"AAAAHHH!"
Nagulantang si senior Roman sa narinig na sigaw ng anak na si Xander kasabay ng pagsipa nito sa upuang nasa harap.
Napalabas tuloy siya at isinama ito.
Maging ang ibang pasyente sa loob ng ospital na kanilang kinaroroonan ay lumayo rito sa takot.
Hinihintay nila sa loob ng opisina ng doktor ang resulta ng test nang bigla itong magwala.
"What the fuck Xander!" iritadong singhal niya pagdating sa labas.
"Ano bang nangyayari sa'yo! Ang aga-aga sumisigaw ka!"
Humagkis ang matalim nitong tingin sa kanya.
Mabuti na lang wala itong dalang baril kung nagkataon baka napatay na nito ang mga tao.
"Dad wala na ang tauhan natin! " marahas nitong wika.
"Sinong tauhan?"
"Ang espiya natin sa mga Lopez!" hysterical nitong sagot.
Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang nanlamig.
"Ang sinasabi mong tauhan mo na hindi ko kilala?"
"Yes dad. Magaling siya, dati siyang secret agent na tinanggal sa serbisyo dahil sa pambibintang. Pero ngayon, wala na siya. Pinatay siya dad! Pinatay siya!"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa naisip kasabay ng pagkabog ng dibdib.
"Ibig mong sabihin si Jaime ang pumatay? Alam na nilang may espiya tayo sa kanila? Nahuli na ba nila tayo?"
"Hindi. Alam ko na namatay si Julia na hindi umaamin. Nasa sinumpaan nila 'yon."
"Julia?"
Umupo ito sa bakanteng bench at tumabi siya.
Tila bigla itong nanghina.
Kumunot ang kanyang noo sa nakikita.
"Emely ang totoong pangalan niya.
Nagpanggap siyang katulong at magaling siya. Dahil sa kanya nakukuha natin ang mga plano ng mga Lopez. Pero pinatay siya.
May nakaalam at nahuli siya.
Pero ang ipinagtataka ko paano siya nahuli?
Sino ang nakahuli?"
Hindi rin siya makasagot.
"Espiya siya dad. Hindi basta-basta makakahuli ang ordinaryong tao lang gaya ni Jaime Lopez.
Siguradong may ibang gumawa nito."
"Sino?"
"Iyon ang malaking tanong. Hindi na natin malalaman dahil wala na si Julia."
"Paano mo nalamang wala na siya?"
May tiningnan sa cellphone si Xander.
"Nasa NEWS siya dad. Tingnan mo."
Nakita niya ang isang babaeng news caster doon at sa back ground nito ay isang tila bangkay ng babae.
"Natagpuang patay ang isang babaeng tadtad ng bala sa katawan kaninang alas sais ng hapon sa isang madilim na bangin dito sa Zamboanga City.
Kinilala ito sa pangalang Emely Cervantes.
Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagpatay..."
"Delikado tayo! Posibleng gumagawa na ng hakbang laban sa atin ang mga 'yon," mariing pahayag ni Xander.
"Putang-ina! Dapat na tayong maghanda. Baka bigla na lang tayong atakehin ng mga hayop na 'yon!"
"Anong plano mo ngayon?"
Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan.
Ngayong may ideya na ang kalaban sa ginagawa nila tagilid na sila.
"Maghanda sa lahat ng pagkakataon. At dapat maghanda na rin tayo sa pag-atake. Hindi lang dapat depensa, dapat opensa."
Nagtiim ang bagang ni Xander saka yumuko.
" Alam mo bang may sinabi si Julia sa akin bago siya mamatay, " malamig ngunit matigas na tugon ng anak.
Kumabog ang kanyang dibdib sa narinig.
"Ano 'yon?"
"Madalas niyang nakikita si Jaime na may kausap sa cellphone na palihim.
Minsan na rin daw nagpunta si Acuesta sa mansyon.
Naging parte rin ng kumpanya ng mga Lopez si Acuesta dahil nag-invest daw ito."
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
"Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi!"
"Dahil walang valid evidence na makakapag-ugnay kay Villareal sa ginagawa ni Lopez dad."
"Posible talagang 'yang Acuesta na 'yan ay ang Villareal na 'yon!
At ano nag-invest sa mga Lopez? Ang tarantado ginagago yata tayo ng Acuesta na 'yan!
Alam niyang mortal na kaaway gagawa siya ng katarantaduhan!"
"Tawagan mo dad at itigil ang sinasabi niyang kabaliwang pagsanib pwersa sa atin."
