webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Teen
Not enough ratings
69 Chs

Our Stolen 25 Minutes and More (4)

Pinigilan ko siya ng paglapit gamit ang kamay ko saka ako tumango. Agad akong naupo sa kama at nahiga habang ang paa ko ay nakatungtong pa sa sahig. Tinakluban ko ng braso ang mata ko. Hindi ko kaya. Malalaman kaagad niya.

Nakailang tanong pa ulit si Stan kung ayos lang ako. Tinaas ko lang ng konti ang kanang kamay ko para tumigil siya. Mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ko dahil tumigil na siya ng kakatanong. Nakahinga na ako ng malalim at unti-unting kumalma ang mga nerves ko. Mga ilang minuto pa bago ko tuluyang nakumbinsi ang sarili ko na kaya ko 'to.

Pagkatanggal ko ng braso ko, nag-adjust pa muna ang mata ko sa liwanag ng ilaw. Agad akong tumingin sa kanan ko para tingnan kung saan nagpunta si Stan at mukha niya ang una kong nakita. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, tipong konting konti na lang pwede ko na siyang halikan kaya nasamid ako bigla. Umalis siya sa pagkakadapa niya at naupo dahil bigla akong nag-uubo. Hinigit niya ako paupo at hinimas ang likod ko.

Hindi nagtagal at tumigil na ang ubo ko. "Grabe naman kasi. Ginulat mo 'ko."

"Ano? Masama pa pakiramdam mo?" tanong niya, ang kamay niya ay nasa likod ko pa din.

Naconscious ulit ako pero naagaw ng PS Vita na nakapatong sa hita ni Stan ang atensyon ko kaya biglang pumasok sa isip ko na 'oo nga pala, si Stan lang 'to. Kahit alam ko na na mahal ko pala siya ng higit pa sa kaibigan, si Stan pa din 'to at ngayon na lang ulit kami ganito, hahayaan ko na lang bang mawala.'

Kinuha ko yung PS. "Dala mo pala ito eh."

"Hindi," sagot niya. Tinanggal na din niya ang kamay niya sa likod ko at nag-indian seat siya habang ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa kama, patalikod sa kanya. "Dinaanan ko yan kay na Andy. Naiwan ko sa kanila noong birthday niya."

Tumayo ako at nagpunta doon sa may study table ko. Kinuha ko yung regalo niya saka ako bumalik sa kama. Nang nakita na niya kung ano ang kinuha ko, nagsalita ulit siya. "May english patch na ako nan. Akin na."

Inabot ko sa kanya at naupo ako doon sa harap niya. Saka ko lang napansin na hindi na suot ni Stan ang blazer at polo niya. Yung puting undershirt na lang ang suot niya. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Ang huli niyang punta dito sa kwarto ko ay noong last year pa at hindi pa sila ni Denise.

"Anong oras kayo natapos mag-aral ni Lance?" tumingin siya sa akin ng saglit.

Inabot ko yung bag niya na nasa sahig at katabi ng kama ko saka ko siya sinagot. "Mga three na ata."

"Mga ganung oras ko din hinatid si Denise," sabi ni Stan kahit hindi ko siya tinatanong.

Nang nakita ko na yung hinahanap ko sa bag niya, kumuha ako ng unan at dumapa sa harap ni Stan pero sa gilid pa din ako nakaharap at siya naman ay sa may ulunan. "Akala ko sa bahay niya kayo nag-aral."

"Sa Mcdo kami nagpunta," sagot niya.

Pinindot ko na yung play pagkatapos kong tanggalin ang buhol ng earphones niya. Hindi pa din nagbabago ang password ng cellphone niya.

"Ed Sheeran? Justin Beiber? Miley Cyrus?" napatingin ako sa kanya. May ngiting naglalaro sa labi ko. "Daniel Padilla?"

Medyo natawa na ako ng konti saka ako humiga na ng ayos.

Mahina lang ang volume kaya rinig na rinig ko pa din ang boses niya. "Ano? Masama?"

"Wala akong sinabi," sagot ko sa kanya na may halong pabirong tono.

"Hindi ako—"

Hindi ko na inantay na ituloy pa dahil alam ko na naman ang sasabihin niya. "Nag-aral ka na ha? Baka mamaya sisihin mo pa kung bakit mababa ka sa socsci pero may reviewer ako dun sa table ko."

Naramdaman kong umalis siya ng kama pero hindi ko na siya nilingon. Nagtingin ako ng pictures sa cellphone niya dahil ngayon ko na ulit nahawakan ito pagkatapos lumipas ang ilang buwan. Nang nakita ko ang mga selfies nilang dalawa ng girlfriend niya, sinarado ko na agad. Mayamaya ay bumalik na si Stan sa kama at tumabi sa akin pero itinabi niya ng konti ang buhok ko bago siya nahiga. Ang braso namin ay magkadikit, balat sa balat.