webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · perkotaan
Peringkat tidak cukup
107 Chs

Chapter 96- The Lock down

LUNES. 

Unang araw ng misyon ni Gian.

Habang nagbabayahe patungong Pagadian si Gian ay hindi niya mapigilan ang isang matamis na ngiti.

Nakakahiya man pero kinikilig pa rin siya sa tuwing naiisip ang matamis na reply ng pinakamamahal na si Ellah.

Simpleng pangungumusta lang naman ang kanyang mensahe akalain ba niyang iba ang isasagot nito.

Napatalon siyang bigla sa tuwa.

Ngunit nang tawagan niya ay hindi naman ma contact na.

Hinayaan niya na lang at bibisitahin na lang mamaya.

Ang mahalaga ay mauna ang misyon.

Ngayong haharapin niya ang hepe ng Pagadian City ay hindi niya kailangang magpanggap bilang Rage Acuesta kaya ang porma niya ngayon ay isang Gian Villareal.

Black hair, white fit shirt with blue leather jacket, blue jeans and black rubber shoes.

May kaunting pagkakaiba gaya ng naka brush up ang hair style at may eyeglasses pa rin.

Hindi maaaring ibalik niya ng tuluyan ang tunay na siya dahil wanted pa.

Anumang oras ay posible siyang isuplong kapag may nakakakilala.

Papalabas siya ng siyudad nang mapansin ang ilang check point.

Nagkaroon ng traffic dahil doon.

Nang kanyang silipin ay nakita niyang mga kasundaluhan ang naroon. Naka face mask ang mga ito at may idinidikit sa noo ng motorista.

Alam niya kung ano 'yon.

Thermometer guns na ginagamit pang check sa temperatura ng tao kung may lagnat o wala dahil sa kumakalat na salot sa buong mundo.

Ngunit sa Luzon lamang 'yon noon.

Alam naman niyang may banta sa bansa dahil sa kumakalat na sakuna ngunit hindi niya inakalang maaapektuhan na rin sila.

'Mayroon na ba dito?'

Binuksan niya ang bintana at kinausap ang naka motor na lalake.

"Brad, anong meron?"

"Lock down daw sir."

Natigilan siya. 

Ibig sabihin mayroon na nga!

"Sige salamat."

Narinig niya ang pagmumura ng magkakatabing tatlong lalaking naka motorsiklo.

"Conyo bonana bos el lock down gale?"

"Kosa kel? Lock down?" saad ng isa pang lalakeng nakakunot ang noo.

"Piduma mig lock down ngon na bayo virus dine?" saad ng isa pa, subano naman ito. 

Kahit papaano ay nakakaintindi na siya ng mga lingwahe ng mga ito.

"Ngon na bayo virus," sagot niya na ikinalingon nito.

"Mutod bayo leh," tugon naman nito.

"Ay piste pud ning lock down na oy! Di ta kalaag!" anang isa pa na bisaya naman.

Nagagalit ang mga ito gayong para naman sa kaligtasan ng lahat.

Mga walang malasakit sa bayan!

Napansin niya ring wala ni isa ang naka mask sa mga motorista at ganoon din siya.

Nang bigla siyang may napagtanto.

"Tangina!" 

Wanted nga pala siya!

Kumabog ang kanyang dibdib nang mahagip siya ng tingin ng isa sa mga sundalo.

Isinara niya ang bintana at iniatras ang sasakyan.

Wala siyang maskara kaya't makikita ng mga ito ang kanyang mukha!

Kapag hindi siya nakaalis dito mahuhuli siya!

"Tangina talaga!"

Mahaba pa ng kaunti ang pila bago makarating sa kanya.

Naghanap siya ng kahit anong maipantakip sa mukha.

Nang makita ang isang shades ay mabilis niya 'yong isinuot at kinapa ang bulsa ng pantalon, mabuti na lang may panyo siyang dala, kulay puti ito.

Mabilis niya itong itinakip sa kabuuan ng mukha at itinali sa likuran, tanging mga mata lamang ang hindi niya tinakpan na may salamin naman.

Kahit paano kampante na siyang hindi na makikilala.

Nakakatawang isipin na hindi siya nagtakip dahil sa virus kung hindi dahil isa siyang wanted.

Nilingon niya ang likuran at nakita ang maraming nakasunod sa kanya.

Natapos ang kanyang sinusundan.

"Shit, wala ng atrasan 'to."

Pinaarangkada niya ang sasakyan at tumapat sa sundalong may hawak na thermometer gun.

Binuksan niya ang bintana.

"Sir, duol lang gamay palihog."

Lumapit siya ng bahagya at mabilis siya nitong kinuhanan ng temperatura gamit ang aparatong hawak, pagkatapos nitong tingnan ay tinanguan na siya.

"Okay na sir."

Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag at tinanggal ang takip sa mukha.

Ayos pala itong maskara double purpose.

