webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Paintings

"Who's that? He's guwapo ha?"

Para akong nagising sa isang malalim na panaginip nang marinig ang boses ni Aki. Tumingala ako sa kaniya at nakatingin na siya ngayon sa sketch pad na hawak-hawak ko pa rin.

Did I just have a sex flashback? What the heck?

Ibinalik ko na lang sa sketch pad ang tingin ko, kinalimutan pansamantala ang alaalang dapat matagal ko nang kinalimutan.

"Imaginary boyfriend ko," sagot ko habang naglalagay ng finishing touches sa sketch.

May nakaligtaan pala akong ilagay.

Malakas na natawa si Aki sa naging sagot ko. Mukhang nabu-buangan yata sa akin kasi nga 'yon ang naging sagot ko. Nasa sa kaniya na 'yon kung maniniwala siya sa sinabi ko o hindi. Kasi para sa akin, totoo 'yon. Hanggang imagination na lang ang pagiging girlfriend ko sa kaniya kasi hanggang imagination na lang ang pagsagot na nagawa ko.

Nasabi niya pala sa aking mahal niya ako in the middle of our sex, after his release. Pero nasabi niya lang yata 'yon kasi nga nakuha na niya ako. Kasi kung totoong mahal niya ako, sana hanggang ngayon nandito siya sa tabi ko.

Tama na, Zetty, sinasaktan mo na naman ang sarili mo.

"But I don't think that guy you just sketched is a fictional character."

Matapos kong hawiin ang nagkalat na excess ng pambura na ginamit ko para maging malinis na ang sketch ay nilingon ko si Aki. My eyebrows furrowed.

"Bakit naman?"

So para sa kaniya ang imaginary boyfriend ay matik na isang fictional character?

"Because if he's a fictional character and someone you can't even reach, he shouldn't have that mole right above on the side of his lips." At itinuro niya pa ang last detail na inilagay ko kanina. "Because fictional characters aren't flawed. Moles, scars, and other birth marks aren't visible on their face. They were made to be perfect."

Ang liit na ng nunal na 'yan, napansin pa n'ya? Tapos ang dami pa niyang sinabi.

"So… who's the guy? Someone you left from the Philippines? What's the story?"

Pa-ilalim akong napairap sa pinagsasabi nitong si Akihira. Isinarado ko na lang ang sketch pad para hindi na pagdiskitahan ng pagiging thinker nitong si Aki. Pati ako nadadamay, e.

"Anong balita sa tinawagan mo?"

Ngumiti sa akin si Aki at doon na namin napag-usapan ang tungkol sa canvas.

After a few days, dumating na rin ang in-order naming canvas. Agad din itong inilagay sa empty wall na iyon ng kuwarto ko, complete with its scaffoldings para sa support. Nagpabili na rin ako ng hagdan para magamit ko. My goal for this painting is to be big as ever. Gusto kong dito ko maibuhos ang lahat ng hinanakit ko sa buhay because the regular size canvas isn't enough to heal the pain I am still feeling inside.

Dumaan na ang ilang minuto matapos i-set up itong malaking canvas na ito pero heto pa rin ako't nakatitig dito.

O, ano na, Zettiana? Nandito na ang canvas na hinihintay mo pero bakit hanggang ngayon ay wala pa ring galaw?

Pinag-krus ko ang kamay ko't muling napatitig sa walang kabuhay-buhay na canvas. A few weeks ago, alam na alam ko na ang gagawin ko. Alam na alam ko na kung anong ipipinta ko sa malaking canvas na ito. Pero ngayon, hindi ko na alam kung paanong sisimulan. Para akong nabobo sa pagpipinta at hindi na alam kung paano simulan.

"Why haven't you started yet?"

Napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko nang pagpasok ni Aki ay ang malaking canvas agad ang tiningnan niya. Nakasunod din si Genil sa kaniya.

Pinasadahan ko lang ng panandaliang tingin ang magkapatid lalo na no'ng makita ko si Genil na may dala pang platito ng cake ko from my yesterday's birthday. I just turned twenty-four yesterday. Wala namang kakaibang nangyari. Normal lang, ganoon. Nag-celebrate lang kami rito, nag-greet lang ang family ko from the Philippines and mga kakilala ko through social media, video calls, video greetings, chats, and whatever. Kasi nga nandito ako sa Canada, wala silang magagawa kundi ang idaan sa virtual world ang pagbati sa akin.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan."

