webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Teen
Not enough ratings
65 Chs

Erroneous

Chapter 14: Erroneous

Jasper's Point of View 

Naranasan niyo na bang mahulog mula sa kama dahil nahulog ka raw sa panaginip mo?

Kasi nangyari siya sa akin ngayon. Nahulog daw ako sa puso ni Mirriam. Bale maliit ako roon pagkatapos bumagsak ako sa dibdib niya kung saan nakalagay ang puso niya.

Ang weird nga, eh? 

Hindi ko naman maintindihan kung bakit naging ganoon ang panaginip ko.

Umupo na nga lang ako sa pagkakahiga ko mula sa kama at napakamot sa batok.

"Seriously..." Tumalon ang alaga kong aso na si Sam para harutin ako. "Hi, buddy." bati ko sa kanya saka siya lumabas na kwarto ko. Ginising lang talaga niya ako. Laway niya 'yung pampagising, eh. 

Iginala ko ang tingin sa buong kwarto ko. Nagkalat na 'yung mga laro ko sa PS Vita at PS4. 

Tumayo na ako 'tapos sumilip sa labas ng bintana ko. Nakikita ko sina Reed habang hila-hila si Haley. Sa'n punta ng mga 'yon?

Bumaba ako ng hagdan para mag umagahan. May pagkain na sa lamesa nang marating ko ang dining room pero gaya ng nakaugalian ay ako nanaman pala ang mag-isa. 'Tapos na sigurong kumain 'yung mga kasama ko sa bahay kaya wala ngayon. 

Lumingon ako't luminga-linga. "Huge house sucks." Sabi ko sa sarili ko. Umupo na nga lang ako sa pwesto ko't kumain mag-isa. Yeah, I've been all alone ever since iwan ako ng mga magulang ko kina yaya. 

Wala ang magulang ko ng mga ilang taon dahil sa trabaho sa ibang bansa. Bihira ko lang talaga sila makita na halos makalimutan ko na kung ano ang itsura nila. 'Di naman kasi sila madalas mag take ng pictures kahit mayroon silang Facebook. Hindi ko rin naman sila ma-stalk dahil wala rin naman akong ibang makita kundi 'yung post lang nila 11 years ago. Tapos ang labo pa ng mga kuha. 

Matapos kong kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto para maligo't makaalis ng bahay dahil pupunta ako ngayon sa G.Shop. 

Siguro kaya ako naging gamer dahil madali lang din akong ma-bored sa buhay. Lalo pa't si manang lang 'yung tao rito sa bahay? 'Tapos hindi ko pa makausap dahil magpapahinga pa siya pagkatapos maglinis at gawin 'yung mga gawain dito. 

Lumabas na ako ng bahay at umangkas sa motorsiklo ko na nasa garahe. Bagong linis lang 'to kaya ang pogi na ulit. 

Pinaharurot ko na nga ang motor nang makabili na ako ng video games. 'Di naman iyon nagtagal dahil nakarating din ako. Nag park lang ako sa bakanteng pwesto saka pumasok sa loob. And as usual, si Mira pa rin naman ang makikita ko.

Nakakalumbaba siyang nagbabasa ng diyaryo nang mapatingin siya sa akin. Ngumiti ako 'tapos kinawayan siya. Hindi siya umimik at ibinalik lamang ulit ang tingin sa diyaryo. Umagang-umaga, ang sungit sungit. 

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Walang tao kaya pwede naman sigurong madaldal itong si Mira kahit sandali. 

"Ano 'yang binabasa mo?" Tanong ko na may kuryosidad sabay tingin sa binabasa niya. 'Yung number ng lotto nakikita ko. "Tumaya ka sa lotto?" Dagdag ko kaya isinara niya ang binabasa niya't tumayo bago ako nginitian. 

"Sir, no offense but what is it with you that you're nagging into my business?" Tanong niya saka niya inayos 'yung salamin niya. "Bili ka na po kung may gusto kang bilhin diyan." Sabi niya na may paglahad ng kamay sa mga video games. 

Tumawa ako nang kaunti. "Pasensiya na. Gusto lang din talaga kitang maging kaibigan." Nanlambot ang tingin niya pagkasabi ko no'n pero binawi rin kaagad ng paglayo ng tingin. 

