webnovel

POSER

Wala akong magawa kaya napagpasyahan ko nalang mag facebook. Pagkabukas ko, agad bumungad sa'kin ang mga friend requests.

Isa-isa ko itong tinignan. Pero napahinto ako nang may nakita akong pamilyar na pangalan.

Axel Monterreal.

'Hala si crush!'

Dali-dali ko 'tong inaccept at may nagpop-up naman na message sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang siya ulit 'to.

Axel Monterreal

Active Now

🧑: Hi.

👩: Helloooo!

: Omaygaaaaash!

🧑: Haha.

👩: Is dis real?! Crushhhhh! Waaaahh!

🧑: Hmm.

"AAAAHHHHHHHHHHH!" Tili ko.

"Huy, Kristel!" Napatalon naman ako sa gulat nang may nagsalita bigla. Paglingon ko, nakita ko 'yung kaibigan ko.

"'Bat nanggugulat ka?!" Nakasimangot kong sabi pero napangiti rin nang maalala ko nanaman si Axel.

"Oh, anong ngiti 'yan?" Pagtatanong niya.

"Sis! Alam mo baaaa?! Inadd ako ni Axel sa facebook tapos nagmessage pa siya sa'kin! Kyaaaaahhhhhh!" Kilig na kilig na sambit ko.

"Eh? 'Di ba wala siyang facebook account?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. "Instagram lang at twitter meron siya, pinagsasabi mo dyan?"

Muli nanaman akong napasimangot dahil sa sinabi niya. Tsk.

Ini-stalk ko agad ang account niya. Wala man lang itong kalaman-laman. Black din 'yung profile pic niya.

👩: Alam mo, paasa ka! Nakakainis!

🧑: Huh?

👩: Huh-huh ka dyan!

: Bwiset. Poser ka! Grrr

: Akala ko pa naman, mapapansin na ako eh!

🧑: What the fuck? Hindi ako poser!

👩: Ewan ko sa'yo!

🧑: I'm telling you the truth.

👩: Wag ka ngang mag-english dyan! Sosyal mo namang poser ka!

🧑: I told you, hindi nga ako poser.

👩: Whatever.

🧑: I'll meet you at the school tomorrow.

👩: Ibu-budol mo rin siguro ako 'no!

🧑: Damn.

: Pag napatunayan kong hindi ako poser, akin ka na.

Blinock ko na siya pagkatapos 'non. Nakakainissss! Akala ko 'yun na eh. Huhu.

Nahiga na ako sa at natulog na. Maaga pa ang pasok ko bukas.

Pagkarating ko sa room ay naupo na ako kaagad. Magce-cellphone sana ulit ako nang may naalala ako.

'Hala wala pa pala akong assignment!'

Gagawa na dapat ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"Kristeeeeeel!" Napalingon ako sa isa sa mga kaklass ko.

"Oh bakit?"

"May naghahanap sa'yo!" Napatingin naman ako sa paligid at napansing maraming tao. Napakunot naman ang noo ko.

"Sino?" Pagkasabi ko 'non ay may lalaking pumasok bigla.

Napanganga naman ako sa nakita ko.

Naglakad siya papalapit sa'kin at huminto na nang halos isang dangkal nalang ang pagitan namin.

"Isara mo 'yan kung ayaw mong mamaga 'yan." Si Axel…

Siya na ang kusang nagsara ng bibig ko nang hindi ako kumilos.

"Naniniwala ka na?" Hindi pa rin ako nakaimik. "Give me your phone."

Wala sa sarili ko namang binigay ang phone ko. May kung ano naman siyang pinagpipindot 'doon.

Ilang saglit pa ay binalik niya sa'kin ang phone ko. Tinignan ko naman ito at halos lumabas na 'yung puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

'Kristel Naui is in a relationship with Axel Monterreal'

356 reacts • 102 comments • 9 shares

"Ngayon..." Bigla niya akong dinampian ng halik sa labi. "… Akin ka na."

**

~~~~~One short story ever friday~~~~~

Next chapter