webnovel

Unpredicted Stories

maligue · Realistis
Peringkat tidak cukup
30 Chs

HIS VOICE

Busy ako kaka-scroll sa newsfeed ko nang makita ko ang post niya.

Luke Montenegro posted a video.

'Kung 'di rin lang ikaw / song cover'

Dali-dali akong nagsuot ng earphones at pinakinggan ang cover niya.

Damn. I really love his voice.

I've been admiring him since the first time I've heard him singing. Merong event sa school namin noon at kumanta siya. I'm not really fond of music but nagbago iyon nang marinig ko siyang kumanta.

Hindi ko na napigilan at nag-comment ako sa post niya.

Audrey Cortez: I am inlove with your voice.

'Sa boses niya nga lang ba?' Napangiti nalang ako sa naisip ko.

'I'm inlove with him also.'

Sinave ko ang song cover niya. Meron ako ditong album sa gallery ko na puno ng covers niya.

Nilog-out ko na ang facebook ko at binulsa ang phone ko. Papasok na ako, mahirap nang malate lalo na at terror ang prof namin.

Pagdating ko sa room, agad kong naupo. Buti nalang at hindi ako nalate.

"Audrey!" Napalingon ako nang may tumawag sa boses ko.

"Oh, Nathalie. Bakit?" Kunot-noong pag tanong ko sa kanya.

"Buksan mo ang account mo! Gosh ang swer—" Naputol ang sasabihin niya nang dumating na ang prof namin.

"Mamaya nalang." bulong niya sa'kin.

"Class dismissed." Pagkasabi 'non ay dali-daling lumapit sa'kin muli si Nathalie.

"Buksan mo na account mo dali!" Nagtataka man ay binuksan ko na ang account ko.

Nagulat ako nang puro kay Luke ang nabasa ko.

'Luke Montenegro replied to your comment on his post.'

'Luke Montenegro posted a status update'

'Luke Montenegro mentioned you in a comment.'

Binuksan ko ang unang-unang notif.

Audrey Cortez: I am inlove with your voice.

Luke Montenegro: Damn!

Luke Montenegro (2 hours ago)

'She just recently noticed me!'

2,177 reacts • 134 comments • 9 shares

Joy Alonzo: Sino pooo? Lucky girl.

Luke Montenegro: Audrey Cortez

Hindi ko pa naiintindihan nang may nagpop-up na message sa screen ng phone ko.

Luke Montenegro

Active Now

🧑: Audrey.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino. Ang bilis bilis ng heartbeat ko.

👩: Hi, Luke.

🧑: *seen*

Napasimangot naman ako nang sineen niya nalang ako. Trip lang siguro ako 'neto. Ano ba 'yaaaan!

Bago ko pa ilog-out ang phone ko, nakita ko pa siyang nagpost ng status.

Luke Montenegro ( 2 hours ago)

'Should I confess?'

"Audreeey! Naririnig mo ba 'yon?"

"Ang alin?"

"Basta, tara labas tayo!" Hinatak niya ako palabas ng room at laking gulat ko nalang nang makita ko siya na hinihingal.

"L-luke?" nagtatakang tanong ko.

Biglang may nag-abot ng mic sa kanya ay at huminga siya ng malalim bago kumanta.

"I wanna make you smile, whenever your sad. Carry you around when your arthritis is bad…" Tila natuod ako sa kinatatayuan ko nang nakatitig siya sa'kin. "… Cause all I wanna do grow old with you."

Nagpatuloy pa siya sa pagkanta habang naglalakad palapit sa'kin.

"I'll miss you. Kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you, feed you. Even let you hold the remote control..." At nang makalapit siya sa'kin, huminto siya nang halos isang ruler nalang ang pagitan.

"...Cause all I wanna do, grow old with you. I wanna grow old with you."

"Waaaaahhhhhh! Nakakainggit!"

"Ohmygossshhhhh!"

"Harot harot. Sakit sa mata!"

"Audrey." pagtawag niya sa'kin pero, yumuko lang ako para itago ang pamumula ng mukha ko.

"Look at me." Inangat niya ang baba ko kaya napatingin ako sa mga mata niya. "Binabaliw mo 'ko." dugtong niya pa.

"Noong nakita kita sa kinatatayuan mo habang nagpe-perform ako, parang napako ang tingin ko sayo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

…And then I started stalking you. Sa mga araw na 'yun, unti-unti na akong nahuhulog sayo."

Ngumiti siya sa'kin.

"Now that I have the chance to confess, gusto ko lang na malaman mo na mahal kita, Audrey."

"A-ano, L-luke kasi an—" Naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa noo.

"Allow me to court you. I'll prove my love for you and we'll grow old together, love."

**

~~~~~One short story ever friday~~~~~