"Inspirasyon ba ang kailangan mo? Ang sabi mo 'di ba na marami ka namang inspirasyon sa buhay?"

Napangiwi ako sa inaasta ngayon ni Genil. Lumalamon siya no'ng cake na dala niya tapos nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang maisip si Tonton. He was like that… all the time. Kahit ilang beses kong sawayin, nakakaligtaan pa rin ang paglunok muna bago salita na rule sa pag-kain.

Mas lalo akong napangiwi sa sariling naisip at umiwas na lang ng tingin kay Genil. Hinayaan na lang siya sa buhay niya.

"Ayoko namang ipinta ang kalungkutan sa gan'yan ka-laking canvas."

"You know, 'te, you can do anything with that canvas. Puwede mong ilagay d'yan ang mukha ko. Ang mukha mo. O baka trip mo, d'yan ka na gumawa ng blue print."

Kung nasa dating estado pa ako ng buhay ko, baka nasakyan ko na ang joke na ito ni Genil. Pero simula no'ng makatapak ako sa lupa ng Canada, alam kong may nagbago na sa sarili ko. Hindi ko na magawang mapangiti kahit sa isang simpleng bagay man lang. Naiintindihan ko naman kung bakit ako naging ganito. Hanggang ngayon, nasa stage pa ako ng pagtanggap sa pagkamatay ni Papa. Sinabayan pa ng pagpilit sa sariling makapag-move on na kay Tonton at pilit kinakalimutan ang maya't-mayang alaalang papasok sa utak ko lalo na kapag may nakikita lang akong isang bagay o situwasiyon na agad kong na-a-associate sa kaniya at sa existence niya.

Tipid lang akong napangiti sa sinabi ni Genil kanina.

"'Te! Ang seryoso mo naman, 'te, oy. Cheer-up, lighten up, heads up, up, up!"

Mahina na lang akong natawa sa pinagagagawa ngayon ni Genil. Naiintindihan ko naman kung bakit siya gan'yan ka corny. Nakaka-stress nga naman ang pag-aaral ng Nursing.

"On a serious note, do you know that painting is associated with pain?"

Napalingon ang pareho naming atensiyon ni Genil sa kapatid niyang si Aki. Gaya nga ng sabi niya, seryoso siyang nakatingin ngayon sa canvas sa harapan namin. Magkasalubong pa ang dalawa niyang kilay, talagang ipinapakita kung gaano siya kaseryoso sa buhay.

"Bakit naman? And please try to say it in tagalog. Paniguradong hindi ko rin maiintindihan 'yan agad kapag in-english mo. Kaya mo na 'yan, I know marunong ka ng mag-tagalog."

Aki snorted a laugh and sinubukan pang umapela sa sinabi ko pero tinawanan lang din niya.

"Okay, okay, I'll try. So… painting is always associated with pain because pain demands to be expressed through painting. Kapag daw ang isang artist ay nasasaktan, kailangan niyang i-release ang pain that he or she felt through painting. And magically, the pain will go away. Kaya nga may salitang pain sa painting because they are always interconnected with each other."

She makes sense pero nasa dulo ng aking dila ang sense na gusto niyang ipaintindi sa akin. Para bang nasa dulo ng ballpoint ng isang ballpen ang punto niya. Nagkatinginan na lang kami ni Genil matapos magsalita ni Aki na sinubukan pa talaga ang pagta-tagalog kahit medyo slang nga ito.

Pero kagaya ko, pagtataka is also plastered on his face.

"Okay ka lang, Aki? Saang philosopher mo na naman napulot ang pinagsasasabi mo ngayon?"

Aki rolled her eyes and got irritated with her brother's reaction.

"I got it from Akihira Aldwina Yanson! I got it from myself. I am the philosopher!" proud na proud pang sabi niya while spreading her both hands.

Natawa na lang kaming dalawa ni Genil dahil sa ginagawa nitong si Aki sa kaniyang buhay. Kahit na masiyado na siyang liberated pagdating sa kaniyang buhay, hindi pa rin maiwasang mailabas ang pagiging nerdy niya.