"I appreciate your kindness, Si--" 

"Jasper." Pagbanggit ko sa pangalan ko na nagpatigil sa kanya, 

Ibinaba niya kaunti ang ulo niya ng 'di inaalis ang tingin sa akin. "Okay, Jasper." 

Lumapad ang ngiti sa labi ko at binigyan siya ng thumbs up. "Baka gusto mong sumama sa 'kin kumain mamaya?" Tanong ko. 

Nagbuga siya ng hangin. "Sir, hindi ko alam kung nagiging friendly ka lang o sadyang malandi ka. Ayan 'yung madalas na sabihin ng mga chicboy, eh." 

Nakatitig lang ako sa kanya nang matawa ako. Diretsahan talaga? 

"No worries. Interesado lang talaga ako sa 'yo pero wala akong balak na paasahin ka." 

Nakatitig lang siya sa akin. "Ang pangit pangit ko, ba't sa akin ka pa nagka-interest?" Naguguluhan niyang tanong. May nakapagsabi na ba sa kanya na pangit siya at dine-discourage niya 'yung sarili niya? 

Saka hindi naman siya pangit. Ang ganda ganda nga niya. Marami siyang tigyawat, oo. 

Ang gulo pa nung buhok niya pero kung tititigan mo naman siya, ang ganda niya. 

Hawig niya si... 

Bigla ko namang naalala si Mirriam kaya nanlaki ang mata ko't napasampal ng wala sa oras sa mukha ko. Nagulat yata si Mira kaya mukhang napanganga pa. 

"U-uy, okay ka lang?" Tanong niya ng hindi inaalis ang surprised reaction. 

Napahawak ako sa batok ko't humagikhik. "Sorry, may naalala kasi ako." Sagot ko at ipinatong ang kamay sa mga balikat niya. "But you know, Mira? You should appreciate your beauty. Ang ganda ganda mo at mayroon kang build ng katawan na pang athletic na wala sa iba." 

Kahit may pagka-nerd pa rin ang dating mo sa 'kin. 

Tumikhim naman siya. "I-is that so?" Nauutal niyang tanong na may pagkamot pa ng kanang pisngi gamit ang index finger. Tumango naman ako 'tapos tinuro ang mga video games.

"Maghahanap ako ng video games. 'Tapos hintayin kita hanggang sa matapos ang duty mo." Sambit ko. 

Namilog ang mata niya. "What?" Hindi niya makapaniwalang tanong sabay tingin sa wall clock na nasa likod niya bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "You'll wait? I mean, may ilang oras pa." 

 

I smirked at her. "Ako nag invite. Ayokong ma-late kung aalis pa ako. Saka kung kakain ako ng lunch, mayro'n naman sa katapat." Turo ko sa katapat ng karindirya. 

Tiningnan naman niya iyong tinuturo ko bago ibalik sa akin at tingnan ako mula ulo hanggang paa. 

Iwinagayway ko ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib. "H-hindi ako mayaman." 

*** 

ALAS TRES ng tanghali. Natapos na rin ang duty ni Mira samantalang nakabili ako ng mga gusto ko sa ilang oras na pagtititingin ko sa G.Shop. 

Wala masyadong tao ngayon kaya nagkaroon din kami ng oras makapagkwentuhan ni Mira. Buti nga wala namang sumisita sa 'min. Tutal, wala masyadong customers. 

Hinihintay ko si Mira sa labas ng G.Shop nang makalabas na siya. Humarap ako sa kanya. 

Nakasimpleng shirt at maong lang din siya. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya na walang pinagbago mula kanina. Magulo pa rin 'yung buhok niya at medyo tabingi ang frame nung salamin. 

Unti-unti akong ngumiti at napahawak sa buhok ko. "A-ayaw mong suklayin 'yung buhok mo?" Tanong ko. 

Hindi naman siya nagsayang ng oras na hawakan pa 'yung buhok niya o tingnan ang itsura niya. Basta naglakad na siya. "Okay lang 'yan. Maayos naman na 'yan, Sir." 

"Jasper na lang." Sambit ko nang sundan ko siya. 

"Oo nga pala. Sino nagbigay ng pangalan mong Jasper? Alam mo bang pangalan 'yan ng bato?"  

Tumawa naman ako. "Talaga? 'Di ko alam 'yan. Basta ang alam ko lang ay nagbigay lang sila ng pangalan ko at nag e-exist ako sa mundong ito bilang Jasper." 