Makaka pagbyahe pa rin naman pala kahit may lock down.

Hindi na siya makakapaghintay  makakausap ang hepe ng personal dahil ito, siguradong tutulong.

Eksaktong nakalayo na siya nang tumunog ang cellphone.

Tumatawag si Vince.

"Pare?"

"Pare may bad news naka lock down kami! Kayo ba diyan?"

"Ha? Sa inyo rin! " tigagal niyang turan sabay preno.

"Ngayon lang inanunsyo ng mayor eh. Hindi ka pwedeng pumunta rito. Hindi ka makakalusot pare. "

"Tangina naman! Paano 'yan? Nasaan ka ba?"

"Nasa Pagadian din ako pare, kausapin mo na lang kaya si hepe?"

"Importante na magkita kami sa personal!"

"Iyon na nga eh, kaya lang buong Zamboanga Peninsula pala ang lock down. Akala ko kami lang."

Nagtiim ang kanyang bagang at nagpaalam sa kaibigan.

Tinawagan niya si don Jaime.

"Gian mabuti tumawag ka may problema tayo. "

"Naka lock down daw ho lahat don Jaime?"

"Oo, kaninang umaga lang ibinalita."

"Wala ho ba tayong magagawa diyan?

Paano ang misyon? Isang linggo na lang. Hindi niyo ba pwedeng kausapin ang mayor?"

"Sige, sige pakikiusapan ko baka sakaling pumayag."

"Sige ho maraming salamat."

Pagkuwan ay huminga siya ng malalim.

Tila nawalan ng gana ang binata sa nangyari.

Mukhang magiging hadlang pa ang lock down na ito sa kanyang plano.

---

"Mayor, alam mong inaasahan kong tutulong ka pa rin sa akin kaya anong sinasabi mong hindi mo ako mapagbibigyan?"

Kaharap ni don Jaime ang mayor ng bayan sa loob ng opisina nito.

Inilahad na niya ang plano sa pagpapabagsak sa kalaban ngunit tumatanggi ito.

"Don Jaime, nakahanda akong gawin ang lahat pero ngayong may banta sa bansa, hindi ko maaaring ipagwalang bahala ang panukala ng batas."

Tinitigan niya ang kausap. "Wala ka na bang magagawa?

Delavega ang sangkot dito mayor hindi sa kung sino lang?"

"Don Jaime, may ibang mas mahalagang kinakaharap ang kapulisan natin sa ngayon, mas matinding laban kung ikumpara sa mga Delavega."

Nakaramdam ng galit ang don.

"Ibig mo bang sabihin hindi na mahalaga sa inyo ang kapakanan ng bayan tungkol sa terorismo?

Paano kung magtagumpay sila?"

Hindi nakaimik ang kausap.

"Hindi mo ba naisip mayor na ang mga nangyayari ngayon ay posibleng pakana ng terorismo?"

Napaupo nang tuwid ang mayor.

"Pag-iisipan ko. Hindi madali ang hinihiling mo don Jaime."

"Hindi ako humihiling mayor, responsibilidad mo ito bilang alkalde ng bayan!"

Bumuga ito ng hangin. "Pag-iisipan ko."

"Kung wala kang maitutulong pwes hindi kita pipilitin pero itong tandaan mo mayor," hinarap niya ang opisyal.

"Ang ginagawa ng mga Delavega ay isa ring banta sa bansa."

Tuluyan na siyang tumalikod at lumabas ng City hall.

Napapailing ang don at hindi makapaniwala na tinanggihan siya ng opisyal ng bayan at hayaan ang terorismo na lumaganap sa bansa!

Pagdating sa labas ay naging abala na ang don sa pagsagot ng mga tawag sa mga negosyong kinasasangkutan.

"Yes Mr. Rodriguez?" tugon niya sa tawag ng Presidente ng isa sa kumpanya kung saan isa siya sa pinakamalaking share holder.

"Don Jaime, I'm sorry to say this but we will stop the operation due to this lock down."

"It's fine. Naiintindihan ko."

"Salamat."

Sunod-sunod na ang tawag ng iba pang kumpanya at lahat ay humihingi ng dispensa at opinyon niya.

Nang matapos ay siya naman ang tumawag kay Gian. 

"Don Jaime?"

"Gian, pasensiya na pero walang magagawa ang mayor, kinausap ko na siya."

"Naiintindihan ko ho."

"Anong plano mo?"

"Haharapin ko 'to mag-isa."

"Gian delikado ang iniiisip mo!"

"Nga pala anong plano niyo sa kumpanya?"

Huminga siya ng malalim. "Isasara ko muna."

"Don Jaime, kailangang malaman ni Ellah ang plano ninyo, higit kanino man, dapat siya ang unang makakaalam."

"Sasabihin ko naman sa kanya."

"May naisip akong paraan kung paano kayo makakabawi sa inyong apo. "

"Talaga? Paano?"

