webnovel

Panalo tayo!

Chapter 3

"Di ka ba manunuod ng laro namin mamaya sa basketball?"

"Di ko alam , mamaya pa lang kasi ipo-post sa bulletin yung schedule for athletics "

"Ah ok, pero sana makapanuod ka kung wala ka pang laban, di ba Allen?"

"Oo, para mapanuod mo kung paano maglaro si Sen. MVP yan last year"

"Ok cge sana bukas pa ang schedule ko for athletics"

After ng lunch tiningnan nang tatlo ang schedule sa bulletin at nakita nila na bukas ng umaga ang schedule for athletics.

"Yes, mapapanuod mo kame" masayang sabi ni Sen

At nagpunta na sila sa gym.

"Prince, ok lang ba na pabantay ang mga gamit namin ni Allen?"

"Oo naman, walang problema"

"Goodluck Sen and Allen" pahabol ni Prince bago nagpunta ang dalawa sa court.

At nagsimula na nga ang laban. Habang tumatagal lalong umiinit ang laban. Sigawan lahat ng mga nanunuod sa gym. Maraming mga beks na estudyante ang kinikilig kay Sen dahil sa galing nito maglaro ng basketball. At sa huli ang Team nila Sen ang nanalo.

"Congrats ang galing niyong dalawa" masayang sabi ni Prince

"Siyempre, panonoorin ka rin namin bukas" sagot naman ni Sen

"Sen di pala ako makakasama sa inyo mamaya ni Prince na mag Milktea, may dinner kasi kame mamaya sa bahay ng tita ko, otw na rin sila mommy" sabi ni Allen

"Wala tayong service ngayon wala akong sasakyan ngayon hiniram ng pinsan ko"

"E di maglakad tayo, malapit lang naman"

Naglakad si Sen at Prince papuntang Milktea shop.

"Galing mo maglaro ng basketball ah"

"Hindi naman sakto lang"

"Ang galing kaya, sana all magaling mag basketball"

"Bakit kasi ayaw mo maglaro ng basketball"

"Hindi ko siya hilig eh and hindi talaga ako marunong"

"Gusto mo turuan kita?"

"For free ba?" pagbibiro ni Prince

"Oo naman"

After mag milktea ng dalawa bumalik sila ng school. Nagpunta sila sa gym at silang dalawa lang ang tao dun.

"Handa ka na ba?" tanong ni Sen.

Kinuha ni Sen ang bola at pinasa kay Prince. Tinuro ni Sen ang bawat rules sa paglalaro ng basketball at mga shooting and passing skills. Tuwang tuwa ang puso ni Prince. Kilig na kilig siya habang tinuturuan siya ni Sen at dahil nakaramdan ng init si Sen hinubad nito ang kanyang damit. Napatulala si Prince kay Sen.

"Hoy!!! baka matunaw ako"

"Ah,,,bakit tinitingan ba kita?"

"Oooo...kitang kita ko nakatingin ka sa akin."

"Uyy hindi ah"

"Bahala ka nga,,tara tuloy na naten"

"Ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon, para akong nasa alapaap. Hinihiling ko na sana na huwag na matapos ang araw na to. Sa tuwing mahahawakan niya ang mga kamay ko at sa tuwing hinaharang niya ako na halos ilapit niya na ang kanyang mukha sa mukha ko para akong hihimatayin at parang gusto ko na lang siyang yakapin hahahaha charot lang. " sabi ni Prince sa kanyang isip habang nag dri-drible ng bola.

"Tara na, maggagabi na" pagyaya ni Sen.

"Ayyyy...tara na?"

"Bakit ayaw mo pa ba?"

"Ayaw ko pa sana...charot lang"

"Haaa...charot salitang beks yan ah" nakangiting sabi ni Sen

"Bakit may mga lalake namang nagsasalita ng charot ah"

"Ahhh...ok, tara na hintayin naten sundo ko sa labas at ihahatid ka namin sa bus stop"

"Ok cge"

"Lagay mo nga muna yung panyo ko sa bag mo, kunin ko na lang mamaya sa sasakyan"

Naglakad na ang dalawa papunta sa labas...

"O, yan na yung sundo ko, tara sakay na"

"Kuya hatid natin si Prince sa bus stop"

"Cge po sir."

Hinatid na nila si Prince sa bus stop at umuwi na rin sila.

Pagdating ni Prince sa kanilang bahay binuksan niya ang kanyang bag para i check ang kanyang cellphone nakita niya ang panyo ni Sen. Agad naman niya itong tinext.