"Pero ang witty mo sa part na may salitang pain sa painting," pag-amin ko sa ginawa niyang speech kanina.

"Of course! I'm witty since birth!"

"Oo, witi-witi. Tama na nga 'yang ka-echusan n'yo. Let's get this party started! Galaw-galaw na, Zettiana! Sayang ang talent kung hindi gagamitin ngayon. By the way, anong dominant color ang gagamitin mo sa gagawin mong painting?"

Gumalaw-galaw kami sa loob ng kuwarto. Parang naging cue ang masiglang vibe ni Genil para kunin ko ang paintbrush na gagamitin ko.

"Blue."

"Light or dark?"

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang canvas. "Dark."

"Ay? Painful nga. Masiyadong madilim. Okay, dark blue is it. 'Asan na ba 'yon?"

Hindi ko alam kung anong gagawin ni Genil pero hinayaan ko siyang tingnan ang lahat ng color ng pintura na gagamitin ko for any kinds of painting na ma-trip-an kong gawin. Baka gusto lang makatulong ni Genil. Siya na mismo ang naghanap ng unang kulay na gagamitin ko. Less hassle nga.

"Okay, ito na ang dark blue!" tumitiling sabi pa ni Genil habang bitbit 'yong isang galloon ng pinturang mukhang navy blue nga ang kulay. "You might want to step aside and cover your face if you don't want to get dirty? Step aside na mga langging."

"Why? Ano bang gagawin mo?" slang na slang na tanong ni Aki sa kapatid.

"Getting this party started!" ngumisi si Genil at sa isang iglap ay bigla niyang inihagis sa malaking canvas na iyon ang pinturang dala niya.

What the heck!

"What the hell, Genilo Alfonso!"

Tumawa lang ng malakas si Genil at hindi man lang pinakinggan ang naririnding tili ni Aki. Ako nga, imbes na mainis sa ginawa niya, natawa na lang sa kagagahan ni Genilo.

"I've done my part. Ikaw nang bahala magtuloy n'yan, Zetty, ha," patay-malisya agad niyang sabi nang ilapag na ang walang lamang galloon.

Napa-iling na lang ako at sinimulan na lang na gawin ang dapat gawin sa painting na ito.

Yep, I know, confuse na confuse na kayo ngayon sa nangyayari sa akin sa Canada after a month of being here. The original plan is to be here, find a job that's connected with Architecture, and live peacefully. Pero hindi pala ganoon kadaling maghanap ng trabaho rito na naaayon sa kursong natapos mo. Kailangan ko pa munang maghintay ng ilang buwan bago makapag-trabaho sa construction company na pinagta-trabahuan din ngayon ni Tita Leceria. Kalma raw muna ako pansamantala.

Gusto ko sanang mag-part time work na lang sa mga fast food chain near our area pero hindi ako pinayagan ni Mama. Ang gusto niya, gawin ko raw muna ang matagal ko nang gustong gawin, which is ang mag-pinta ng kung ano-ano. Kaya heto't bago pa man tumutol sa gusto niya, nabilhan na niya ako ng lahat ng kailangan ko para sa pagpipinta.

Siguro nga, okay na itong maging outlet ng hinanakit at hinagpis na mayroon ako ngayon. Sana nga sa pamamagitan nito, maiwala ko kung ano man itong masakit at mabigat na nararamdaman ko ngayon.

Sa loob ng isang buwan, tinapos ko ang malaking painting na ito. Masiyado siyang trabahoso at very particular ako sa lahat ng detalye, malaki man o maliit, ng painting na ito. Kasi lahat ay may ibig sabihin para sa akin.

Even after a month, hindi pa nga rin siya totally finish. Pero unti-unti nang nakikita kung anong kabuuan nito. Maybe a week or weeks of working with it ay tuluyan ko na siyang matatapos.

"Almost done ka na pala, anak," sabi ni Mama nang makapasok siya sa kuwarto ko at unang pinagmasdan ang malaking painting na ginagawa ko with her fair share of coffee.

"Yep, sa gitna na lang at saka small details."