Muli siyang huminga ng malalim.
"Lalabas na ang resulta ng DNA sa ebidensiya, hintayin na lang natin."
"Paano kung positibo? Alam kong kay Villareal na talaga ang posas na hawak natin dad, sigurado ako roon.
Dahil kung niloloko na naman ako ng hepe na 'yon uubusin ko ang buong pamilya niya, at alam niya 'yon.
Hawak natin ang ebidensiya laban kay Acuesta. Tayo mismo ang nagdala kaya imposibleng hindi positibo. Kung positibo dad anong gagawin mo? "
Tumigas ang kanyang anyo sa narinig.
"Magbabago ang plano. Uunahin nating ilibing ang Villareal na 'yon bago si Jaime!"
Tumango ang anak. "May nakalimutan ka,"
tumalim ang tingin nito sa kawalan.
"Ang pakialamero niyang kaibigan at ang mahal niyang kasintahan."
"Hindi ko nakakalimutan ang dalawang 'yon.
Mga tinik sa paa ang mga 'yon ngunit itong si Villareal," nilingon niya ang anak.
"Tinik sa lalamunan.
Pero paano kung negatibo?"
"Hindi na dad. Siguradong positibo."
Sa oras na positibo hinding-hindi niya mapapatawad ang kaaway.
May tumikhim mula sa likuran na ikinalingon ng mag-ama.
"Senior, lumabas na raw ang resulta."
"Let's go."
"Dito lang ako, mauna ka na, dad."
"O sige, puntahan ko lang muna."
Habang naglalakad ay sumusunod ang tauhan.
Pagdating sa loob ay sinalubong sila ng doktor.
"Mr. Delavega, here is the result."
Iniabot nito ang isang papel.
Mabilis niyang kinuha sa kamay ng lalaki at binasa.
Nagsalita ang doktor.
"It's ninety-nine point nine percent-"
"NEGATIVE?" bulyaw ng senior dahil sa hindi pagkapaniwala sa resulta.
"Yes Mr. Delavega, it's one percent positive so negative."
"Kalokohan! Paano naging negative 'yan?"
"Iyon ang lumabas na resulta."
"Pero... Xander!"
Bigla na lang kasing hinablot ng anak ang kwelyo ng suot ng doktor pagkapasok nito.
"BAWIIN MO ANG SINASABI MO! PAANO NAGING NEGATIBO! "
Kitang-kita ang panggigigil ng anak sa doktor.
Nanlilisik ang mga mata nito na parang papatay!
"Xander tama na ' yan!" Hinila niya ang anak kaya na bitiwan nito ang kausap.
Inayos ng lalake ang damit samantalang nagdidilim ang anyo ni Xander.
"Ibig sabihin si Villareal at Acuesta ay hindi magkadugo.
Hindi rin iisang tao lang, " paliwanag ng kausap.
"HINDI' YAN TOTOO! SINUNGALING KANG HAYOP KA!"
Mabilis ang pangyayari kasing bilis ng kamao ng anak na tumama sa mukha ng doktor.
Nagimbal ang lalake at hindi agad nakahuma, muntik pa itong matumba sa lakas ng pagkakatama.
"XANDER ENOUGH!"
Naglalabasan ang mga litid sa leeg ni Xander bago may hinablot na bagay mula sa estante.
"Huwag!" sigaw ng doktor sa kabila ng pamamanhid ng labi.
Huli na nang makita niya kung ano 'yong isinisilid ng anak sa isang supot.
Nanigas siya nang mapagtanto ang mangyayari.
"Sa iba ko ipapasuri dad! Wala akong tiwala sa hayop na 'yan!" duro nito sa doktor bago lumabas.
"Warren sundan mo!"
Agad lumabas ang tauhan.
"Mr. Delavega," hinarap siya ng doktor bago pinahid ang dugo sa labi.
"Maiintindihan ko kung hindi kayo maniniwala sa akin, pero ang ebidensiya ay hinawakan ng anak ninyo."
Napapikit siya sa narinig.
Iyon nga ang napagtanto niya kanina.
"Talaga bang kay Acuesta at Villareal ang mga iyon?" panigurado niya.
"Yes. Walang duda kanila nga. Dalawa silang may-ari at hindi sila magkadugo.
Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niyo noong magkamag-anak sila?"
"Step-cousin, 'yon ang sinabi ni Acuesta."
"Oh that explains. Hindi nga sila related by blood."
Natahimik siya.