Tumangu-tango naman siya 'tapos saka kami tumawid sa kabilang kalsada para pumunta sa pupuntahan naming resto. Malapit lang talaga 'yung pupuntahan namin kaya 'di ko na dinala 'yung motor ko dahil wala rin naman akong dalang extra na helmet. 

Sa paglalakad namin, kung anu-ano lang 'yong mga topic na pinagkuku-kwento namin pero kadalasan ay iyong mga nangyayari lang sa buhay namin. Salitan din kami sa mga tanong tanong para magkakilala kaming pareho. 

Nakakatuwa siyang kasama habang naglalakad, tila parang may kakaiba sa kanya na 'di ko malaman. 'Di ko 'to madalas maramdaman. 

Totoo, ngayon ko lang siya nakasama at natutuwa akong pumayag siya pero bakit matagal ko na siyang kilala? Ba't parang hinihiling ko na sana magkaroon pa ng next time? 

"Gusto mo bang magpagupit ng buhok? Para naman 'di magulong tingnan 'ya--" She cut me off. 

"No, no, no! Ayoko. I am better this way." Iiling-iling niyang sagot noong makahinto rin siya gaya ko. 

Humawak ako sa ulo ko. "How 'bout your way of clothing?" Tanong ko. 

"Hindi ba't ginagawa lang 'yan ng lalaki kapag boyfriend? Eh, boyfriend ba kita?" Medyo mataray niyang tanong. 

Ibinaba ko ang kamay. "Bakit? Hindi ba?" Taka kong tanong. Wala, inaasar ko lang talaga siya. 

Namula ang mukha niya. "Luh? Malandi ka talaga, eh 'no?" Humalukipkip na siya at tumaas na rin ang kaliwang kilay. 

Muli akong natawa. "Ang ibig kong sabihin, lalaking kaibigan. 'Di ba? Tama naman? Ikaw, ah?" Sabay sundot sa tagiliran niya. Nagulat ako dahil napatalon siya. Umatras ako't tiningnan ang index finger ko. "The power of a finger!" 

Nakatanggap ako ng malakas na hampas sa braso. 

*** 

NARATING NA NAMIN ang resto. Pumasok kami at halos bumagsak ang bibig ni Mira noong makita ang lugar. "What the hell, pumasok tayo sa isang mamahaling resto na ganito ang suot natin?" Tukoy niya sa damit niya. 

Nagkibit-balikat ako. "Kaya nga tinatanong kita kanina kung ayaw mong palitan 'yong way of clothing mo, eh. Dito kasi tayo pupunta." 

"But you didn't tell me." Bulyaw niya sa akin. 

"You never asked." 

"Do I even have to ask kung hindi naman ako 'yong manlilibre ng pagkain?" Hindi niya makapaniwalang tanong at tiningnan din ang damit ko. "How 'bout you? Ba't hindi ka nagsuot ng magarang damit?" 

Napanguso ako. "Ayoko namang magsuot ng magandang damit kung ayaw ng kasama ko." 

"Eh, ba't kasi rito mo 'ko dinala?" Naguguluhan niyang tanong kasabay ang paglapit ng waiter dito. 

"Hi, Sir Jasper! Narito ka ulit." Tumabi naman ako kay Erickson. Upperclassman talaga namin 'to sa E.U College at nakilala ko lang sa online game. Dito rin kami unang nagkita at kumain. Libre pa nga 'yong pagkain dahil pag-uusapan daw namin 'yong strategy. Hindi sa pagmamayabang pero ako 'yong parang commander sa guild namin sa online game. Ako rin iyong co-founder ng creator nung guild kaya kahit mas bata ako, nire-respeto ako ng mga players including Erickson. 

 

Inakbayan ko si Erickson at binigyan ng thumbs up si Mira. "Tropa ko nga pala, si Erickson. Erickson, si Mira" Pagpapakilala ko sa dalawa kaya pareho silang mga nagpalitan ng ngiti at pangalan. 

"Doon na lang kayo sa isang bakanteng upuan sa harapan. Para nakikita n'yo iyong labas." 

Naglakad na nga kami habang gina-guide lang kami ni Erickson sa pwesto namin. Umupo kami saka inilapag ni Erickson ang menu. Magkatapat lang din kami ni Mira. 