"Hmm? May ilalagay ka pa ba sa gitna? Edi masisira 'yong view ng city lights kapag may ilalagay ka pa sa gitna? Ano? Dadagdagan mo ba ng city lights?"

I chuckled to Mama's reaction. Para siyang stage mother na kailangan talaga perfect ang anak niya before itong mag-perform sa gitna.

Kinuha ko rin ang mug ng kape ko at iginala ang tingin sa napakagulo kong kuwarto. Puno ng nagkalat na pintura, nagkalat na used galloons, pints, and cans of paints, basta magulo talaga. But this is what I wanted, 'yong makita someday ang kuwarto o bahay na tutulugan ko na punong-puno ng paints and other stuffs that deals with art.

Sumimsim din ako sa kape at tinawanan ulit si Mama na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng sagot mula sa akin.

"Ma, mas magaling ka pa sa akin ha?"

Itinaas ni Mama ang dalawa niyang balikat na parang nagsasabing ewan.

"E, curious na curious lang talaga ako kung bakit ito ang ipininta mo. But okay, this is your field nga pala and I don't know anything about it. So, okay, the floor is yours."

Napapa-iling na natawa na lang akong nagbigay ng reaksiyon kay Mama. Ang daming alam, e. Kaya minsan talaga, hindi na nakakapagtaka kung saan ako nagmana.

"Alam mo, anak, kung nabubuhay lang ang Papa mo ngayon… panigurado, tuwang-tuwa 'yon kapag nalaman na nakuha mo ang galing niya sa pagpipinta."

With furrowed eyebrows, napatingin ulit ako kay Mama. Diretso lang ang tingin niya sa harapan, siguro tinitingnan ang maliit na hugis tao na inilagay ko sa may bandang ilalim ng canvas. Dalawang tao iyon, isang babae at isang lalaki. Seryoso si Mama sa tinitingnan niya at parang malalim na rin ang iniisip niya.

"Okay na po bang pag-usapan natin si Papa?"

Mahinang natawa si Mama sa naging tanong ko pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pa-simple niyang pagpunas sa kabilang pisnge niya.

After kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Papa, ilang araw ako no'ng hindi pinansin ni Mama. She was either on duty for consecutive days and palaging nasa ospital, o kung uuwi man ay hindi ako kinakausap. I even caught her crying kahit na nakatulala lang naman siya and hindi rin muna sila nagkita ni Tita Leceria that time. Mahirap tanggapin ang ganoong klaseng balita kung sa puso mo ay may puwang pa 'yong tao sa 'yo. Kahit nga ako na hindi ko naman talaga nakasama ng matagal si Papa ay tinamaan din ng hinagpis ng pagkawala niya. Si Mama pa kaya na may pinagsamahan silang dalawa? I can't blame her kasi naiintindihan ko rin siya. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi man lang niya ako hinayaang makilala ang ama ko noong mga panahong buhay pa ito kung ganito pala ang nararamdaman niya sa kaniya. At kapag naiisip ko 'yon, agad na sumasagi sa isipan ko ang napagdaanang sakit ni Mama sa mga huling sandali bago ako ipinanganak. Domestic violence is unforgivable.

Pero makalipas din naman ang ilang linggo, unti-unting ipinakita sa akin ni Mama na okay na siya at agad ding bumalik sa normal ang pakikitungo niya sa akin. 'Yon nga lang, hindi na siya muling nagsalita tungkol kay Papa. Even after we knew he's dead, hindi niya pa rin sinabi sa akin ang lahat. Ang lahat-lahat, I mean. Gusto ko rin namang marinig ulit ang side niya. Pero hinayaan ko muna.

"O-Oo naman. Matagal na. Patay na 'yong Papa mo, Zettiana, and there's no room on hating dead people. Baka ako pa ang multohin nila kapag nag-hate ako sa kanila."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa huling sinabi ni Mama o ano. Minsan talaga wala sa hulog itong Mama ko. Nasobrahan yata sa toxicity ng ospital. Hindi ko tuloy alam kung maaawa ako sa kaniya o ano. Palitan ko na lang kaya siya sa pagiging nurse?