Iyon din ang sinabi ng doktor na pinatay ni Xander noon.
Pero wala itong ipinakitang finger print kundi ang resulta.
"Gusto kong makita ang ginawa ninyo."
"The DNA test? Sure sir, please wait."
Pumasok ito sa laboratory.
Ngayon makikita niya talaga.
Noon hindi na niya naitanong sa doktor dahil pinatay agad ng anak niya.
Maya-maya ay lumabas ang doktor bitbit ang dalawang papel.
"Ito ay kay Villareal, ito ay kay Acuesta, take a look sir."
Iyon nga ang ginawa niya.
Nakasaad doon na hindi mag ka match ang dalawa.
"Ipinasuri ko na ito noon pero hindi ko nakita ang ganito."
"Ang ginawa niya siguro ay test result lang hindi in-identify.
Dito kaya nating i-identify kung sino ang nagmamay-ari ng mga finger prints na ito."
Napabuntong hininga ang senior.
Ngayon malinaw na magkaibang tao ang mga ito at hindi iisa.
Mukhang hindi nga siya nagkakamali na dito sa Ciudad Medical ipinasuri ang ebidensya.
"I' m sorry to disappoint you sir, pero iyon ang lumabas sa resulta."
"It's fine, salamat."
Nakipagkamay siya bago lumabas.
Inabutan niya sa entrada ang tauhan.
"Warren."
Lumingon ito. "Senior hindi ko inabutan ang inyong anak sumakay siya ng kotse at umalis."
"Hayaan mo siya, may ipapagawa ako sa'yo."
"Ano po 'yon Senior?"
"Ihanda mo ang mga kargamento."
"Opo senior Roman."
Ngayon naniwala na siya kay Acuesta na hindi ito nagsisinungaling.
Tutupad na siya sa usapan nila.
Ang pinag-aalala niya ngayon ay anak na si Xander.
Mariing umiling ang senior.
Wala na dapat ikabahala dahil lumabas na ang resulta.
Negatibo.
Ibig sabihin puro ang intensyon ni Acuesta sa kanya.
---
"Gian, ginawa ko na ang lahat ng gusto mo. Sana hindi mo kami isumbong ni tatay."
Sumulyap siya kay Isabel na nasa harap.
Ngayong araw nakipagkita ito upang ibigay ang lahat ng pag-aari niya na nakapangalan dito.
Ngayon nasa pangalan na niya.
Sa tunay niyang pangalan.
Pirma na lang ang kulang.
"What do you think Judge?" Nilingon niya ang kaibigan ni don Jaime na si Judge Valdemor.
Narito sila sa tanggapan ng naturang judge sa tulong ni don Jaime.
Agad itong pumayag nang humingi siya ng pabor na tingnan nito ang mga papeles niya.
Nagtrabaho siya ng iba sa kabila ng paghihintay ng resulta sa ebidensya.
Kampante naman siyang papabor sa kanya ang pagkakataon.
Tumunog ang kanyang cellphone at nang makita kung sino ang tumatawag ay tumayo siya.
Ito na ang hinihintay niya.
"Please excuse me."
"Sure," tugon ng judge.
Lumabas siya sa opisina.
Bagama't kampante siya ay hindi pa rin maiwasang kabahan.
Sinagot niya ang tawag.
"Warren anong resulta?"
"Negative sir."
Ngumiti ang binata sa tuwa.
"Good, nagawa mo ba ang pinapagawa ko?"
"Yes sir. Nakuha ko ang ebidensiya baso at kutsara saka binura ang finger print mo roon.
Sinabi ko na rin ang inutos ninyo sa doktor.
Pumayag siya dahil nakausap na rin daw niya si don Jaime."
Napangisi si Gian.
Simply lang ang pinasabi niya sa doktor.
Iyon ay sabihin kay Delavega na Acuesta at Villareal pa rin ang may-ari ng finger print ilabas lang ang resultang negatibo upang mapaniwala ito.
Kung gagamit pa sila ng ibang pangalan ng tao mas nakakapaghinala 'yon.
Inutusan niya rin ang tauhan na burahin ang finger print sa baso at sa kutsara ni Acuesta ngunit hindi kay Villareal na nasa posas.
At sa tulong ni don Jaime ay nagtagumpay siya!
"Salamat Warren."
"Sir may problema pa rin eh."
Naglaho ang kanyang saya.
"Anong problema?"
"Hindi naniwala si Xander sa resulta kaya kinuha niya ang mga ebidensya. Ipapasuri niya yata sa iba."