"Alam nating noon pa man palagi na lang niyang pinapatunayan ang kakayahan sa pamamahala, hindi kaya panahon na para magtagumpay siya? Ibigay ninyo ang inyong tiwala don Jaime. "

Unti-unti siyang napangiti.

"I get your point Gian, salamat."

"Maraming salamat din po."

---

Kasalukuyang tinitingnan ni Ellah ang kabuuan ng sahod ng mga tauhan na pinakwenta niya sa accountant.

Nang kukunin niya ang calculator ay nahagip ng kanyang mga mata ang katabing cellphone sa ibabaw ng mesa.

Muli na namang niyang naalala ang nangyari kagabi.

"Argh!" inis niyang sinapo  ang noo.

"Bakit ba kasi 'yon pa ang na type ko? Nakakahiya!"

Mas lalong sumama ang kanyang mukha nang maisip kung sino ang dapat sisihin. Kung hindi naman panay daldal ng nobyo ay hindi naman niya maisusulat 'yon.

"Nakakainis!" 

Pinilit niyang ikalma ang sarili at bumuga ng hangin.

Pinindot niya ang intercom sa ibabaw ng mesa.

"Jen, magpatawag ka ng managerial meeting."

"Yes Ms."

Nahimas niya ang sintido.

Kanina nang inanunsiyo ang lock down ay nagpanic na ang lahat.

Matagal na nilang alam ang tungkol sa sakuna at ang nangyayari sa parteng Luzon ngunit hindi niya inakalang maaapektuhan din sila ng lock down na ito.

Ngayon niya kailangang mag-isip ng mabuti para sa kapakanan ng lahat.

Kapag nagsara ang kumpanya ano ng mangyayari sa mga empleyado?

Tumunog ang kanyang cellphone.

Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip na baka si Gian ang tumatawag.

Nahimasmasan lang siya nang hindi ito.

"Yes Raven?" 

"Babe, we're on lock down how are you?" nag-aalalang tanong nito.

"I'm fine, you?" 

"I'm not, worried ako, punta ako diyan mamaya for lunch."

"Lock down nga, hindi naman tayo nasa iisang lugar lang."

"Mamayang gabi na lang ako pupunta."

"Raven, huwag muna sa ngayon please, marami akong aasikasuhin."

"Okay sige, next time, I love you." 

"I love you too," tugon niya saka pa lang nito pinatay ang linya.

Ang totoo ayaw na niyang pupunta pa ito ng bahay niya dahil sa nangyari kahapon.

Kasalukuyan siyang nagbabasa nang bumukas ang pinto at iluwa ang isa sa mga taong ayaw niyang makita.

Umayos siya ng pagkakaupo. "What is it chairman?" pormal niyang tanong.

"Isasara natin ang kumpanya pansamantala."

Inaasahan na niya 'yon ganoon din ang plano niya.

"Magkakaroon ng meeting ng mga direktor ngayon." 

"May meeting ako with the managerial."

"Board of directors ang pinatawag ko."

Hindi na lang siya umimik.

"Naka lock down na tayo, hindi ka pa ba babalik sa mansyon?"

Deretso ang kanyang tingin sa dokumento. "Hindi."

"Umuwi ka sa bahay, paano kung magsara ang lugar ninyo? Anong mangyayari sa'yo?"

"Nagpunta lang ba kayo rito para pauwiin ako?" tanong niyang ni hindi ito hinaharap. "Hindi ako uuwi."

"Wala na sa bahay si Isabel."

Napalingon siya rito, nakayuko ang don habang hawak ang baston.

Nakaramdam siya ng saya kahit paano.

"Mabuti, nasaan ang ama?"

"Nasa bahay pa."

"Ano bang ginagawa ninyo sa tao? Kung hindi niyo papatayin ay pakawalan niyo na," matigas niyang wika.

"Hindi ko pwedeng gawin. Wala na tayong magiging alas laban sa babaeng 'yon baka ipagkanulo niya si Gian mapapahamak ang tao, pati tayo."

Natahimik siya at muling itinuon ang tingin sa papeles.

'Gian na naman! Gian na lang ng Gian!'

Mas lalo siyang naiirita dahil sa tuwing marinig ang pangalan nito ay kumakabog ang dibdib niya.

"Sinunod ko ang gusto mo, pinalayas ko na si Isabel, ano pa ba ang gusto mong mangyari?"

Wala naman talaga siya gustong mangyari, ayaw lang niya talaga.

"Para saan ang meeting?"

"Tungkol sa lock down."

Bumukas ang pinto at sabay silang napatingin doon.

"Chairman, President, handa na po ang meeting."

Walang imik siyang tumayo bitbit ang papeles ganoon din ang abuelo at dumeretso sa conference room.

Sa loob ng silid ay naroon ang mga nakaupong opisyal at halatang hinihintay ang pagdating ng Chairman.