"Although, yeah, nakakainis lang itong ama mo. Ipinamukha talaga sa akin na mas gusto niya si Charisa kaysa sa akin kasi mas sinundan niya ito sa kabilang buhay kaysa ang lumaban muna at hinintay tayong magpakita sa kaniya."

What the heck?!

"Mama!"

"Char lang, anak. Siyempre, pati 'yon, wala na rin sa akin. Pareho nang payapa ang mga buhay natin. Sila, literal na namayapa na, kaya maging masaya na lang tayo."

But you know what I guess? She still hasn't over it yet.

Agad din namang nagpaalam si Mama matapos ang mga litanya niyang iyon. Siguro iniiwasan na mas lumalim pa ang usapan namin tungkol kay Papa. Kasi hanggang ngayon, hindi niya pa kayang pag-usapan pa na higit sa ganoon ang buhay ni Papa. Naiintindihan ko naman. Hindi na ako bata para hindi maintindihan ang gusto ni Mama. Malaki na ako, adult na nga. Kaya kailangan kong maintindihan ang mga bagay-bagay. Kung hindi kayang punan ni Mama ang mga kuwento tungkol kay Papa, nand'yan naman ang kapatid kong si Myx to fill the gap.

Yeah, kapatid. Nakaka-shock 'di ba? Lumaki akong akala ko only child lang ako. Yeah, only child nga ako pagdating kay Mama pero may kapatid pala ako sa side ni Papa.

Ang speaking of kapatid, heto't vini-video call na pala ako.

Agad kong in-accept ang video call request ng account ni Myx sa messenger. Pumuwesto ako sa maliit na veranda ng kuwarto ko para magpahinga muna at kausapin sila.

Pero pag-open ng camera, bumungad sa akin ang cute na cute na mukha ng pamangkin ko na si Riette. Hindi pa siya directly nakatingin sa camera, parang abala pa siya sa pagkalikot dito. Takte, dalawang taon pa lang itong pamangkin ko, marunong nang humawak ng cell phone?

"Harriette! Nasaan ang Mama mo?"

"Ate, nandito ako!"

Natawa na lang ako nang biglang magpakita si Myx sa kabilang screen. Kinarga na niya si Riette at hinawakan na rin ang cell phone niya. Kinamusta ko lang ang mag-ina. Nag-update lang si Myx sa buhay niya. Palagi kaming nag-uusap, catching up sa mga taon na hindi kami magkasama. Kahit through virtual lang itong bonding moment namin, masaya naman ako kasi I was able to witness the first few improvements of her child.

Si Riette ay bunga raw ng pagre-rebelde noon ni Myx kay Papa. Ang ganda na raw ng buhay niya sa UP dati, theatre arts ang pinagkakaabalahan niya pero dahil nga sa galit niya sa mga nalaman galing kay Papa, nagbulakbol siya. Pero hindi niya raw pinagsisihan na ipinanganak niya si Riette. Parang naging blessing pa nga ito sa kaniya kasi ito rin ang naging daan para mapalapit ulit siya kay Papa noong buhay pa ito at kahit hindi man nakatapos ng pag-aaral, masaya naman siya sa buhay online seller niya ngayon. Masaya raw siya sa buhay niya. Lalo na ngayon na may Ate na raw siyang masasandalan.

I gave her my word na tutulungan ko sila ng pamangkin ko. Kapag nakahanap ako ng stable job dito, tutulungan ko talaga sila.

Makalipas ang ilang linggo, sa wakas ay natapos na ako sa ginagawang painting ko. Siguro naman this time, makakapagpatuloy na ako sa pag-paint kahit sa maliliit lang na canvas. Gusto ko 'yong ganito, palaging occupied ang utak ko't hindi ako makakapag-isip ng kung ano-anong bagay.

Ang tanga mo talaga kahit kailan, Zettiana. Paano ka makakapag-move on kung gagawin mo na lang ang pinakamalaking painting na ginawa mo sa buong buhay mo, lahat naman ng detalye nito ay nagsusumigaw ng Tonton Lizares? Ang tanga mo talaga, Zettiana Aelexandrae! Destined ka na nga yatang maging tanga.

Huminga akong malalim at hinayaang mamangha ang magkapatid sa finish product ko. Tinawag pa nga ni Aki si Mama dahil sa sobrang excitement.

