Chapter 2
Kinaumagahan excited na pumasok si Prince sa school. Pag upo niya sa kanyang upuan binuksan niya ang drawer ng kanyang table. Pagbukas niya may nakita siyang baunan at sa ibabaw nito may nakasulat na "To: My Math Tutor...Lunch para sayo :-) From: Poging Tutee". Napangiti si Prince at hindi niya alam bakit may nararamdaman siyang konting kilig dito. Napatingin siya kay Sen at nakita niyang nakatingin rin ito sa kanya hanggang sa nagsimula na ang kanilang klase.
-Recess Time-
"Tara, snacks tayo" sabi ni Sen.
"Ah...busog pa ako eh" sagot naman ni Prince
"Libre ko, tara na"
"Ah ganun ba...nagugutom pala ako" pagbibiro ni Prince
Napangiti na lamang si Sen at sabay silang nagpunta sa cafeteria. Habang kumakain sila, sila ay nag uusap.
"Bakit absent pala si Allen?" tanong ni Prince
"Bakit mo siya hinahanap, crush mo siya?"
"Baliw! Hindi noh, natanong ko lang bakit absent siya, masama ba?"
"Oooo..crush mo lang siya e..."
"Hahahaha...hindi ah, paano pala kita itu-tutor sa math?"
"Mahina kasi ako sa Math."
"Parang hindi naman"
"Oo nga, marami na akong naging mga tutors sa math pero naboring ako"
"Di naman ako magaling sa math, paano yan?"
"Huwag ka nga pa-humble diyan!"
"Totoo nga."
"Basta mamaya sumabay ka sa akin pauwi"
-Afternoon Dismissal-
"Tara sakay na.." sabi ni Sen.
Di alam ni Prince ang kanyang gagawin. Natulala siya.
"Hoy!!!"
"Ah cge cge"
Sumakay na si Prince sa bandang likod ng kotse.
"Hoy! Bakit diyan ka sa likod sumakay, ayaw mo ba akong katabi? Dito ka sa harap para may kausap ako"
Lumipat si Prince sa harap.
"Suot mo na yung seatbelt"
"Ah...?"
"Sabi ko suot mo na yung seatbelt mo"
"Ah...sorry di ko kasi alam kung paano"
"Hayyyy...ganito yan"
Tinuro ni Sen kay Prince kung paano ilagay ang seatbelt.
"Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ako kinakabahan at bakit napapangiti ako" sabi ni Prince sa kanyang isip habang kinakabit ni Sen ang seatbelt sa kanya.
"Sa bahay niyo ba tayo?" tanong ni Prince
"Hindi dun tayo sa favorite kung coffee shop, favorite place ko kasi yun"
"Ah paano kita tuturuan baka maingay dun"
"Hindi, konti lang ang tao dun, very relaxing kasi yung place "
"Ah see"
""Andito na tayo"
Bumaba na ang dalawa at pumasok na sa loob ng coffee shop. Nag order nang drinks at foods si Sen.
"Let's start?" sabi ni Prince
"Ok, hirap kasi ako sa Pre calculus"
Nilabas nila ang kanilang homework sa Pre calculus. Seryosong tinuturuan ni Prince si Sen at habang si Sen seryoso din nakikinig kay Prince. Masayang natapos ang kanilang math tutorial at nagpasalamat si Sen kay Prince.
"Hatid na kita"
"Hindi na at medyo malayo pa ang aming bahay, hatid mo na lang ako sa bus stop"
"Sure ka?"
"Oo, ano ka ba"
"May pamasahe ka?"
"Oo naman" nakangiting sagot ni Prince
Hinatid na ni Sen si Prince sa bus stop.
"Oh, cge na bye na" sabi ni Prince
"Anong bye na? Dito muna ako, hintayin kitang makasakay" sagot ni Sen
"Kayo ko na cge na bye na"
Hindi na nagsalita si Sen at hindi ito umalis hinintay niya talagang makasakay si Prince.
"Ayan may bus na" sabi ni Prince
"Cge ingat ka, magtext ka sa akin kung nakauwi ka na"
"Ok cge cge, bye"
Sumakay na sa bus si Prince. Nakangiti siya habang naka tingin sa labas. Nakita niyang hindi pa rin umaalis si Sen. Umalis na lamang ito ng umalis na rin ang bus.
"Ano ba itong nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag, bakit sobrang saya ko, nahihiya man akong aminin pero kinikilig talaga ako. Ang guwapo niya kasi ang bait pa pero medyo mayabang. Hayyy di ko alam, basta ang alam ko lang masaya ako na nakasama ko siya" sabi ni Prince sa kanyang isip.
Kinagabihan tumawag si Sen kay Prince.
"Hoy!!!bakit di ka man lang nagtext kung nakauwi ka na?"
"Ah sorry wala akong load...bakit nag aalala ka ba sakin?"
"Ay naku po, bakit natanong ko kung nag aalala siya sa akin? Oh my" sabi niya sa kanyang isip
"Syempre gabi na, tapos di ka man lang nagtetext, kasalanan ko kung may mangyari sayo" medyo galit na sabi ni Sen.
"Ahhh, sorry na"
"Sorry ka diyan, wlang sorry sorry cge na matulog ka na" seryosong sabi ni Sen at binaba niya na ang kanyang cellphone.