Nakahanda ang lahat, may  mga papel, ballpen at pilot pen sa ibabaw ng mesa at may bottled mineral water pa ang bawat isa.

Ganito naman palagi ang set-up ng silid kapag may meeting sa mga direktor.

Nang makita sila ay nagsitayo ang mga ito at bumati.

"Have a sit please," ani don Jaime at umupo sa unahang upuan kung saan kaharap nito ang lahat.

Siya naman ay umupo sa kanang tabi nito. Nasa kaliwa ang bise presidente na nakatuon ang tingin sa papeles na hawak.

Tumayo ang Chairman.

"Ladies and gentlemen, gusto kong magpasalamat sa inyong pagdalo para sa pagtitipong ito."

Inilibot ng don ang tingin sa mga opisyal.

"Ipinatawag ko kayong lahat upang pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa sitwasyong ito. Naka lock down tayo, at hindi natin alam kung hanggang kailan ito matatapos."

Umugong ang bulungan hanggang sa may isang opisyal na nagsalita.

"Chairman may I speak?"

"Yes director Santiago."

"May sahod pa ba Chairman?"

Tumikhim ang bise presidente.

"Iyon ang pag-uusapan natin."

"Mr. Chairman may I speak?" 

Lumipad ang kanyang tingin sa bise presidente.

"Yes Vice President Sanchez."

"Thank you Chairman." Inayos nito ang mikropono sa ibabaw ng mesa at inilapit sa bibig.

"Ladies and Gentlemen, think about this.

Kung magpapasahod tayo sa mga panahong walang trabaho malaki ang malulugi sa kumpanya, paano na lang sa ating pagbalik? Puro tayo utang."

Natahimik ang lahat at umayos siya ng upo.

Hindi niya nagugustuhan ang takbo ng usapan.

Tumikhim si don Jaime kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat.

"Kaya ang layoff na may sahod ngunit hanggang isang buwan lamang," dagdag pa nito.

Nagkatinginan ang mga ito at bakas ang takot at pag-alala sa anyo ng karamihan.

Siya naman ay nanatiling tahimik lamang.

"What can you say President?"

Umangat ang kanyang tingin sa abuelo na nakatingin sa kanya.

Lahat ng mga narooon ay sa kanya na nakatingin ngayon.

Lumapit siya sa mikropono.

"Hindi ako sang-ayon," tugon niya na ikinaugong ng bulungan. 

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Ang pinag-uusapan natin ay hindi lang para sa inyong mga opisyal ng kumpanya. Kasama na rin dito ang mga empleyadong libo-libo."

"Anong ibig mong iparating President?" ang bise presidente na nakakunot ang noo.

Itinaas niya ang papel na hawak.

"Nagpagawa ako ng computation ng layoff for the next three months ng mga empleyado para may tatanggapin pa rin rough estimation lang base sa pinakaminimum monthly salary."

Tumahimik ang lahat.

"Mayroon tayong one thousand two hundred employees.

Sa loob ng tatlong buwang walang trabaho ay aabot ng mahigit isang daang milyon ang gagastusin."

"Ang laki niyan!" sigaw ng bise presidente sabay tayo.

Humagkis ang kanyang tingin sa lalake.

"Anong ikinalaki sa tig trental mil ang isang buwan? Mr. Sanchez, ikaw ba tatanggap ng ganyan?" 

Napaupo ito ng dahan-dahan at uminom ng tubig.

"Tig trenta mil bawat isa?" tanong ng isa sa opisyal.

"Iyon ang plano. Ngayon, kung hindi kayo sang-ayon na puro tig trenta mil lahat may isa pang option."

"What is it President?" ang isa mga direktor ang nagsalita.

Inilibot niya ang tingin sa mga ito.

"Hindi kayo kasali sa kwentada ng sahod sa tig trenta mil 'yon nga lang halos aabot ng dalawang daang milyon ang gagastusin."

"Iyan na lang para pantay," anang isa sa mga ito.

Ibinaling niya ang tingin sa Chairman na nag-oobserba lamang.

"In that case, let the Chairman decides."

Bumaling ang tingin ng lahat dito.

"Alright Two hundred Million."

Namangha ang lahat at napasinghap, siya man ay napangiti.

Nang biglang may nagsalita.

"Mr. Chairman, I suggest huwag i lay off ang official, ang mga may mababang posisyon lang," anang bise presidente.

Nanlaki ang kanyang mga mata at uminit ang dugo sa narinig.

Lumipad ang kanyang tingin dito.

Sa sobrang dami ng mga ito ay siguradong hindi kakayanin ng kumpanya.

"Sinasabi mo bang tuloy-tuloy lang ang sahod ninyo?"

"Yes chairman, I mean, kailangan kami ng kumpanya, we are officials after all."

Hindi na siya nakatiis at tumayo sabay duro dito.

