webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · perkotaan
Peringkat tidak cukup
107 Chs

Chapter 18 - The Suspicion

Inumpisahang magpaliwanag ni Gian. Inamin niya ang tungkol sa mensaheng natanggap tungkol sa pagmamanman sa kanya.

"Ibig mong sabihin kahit ikaw mismo delikado ang buhay mo?"

Tumango ang binata. "Oho, don Jaime."

Biglang lumapit ang don sa kanya bago nagsalita ng mahina.

"Hindi ito dapat malaman ng apo ko, hayaan mong sa ating dalawa lang ang bagay na ito."

"Pero don Jaime, nanganganib ang inyong apo sa akin."

"Mas manganganib siya kapag wala ka, paano kung hindi mo siya nailigtas sa bundok na 'yon? Gano'n pa man, habang pinag-iisipan ko ang sitwasyon mo, huwag mong ipaalam sa kanya."

Naisip ni Gian maswerte pa rin siya dahil kahit alam na ng don ang totoo ay hindi pa rin siya pinaalis.

Sa ngayon ay wala pa ring alam ang binata kung sino ang nagpamanman sa kanya.

Hindi rin matukoy ng hepe kung saan galing ang mensahe.

Inalam niya rin kung sino ang isang Nicholas Cordova ngunit bukod sa isa itong AWOL na sundalo ay wala ng iba pa.

Iniisip na lang niyang isa ito sa pakana ng natimbog na mga Mondragon.

Isa lang ang alam niyang totoo, kung sino man ang nagpamanman sa kanya ay mautak talaga!

---

MONDRAGON WAREHOUSE...

Tinitingala ng isang lalaki ang bagong gusali. Napakatayog nitong pagmasdan.

Ito na ang kanilang bagong bodega.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula ng matupok ng apoy ang dating warehouse dahil sa kagagawan ng kalaban.

Ngayon ay may bago na, mas malaki at mas matibay.

Tumiim ang kanyang bagang sa naalalang pagdakip ng kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalabas.

"Boss," isang lalaking may edad ang tumawag sa kanya na ikinalingon niya rito.

"Gusto kayo makausap ng inyong papa."

Pagkarinig ay tinawagan niya ang ama gamit ang cellphone.

"Jeric anak, kailan daw darating ang shipment?"

"Next week, papa."

"Good, maayos na ang warehouse hindi ba?"

"Yes, papa."

"Mabuti, kontakin mo ako kapag may shipment ng parating."

"Opo, papa."

Huminga ng malalim si Jeric matapos makipag-usap sa ama.

Ilang buwan na ring nasa kulungan ang ama ngunit hindi pa rin ito nakakalabas dahil sa kagagawan ng isang pipitsuging pulis!

"Villareal, may araw ka rin! Hindi pa lang sa ngayon!"

---

MEDC OFFICE...

Huminga ng malalim ang binata bago umalis at tinungo ang sasakyan.

Ilang sandali pa naaninag na ni Gian ang dalaga patungo sa sasakyan.

"Let's go," aya nito saka binuksan ang front seat.

Tahimik na nagmamaneho pauwi si Gian kaya lang napansin niyang tila nakasimangot ang dalaga , kaya tinanong niya ito.

"May problema? "

"Oo "

"Ano 'yon?"

Hindi na bago kung may problema ang amo sa laki ba naman ng responsibilidad nito.

"Gusto kong manood ng sine. "

"Wow! Ang laki ng problema mo, " gulat na tugon ng binata.

"Hindi nga, maganda kasi ang movie na 'yon. Hollywood at sikat 'yon."

"Anong problema?"

"Wala akong kasama."

"Problema nga 'yan."

Ayaw niya kasing siya ang kasama gaya noon baka mangangarap na naman siya at delikado 'yon.

"Tawagan mo ang isa sa mga naka date mo noon," suhestyon niya.

"Kaya lang, nahihiya ako, babae ako eh tapos ako ang mang-iimbita? Eh sabi mo hindi 'yon maganda kaya naisip ko ikaw na lang. "

Bigla ang kanyang pag preno.

"Aray ko naman!" muntik na kasi itong masubsob sa dash board.

"Sorry"

Tinitigan siya nito.

"Busy ako, may kausap ako hindi ako pwede. "

"Sige na please? Alangan namang isama ko si lolo. "

"Eh 'di ang mga kaibigan mo. "

"Wala ako no' n," nakasimangot na saad nito.

