng auction na i-s-search niya raw talaga si Tonton because he really sounds fishy daw talaga. Gusto ko nang tumahimik ang bibig niya pero alam kong hindi magpapapigil ang bruhildang ito. Ngayon lang siya nagkaroon ng chance na i-read aloud sa akin ang mga nalaman niya. Pareho kaming nasa kotse ngayon, pabalik na sa hotel na pansamantala naming tinitirhan.

After all the shambles in life today, nagkaroon na rin ng chance na makapagpahinga. Pero hindi pa lang nakararating sa hotel, parang muling nanumbalik sa akin ang pagod. Ang ingay naman nitong si Akihira. Akala naman niya hindi ko alam ang tungkol na iyon sa buhay niya.

Mas lalo kong isinandal ang likod ko sa back rest ng upuan at tiningnan ang masalimoot na midnight situation ng street. Tuloy-tuloy ang takbo ng kotse kasi nga wala ng traffic. Malalim na rin ang gabi.

"So… sino siya?"

I clenched my jaw and did not dare to even look at Aki when she already gave her attention to me.

"Kababasa mo lang ng information tungkol sa kaniya but you're still asking me if who he is," malamig na sabi ko, mahihimigan na rin ang pagod.

"Sa buhay mo… Sino si Newton Isaac Lizares sa buhay mo?"

Pinasadahan ko ng dila ang labi ko and then swallowed hard as I clenched more my jaw.

"A friend… a hometown friend. Just like Ada Osmeña."

Nilingon ko si Aki para maniwala na siya sa sinasabi ko. Mas nako-convince daw siya na nagsasabi ang isang tao ng totoo kapag tiningnan siya sa mga mata kapag sumasagot sa mga tanong niya. Kaya everytime na sasagot ako sa kaniya, tumitingin talaga ako sa mga mata niya, whether it's a lie or not. Kaya dahil sa kaniya, I learned the art of lying.

"Ah, talaga? Talaga lang ha? Why am I not convinced, Zettiana? Bakit feeling ko, he's beyond that? You said he's your imaginary boyfriend, right? Is he a long time crush? Childhood crush? Siya ba 'yong TOTGA mo, or what?"

Mas pinili kong manahimik na at hindi na pag-usapan si Tonton. My whole system is in appall right now. Hindi pa rin makapaniwala na nakita ko siya even after these years. He's… well, a daddy now so him being mature than his usual looks before, is considered considerable. Takte, ano na ba itong naiisip ko.

"You're keeping your mouth shut. Ayaw mo na namang magsalita. Pero sabagay, parang married na 'yong tao tapos may anak na so, maybe he's really a friend."

Marahan akong napabuntonghininga dahil sa sinagot ni Aki. Sa wakas at sumuko na rin ang bruhilda.

"Sige na, hahayaan na kitang magpahinga. We have a long day tomorrow."

Days before my first art exhibit here in Manila took its place, pagkauwi ko noon sa Manila, agad kong ipinakilala si Myx at ang kaniyang anak kay Mama. Mama's been wanting to meet my sister. Nalaman na rin naman niya ang tungkol sa kaniya, matagal na. Madalas din silang mag-usap, lalo na kapag saktong ka-video call ko si Myx. It was a long process but everything went into its right places at the right time. Myx became our family, most especially her son, Harriette.

My family from Negros also flew here in Manila to support me for this exhibit. I got to bond with my cousins na hindi ko na masiyadong nakikita sa loob ng limang taon dahil sa sobrang busy.

I was preoccupied and aniticpated my busy schedule, actually, when I came home. I already conditioned myself to everything that I will do when I come home. Punong-puno na ang schedule ko for meet-ups, meetings, and last minute art work making for the fiesta of my hometown. May mga naka-linya pa nga'ng art related charities and seminars na invited akong maging guest speaker. I even got an invitation to be the guest speaker of my old high school's graduation ceremony.

Lahat 'yon desidido akong gawin with clear mind pero wala sa plano at schedule ko na bigla ko siyang makikita. Now, I am in chaos. Minsan na akong nag-s-space out during some meetings. Nakakalimutan ko na ang mga dapat kong pupuntahan dahil sa sobrang pag-iisip.

Kung hindi lang talaga dahil kay Aki na energetic pa rin na nagpapa-remind sa akin sa mga lakad ko, na mismong gumawa ng speeches ko for the seminars and charities, and ang sasabihin ko sa graduation ceremony na pupuntahan ko, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.

"Ngayon mo sabihin sa aking hometown friend mo lang talaga ang lalaking iyon. Ngayon mo sabihin sa akin na wala lang iyon, Zetty. Kasi isa lang talaga ang napansin ko simula nang gabing iyon… hindi ka na makapag-function well since you saw that guy. What's the real deal, Zetty?"

Mata ko lang ang iginalaw ko para matingnan si Aki. Bitbit niya pa ang planner na usually ay dala niya to organize my queuing schedules.

"Sinong guy? Mukhang hindi ko alam ang tungkol dito ah?"

Doon ko lang nagalaw ang sarili ko nang biglang sumabat na si Nicho sa usapan. Napasinghap pa nga ako kasi buong akala ko, wala sa amin ang atensiyon niya, na akala ko busy na naman siyang sambahin kung sino man itong girlfriend niya ngayon.

