webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
69 Chs

Our Stolen 25 Minutes and More (3)

Nakita ko naman napangiti si Stan at sumenyas siya ng okay. Nginitian ko din siya at yun na ata ang pinakatotoo kong ngiti sa buong araw. Pagkatalikod ko, napasabi na lang ako ng, "Ang galing kong umarte."

"Sinabi mo pa. Ililibre mo ko ah. Hindi libre yung ginawa ko," sabi naman ni Stan.

"Quits lang tayo. Nakalimutan mo atang may kasalanan ka pa sakin," sagot ko sa kanya at naglakad na kami.

Habang papunta sa amin nagpaliwanag siya na hindi naman nalaman ni ate na nagtapat ako sa kanya. Nadulas lang daw siya na nagka-crush ako sa kanya dahil kahawig niya si Keith. Pagdating namin sa bahay, nandoon nga si ate. Medyo nagulat siya pero sinabi ko na lang sa kanya na alangang sa kanya ako magpaturo eh walang magaling sa math sa bahay namin.

Maaga pa ng nakauwi si Lance. Si ate na ang todo nagpasalamat sa kanya. Kinagabihan nakatanggap ako ng text galing kay Stan, nangagamusta at nagtatanong kung naintindihan ko ba yung tinuro sa akin ni Lance.

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. Balik na kami sa normal at hanggang normal lang kami pwede. Nireplyan ko naman kaagad siya. OO! Mas magaling magturo sayo si Lance. HAHAHA :P

Ihahagis ko na sana ulit sa kama yung cellphone ko kaso bigla pa uling tumunog. Nagreply pa si Stan. Pinagpalit mo na 'ko?

Mabilis kong tinype ang relpy ko. Obvious ba? Joke. Hahaha :P Walang papalit sa math genius kong best friend :D Forever bro and sis lang kami ni Lance :))

Nag-antay ako ng konti para sa reply niya pero walang dumating kaya sa kama ang bagsak ng cellphone ko. Bumaba ako para uminom ng tubig kaya sa kabilang pinto ako dumaan. Narinig ko pa ang ingay ng tv. Sina mama siguro ang nasa isip ko. Dala dala ang baso ko ng tubig, nagpunta ako sa salas namin. Si mama, ate, nana at si capi at Stan.

"Anong ginagawa mo dito?!" napalakas kong tanong sa kanya.

"Oh, sa wakas, bumaba ka na din," sagot naman niya sa akin.

Sumitsit naman si Nana. Tumayo si Stan at binitawan na si Capi. Pinuntahan niya ako at hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa bahay ngayon. Naka-uniform pa din siya at dala pa din niya yung bag niya. Nakangiti siya at medyo natatawa sa reaksyon ko. Pinisil ko ang kanyang pisngi noong malapit na siya sakin.

"Hoy, Stanley Ramirez, anong ginawa mo dito? Gabi na ah. Hindi mo ba alam na may exam pa bukas? 'Wag mong sabihin na ngayon lang natapos yung tutoring session niyo ng girlfriend mo," sabi ko sa kanya ng pabulong.

Napalingon naman si ate. "Akala ko alam mo na nandito si Stan. Kanina pa yan dito. Mga dalawang oras na. Dito na nga yan kumain ng hapunan. Kanina pa pinaakyat ni mama kaso ayaw ka daw niya abalahin."

Hinigit ko si Stan papunta doon sa may kusina namin. Inilapag ko yung basong hawak ko sa mesa saka ko pinagtuunan ng pansin 'tong lalaking 'to wala man lang pasabi. Nagulat na lang ako ng inakbayan niya ako at dinala palabas ng pinto.

"Tita, aakyat na kami," paalam niya bago kami tuluyang lumabas.

Inalis ko ang akbay niya saka ko siya tinitigan. "Yung totoo, Stanley, anong nakain mo?"

"Mari Alyssa, Mari Alyssa," sagot naman niya habang may nakakalokong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi tapos umakyat na siya ng hagdan kaya wala na akong nagawa kundi sundan siya.

Pagdating ko sa kwarto ko, nakaupo na si Stan sa kama ko. Pinagmasdan ko siya ng panandalian at aking napagtanto na grabe, mahal ko pala talaga 'tong lalaking 'to. Higit pa sa inaasahan ko. Ngiti pa lang niya nahahawa na ako. Oo, hindi ko kayang mawala si Stan sa buhay ko.

I mentally slapped myself. Hindi pwede 'to. Ngayong narealize ko na ang totoong nararamdaman ko para sa best friend ko, natatakot akong malaman niya. Bigla ko uli naalala ang mga sinabi niya noong gabi ng kaarawan ko. Mas lalo akong natakot.

"Risa! Risa!" napahawak ako sa pader.

"Ayos ka lang?" tanong ni Stan, nilapitan niya ako.

I'll upload three chapters on Friday if my other story (not this one), UGLY LITTLE FEELINGS, has 100 power stones by Friday 12 noon. You could search for it. Currently, it has only four but last week it reached that much, so here's hoping for the best. Thanks for reading!

wickedwintercreators' thoughts