"Saan daw?"
"Hindi ko alam sir. Nag-aalala ako na baka walang makitang finger print roon mahuhuli tayo at malalaman nilang may nag traydor sa kanila!" Nababahalang wika ng kausap.
Tumahimik siya at nilimi ng husto ang sinabi ng kausap.
Kapag ipinasuri nito sa iba ang ebidensiya na hindi na abot ng impluwensiya nila malalaman nga nitong walang finger print doon, iyon ay kung ginawa nga ni Warren ang inutos niya.
"Sandali, ang sabi mo kinuha ni Xander ang baso at ang posas hindi ba?"
"Yes sir, bakit?"
"Paano? Hinawakan ba niya? Paano niya kinuha?"
"Kinuha niya sir, hinawakan niya at inilagay sa supot."
"Bare hands ba?"
"Yes sir."
"Good, wala na tayong problema Warren."
"Ha? Pero sir-"
"Didn't you get my point?"
"Nakuha sir! Nakuha ko ang galing ng ideya! Ang galing mo sir!"
"Mas magaling ka Warren," totoo sa loob na wika niya.
"Mas magaling ka sir nakikini-kinita ko na ang mangyayari sa anak ni Roman."
Napangiti siya.
" Mag-iingat ka. "
" Opo sir."
Bumalik siya sa opisina ng judge.
"Maayos na ito.
"Pirmahan mo na lang at ako na ang magprocess sa pagtransfer."
Natuwa siya sa narinig.
"Thank you Judge," taos-puso niyang tugon.
"Pero ako na ho ang bahala salamat sa tulong."
Inilahad niya ang kamay dito.
Tinanggap ng lalake ang pakikipagkamay niya.
"Alright," ibinigay nito sa kanya ang mga dokumento.
"Thank you," malugod niyang tinanggap ang envelope.
"You're always welcome, Mr. Villareal."
Naglaho ang kanyang ngiti at napalunok.
Ngayon lang niya ulit narinig ang totoong pangalan na nagmumula sa ibang tao.
Napatingin siya sa kay Isabel na nakatingin din sa kanya.
Alam ng judge na alam ni Isabel ang totoo.
"Something wrong?" nakataas ang kilay ng Judge.
Umiling siya bago napahimas sa batok.
"Nothing sir, I just can't believed I heard my real name. It felt surreal," napakurap-kurap niyang saad na lumingon dito.
Humalakhak ang judge.
"Boy, you're too adorable kaya hindi ka mapakawalan ni Jaime eh," tumayo ito at lumapit sa kanya.
Napangiti siya.
Tinapik siya nito sa balikat at lumamlam ang mga tingin at pumormal ang anyo.
"Good luck Gian. Hangad ko ang tagumpay mo."
"Salamat po."
Yumuko siya bago umalis, sumunod si Isabel.
"You can go Isabel," aniyang hindi nililingon ang babae.
"Pero Gian-"
"You hear me! Ayokong makikita ang pagmumukha mo.
Manahimik ka at iwan ako. Mamuhay na kayo ng tahimik ng ama mo.
Mula ngayon wala ng nag-uugnay sa atin."
"H-hindi mo na kami isusumbong no tatay?"
"Hindi ko 'yan maipapangako."
Binirahan niya ito ng talikod.
Dito na nagtatapos ang lahat sa kanila ng babae.
Iniwan niya itong umiiyak at wala siyang pakialam.
Ngayong unti-unti ng lumalantad ang totoong pagkatao niya kailangang bumalik na rin siya sa dati ng paunti-unti.
At ang unang hakbang ay ang pagbabago ng stilo.
Dumeretso siya sa isang salon.
"Hi sir! Unsay ato?" nakangiting wika ng isang bakla.
Seryoso ang kanyang mukha at hinarap ito.
"Make my hair brown."
"Right away sir!"
Inasikaso siya ng husto ng bakla.
Professional naman itong kumilos kaya hindi siya masyadong naiilang.
Huminga siya ng malalim.
Ito na ang umpisa ng pagbabalik ni Gian Villareal!
Matapos lang ang ilang sandali ay nakatingin na siya sa repleksyong nasa salamin.
Wala na ang kulay blue niyang buhok at naging brown na, brush up pa rin ang porma.
Inalis niya ang suot na eyeglass.
Bagaman at naka longsleeve red polo siya at maong jeans bilang Rage Acuesta ay hindi maipagkakailang lumalabas na ang pagiging Gian Villareal niya.