"Mr. Sanchez! Akala ko ba nalalakihan ka sa gastos at concerned kang masyado sa kumpanya bakit ngayon hindi mo naiisip kung gaano ka laki ang gagastusin sa tuloy-tuloy na sahod ninyo?"

Tumikhim ito. "Ms. Lopez, concern ako sa kumpanya, kapag lahat kami ini lay off paano na ang kumpanya?"

Iminuwestra nito ang kamay sa lahat.  "Mawawalan sila ng gana kapag nangyari 'yon."

Tumiim ang kanyang tingin sa lahat.

"Ang sinabi ng Chairman ang masusunod. Wala tayong kita sa loob ng mga panahong 'yon, kaya huwag tayong maghangad ng labis kung talagang may malasakit kayo sa kumpanya," matigas niyang tugon.

"Baka nakalimutan mong malaki sana ang kikitain natin kung sinunod mo ang sinabi kong fifty percent dagdag sa BGC plant. O ngayon kunti dahil ginawa mong sampung poryento!"

Kumunot ang kanyang noo at nairita dahil wala namang kinalaman ang kanyang desisyon noon sa nangyayari ngayon.

Ang chairman ang sumagot. "William, sinabi mo na 'yan sa akin noon at pumayag ako. Kung sinisisi mo ang presidente sinisisi mo rin ako."

Bigla itong natahimik.

"Tama lang ang ginawa ng Presidente.

Ang kumpanyang ito ay hindi lang naghahangad ng salapi. Nandito tayo upang makatulong sa mga walang trabaho. Ngayong kung papatayin mo rin naman sila sa trabaho para sa singkwenta porsyentong dagdag ay mabuti pang huwag mo na lang silang kunin."

Humagkis ang tingin ng don sa lahat.

"Ang sino man ang may ganyang klaseng pag-iisip ay hindi nararapat sa aking kumpanya."

Doon na siya napatingin sa abuelo. 

"Tandaan ninyo, na ang mga tauhan ang siyang buhay ng kumpanya. Kung wala sila wala rin tayo." Sumulyap ang abuelo sa kanya, mabilis siyang yumuko.

"Ang mga gaya ng Presidente mag-isip ay siyang karapat-dapat mamahala sa kumpanya."

Nagkatinginan ang lahat.

Tumayo ang chairman. "Makinig ang lahat! Mula sa araw na ito, ang acting president ay tunay ng magiging Presidente ng kumpanyang ito!"

Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin muli sa abuelo.

Umugong ang bulungan.

"Pero Mr. Chairman-"

"Ang sinumang..." putol ng chairman sa bise presidente. "Tutol sa aking pasya ay malayang umalis sa kumpanya. " 

Katahimikan.

Abot-abot ang kaba at galak na nararamdaman ng dalaga.

'Ito na ba ang pagkakataong pinakahihintay ko? Ito na ba ang panahong mapapatunayan ko na sa lahat ang kakayahan ko?'

"Chairman, bakit hindi natin idaan sa tamang proseso? Let us vote," mungkahi ng isa sa mga direktor.

"Sang-ayon ako," saad ng bise presidente.

"Kung 'yan ang gusto ninyo. Simulan ang botohan," pahayag ng don. 

Agad nagsulat ang mga ito sa papel na nasa tapat.

"Yes or no lang ang sagot."

Parang gusto niyang umiling, masyado itong biglaan at hindi niya napaghandaan.

Ito ang isa sa hindi niya nagugustuhan sa abuelo, kung magdesisyon ito agaran at hindi ipinagpapabukas.

Wala siyang nakahandang plano sa ngayon. Kung matatalo siya dahil 'yon sa abuelo!

Sa loob ng silid ay may tatlumpo't limang tao kabilang na siya. Kapag makapangalahati ay mananalo siya o majority vote.

"Itaas ninyo ang papel ng sabay," saad ng don na agad nilang sinunod.

Ipinikit niya ang mga mata. Ayaw niyang makita ang pagkabigo.

"Mula ngayon! Magkakaroon na tayo ng tunay na Presidente!"

Idinilat niya ang mga mata at nakitang limang tao lamang ang hindi pabor kabilang na ang bise presidente.

Binalingan siya ng abuelo sa pagkakataong ito ay hindi na niya iniwas ang tingin.

Ito ang kauna-unahan at kaisa-isang pumalakpak. Kitang-kita ang pagmamalaki ng abuelo sa kanya.

Sumalubong ang masigabong palakpakan.

Kinilabutan ang dalaga sa nasasaksihan. Pinapapalakpakan siya ng lahat!

Hindi pa rin siya makapaniwala na magiging tunay na nga siyang Presidente ng kumpanya!

"Congratulations President!" Kinamayan siya ng mga opisyal.

Tumatangong napapangiti ang dalaga habang nakikipagkamay.

Ngayon tunay na ngang siya ang hahawak sa kumpanya!

"Congratulations President!"

"Thank you."