Kaniya-kaniya silang komento ng pagkamangha sa nagawa kong painting. Lahat sila pinuri ang nagawa ko. 'Di ko nga rin naisip na makakagawa ako ng ganitong klaseng painting sa buong buhay ko. Ang naging inspirasyon lang naman ng painting na ito ay ang sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Tonton sa akin noon at sa nalamang patay na ang Papa ko.

There are times when I'm alone and I'm painting this one, umiiyak ako. Hinahayaan ko lang ang sarili kong ipatak ang mga luha habang ini-stroke ang paintbrush sa canvas. Nagpi-pray na sana ay mawala na itong sakit na nararamdaman ko nang nagdaang panahon.

Ibinuhos ko ang pawis, luha, at dugo ko sa paggawa ng painting na ito.

Pinakinggan ko ang kaniya-kaniyang kuro-kuro nila sa mga napapansing details sa painting. Pero hindi muna ako nakisabay sa pag-uusap nila. Nakikinig lang ako at nanatiling tahimik, nakatitig lang sa dalawang taong nakaupo sa kaha ng isang pick-up car at nakatingin sa panggabing tanawin na nakikita nila sa paligid.

Gabi ang setting ng painting kaya masiyado itong dark tingnan ngayon. Kung hindi lang dahil sa kulay ng buwan at nagniningning na ilaw galing sa ciudad na kanilang tinitingnan, hindi pa magkakaroon ng kulay ang painting na ito.

"So… what's the message of this painting?" tanong ni Aki sa akin matapos ang pagsipat ng tingin sa kabuuan ng painting.

Patuloy pa rin ako sa pagtitig sa dalawang taong nakatalikod at nakaupo sa kaha ng pick-up car. Faded ang figure ng babae at super clear naman ang presence ng lalaki. I'm implying that the girl is gone but the presence of her existence is still present in that boy's perception.

Iba't-iba ang meaning ng figure na iyon. It's either patay na ang babae at spirit na lang niya ang katabi ng lalaking iyan or that girl and the boy broke up but the feelings is still there. Depende sa interpretasyon mo.

"Hey, Zettiana, I'm asking you… yohooo!"

Napaahon ako ng balikat nang makita ang nagki-click na daliri ni Aki sa mismong harapan ko. Ngumiti ako sa kaniya at pilit inaalala ang naging tanong niya.

"Wala," simpleng sagot ko.

"What's wala?"

"Walang meaning 'yan. Trip ko lang ipinta," kibit-balikat na sagot ko.

"What? What the hell. What is your trip in life?"

Tinawanan namin ang naging reaksiyon ni Aki sa isinagot ko sa tanong niya kanina.

Naramdaman ko bigla ang yakap ni Mama mula sa aking likuran. "Ang galing mo, anak," malambing na sabi niya.

Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa leegan ko at napangiti na lang habang nakatingin sa painting. "Salamat, Ma."

Marami pa akong ginawang painting matapos kong tapusin ang malaking painting na iyon. Pero mga regular size canvas na lang ang ginagamit ko. Minsan naman ay 'yong malaking portrait na puwedeng isabit sa dingding ng malalaking hall. The painting I first made here in Canada still hang on the scaffolding inside my room. Hinayaan ko na muna 'yan d'yan kasi wala pang budget para ipa-frame talaga. Saka na lang kapag nagka-trabaho na.

Salitan lang ako sa pagpipinta at pag-aayos ng buong kuwarto ko. Minsan pinipintahan ko na lang ang wall ng kuwarto ko kapag na-bore ako kaka-pinta sa canvas. May nagawa na rin naman akong blue print ng magiging interior design ng buong kuwarto ko. Underrated architect lang ako at hindi pa talaga officially an architect kung pagbabasehan ang standards ng Pilipinas. Kaya uunahin ko muna itong sarili kong kuwarto na gawan ng magic before akong makapag-trabaho sa iba.

At siyempre, tumutulong din naman ako sa buong bahay. Naglilinis din naman ako pero dahil siguro sa klima rito sa Canada o talagang iba lang talaga ang hangin dito, hindi na naman masiyado kailangan ng linis kasi hindi naman madaling marumihan ang buong bahay. Para bang pati ang alikabok, talagang sa Pilipinas lang makikita. Unti-unti na rin akong natutong magluto ng kung ano-anong putahe para sooner or later o kapag bigla akong atakehin ng gutom, marunong na akong magluto ng sarili kong pagkain.