Unti-unti ng nawala ang bakas ng isang Rage Acuesta.
Hinimas niya ng kamay ang buhok bago ngumiti.
Nagsitili ang mga babae at bakla roon.
Napailing siya bago nagbayad.
"Here, keep the change."
"Salamat sir!"
Tumango siya at lumabas ng naturang salon.
Lumanghap siya ng sariwang hangin saka tumingala at pumikit.
Ngayong nagbabalik na ang kanyang tunay na pagkatao, dapat na siyang mas maging maingat sa mga Delavega.
Lalo pa't hindi pa rin natatapos ang gusot tungkol sa ebidensya dahil kay Xander.
---
"WHAT. DID. YOU. SAY? "
Tila nabingi siya sa sinabi ng doktor na kausap.
Nasa isang kilalang ospital siya ng Maynila upang siguraduhing hindi magkakamali ang doktor at hindi hawak ng mga Lopez.
Lumipad siya ng papuntang Luzon gamit ang chopper nila para magpasuri ng ebidensiya laban kay Acuesta.
Isang araw niyang hinintay ang resulta pagkatapos ay
sasabihin nito ang salitang ayaw niyang marinig?
"Mr. Delavega, it's negative."
"PUTANGINA! PAANO NANGYARI 'YON! ANONG GINAWA MO!" Bigla niyang hinablot ang baril sa likuran ng pantalon at itinutok sa noo ng lalake.
Namutla ang doktor at napaatras kasabay ng pagtaas ng mga kamay.
"S-sir! Huminahon kayo-"
"HOW... CAN I DO THAT!" Tumalim ang kanyang tingin sa kaharap at mas humigpit ang hawak sa kwarenta 'y singko.
Nanlamig ang doktor at napapalunok.
Walang aawat sa kanya ngayon dahil wala ang ama at silang dalawa lang ang nasa opisina nito.
Kahit patayin niya man ito walang hahadlang.
"I can explain sir."
"You better!" singhal niyang hindi ibinababa ang baril na hawak.
"Negative dahil hindi nagtugma ang dalawang finger prints.
Hindi masyadong klaro ang prints dahil parang nasapawan ng ibang marka kaya nabura. Pero na identify namin kung kanino ang mga 'yon."
"Kanino?"
"Ang isa kay Gian Villareal at ang isa..." tumingin ito sa kanya.
"Kanino?" idiniin niya ang dulo ng baril sa noo ng lalake.
Huwag itong magkakamali.
"KANINO!"
"Sa inyo sir."
Umawang ang kanyang bibig sa pagkatigagal.
Hanggang sa umahon ang matinding galit sa kanyang dibdib.
"ANONG SINABI MO? PAANO NAGING AKIN! NILOLOKO MO BA AKO!"
"Hindi, at kahit kailan hindi kami nagkakamali.
Siguradong finger print mo ang lumitaw at para mangyari 'yon tiyak hinawakan mo ang posas at baso. "
Doon na siya natigilan.
Hinawakan nga niya ang dalawang ebidensya.
Inutusan siya ng ama na burahin ang finger print niya sa mga hinawakan ngunit hindi niya sinunod.
Kahit naroon ang kanya lilitaw pa rin ang kay Acuesta at kay Villareal.
Ngunit ngayon negatibo pa rin!
Sa halip na magwala ay tila nauupos na kandilang napaupo sa naroong sofa si Xander.
Malinaw ang sinabi ng doktor.
Nasapawan ng kamay niya ang kamay ni Acuesta kaya hindi ito nakuha.
Subalit ang kanyang panghihina ay unti-unting nawala at tumapang ang anyo.
"AAAAHHHH!"
Bigla niyang pinagbabaril ang mga aparato sa opisina ng doktor!
---
Araw ng Sabado.
Magkasamang kumakain sina Ellah at don Jaime sa isang mesa.
Tahimik ang abuelo bagay na ikinapagtataka niya.
At may isa pa siyang napapansin.
Nang hindi makatiis ay nagsalita na siya.
"Lolo, may tanong ako."
"Ano 'yon?"
"Napapansin ko ba't parang wala yata si Julia?"
Sa kanyang pagtataka ay nasamid ang don at inihit ng ubo.
"Lolo are you okay?"
Tumayo siya at binigyan ito ng tubig sa baso.
Mabilis naman nitong ininom.
Hinaplos-haplos niya ang likod ng matanda.
"Ayos lang ako. Tapusin mo na ang pagkain."