---

Tatawagan sana ni Gian ang kalaban nang maunahan siya nito.

"Mr. Acuesta is your connection still ready?" pormal na bungad nito.

Umupo siya sa gilid ng kama sa loob ng silid ng tirahan dahil kararating niya lang.

Nagtiim ang kanyang bagang bago sumagot. "No," tugon niya.

"Putang ina namang lock down ito! Ano ng mangyayari sa shipment?"

"Kapag itinuloy mo 'yan mahuhuli ka, mas makakabuting hintayin ang pagtatapos ng-"

"That's bullshit!"

"I told you, I can't do something on this. Imposible 'yan dahil mas maghihigpit sila ngayon."

"Pwes gumawa ka ng paraan!"

"Tawagan kita ulit kapag may naisip na ako."

Pinatay nito ang linya nang hindi nagpapaalam.

Nagngitngit siya sa galit at inihagis ang cellphone sa upuan.

Napabuga ng hangin ang binata.

Kung walang tutulong sa kanya, haharapin niya ito mag-isa.

Tumunog ang kanyang cellphone.

Ito ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng negosyong nabili, ama ni Buloy.

"Mang Wilson?"

"Sir, may lock down anong gagawin natin?"

"Isara niyo muna maliban sa bangko."

"Sige ho sir, pero paano po ang sahod ng mga empleyado?"

"Tuloy 'yon walang magbabago."

"Maraming salamat ho sir!"

"Sabihin mo sa lahat ng hawak kong negosyo magsara muna pansamantala."

"Opo sir."

"Mang Wilson, ikaw na ang bahala sa lahat pinagkakatiwala ko ang lahat sa'yo."

"Walang problema sir."

"Salamat."

Ni minsan ay hindi pa niya nadalaw ang mga pinagbibiling kumpanya.

Mabuti na lang mapagkatiwalaan ang ama ng tauhan na kinuha niya ng binili ang palaisdaan.

Hindi siya masyadong nag-aalala sa mga tauhan dahil kaunti lang naman ang gagastusin doon dahil hindi pa naman tuluyang nakabawi ang mga palugi ng kumpanya.

Ang inaalala niya ngayon ay ang pamilya Villareal. Kahit paano ay nag-aalala siya kay don Manolo. Matanda na rin ito.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago lakas-loob na tinawagan ang abuelo.

Tatlong ring lang nang may sumagot sa kabilang linya.

"Gian hijo How are you? At last you remember me!" bakas ang galak sa tinig nito. "I miss you apo."

Napalunok siya. "Still fine lo, how about you?"

"I'm so worried because of this lock down, take care of your self hijo please?" 

"Yes, lo."

"Anyway why did you call?"

"Uh, nothing I just want to hear you-"

"Oh my boy! Thank you!"

Saglit siyang hindi nakapagsalita. 

"If you want to visit here I can fetch you with the chopper."

Kumunot ang kanyang noo sa narinig.

"Sundo? Pwede ho ba 'yon?"

"Yes! Why not? Hindi ka naman dadaan sa kalsada, deretso ka rito sa mansyon. I really miss you apo."

Napakurap siya sa biglaang napaisip.

"Lo, I have to go, salamat sa ideya."

"What? Ideya saan?"

"Take care too, lolo." 

Mabilis niyang pinatay ang tawag at binalikan ng tawag ang kalaban na agad nitong sinagot.

"Ano Acuesta may plano ka na?"

"Kung talagang gusto mong makapagpadala may naisip akong ibang paraan."

"Anong paraan?"

"Hindi ba may elikopter ka?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Use your own. Doon walang sabit, direct destination point to point. Huwag ka lang magtagal roon bumalik ka kaagad."

"Sinasabi mo bang mag-eelikopter na lang ako?"

"Gano'n na nga kaya namang magdala niyan ng-"

"Hijo de puta! Hindi ako gago para pumatol sa maliliit na transaksyon! Magpapadala ako ng paunti-unti sa mga 'yon? Iniinsulto mo ba ako!"

"May naisip ka bang ibang paraan? Sige nga Roman anong kaya mong gawin ngayong may problema ang buong mundo?"

"Huwag ng ituloy 'yang kagaguhang 'yan!"

Saglit siyang natahimik.

Kailangan niya ng matibay na ebidensiyang magpapatunay sa pinaplano ng terorismo.

Hindi sapat na droga lamang ang hawak, kailangang mawasak ang organisasyon ng mga ito.

"Roman think about it, kailangan mo rin ng sample dito para makita kung talagang epektibo ang ginawa nila.

Ikaw na mismo ang nagsabi bagong tuklas lamang ang gamot. Subukan mong magdala roon at magpadala rin sila dito gamit ang elikopter mo."

"Hindi na!"

"Roman pagpapatunay rin 'yon na talagang hindi ka niloloko ng kasamahan mo. Kapag may nakuha ka ibig sabihin hindi ka nila pinagkakaisahan.

