webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
65 Chs

Keiley's

Chapter 13.5 Keiley's 

Harvey's Point of View 

Tatlong araw noong makalabas si Haley mula sa ospital. Gamit niya ang wheel chair s'ya ngayon dahil hindi pa naman niya kayang ilakad ang dalawa niyang paa. 

Nilagyan din ng simento 'yung bandang siko't kamay niya na madali rin namang gumaling kaya inalis din nila 'yung pang suporta ni Haley. 

"Ano ba 'yan! Ang arte mo naman! Kaya mo bang kumain mag-isa?!" Naiinis na tanong ni Reed mula sa sala. Ang ingay ng bunganga ng lalaking 'yon. Ang aga-aga.  

Nandito na nga ako sa taas ng hagdan, naririnig ko pa rin 'yung boses niya. Makapunta na nga lang sa kwarto ni Kei dahil kanina pa talaga siya hindi lumalabas ng kwarto. Eh, 9 o'clock na rin ng umaga. 

Nakahinto na ako sa harap ng kwarto niya kaya kumatok ng dalawang beses. "Kei." Tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. Muli akong kumatok at idinikit nang kaunti ang tainga sa pinto. "Hindi ka pa ba nagugutom? Nagluto si manang ng Tocilog with Bagoong fried rice." Nagpaparinig na ako pero wala pa rin akong naririnig mula sa loob. 

Lumabas ba 'yon?

Pinihit ko ang pinto. Naka-locked naman ito kaya napasimangot ako't tumalikod. "Hindi man lang ako tinext?" Naiirita kong sabi at tumalikod para umalis nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. 

Lumingon ako ro'n at nagsalubong ang kilay. "Nandiyan ka naman pala, ba't hindi ka sumasag--" Napatigil ako sa pagsasalita noong idungaw lang ni Kei ang ulo niya't mukhang namimilipit sa sakit. 

"S-sorry, but I want to be alone." Animo'y nanghihina niyang sabi. 

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "What's the matter?" Taka kong sabi pero 'di niya ako sinagot at isinara lang ang pinto. Wha--?!  

"Ah, mayroon pala ngayon si sis." Lumingon ako kay Haley na nagtutulak ng sariling wheelchair at palapit sa akin. She's still wearing her smile.  

Humarap ako kay Haley. "Anong mayro'n? Na ano?" Naguguluhan kong tanong.  

Natawa naman siya. "Ay, sorry. Kako period. Mayro'n siyang dalaw." 

Napasapo naman ako sa noo ko. "Ah! Okay, kaya pala." Ang tagal na naming magkasama ni Kei, hindi ko pa rin gets kapag sinasabi nilang mayro'n sila. 

"Mas better siguro kung bumili ka ng something para sa kanya." ani Haley.

"Like?" 

"Pudding. I think it'll make her feel better atleast." Ngumisi pa siya kaya tumangu-tango naman ako. Good idea. 

"Punta muna ako Balcony, ah?" Paalam niya saka niya ako nilagpasan. Pero inalukan ko siya na ipunta roon. Buti nga 'di naman tumanggi kaya dinala ko siya sa balcony. Binuksan ko ang pinto at inilabas na siya.  

Bumungad sa 'min ang malakas na hangin habang papalapit sa stone railing. Huminto kami saka namin tinanaw ang paligid. Hindi ko kaagad binitawan ang handle nung wheelchair dahil napakaganda sa pakiramdam nung daloy ng hangin lalo na't naririnig ko ang pagtama ng mga dahon dahon sa isa't isa.

Naglabas ako ng hangin sa ilong saka ibinaba ang tingin kay Haley na malayo lang din ang tingin. "May bumabagabag ba sa 'yo?" Tanong ko sa kanya. 

Umiling siya at itiningala ang tingin sa akin. "Naisip ko lang. Pa'no kung may mga bagay sa mundong ito na 'di natin inaasahan na nag e-exist pala?" Panimula niya. "Pero pinipili lamang nating isara 'yung mga mata natin nang 'di tayo masaktan?"  

"Are you referring to yourself?" direkta kong tanong na tinawanan niya. 

"Maybe? Or maybe not." Sagot niya kaya ngumiti ako't ipinatong ang kamay sa ulo niya. 

"There are things in this world na 'di na dapat natin pinapakielaman. We should just go with the flow and let it happen as we go through life." Wika ko. "Solve or leave the problem. Don't live your life with the things that will give you pain and misery." 

Hinawakan niya ang likuran ng palad ko kaya'y napaawang-bibig ako. Luminya ang ngiti niya noong tingnan ako. "Thank you, kuya." 

Taas-kilay ko siyang sinimangutan. "Kuya?" Banggit ko sa tinawag niya. 

Humagikhik lamang siya't tinap tap lang ang kamay ko. 

***

PUMUNTA AKO SA garahe at pumasok sa kotse. Hindi ko muna pinaandar ang makina at nakatingin lang sa kawalan. Medyo nagagambala ni Haley 'yung utak ko ngayon. 