"Anong nangyari kay Julia?"
"Nag resign na. Huwag mo ng hanapin."
"Bakit may nagawa ba siyang kasalanan?"
"Oo, kaya pinalayas ko."
"Anong kasalanan lolo?"
Muli siyang umupo sa upuang nasa harapan ng don.
Tumiim ang tingin ng abuelo sa kanya.
"Isa siyang traydor!"
"Ano!" Kumabog ang kanyang dibdib.
"Espiya siya ni Roman. Mabuti na lang nalaman ko agad."
Natigagal ang dalaga.
"Sinaktan niya ba kayo? Ayos lang ho ba kayo lolo!"
"Ayos lang. Wala siyang sinasaktan pero kumukuha siya ng impormasyon. Lahat ng galaw natin dito nalalaman ng kalaban."
Nagtagis ang kanyang bagang sa naisip.
Hindi niya inakalang may masama pala itong intensyon.
Hindi man lang niya napansin.
"Ngayon ko lang nalaman lolo, na sa kahit saan man dito sa mansyon nakikita ko siya hindi kalayuan sa inyo, gano'n din sa akin."
"Tama! Iyon din ang sinabi ni Gian sa akin!"
Ano?
'Gian tama ba ang dinig ko?'
Kumabog ng husto ang kanyang dibdib sa narinig.
Napatayo siya at nanlaki ang mga mata.
"GIAN? AS IN SI GIAN!"
"Ah, apo," tumikhim ang don at hindi makatingin sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin ay si Rage Acuesta. Pasensiya na magkamukha kasi sila kaya nalito ako."
Tumahimik siya at napatango-tango.
"Paano nasali ang Acuesta na 'yon lolo?"
"Ah hija, siya kasi ang nakatuklas sa traydor," mahinahong tugon ni don Jaime.
"Paano?" nalilito na siya sa takbo ng usapan.
"Nagpunta siya rito at pinanood ang CCTV kaya nakita niya at nahuli namin."
"Lolo isang negosyante lang ang Acuesta na 'yon at hindi pulis kaya paanong nahuli niya?"
"Magaling siya hija kahit pa negosyante lang siya."
"Negosyante rin kayo lolo at magaling anong pinagkaiba ninyo?"
"Ay naku hindi ko alam basta nahuli niya tapos!"
Tumayo ang don.
Sinundan niya ito.
Pakiramdam niya may hindi sinasabi ang abuelo at noong nakaraang araw ay kakaiba rin ang kilos nito.
"Sabihin niyo ang totoo lolo paano nahuli ng Acuesta na 'yon kung kagaya mong negosyante lang siya?"
"Siguro kasi malinaw ang mata niya at malabo na ang akin!"
Umawang ang kanyang bibig sa narinig.
Nadismaya siya ng gano' n na lang ang katwiran ng abuelo.
"I can' t believe you lolo!"
Binirahan niya ito ng talikod.
Tinungo niya ang silid ngunit bago makapasok ay may narinig siyang mahinang usapan sa sulok ng sala.
"Duda akong pinapatay talaga si Julia ni don Jaime eh!"
Nanigas siya sa kinatatayuan at kumabog ng husto ang dibdib.
"Sshh 'yang bibig mo Clara!"
"Maria, totoo ang sinasabi ko kasi 'di ba kinulong tayo kaya hindi natin nakita at narinig ang nangyari."
"Iyon na nga wala tayong katibayan kaya huwag kang basta magsalita diyan!"
"Sa tingin mo ba palalagpasin ni don Jaime 'yon? Mayaman siya kaya niyang gawin lahat!"
"CLARA TUMAHIMIK KA!"
Napaigtad ang dalaga at tila natauhan.
Mabilis siyang nagtungo sa silid at kinuha ang cellphone.
Matinding kaba ang kanyang nararamdaman habang halos manginig ang mga kamay na nagtipa sa cellphone.
Kung talagang patay na si Julia makikita niya 'yon sa balita.
Hinanap niya ang lahat ng balita na may kinalaman sa araw noong mawala ang babae.
Hindi nga siya nagkamali, may babaeng patay na natagpuan sa bangin na kamukha ni Julia.
"Natagpuang patay..."
Nangilid ang kanyang mga luha habang pinapanood ang video.
Isa lang ang ibig sabihin nito.
Noong hindi siya pinauwi agad iyon ay dahil may pinatay ang abuelo.
Nabitiwan niya ang cellphone at tinakpan ng kamay ang bibig upang pigilan ang pag-iyak.