Remember they are Chinese and you're not."

"Sinasabi mo bang pwede nila akong traydurin ha?" gigil na nitong saad.

"Kung hindi nila alam na hindi ka na napapabilang bilang isa sa pinakamaimpluwensiyang tao ay hindi mangyayari 'yon, pero paano kung malalaman nila?"

"Hayop na Jaime Lopez 'yon! Hindi ko ito mararanasan kung hindi sa kanya!"

"That's why I'm telling you, bring the evidence."

Natahimik ito.

"Don't worry Roman, I'll save your reputation if that happens. After all, I am in rank two."

"Okay, sige."

"Good," tugon niya bago unti-unting napangiti.

Malaki ang epekto ng kapangyarihan sa organisasyon kaya humina ito ngayon dahil hindi na pangalawa ang posisyon. Hindi na rin nito basta mahahawakan ang iba dahil wala ng kapangyarihan ang tanging mayroon ito ay kayamanan.

"Kapag nakarating ka na sa bansa sabihan mo ako agad."

"Kakausapin ko lang muna si mister Feng. Wala nga namang haharang sa himpapawid."

Pagkatapos makipag-usap ay huminga siya ng malalim at tinawagan ang pinsan.

"Hendrix kumusta?"

"Not good, naka lock down ikaw?"

"Change of plan tayo, hindi matutuloy ang shipment."

"Talaga? Paano ang Beijing?"

"Kaya bang galawin ng Interpol 'yan kahit may problema?"

"Hindi."

"Wala na tayong magagawa."

"At anong plano mo?"

"Papunta si Roman Delavega sa Beijing para kumuha ng produkto ipapaalam ko sa'yo kapag alam ko na kung saan ang grupo."

" Huwag ka kaya munang kumilos diyan? Ngayon pang hindi masyadong pinapahalagahan ng mga kapulisan ang mga ganyan dahil sa krisis ngayon."

Nagtiim ang kanyang bagang. 

Madaling sabihin ng kahit sino ang ganoon dahil hindi ang mga ito ang nakaranas ng muntik ng pagkamatay na wala man lang hustisya. Hindi ang mga ito ang nakakaranas ng pagtatago dahil sa  kawalan ng kapangyarihan ng batas.

"Hindi ko sila kailangan kung hindi sila tutulong.

Laban ko 'to, hindi ako mapipigilan ng kahit ano, malapit na akong magtagumpay."

"Gian! Huwag kang tanga! Paano naman kaming pamilya mo?"

Natahimik siya at tumalim ang tingin sa kawalan.

"Paano kung mapamahak ka? Alam mo ba kung ano ang mangyayari kay grandpa kapag may masamang mangyayari sa'yo ha!"

"Alam ko ang ginagawa ko Hendrix. Ito na ang tamang pagkakataong kay tagal kong hinintay. Ito na 'yon!"

Natahimik ang nasa kabilang linya.

"Bahala ka!"

"Kailangan pa rin kita Hendrix."

"Napakatigas ng ulo mo. Kapag napahamak ka huwag mo akong idamay!"

Initsa niya ang cellphone at ipinikit ang mga mata.

'Lalaban ako kahit hanggang kamatayan!'

Hindi magiging ganito katindi ang pagmamadali niya kung hindi lang nagulo ni Isabel ang kanyang plano.

---

Hindi mapakali si Isabel sa loob ng hotel dahil sa nalamang lock down.

Plano pa naman niyang pumunta na lamang sa sa ka grupo at doon humingi ng tulong.

Kaya lang paano siya makakapunta sa Pagadian gayong na trap siya sa Ipil.

Binuksan niya ang telebisyon upang makasagap ng panibagong balita.

Bumungad ang babaeng news caster.

"Samantala, kapapasok lang na balita. May nakakita umano sa  kasamahan ng tinaguriang most wanted noon na si Gian Villareal. Ayon sa saksi ay nakita niya  ang naturang babae sa isa  sa hotel ng Pagadian. Matatandaang ang dating PDEA agent na si Gian Villareal ay nakulong sa pagpatay sa-"

"Putchang ina!" 

Kahit kailan ay hindi siya nagpunta sa hotel ng Pagadian.

Tumalim ang kanyang tingin sa sariling larawan bilang kasamahan ni Gian!

Kuha ang larawang 'yon noong naglalakad siya papasok sa bangko upang ipasok doon ang perang bigay ng kalaban.

'Ibig sabihin pinasubaybayan talaga nila ako?'

"Ang sinumang makakita sa babaeng ito o sa mismong wanted na si Villareal ay mangyaring ipaalam kaagad sa stasyon ng kapulisan o sa himpilang ito-"

"Bwesit!" gigil niyang pinatay ang telebisyon at sumigaw. "Bwesit ka talaga Delavega!" 

