webnovel

Palagi Akong Handang Makipaglaro

Editor: LiberReverieGroup

"Tungkol ba ito sa video na pinakita sa big screen sa Global Square ngayong hapon?" tanong ni Bai Lihua. "Siguradong pupunta si Hua Wenfeng dito para hanapin ka. Hindi ako papayag na harapin mo siya nang mag-isa."

"Okay lang," ngumiti ng marahan si Tangning. "Nakagawa na ako ng mga paghahanda. Hindi niya ako magagalaw."

"Kahit na, hindi ako papayag na umalis. Gagaan lamang ang pakiramdam ko kapag nakikita kita," tiningnan ni Bai Lihua si Tangning na may determinasyon.

Tiningnan ni Tangning si Bai Lihua at napansin ang malakas na pagnanaasa na protektahan siya. Ito ay napakalakas at imposible para kay Tangning na tanggihan ito.

Kaya, tinango niya ang kanyang ulo sa huli, "Sa kasong ito, wag kang magsasalita. Ako nang bahala."

"Paano si Mo Ting? Hindi niya ba alam na darating si Hua Wenfeng?

Bab Terkunci

Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com