She reminds me of her twin sister, it's kind'a uncomfortable for some reason.

Umiling ako't pinaandar na nga 'yung sasakyan para dumiretsyo sa Linold's Supermarket. 

Habang nagda-drive ako, 'di ko maiwasang alalahanin 'yung alaala ko noong taong nandito pa si Lara. Napaisip ako kung nandito pa siya't nabubuhay, girlfriend ko pa kaya si Kei? 

Napahilamos ako at muling napailing. Ano ba 'tong sinasabi ko? 

Pumasok na 'ko sa loob ng supermarket matapos kong mai-park ang sasakyan ko. 

Medyo maraming tao ngayon kaya medyo nakakahilong tingnan. Dumiretsyo ako sa area kung nasa'n ang napkin. Ayun kasi ang text ni Haley sa 'kin bago pa man ako makababa ng sasakyan, wala na raw'ng napkin si Kei. Saka bili na rin daw ako ng gamot para sa Dysmenorrhea. 

Ang dami talagang sakit ng mga babae. 

"Napkin? 'Yung tissue?" Naalala kong text kay Haley kanina. 

"Hindi. 'Yung sanitary pad." Sagot niya kaya natatawa na lang ako sa sarili ko. Nakaka ignorante rin minsan. eh. 

Huminto ako noong marating ang napkin area. Kunot-noo ko silang tiningnan at napahawak sa ulo. "Ano 'yan? Ba't ang dami naman?" Takang-taka kong sabi saka binasa ang nakalagay sa mga napkin. With wings at wings. Ano'ng pinagkaiba no'n? 

Naramdaman ko naman ang pasimpleng tingin ng mga taong dumadaan kaya sa 'di malamang dahilan ay nakaramdam ako nang kaunting  hiya. Kumuha na nga lang ako ng maraming napkins dahil 'di ko rin alam kung ano 'yung dapat na kunin saka inilagay papasok sa basket. Nakuha ko lang din sa gilid. Lucky. 

"Ayaw mo pa talaga akong sagutin?" Narinig ko ang boses ni John sa 'di kalayuan dahilan para mapaangat ang tingin ko. Kasama niya si Rose at gaya ng madalas na makita ng ibang estudyante sa kanya ay napaka seryoso niya rin kung tingnan.  

 

Inayos niya ang suot na salamin. "Wala akong naalala na pumayag na ako sa panliligaw mo, John." may awtoridad na sabi ni Rose saka 'di sadyang mapatingin sa akin. Imbes na liliko siya ay huminto ito para tingnan ako. Ibinaba rin niya ang tingin sa mga buhat-buhat ko. "I see. I see. Gagawin ang lahat para lang mabilhan ng napkin ang girlfriend."   

Napatingin din si John sa akin at kinawayan ako. "Uy! P're! Ayos 'yan, ah?" nguso niya sa laman ng basket. Sa hiya ko ay nilayasan ko sila. 

"Sana all may girlfriend!" Pagpaparinig ni John.

***

SA KALAPIT NA drug store naman ako pumunta. Hindi ko alam kung makakatulong pero bibili ako para sa sakit. 

"Pabili nga po ng gamot para sa sakit sa puson" Bili ko ng kung anong gamot sa pharmacist. Eh, hindi ko alam tawag.  

"Venus po ba sir?" Banggit ng lalaki sa gamot.

"Basta kahit na anong gamot para sa sakit ng puson" medyo iritableng sabi ko. 

"Para sa inyo ba, Sir?" Tanong niya.

May pumitik sa gilid ng noo ko. "Para sa girlfriend ko." 

"Ilan po ba, Sir?" Tanong pa niya.

"20" bored na sagot ko. Parang hindi na kami matatapos dito.

"Ayun lang po?" Tanong niya.

 

Inis kong iniyukom ang kamao ko. "Wala naman na 'kong idinagdag, 'di ba?" Mainahon pero makikita ang iritableng mukha dahil sa kaunting paglukot nito. 

"Okay, Sir." At kumuha na siya ng gamot para binigay sa akin, "That is for P30.00, Sir." Inabot na niya sa akin 'yung gamot habang inis ko namang hinablot iyon at umalis pagkatapos kong magbayad.

***

BINUKSAN KO ANG pinto. Nakarating na ako sa bahay at ngayon ay papunta na rin sa kwarto ni Kei. Nakasalubong ko pa si Reed na nakabusangot nanaman. "Nasa'n si Haley?" Tanong ko nang magsalubong kami sa hagdan. 

"Wala, ewan ko ro'n." Sagot lang niya habang tuloy-tuloy lamang sa pagbaba.

Naglabas lang ako ng hangin sa ilong 'tapos pumunta na nga lang sa harapan na kwarto ni Kei. Kumatok ng ilang beses bago buksan ang pinto niya. Ngunit sa pagbukas ko ay halos bumagsak ang baba ko sa sahig dahil sa nakikita ng mata ko.

Sinara ko kaagad ang pinto't napasandal. Wala siyang suot maliban sa bra't panty niya. 

