webnovel

Run away

VON promised to help for her visa. He will use his connection so they can fly going to Paris within five days. He brought her to his condo and for about two days she stayed there silently. Not telling to any of her friends her where about. Whilst, Von attended a guesting to one of the biggest movies collaborated here in the Philippines. Dalawang araw na rin silang hindi nagkikita dahil kailangan ni Von mag-stay kasama ang iba pang artista.

"Gusto kang makita ni Shia, Jess," sabi ni Jyra. Mula sa video ay kita niyang ginugupit nito ang halamang bonsai.

Naisip niya ng magpaalam sa mga kaibigan niya ng hindi ng mga ito nalalaman kung saan siya pupunta. Sa makalawa ay pupunta siya sa French Consulate. Hindi naman siya magtatagal doon.

"Magkita tayo sa Friday. Sa Nightingale nalang para mag-dinner."

Tumigil sa kanyang ginagawa si Jyra upang tingnan siya ng maigi. "You, okay?"

Her hair was tied up in a messy bun. Totally bare and almost wrecked and tired for herself. She skipped meals. Instead wasted her time in yoga. Walang duda na mag-aalala ito. Mukha na rin sigurong halata. Kailangan niya sigurong mag-ayos ng kaunti. Paano kapag umuwi si Von ng biglaan?

"I am okay, Jyra. See you on Friday, then?"

"Sure. Take care, Jessica. See you later."

The call ended. She got up and called, Von. Hindi nito sinagot ang tawag niya. Naisip niyang baka abala sa shooting. Naligo muna siya para bumili ng grocery sa ibaba. Von stayed to one of the fancy places in Owl City the Beaufort. Aside from Nightingale Palace and Twin Tower, Von's penthouse was located to the new luxury condo here. Though, she heard this is owned by Majesty's husband, Zedrick Hetch. And its good thing that they served their VIP customer confidentially. And she was lucky enough that every time she'll go downstairs for a grocery, never Majesty or any of her friends crossed her path.

Napadaan siya sa magazine section. Curious niyang dinampot ang tabloid para sa top ten famous woman in the Philippines. Natatandaan niyang tatlong beses siyang naging cover noon dahil siya ang top one, pero ngayon ay ibang babae na.

She is simple but classy and professional on her flight attendant dress-up. Her eyes scanned the caption. Daughter of the Vice President of the Philippines, Quillian Bustamante. She flipped the pages. Nagsimula sa ika-sampung pinakamagandang babae hanggang makarating siya sa panglimang si Jyra. Binasa niya ang mga detais at achievement ng kanyang kaibigan.

"Her foundation is growing. I forgot about it. I should secretly share my ten percent to her foundation once I get into Paris." Nagpatuloy siya sa pagbabasa, hindi niya kilala ang ika-apat ngunit ang ikatlong si Thaysky Suniga ang nagpangiti sa kanya. The picture used to her avatar is one on the Met Gala.

"Ang hot," she said. Taking herself a quick glanced if somebody else heard her squirmed before she proceeded. Nagulat siya ng makita ang pangalan niya sa pangalawang spot. Kuha ang kanyang larawan sa award noon. Ang suot niyang skin tone ay nagpamukha sa kanyang pure at angelic. Nilipat niya ang pahina, puro iyon magkakasunod na picture ibat ibang event ng top one na si Quillian. Isa sa mga picture na nakita niya ay ginugupit niya ang kakabukas lang na museum ng isa sa mga sikat na pintor sa Pilipinas. Pero ang labis na nagpakaba sa kanyang dibdib ay ang lalaki na umaagapay kay Quillian. Paulite is dashing on his suit. On the other image, they are face to face and both seemed happy with each other's company.

When is this?

Ang bilis ng tibok ng puso niya sa sumunod na nakita niyang caption at ginamit na description kay Quillian. She was now the new apple of the eye of top bachelor of Bausch Men's Magazine, Paulite Cristobal the new CEO of Cristobal Airline and leading Sands and Gravel Production.

Sa picture ay nakaupo si Paulite at si Quillian naman ay ang sexy sa suot na hapit niyang sequence dark green dress. Ang kamay nito ay nakapatong sa balikat ni Paulite. Ganoon lang iyon. Pero kakaiba ang atake sa kanya. Sinasaksak ang kanyang puso at sobrang sakit noon.