Time management lang ang ginagawa ko sa buong araw. May schedule ako, kumbaga. Minsan nga nagagawa ko pang sabayan si Akihira sa mga galang ginagawa niya kung saan-saan.

Makalipas ang ilang buwan, nagbago na rin ang taon, wala pa ring available job offer na puwede sa akin. Kating-kati na akong magtrabaho para may sarili na akong pera pero Mama always, I mean always talaga, na pinipigilan ako. Consistent pa ang pagbili ng art materials at inudyukan pa akong gumawa ng marami pang painting. As if namang hindi pa ito enough. Puwede na nga akong makapagpagawa ng sariling museum para sa mga nagawa kong painting. Mas marami pa ang nagawa kong painting kaysa blue print.

Kasalukuyan akong nagpi-pinta. Isa ito sa products ng overflowing ideas ko.

Pinili kong sa labas ng bahay mag-pinta para kahit papaano ay maging maganda ang nasa paligid ko at masapian ako ng pagkamaaliwalas nito, at para maging aliwalas ang art na ginagawa ko.

Pero kahit anong gawin ko, nandidilim talaga ang paningin ko. For me, dark is my happy color now.

"Ang dark naman n'yan." Panandalian akong napatingin kay Tita Leceria nang lapitan niya ako rito sa puwesto ko at pinagmamasdan ang ginagawa kong pagpipinta. "Napapansin ko lang sa paintings mo, lahat sila ang didilim, ang dark ng ambiance, ang dark ng dating. Wala bang mas lighter n'yan?"

Muli akong napalingon kay Tita Leceria. Ibinaba ko na rin ang bitbit kong paintbrush at palette sa katabing maliit na lamesa.

"Sandali lang po, Tita," pagpaalam ko sa kaniya.

Hinayaan niya naman ako. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretsong kusina. May kinuha lang.

Agad din naman akong bumalik. Lumingon pa si Tita Leceria sa akin at pinagmasdan pa ako. Ang akala siguro niya ay kumuha ako ng pintura sa loob.

"Ito po lighter, Tita. Gusto n'yo po ng lighter 'di ba?" iniabot ko sa kaniya ang kinuha kong lighter mula sa kusina with a serious face.

Kitang-kita ko ang pagkagulat at pagka-confuse sa mukha ni Tita Leceria dahil sa inabot ko. It was then my cue para matawa. Natawa na rin siya.

"Ikaw bata ka, mana ka talaga sa Mama mo."

Nagkibit-balikat na lang ako nang natatawa pa rin at muling kinuha ang palette at paintbrush para makapagpatuloy. Patapos na rin naman ako.

"Mas gusto ko po kasi ang mga dark themed sceneries, Tita. Baka soon, kapag nakuha na ang tamang timpla ng mga light colors, baka po subukan ko."

"Learning is a process. Learn to go with the flow. Tama nga naman ang gagawin mong 'yan."

Kasi hangga't hindi pa naghihilom ang puso kong sugatan at winarak, hindi ko magagawang magpinta ng mga masasayang tanawin.

"Zettianaaaaa! I have a good news for you!"

Napatigil ang pag-uusap namin ni Tita Leceria dahil sa sigaw ni Aki. Kabababa pa lang niya sa kotse niya at hindi pa nga maayos ang pagkaka-park nito nang magsisisigaw siya. Nakataas pa ang dalawang kamay niya at patakbo pa siyang lumapit sa amin ng Tita niya.

"Hi, Tita!" madalian niyang binati ang Tita niya. Isang madaliang yakap at halik sa pisnge lang ang ginawa niya dahil agad niyang ibinigay sa akin ang atensiyon niya.

Hingal na hingal siya at nakalagay na sa isang balikat ko ang kamay niyang may hawak ng cell phone.

"Bakit? Anong nangyayari sa 'yo?" napangiwi kong sabi. Daig niya pa hinabol ni kamatayan sa estado niya ngayon.