Araw-araw ganun ang laging daily routine ng dalawa. Everyday din may pagkain sa drawer ni Prince at ang mga nakasulat dito ay iniipon niya. Tuwing hapon after class lagi silang nagpupunta sa coffee shop para dun magtutor. After tutor laging hinahatid ni Sen si Prince sa bus stop. Pagkatapos ng 1st quarter with High Honors ang nakuha ni Prince at With Honors naman si Sen at Allen. Masayang masaya si Sen kasi mataas ang nakuha niyang grade sa Math. Sa sobrang tuwa ni Sen napayakap siya Kay Prince. Nagulat si Prince at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sobrang nagpapasalamat si Sen kay Prince.
-Araw ng Sabado-
Tumawag si Sen kay Prince.
"Asan ka?" sabi ni Sen
"Nasa bahay"
"Anong ginagawa mo?"
"Nagbabasa, ikaw?"
"Wala, wala akong magawa,,tara stroll tayo"
"Ha?"
"Stroll tayo sabi ko! lagi kang bingi " sabay tawa ni Sen
"Saan tayo pupunta"
"Kahit saan"
"Cge saglit lang magpapaalam ako"
"Maliligo na rin ako at hintayin kita sa may bus stop"
"Ok cge cge"
Nagpaalam si Prince sa kanyang ina at pinayagan naman siya nito. Agad agad namang naligo si Prince at nagbihis.
"Asan ka na?"
"Andito na ako sa bus, ikaw asan ka na?'
"Andito na ako, tagal mo"
"Malapit na"
"Cge, ingat ka"
Pagbaba ni Prince sa bus stop nakita niya si Sen naka single na motor ito. Lumapit si Prince kay Sen. Binigay ni Sen ang helmet at pinasuot ito sa kanya.
"Sakay na" sabi ni Sen.
Umangkas si Prince sa motor ni Sen.
"Humawak ka baka mahulog ka"
Mabilis na pinatakbo ni Sen ang kanyang motor at napahawak si Prince sa mga balikat ni Sen. Nagpunta ang dalawa sa isang sikat na daan sa Mangatarem, Pangasinan kung saan ang tawag nila dito ay Daang Kalikasan Pangasinan - Zambales Road. Manghang mangha si Prince sa ganda ng daang kalikasan. Tuwang tuwa si Prince ng makarating sila sa pinakamagandang spot ng Daang Kalikasan. Nagpicture-picture ang dalawa. At pagkatapos nito sila ay nagpahinga. Nilabas ni Sen ang dala niyang pagkain at drinks at sila ay nag meryenda.
"First time mo dito?" tanong ni Sen
"Oo, first time ko dito, ang ganda ganda"
"Ah kaya pala"
"Ikaw ba?"
"2nd time ko na, nung una mga pinsan ko kasma ko na nagpunta dito"
"Ah...ok."
"May tatanong pala ako sayo?" tanong ni Prince
"Ano yun?"
"Wala kang girlfriend?"
"Wala, bakit mo natanong?"
"Wala naman, sa guwapo mong yan wala kang girlfriend?"
"Dapat ba lahat ng guwapo, required ba magka girlfriend?" nakangiting sabi ni Sen
"Hindi naman, natanong ko lang"
"Oh bakit ikaw guwapo ka din naman at matalino bakit wala kang girlfriend?"
Nagulat si Prince sa tanong ni Sen.
"Bakit di ka makasagot, dahil iba ang gusto mo?" pabirong sabi ni Sen
"Ha???"
"Tara na, medyo mainit na" sabi ni Sen
"Ok, lets go" sagot naman ni Prince.
Bumaba na ang dalawa.
"Saan mo gusto mo maglunch?"
"Kahit saan?"
"Walang kahit saan"
"Hmmmm,,,basta kahit saan"
"Hayyy,,,sige tara mag fast food na lang tayo"
Pumasok sa loob ng fast food ang dalawa at dun kumain ng pananghalian. At pagkatapos nilang mag lunch hinatid na ni Sen si Prince sa bus stop hanggang sa makasakay ito. Habang nasa bus si Prince naka receive siya ng text mula kay Sen.
"Ingat ka, magtext ka sa akin kapag nakauwi ka na. Salamat sa time"
Tina-type niya ang kanyang i-rereply pero mamaya buburahin niya.Type-erase, type -erase ang ginagawa niya.
"Di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, maya ko na lang siya replyan"
Pag uwi ni Prince ay agad itong humiga sa kanyang higaan at nagreply na siya kay Sen.
"Hi Sen, ahhh, poging tutee pala hahaha. Nakauwi na ako, huwag ka na mag alala hahaha. Thank you sana marami pang next time. Nag enjoy talaga ako. "
"Sige salamat din, see you on Monday."
"Ok, see you."
Dear Diary,
Noong una ko siyang nakita medyo may naramdaman ako pero konti lang naman. Dahil siguro matangkad siya, guwapo at kayumanggi. Noong nakausap siya may pagkamayabang pero mabait siya. Habang tumatagal yung medyo konti kung nararamdaman sa kanya parang dumadami na ata hahahaha. Gusto ko laging may pasok. Di ko alam kung bakit ko siya gusto ko laging makita. Pero aaminin ko na may gusto na ata ako sa kanya pero di pa sure ah. Sana Lunes na.
Pagkatapos isulat ni Prince ang kanyang diary. Naglinis siya ng bahay. May pakanta -kanta pa siya habang naglilinis at iniisip ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Sen.