Malinaw na pumatay ng tao ang abuelo.
At hindi niya 'yon mapapalagpas!
Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng abuelo.
Nasa terasa ito at nagkakape.
"Lolo!"
Napalingon ang don.
Tumalim ang kanyang tingin dito.
"Pinatay mo ba si Julia?"
Natahimik ito at alam na niya ang totoo.
"Paano niyo nagawa 'yon!"
"Bakit mo nasabi ang bagay na 'yan! Huwag kang mambintang!" singhal nito ngunit hindi siya natinag.
"Nakita ko sa balita!
Matanda ka na para gumawa pa ng kasalanan!"
Humagkis ang tingin nito sa kawalan.
"Dapat lang siyang mamatay."
"Ano! Lolo pumatay ka ng tao! Wala ka na ring pinagkaiba sa isang masahol na kriminal!"
"Punyeta tumahimik ka!"
Nagulantang siya sa lakas ng pagkabato nito sa tasang hawak at tumama sa dingding na nasa kanyang likuran.
Umagos ang kanyang luha.
Hindi niya matanggap na pumatay ang abuelo!
Isa itong kriminal!
"Kung hindi ko 'yon ginawa ikaw ang mamamatay."
Natigil siya sa pag-iyak.
"Kaya kong kumitil ng buhay ng kahit sino huwag ka lang mapahamak.
Espiya siya ng kalaban. Kung hindi ko' yon ginawa tayo ang manganganib!
Kung kriminal ang tingin mo sa akin ipakulong mo ako!"
Umangat ang kanyang tingin sa abuelo.
Nakayuko ito habang nakaupo.
Lumipad ang kanyang tingin sa mga kamay ng don.
Kulubot na ito at bahagyang nanginginig ngunit nagawa pa ring kumitil ng buhay.
"Noong sinabi niyo na napatay ninyo ang asawa ni Roman Delavega tinanggap ko 'yon dahil hindi niyo sinadya.
Pero ngayon, sinadya niyo lolo!
Sinadya ninyo!
At iyon ang hindi ko matanggap!
Wala akong kamag-anak na kriminal!
Ang sama mo lolo! Ang sama-sama mo! "
Nagtatakbo siya papasok ng silid.
" Ellah! " tawag ng don na hindi na niya narinig.
Humagulgol siya habang nakadapa sa kama.
Ang sakit lang isipin na may bahid ng dugo ang mga kamay ng abuelo ngunit hindi man lang na konsensiya.
Hindi niya inakalang ganoon pala kasama ang abuelo.
Ano ang mabigat na dahilan bakit siya papatay!
"Ellah hija? Pwede ba tayong mag-usap?"
Tumigil siya sa pag-iyak at bumangon.
Aalamin niya ang dahilan ng abuelo kung bakit kinailangan nitong pumatay!
Hindi nito magagawa ang ganoong bagay kung hindi mabigat ang dahilan.
"Bukas 'yan," malamig niyang tugon at tumalikod sa pinto.
Marahan itong pumasok at umupo sa kanyang tabi.
"Hija, magpapaliwanag ako."
"Sabihin mo ang totoo, bakit kailangang patayin mo? Maraming paraan para magparusa. Bakit pinatay mo!"
"May natuklasan siyang lihim ko."
Lumipad ang tingin niya rito.
"Anong lihim? Anong lihim na hindi ko alam!"
Napalunok ang don.
"Siguro nga panahon na para malaman mo ang katotohanan apo."
Muling kumabog ang kanyang dibdib.
Gaano ba karaming lihim ang abuelo na hindi niya alam?
"Sabihin mo ang totoo!
Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamilya pero ang dami mong inililihim!"
"Natuklasan niya ang tungkol kay Gian."
Ngayon dumagundong na ang kaba sa kanyang dibdib.
Halos maririnig na niya ang tibok ng puso.
"Anong tungkol sa kanya?"
Tumahimik ito at hindi kumibo.
Hinablot niya ang balikat ng abuelo at niyugyog.
"LOLO SABIHIN MO!"
"Nalaman niyang buhay si Gian!"
Nanlamig ang dalaga sa narinig. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.
"A-anong sinabi niyo?" parang nabingi siya sa nalaman.
Hinarap siya nito.
"Buhay si Gian hija. Buhay siya at nalaman 'yon ng traydor na babae.
Kinailangan ko siyang patayin para hindi makarating sa kalaban."
"Nasaan siya?"