"Hi Sen, yung panyo mo nakalimutan mong kunin"

"Ahhh,,,sayo na yan"

Di na nagreply si Prince,,,nilagay niya ang panyo ni Sen sa kanyang box kung saan andun yung mga notes na binibigay sa kanya ni Sen. Maagang natulog si Prince dahil maaga ang laban niya bukas sa Athletics.

Kinaumagahan maagang pumasok si Prince. Habang wala pang maraming tao sa oval ng school. Nagsimula siya mag warm up. Inikot niya ng ilang beses ang oval sa pamamagitan ng pag jojogging. 800-m dash ang kanyang tatakbuhin mamaya. Napalingon siya ng narinig niya ang pangalan niya na tinatawag ni Sen at Allen. Agad siyang lumapit sa mga ito.

"Eto energy drink, uminom ka muna. Nagbreakfast ka na ba?" sabi ni Sen

"Oo cge salamat."

"Galingan mo ah" sabi naman ni Allen.

Nag-umpisa na nga ang 800-m dash. Super cheer sina Sen, Allen at iba pang mga classmates nito kay Prince. Lalong lumakas ang sigawan nila nung nakita nilang nauuna na si Prince hanggang sa ito ang nakakuha ng 1st Place. Agad na lumapit ang mga classmates niya. Sa sobrang tuwa ni Sen ay binuhat niya si Prince. Nagagalak na naman ang puso ni Prince pakiramdam niya girlfriend siya Ni Sen.

Tuwang-tuwa ang kanilang adviser dahil sa dami ng napanalunan nila itong Intrams. Lalo na sa basketball dahil sila ang nag champion. After ng mga indoor at outdoor games ay nagkaroon na ng awarding sa gym. Masaya at matagumpay na natapos ang kanilang Intrams.

"Ayaw ko pa ngang umuwi" sabi ni Sen

"Bakit may problema ka ba?"

"Wala naman, alam ko na punta kaya ako sa bahay niyo?"

"Ha, sigurado ka?"

"Oo, ayaw mo ba?"

"Hindi naman"

"E di tara na"

Nagpunta si Sen sa bahay nila Prince 7pm na rin sila nakarating sa bahay nila. Pinagmamasdan ni Sen ang bahay nila Prince.

"Ang liit ng bahay namin noh.' sabi ni Prince

"Eh ano naman sa akin"

"Tara pasok na tayo sa loob"

Pumasok na sila sa loob.

"Ma, andito si Sen"

Nagmano si Sen nang makita ang mama ni Prince.

"Good evening po" pagbati ni Sen.

"Magandang gabi din sayo, ikaw pala yung laging kinukwento sa akin ni Prince, totoo nga pala para kang artista at kay guwapong bata"

"Ma...."

"Ikaw ah, binibida mo pala ako kay tita ah"

"Oo, lagi ka niyang binibida sa akin, mabait ka daw "

"Hindi po totoo yun, si Prince po ang mabait"

Sabay na nagtawanan ang tatlo at sabay sabay na silang kumain nang dinner.

"Nagpaalam ka ba sa inyo Sen"

"Opo tita, pinayagan po ako dahil saturday naman po bukas"

"Mabuti at nakapunta ka na rin dito sa bahay"

"Opo, matagal ko na po gusto po pumunta dito kaya lang sabi ni Prince malayo daw"

Natapos na sila nag dinner.

"Sige maiwan ko muna kayo, magkwentuhan muna kayo, maghuhugas lang ako ng pinggan"

"Sige po tita"

Pumunta sa labas ang dalawa.

"Tahimik pala dito sa inyo, sarap siguro tumira dito sa bukid"

"Oo naman, alam mo ba?"

"Ano iyon?"

"To be honest, di ko alam na magiging close tayo ng ganito"

"Bakit close ba tayo?" pagbibiro ni Sen

"Eh di hindi, hahahaha"

"O..bakit?"

"Kasi akala ko mayabang at maarte ka"

"grabeh ka naman, napaka judgmental mo naman"

Natawa na lamang si Prince kay Sen.

"Nagtext na ang daddy ko, cge pasok na tayo sa loob paalam na ako kay tita"

"Tita uwi na po ako, maraming salamat po"

"Sige ingat ka Sen. Balik ka lang dito kapag may time ka."

Hinatid nang mag ina si Sen sa labas at sumakay na si Sen sa kanyang kotse.

"Ingat ka sa pag uwi ah. Magtext ka o tumawag ka kapag nakauwi ka na" sabi ni Prince at nagpaalam na ito.

"Anak'

"Ano iyon ma?"

"Crush mo si Sen noh?"

"Luhh si mama hindi ah, kaibigan ko lang yun"

"Kaibigan ka diyan, kilala kita anak'

"Ma...tara na pasok na nga tayo sa loob. "