Pinakalma muna niya ang sarili niya, inayos ang paghinga at ang pagtayo, bago malawak na ngumiti sa akin.

"You know Mr. Julian Cox? The chief curator of The Art Gallery of Ontario?"

"Y-Yeah? Why?" medyo confuse pang tanong ko, tuluyan nang naibaba ang hawak.

"He noticed your artworks! And he will be pleased if he could see it personally! Remember the Instagram account we made? The Zee Mondejar? He noticed it, bruha! And he loves it! He actually wants to meet you!"

Pinaghalong kaba at excitement ang naramdaman ko mula sa sinabi ni Aki. Napatingin pa ako kay Tita Leceria dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Tuwang-tuwa ang lahat. And that became the gateway of how I explored the world of art. Kinausap ako ng mga respetadong tao sa larangan ng arts dito sa Toronto. I've met alot of people, by the way. My works were displayed in AGO. Pati 'yong pinakamalaking painting na nagawa ko sa buhay ko, nagkaroon na rin ng frame at ngayon ay nakalagay na rin sa AGO. They understand and they like my vision towards art kaya nila napansin ang mga gawa ko. Doors opened. Ang daming opportunities ang bigla kong nakasalubong sa daan.

I joined the Toronto Arts Council. Naging daan ang council na iyon para maka-join ako sa iba't-ibang seminars and other conference in accordance with arts. Mas marami akong natutunan, mas lalo kong naintindihan ang mundo ng pagpipinta at ang art. Hindi ko na p-in-ursue ang Architecture kasi mas gusto ko na ngayon ang mundong ginagalawan ko.

For years, I was able to meet a lot of different people. Went to different places for the sake of art. Joined different kinds of seminars and conference for the improvement of my skills and talents. I even won an award for my works, different kinds of awards, and even nominations. I also commissioned some work for an art. I have a mural painting pa nga sa street ng Toronto. Kasama naman namin ang ibang artists but I was given a whole building to paint to. It took me months before I could finish that. Pero dahil siguro sa nagustuhan ko ang paggawa no'ng malaking painting na unang ginawa ko, mas gusto ko na 'yong malaking canvas kaysa sa mga regular size lang. Feeling ko kasi, mas nailalabas ko ang totoong ako kapag malawak ang napipintahan ko.

My family were even supportive as ever kung saan-saan man ako nakarating. Never heard my Mama complained about me focusing on this art than to have a professional job. Mas comfortable na ako sa freelancing life ko. I can't imagine myself anymore working my ass off in an office from eight to five, or being in a corporate world. Mas gusto ko ito, hawak ko ang oras ko.

My whole life, for the past five years, ay umikot lang sa pagpipinta. Hindi ako magsasawang gawin ito kahit sabihin pa ng iba na wala raw akong mararating sa pagpipinta kasi hindi raw ako mabubuhay nito. Pero ano ba kayo, pinapa-aral ko na nga si Riette sa Pilipinas dahil sa nakukuha kong pera sa pagpipinta.

It took me far. It maybe not the farthest for you, but for me, it is. Masaya na ako sa ganitong buhay. Less complicated. Kapag nagkamali, papinta-pinta lang, ganoon.

Marami na ring nagbago sa buhay ko simula noong pasukin ko ang mundong ito. But there is something that remained constant up to now.

"Your paintings already arrived in Manila. Idi-display na raw nila ito sa venue ng exhibit any sooner. Maybe it's time to pack your things?"

Bumuga ako ng marahang hangin. Kahit February na, ramdam na ramdam pa rin ang lamig dito sa Canada. I even saw some smoke coming from my mouth when I exhaled. Ganoon pa rin kalamig dito.

Lumingon ako kay Aki at ngumiti. "Sige, I'll pack my things. Sasama ba sina Mama pauwi?"

"Aba siyempre. Ayaw daw nila ma-miss ang unang exhibit na gagawin mo sa Pilipinas."

Napangiti ako sa sinabi ni Aki at tinapik na rin ang balikat niya. "Sige, aayusin ko lang ang mga gamit ko."

The only thing that remained constant even after five years is my never dying feelings for the last guy who captured my heart, who felt me everything, the reason I dedicated my whole spirit in painting, and the sole subject of my paintings. My favorite subject... who is now married.

~