"Oh, oo nga pala. You literally grew up together, paniguradong may alam ka. Sa sobrang busy ng sched nitong si madam, nakalimutan kong itanong sa iyo ang matagal ko nang gustong malaman."

"Alam ang ano?"

Bago pa man ako nakaangal, bumuka na ang bibig nitong si Aki para intrigahin ang pinsan kong sa lahat ba naman ng pagkakataon ay nandito sa bahay nina Lolo ngayon para bulabugin ako.

It's been two months since I went home. It's been two months since my exhibit happened. Tapos na ang business ko sa Manila kaya nandito na ako sa hometown namin. Actually, katatapos lang ng graduation sa dati kong school kung saan ako ang guest speaker.

It's actually good to be back pero hindi totally ganoon ako ka-excited nang makauwi. This place has been different since everything happened. Iba na ang tingin ko sa hometown na ito. Suddenly, I don't want to go back in Escalante anymore.

Lantarang pinag-usapan ng dalawa ang tungkol kay Tonton. Aki just asked my cousin, Nicho, if he knew Tonton. Siyempre, itong bugok kong pinsan um-oo naman.

Mas lalo yatang naintriga itong si Aki at sunod-sunod na ang naging tanong.

Tumayo na lang ako at nilapitan ang canvas na kailangan kong tapusin for this week. This will be the last art that I will make before the second exhibit I'll be attending here in the Philippines kick off.

Kinuha ko ang paintbrush at ang palette, sinubukang maghalo ng combinations of colors.

"So… sino si Tonton Lizares sa buhay ni Zetty Mondejar?"

"Geez… I'm still not use Zetty being a Mondejar."

"Gosh, fine! Forever Saratobias na siya!"

Mahina na lang akong natawa dahil sa panandaliang bangayan nilang dalawa pero hindi na nanghimasok sa pinag-uusapan nila. Confident enough naman ako na walang ibang sasabihin si Nicho. Wala naman kasi talagang alam ang bugok na 'yan. Hindi ko naman siya sinabihan tungkol kay Tonton. I said it to no one. He was my secret that I intend to keep unto my grave.

"What was your question again?"

"Ano ni Zetty si Tonton. What's the real score between them? The real deal!"

"Ah, ewan? Hindi ko alam kung ano…" Napangisi ako sa sinagot ni Nicho at tuluyan nang pinintahan ang canvas na nasa harapan ko. Sabi na walang matinong sasabihin ang bugok na 'yan, e. "Pero TOTGA ni Zetty si Tonton."

"What?!" eksaheradang reaksiyon ko pero wala man lang may lumingon sa akin.

"TOTGA? The one that got away? Really?"

Mabilis kong naibaba ang palette at paintbrush na hawak ko. Naibigay na naman sa kanila ang atensiyon ko.

"Hoy, anong TOTGA 'yang sinasabi mo? Kaibigan ko lang si Tonton. Everyone knew that!"

I want to advance to Nicho but I keep my composure. Hininaan ko na rin ang boses ko, baka marinig ng mga taong nasa labas ng guest room kung saan muna pansamantala inilagay ang mga gamit ko for painting.

"Sus. Deny pa. You and Tonton had a thing, right? Everyone actually knew that."

"Wha-" Napaawang ang labi ko, nagulat ng bongga. What is he talking about? "A-alam mo? P-paano?"

"Oo naman. Ako pa. Before pa tayo pumuntang La Union noon, nagkaroon na ako ng hunch lalo na no'ng sabihin mo na inaya kang mag-La Union ni Tonton na kayong dalawa lang."

My lips remain parted. Hindi ko na magawang itikom pa dahil grabeng kabog ng dibdib na ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito?

"Noong sa La Union naman, nakita namin ni Decart na hinalikan mo si Tonton. Alam ng barkada, actually, pero nanatiling tikom ang bibig namin dahil naghihintay kaming kayo mismo ang magsabi na dalawa. Pero hindi mo man lang sinabi sa akin na mismong pinsan mo."

Alam ng mga kaibigan namin?

"Oh? La Union? Wait… I think may painting si Zetty na may title na The Union."

Nanatili ang tingin ko kay Nicho. Hindi na pinansin ang sinabi ni Aki. Gulantang na gulantang talaga ako sa rebelasyong sinabi ni Nicho. Alam nila? At nakita nila ang halik na ginawa ko kay Tonton?

"'Yong may babae at lalaking may dala-dalang surfboard na nakatingin sa papalubog na araw sa karagatan? Tapos holding hands pa ang dalawa?"

"Yep!"

"Ah, The Union pala ang tawag mo sa painting na iyon? Kayong dalawa ni Tonton 'yon, 'no?"

Umirap ako sa tinanong ni Nicho sa akin. Ayoko nang magsalita.

"Oh, talaga? All along, nasa paintings lang pala niya ang kasagutan sa mga tanong ko tungkol sa Tonton na iyon?"

"Mahilig kasi silang pumunta sa mga dagat dati. Lahat na lang yata ng dagat sa probinsiyang ito, napuntahan na nilang dalawa noon."

Halos bumaligtad na ang mata ko sa muling pag-irap ko. Talagang pinaalala pa.

"Kaya pala ang dami niyang painting na tungkol sa dagat. But there's this particular painting of her na favorite ko talaga."

"Ano naman?"

"'Yong painting na tinawag niyang When The Waves Touch The Sky."

~