Akala niya titigilan na siya ng mga ito dahil wala na siyang obligasyon. Ngunit nagkamali siya.

"Anong gagawin ko?"

Ngayon siya nagsisi na hindi pa isinama ang ama sa pag-alis sa poder ng mga Lopez.

Hindi naman niya ito ma contact.

Gusto niya sanang ipaalam kay Gian kaya lang alam niyang hindi na siya papanigan nito kahit kailan.

Ngayon siya na lang mag-isa at pinaghahanap pa ng batas!

Nagsisigaw sa pagwawala si Isabel sa loob ng tinitirhang apartment.

"DEMONYO KA TALAGA XANDER DELAVEGA!"

---

Humalakhak ang anak ni senior Roman habang nanonood sa telebisyon.

Siya naman ay abala sa kausap sa cellphone sa loob ng mansyon.

"Yes Mr. Feng, tomorrow I'll come. Thank you."

Pagkatapos makipag-usap sa kagrupo ay tinawagan niya ang anak ng kaibigan sa negosyo, ang mga Mondragon.

"Jeric, handa na ba ang planta?"

"Yes tito, kaya lang naka lock down po tayo."

"Ayos lang 'yan sa pagbabalik ko isasagawa na natin ang plano."

"Travel ban po paano kayo makakaalis?"

"Ako ng bahala roon, basta ihanda mo ang planta."

"Yes tito, I will."

Pagkuwan ay nahaplos niya ang baba.

Hindi pa rin siya mapakali sa naging usapan nila ni Acuesta.

"They are Chinese and you're not."

Paano kung traydurin siya ng mga intsik na 'yon?

Kaya magpapadala siyang kunti at sisiguraduhing may madadala pabalik.

Ang limang sakong droga ay kayang dalhin ng elikopter. Marami na rin ang magagawa noon dahil kung ititimpla ay aabot ng limang daang drum na inumin. Kailangang tama ang measurement ng ilalagay upang hindi ito maamoy ng iinom.

Wala itong lasa ngunit nakaka adik. Kaya kaunti lang ang ilalagay marami ng magagawa.

"Dad! Look at this!" sigaw ni Xander mula sa sala.

Kahit iritado ay lumabas siya ng silid.

"See dad!" galak na galak na saad ng anak.

Unti-unti rin siyang napangiti habang naririnig ang sinasabi ng news caster.

Plastada sa screen ang mukha ng dalawang pinaghahanap ng batas.

"Ang kung sino mang makakakita sa dalawang wanted na ito ay may matatanggap na pabuyang sampung milyon. Ipagbigay alam lamang sa kinauukulan o sa himpilang ito."

" Kahit naka lock down tayo may hihintayin tayong balita. Bukod pa sa mga awtoridad na mismo ang maghananap sa Villareal na 'yon."

"Magaling Xander!"

"Thanks dad."

"Bakit hindi mo na lang ipapatay ang Isabel na 'yan? Alam mo naman pala kung nasaan 'yan?" 

Umiling ito.

"Kailangan natin siya, siya ang magiging daan para lumitaw ang Villareal na 'yon, kung nagkikita talaga ang mga 'yan.

Malas lang ng babaeng 'yan umalis sa poder ng kalaban."

Mukhang may nagagawa ang kanyang anak sa panahong siya naman ang halos walang magawa.

Sumeryoso siya." Pupunta ako ng Beijing bukas. "

" Ha? Bakit? "

" Ako na mismo ang madadala ng gamot dito. "

" Pero dad naka lock down paano? "

"May elikopter tayo."

Napatango ito.

"Magaling dad, ako naman mag-aabang sa paglitaw ng kalaban. Pabor sa atin ang lock down na ito. Malaya tayong makakilos dahil ang mga mata ng awtoridad ay nasa pagligtas ng bansa laban sa sakuna."

"Pabor sa atin at sa pagtakbo ko sa senado. Kapag nagtagumpay tayo sa gamot na ito, umpisa na ng pagbabago sa bansa!"

"Hindi na ako makakapaghintay dad!" ngisi ng anak.

"Bukas. Bukas ang simula!"

Tumingala siya at itinaas ng bahagya ang mga kamay.

"Ito na ang simula ng pamumuno ko sa bansa! Ito na ang simula ng tunay na pagbabago!"

Naghalakhakan ang mag-ama.

Kumusta po kayong lahat?

Sorry po sa matagal na update. Nagkaroon po kasi ng kaso ng covid dito sa kalapit naming Brgy. Natakot po ako.

Pero heto at naka pag update pa rin.

Maraming salamat sa mga nagtatyagang maghintay.

Sana po ay magustuhan niyo ito.

I dedicate this chapter to "RaiQoe".

Thank you po sa inspiring na review at sa mga comment.

Nakaka inspire po na may nakakatabang puso na mga review.

Hope you like this dedication.

Keep safe every one.

Thank you.

Phine

Phinexxxcreators' thoughts