"Tawagin n'yo na lang po ako kung nakapili na kayo ng kakainin n'yo." 

Tumango naman ako at nagpasalamat bago siya kumindat sa akin. Napasimangot naman ako't napailing. Hindi ko siya girlfriend! 

Sigaw ko sa isip ko saka siya umalis sa harapan namin. 

Habang naghahanap kami ng makakain ay napatingin ako kay Mira na tahimik lamang ding namimili ng o-order-in. Pero mas napatitig ako sa berde niyang mata. 

Strange green eyes, but it's not a ghost or anything suspicious. In fact, it's too beautiful not to stare at it. Relaxing, that it cools down whatever is inside my heart.

Would it be all right for me to want her to show to no one else but me? 

Lumayo ang tingin ko nang unti-unting lumilipat ang tingin ni Mira sa akin. I

Is it possible to fall in love? I don't believe in love at first sight, so, I guess I just have a crush on her for being unique. 

"Wala akong mapili, ikaw? Mayroon na?" Tanong niya sa akin. 

"Ikaw." Biglang lumabas sa bibig ko. Hindi siya kaagad nakapagsalita gayun din ako. 

Saka ko lang din na-realized 'yung sinabi ko makalipas ang ilang minuto. Nataranta pa ako kaya napatingin pa ulit ako sa menu. "E-este, ikaw? Wala ka bang napili?" Nauutal kong tanong. 

Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo bago niya ibalik ang tingin sa menu. "Wala." sagot niya. "Kahit na ano na lang ang akin. Ang mamahal kasi nung mga na sa menu, hindi ko kayang pumili." 

Tumangu-tango naman ako 'tapos ako na nga lang pumili para sa aming dalawa. Miryenda talaga ngayon pero magkakanin kami dahil hindi talaga kami masyadong kumain kanina. 

Um-order na nga kami kay Erickson ng mga gusto namin. Pero bago ko sinabi ang order ay tinanong ko kay Mira kung okay lang ba sa kanya 'yong napili ko. Sinabi naman niyang kahit na ano pero ayaw naman pala nung pinili ko kaya pinili na lang niya 'yung sinigang na bagnet. Filipino dish ang gusto niya. 

"Nahiya ka pa, eh. O-order din naman pala." Wika ko. Nilaro-laro niya hibla ng buhok niya. 

"It's not my money, wala akong karapatan para mag demand o kapalan ang mukha ko." Tugon niya at tiningnan ako. Bigla rin siyang nag poker face. "Kanina mo pa ako tinititigan. May something ba sa mukha ko?" 

Nanlaki ang mata ko't napahawak sa aking batok kasabay ang paglayo ko ng tingin. "G-gano'n ba?" Pagmamaang-maangan ko. "Siguro kasi nagagandahan ako sa 'yo kaya gano'n?" Patanong kong sagot at muling ibinaling ang tingin sa kanya. "Have you fallen in love?" Dagdag tanong ko. 

Namula ang pisngi niya at itinabingi kaunti ang ulo ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "How about you?" Tanong niya sa akin ng hindi pa sinasagot ang tanong ko. 

"Ako naunang nagtanong, eh." 

"May makukuha ka ba kapag sinabi kong oo?"

"So, na-in love ka na? Kanino?" 

Sa pagkakataon na ito ay natahimik siya. Nakatitig din siya sa akin, iyong tingin na parang mayroon siyang pinapahiwatig. Taka ko siyang tiningnan. "Bakit?" Tanong ko 'tapos napahawak sa bibig na may kasamang ngisi. "Sa akin ka in love, 'no?" Biro ko. Ngunit 'di niya pinansin ang sinabi ko. 

"Hey." Tawag niya sa akin. "Ano tingin mo kay Mirriam Garcia?" Banggit niya sa pangalan na iyon na malakas na nagpatibok sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko't napatungo. 

Huh?

"Palagi kayong magkasama, so, I'm wondering kung wala ka bang nararamdaman sa kanya o ano? 

But I want to know what do you think of her?" Halata sa boses niya na medyo kabado siya. Napapakagat din ito sa ibabang labi niya na tila parang gustong-gusto talaga niyang malaman iyong isasagot ko. Why is she curious about it?

Huminga muna ako ng malalim bago ibalik ang tingin na ginagawa niya sa akin ngayon.

"She's..." Panimula ko. "Terrible." Dugtong ko.