Tinakpan ko ang bibig ko. Nakita ko naman na siya sa two piece swimsuit niya pero iba pala talaga kapag 'yung bra at panty na ginagamit lang niya sa pang araw-araw. 

Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto nang buksan iyon ni Kei. Humarap ako sa kanya at taka itong tiningnan ako. Inabot ko lang ang pinamili kong napkin sa kanya. "Para sa 'yo?" Patanong kong sabi. Ibinaba niya ang tingin sa mga hawak ko't napangiti.

"Ang dami naman yata niyan?" Tanong niya saka niya kinuha ang supot na puno ng napkin.   

Ibinuka pa niya ang pagkakasara ng pinto at nilahad ang kwarto. "Ayaw mong pumasok?" Tanong niya. 

Namula ako. "Eh?"  

Ngumiti pa siya kaysa kanina. "We won't do anything. Don't worry."

Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Mas 'di ako nagtitiwala kapag sinasabi mo 'yan." 

Namula rin siya at napasimangot kaya binawi ko 'yung sinabi ko. Bumuntong-hininga at tumalikod. "Nevermind. Babalik na ako sa kwarto ko. May gagawin pa ako--" Hindi ko pa nga natatapos 'yung sinasabi ko ay kinuha niya ang kamay ko para hilahin sa loob. 

Isinara niya ang pinto at mabilis akong niyakap. Ibinaba ko ang tingin. "What's wrong?" Tanong niya. 

Hindi siya sumagot pero ibinaon lang niya lalo ang mukha niya sa dibdib ko. "Nothing. I'm just missing your smell." Nasa likod ko ang mga kamay niya nang dahan-dahan niyang ibaba iyon.  

Kinilabutan ako kaya hinawakan ko ang mga kamay niyang na sa likod ko't dahan-dahan siyang inalis. 

"Masakit 'yung puson mo? Dinalhan din kita ng gamot just incase na sumakit." 

Ngiti lang itong ngumiti. "Medyo pero hindi na ngayon." Tugon niya habang nakaangat ang tingin sa akin. 

Wala akong imik na nakatitig sa kanya. I want to kiss her for pete's sake. 

"Uhm..." Umiwas ako ng tingin pero ibinaba rin ang tingin sa natural pink lips niya.  

Mukha namang napansin iyon ni Kei kaya hiya itong ngumiti. "Do you want it?" Tanong niya. 

"A-ano ang tinutukoy mo?" Pagmamaang-maangan ko habang mas tinititigan ang labi niya. 

Mas luminya pa ang ngiti sa labi niya. "Kis--" Hindi niya naipagpatuloy 'yung sasabihin niya dahil sa pagbukas ng pinto. 

"Kei-- Hoy, gag* ka! Ano'ng ginagawa mo sa bestfriend ko?!" turo ni Reed sa akin na mabilis mamula ang mukha sa galit. 

Lumayo na nga lang ako kay Kei at humawak sa batok ko. "Tsk."   

Pumasok sa loob si Reed at kinuwelyuhan ako. "Know you limits, pare. Parang kapatid ko na 'yan." Tukoy niya kay Kei. Ah, that reminds me. 

"Edi talaga ngang para mo na ring kapatid si Haley?" Tanong ko nang 'di inaalis ang tingin sa kanya. 

His parents and Tita Jen are childhood friends. Matapos ang trahedya sa magulang ni Reed. 

Kinuha nila ang Evans sibling dahil maliban sa parehong single child ang magulang ni Reed dahilan para wala silang malapitan ay  nagpasya sina Tito Lesley na kupkupin sina Reed dahil pamilya na rin naman ang turing ng mga ito sa Evans. Ayaw lang ipabago nila Reed ang apilyedo nila sa alaala ng mga magulang nila.  

"Alam mo t*ngina mo." Sabay alis ng pagkakahawak niya sa kwelyo ko't tumalikod sa akin para humarap kay Kei. "Huwag ka muna masyadong magmalandi, naiintindihan mo?" 

Nagpameywang si Kei dahil sa sinabi ni Reed. "I-I'm not! Saka kuya ba kita?" 

"Mas matanda ako sa 'yo." Mariin na sabi ni Reed saka ako uling binalingan ng tingin para tapunan ng masamang titig. Umalis na siya sa kwarto ni Kei pero bago pa man makalayo ay tinuro pa niya si Kei. "Huwag mong isara 'yung pinto." Huling sabi niya bago tuluyang lumayas sa harapan namin. 

"Kung anu-ano sinasabi." Nakasimangot kong sabi. Tiningnan ko si Kei na nakatingin lang pala sa akin. Ngumiti siya nang pilit.  

"Mag-aayos na muna siguro ako ng gamit." ani Kei. Humawak ako sa batok ko at naglayo ng tingin. 

"M-mabuti pa nga siguro." Sagot ko naman dahil nakikita ko 'yung reaksiyon niyang nao-awkward-an sa sasabihin niya sana kanina.