"Kawawa ka naman. "

"Papayag na 'yan," tudyo nito sabay ngiti.

Huminga siya ng malalim "As if I have a choice. "

"Yes!"

---

CINEMATHEQUE ...

Papasok sila sa sinehan.

"Ms. pilahan dito," paalala ng binata.

"I know"

"Pinaalala ko lang baka hindi ka na naman pipila. "

"Kainis ka!"

Pumila na sila at nang makabili ng dalawang ticket, kinalabit siya ni Gian.

"Action pala 'to? Aba! Maganda. "

"Let's go?"

"Sure"

Inalalayan siya nito.

"Three steps behind, " taas ang kilay na wika ni Ellah.

"Hindi ubra ang rules na 'yan ngayon. Kapag ginawa ko 'yan baka iba na ang nakasunod sa'yo," masungit na tugon ni Gian.

"Joke lang"

Nang makapasok na sila sa loob, agad silang naghanap ng upuan.

Medyo nasa likuran na sila nakakuha ng pwesto.

Bitbit ni Ellah ang pagkain at sa kanya ay inumin.

Habang magkasamang nakaupo sina Gian at Ellah sa loob ng sinehan ay tila wala sa sarili ang binata.

"Ms. may nakaupo dito?" itinuro nito ang upuang tabi ng binata na siyang nagpabalik ng kanyang diwa sa kasalukuyan.

"Yes"

Hindi na ito umimik at umupo sa harapang upuan kasunod ang isang lalake.

Maya-maya lang nag-umpisa ang pelikula.

Napakasaya ni Ellah ngayon dahil mapapanood niya ang kanyang paboritong aktor na si Samuel Jackson.

Parehas silang nag concentrate habang nanonood.

Panay ang nguya niya ng pagkain subalit umiinom lang ng soda si Gian.

Nag-umpisa na ang bakbakan kaya na tense na siya.

Nang biglang may humagikhik na babae sa kanilang likuran.

Napatingin siya kay Gian, ngunit deretso ang tingin nito sa screen.

Unti-unti na niyang nagugustushan ang pinapanood dahil gyera na.

Nang bigla na namang humagikhik ang babae.

"Baby huwag diyan," humahagikhik nitong wika.

Kumuyom ang kanyang kamay at tumiim ang bagang.

'Kababaeng tao ang landi.'

"Ano ba baby naman eh," malanding reklamo nito.

Hindi na siya nakatiis at nilingon ang nasa likuran.

May isang babae subalit wala namang katabi.

Muli niyang itinutok ang paningin sa screen.

Halos makapangalahati na sila at may nakakatawa ng eksena.

Subalit bigla na lang naudlot ang tawa niya sa narinig.

"Baby please ano ba?" sabay hagikhik ng babae sa likuran.

Hindi na siya nakatiis at muling nilingon ang babae saka malakas itong sinigawan.

"ANO BA KUNG MAKIKIPAGLANDIAN KA LANG LUMABAS KA NA!"

Natahimik ang lahat.

"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Gian.

"Ang landi eh!"

Nagbulungan ang nasa malapit.

Nagbukas ang ilaw.

Deretso ang tingin niya sa babae kaya nagtagpo ang tingin nila.

"Teka lang ha ako ba tinutukoy mong malandi?" turo nito sa sarili sabay tikwas ng manipis na kilay.

Sinuri niya ang maiksi nitong palda manipis pa.

"Halata?"

"Eh gaga ka pala eh!" tumayo ito at dinuro siya.

"Mas gaga ka malandi pa!" duro rin niya.

"Ms. Ellah, " hinila siya ni Gian palayo.

Iwinaksi niya ang kamay ni Gian at hinarap ang babae.

"Ikaw pa may ganang magalit? Action ang pelikula ikaw spg?"

Nanlalaki ang mga mata ng babae at hindi makapagsalita.

"Mommy... what's wrong?"

Lumipad ang tingin niya sa ilalim ng upuan, mula roon ay may batang lalake na lumabas at kumapit sa palda ng babae habang nakatingin sa kanya na tila natatakot.

"Wala baby, let's go at baka makapatay ako ng bintangera."

Hila nito ang bata paalis at siya napatanga habang nakasunod ng tingin!

Umawang ang kanyang bibig nang mapagtantong bata nga ang tinatawag na "baby" at sumususo ito sa dibdib ng ina.

Napanganga si Ellah at humalakhak si Gian!