"Hija-"
"Nasaan si Gian? Buhay siya hindi ba?"
Tumahimik ang don.
"NASAAN SI GIAN!" Buong lakas niyang sigaw kasabay ng panginginig ng mga labi.
---
Tumunog ang cellphone ni Gian at hindi siya makapaniwala sa nalaman.
Ngumisi siya.
"Roman? Kumusta napatawag ka?"
"Totoo bang nag-invest ka sa mga Lopez?"
Ramdam niya ang pigil na galit ng kausap.
Saglit siyang natahimik at nag-isip ng isasagot.
"Totoo ba Acuesta!"
"Yes, do you have a problem with that?"
"Ano! Ginagago mo ba ako! Alam mong kalabang mortal ko sinuportahan mo!"
"Hindi mo lang kalaban Roman, kalaban ko rin. Kaya ko ginawa 'yon para makuha ang kanyang kalooban. Naghihinala na kasi siya sa akin.
Huwag kang mag-alala kung kailangan mo ng investor I am more than willing to invest."
"Huwag mo akong inuuto Acuesta!"
"Oh come on Roman, kalma lang. Kung hindi ko 'yon ginawa matutuklasan niyang kaaway ako at hindi kakampi.
Kapag nagkataon tapos ang plano natin at hindi ako papayag na masisira 'yon! Hindi ang gaya niya ang sisira sa akin!"
Tumahimik ang nasa kabilang linya.
"Bakit ka nga pala napatawag? Iyon lang ba ang tinanong mo?"
"Hindi. Iyong tungkol sa sinabi mo noon na koneksyon mo pwede pa ba 'yon?"
Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Ofcourse Roman! Kailan mo planong gawin?"
"Magkita tayo."
Natigilan siya.
Kung haharap siyang Gian Villeareal na ang itsura baka barilin siya nito nang hindi oras.
"Actually, I' m kinda busy with my business. Hindi ba pwedeng sa phone na lang tayo mag-usap? Sabihin mo lang ang plano mo kailan ba para maihanda ko ang mga tauhan ko?"
"Bukas ng gabi. Magagawa mo ba?" matigas nitong tanong.
Bukas?
Nakagat niya ang ibabang labi.
Napakaiksi ng oras ngunit kailangan niyang sumugal.
"Bukas? Sige kakausapin ko ang koneksyon ko."
"Magaling. Aasahan ko 'yan Acuesta!"
"Ofcourse you can Roman! Trust me."
Tinapos nito ang usapan.
Tumalim ang kanyang tingin bago tinawagan ang tauhan na agad nitong sinagot.
"Warren may ipapagawa ako sa' yo."
"Ano 'yon sir?"
"Bukas ng gabi, maglalabas kayo ng kargamento. Kuhanan mo ng litrato ang laman na dapat kasama si Roman Delavega.
Kailangang sa bawat larawan naroon siya kasama ang laman naiintindihan mo? Ibigay mo sa akin lahat ng kuha mo."
"Yes sir."
"Mag-iingat ka."
Pagkatapos ng tawag ay hinanap niya ang numero ng taong mahihingan ng tulong ngunit naunahan siya nito.
Napangiti siya.
"Don Jaime mabuti at tumawag ka kailangan ko ng tulong pwede ho ba?"
Walang sumagot sa kabilang linya.
Naalala niya ang ginawa nito sa espiya.
Hindi kaya nagalit ito sa kanya?
Pinatay nito ang babae dahil sa kanyang sinabi.
"Don Jaime? Kumusta na ho?" nag-aalala na niyang tanong.
"G-Gian ikaw ba 'yan?"
Umawang ang kanyang bibig at kumabog ng husto ang dibdib!
Sigurado siya kung sino ang nasa kabilang linya!
"Hello? Gian?"
"Shit!"
Nabitiwan niya ang cellphone at nahulog sa sahig ng kanyang tinitirhan.
"Ikaw 'yan hindi ba? Sumagot ka!"
Mabilis niyang pinulot ang cellphone at pinatay ang tawag.
Ang lakas ng pintig ng kanyang puso sa tindi ng kaba.
Bakit si Ellah ang sumagot?
Hello po,
Maraming salamat sa patuloy ng pagbabasa ng Wanted Husband.
Thank you po sa suporta ninyong vote at comment.
I hope this update is worth waiting for.
Sorry kung hindi ako nakakareply sa mga comments ninyo pero nakakapagdulot po iyon ng ngiti sa akin.
500K na po tayo.
Maraming salamat po.
Thank you po.