There were many questions listed below for the two but she chose to close the magazine and pushed the cart. Ang bilis niya namili. Pagkatapos magbayad ay pinahatid niya ang mga iyon dahil nauna na siya. Saktong pagkapasok sa pinto ay tumawag si Von. It's a video call.

Huminga siya nang malalim bago sumagot, "What's up? How's Cebu?" She loosened up when she saw his face.

He is sitting to one of the sun loungers. His hair is obviously dumped and with some of the salty waters dripped on his naked upper body. Those ripple on his stomach is impressive. He is hot and handsome. A Hollywood actor who being chase by any woman celebrities or models. He should be in a relationship to any famous models, but why he is still single?

She knew the answer but she doesn't give much attention to that. She wasn't ready.

"The weather here is freaking hot." Luminga ito sa paligid. "This is where you were born, right?"

Ngumiti siya. Namumula kasi ang pisngi ni Von. "Yeah. How's the tapping?"

"Well, we're in the end so most probably I'll be there in the evening. I miss you, though." He chuckled.

"I'll cook food for our dinner. I will wait for you."

"That's sound exciting. I can't wait to taste that, Jess."

Hindi sila gaanong nagbabad sa tawag. Inubos naman niya ang natitirang oras para maglinis at ibalik ang dating routine niya. Kumain siya ng maayos ng tanghalian at naligo. Magkikita sila ng kanyang Auntie Clarine para pag-usapan ang kasong isasampa niya kay Blaire. At ang totoong kasulatan sa will ng kanyang ama.

"Kinausap ko si Jessie na gawing confidential ang issue. Blaire is still your sister," Mrs. Clarine said.

Tahimik siyang sumimsim sa kanyang tsaa. "Nakita na po ba siya?"

"Hindi pa rin. Malakas ang kutob naming tinatago siya ng kanyang ina."

Ginapangan siya ng inggit. Trinidad is a sample of a loving mother, despite of her dark treatment with her on the past. She will do anything for her daughter. To protect her with all her might. She will do anything for Blaire, even if the cost of it is her life.

Samantalang ang kanyang ina. Pinabayaan siya. Pumait ang panglasa niya sa tsaa. Binitawan niya iyon. "Auntie, do you believe that Trinidad is not my real mother?"

Natigilan ang ginang sa sinabi niya. Lumungkot ang mga titig nito sa kanya. "I don't know the whole story, but I knew that Jessie Imperial is your father's longtime girlfriend. And she was Cassandra's best friend."

"Buhat ng imulat ko ang mata ko, si mommy na ang kinilala kong ina. I really believe that it was my real family. That mistress and daughter to other woman are just mere stories from dramas." Hinilot niya ang kanyang sentido. Huminga nang malalim. "Hindi pa rin ako makapaniwala."

"Darling, it's fine. Hindi ka naman niya minamadali. Kahit kami rin ni Claudia, naiinis sa kapatid naming si Claudio. Sa lahat ng mga nangyari." Umiling ito.

The loved she invested for a long time for her father slowly melting. Suddenly it was changing into hatred and passionate madness. Kung ang kanyang tunay na ina ang minahan ng kanyang ama, paano napasok sa picture si Trinidad? At bakit sila ang nagsama, hindi si Jessie? Bakit tinago ng kanyang ama ang totoong istorya niya kahit sa mga kapatid?

Hindi na siya gaanong nagtagal. Pagpatak ng ika-apat ng hapon ay nagpaalam na siya.

"We will fix everything, Jessica. I will do anything to clean your name in the showbiz, for the meantime, have a rest," Mrs. Clarine Smith- Swizz said.

They exchanged a peck then she left. Her thoughts were cloudy when she entered the basement to park, Von's car when someone cut her. Thanks to her quick feet that pressed on the brake. Fear immediately attacked her chest. Lumabas agad siya ng sasakyan para tingnan kung natamaan niya ang sumulpot na sasakyan.

Nakahinga siya nang maluwag dahil gahibla nalang ng buhok ay tatami na ang bumper niya sa left fender liner ng SUV. Gayunpaman, inis niyang tiningnan kung sino man ang driver noon. Nasa tamang daan siya at ito ang biglang sumulpot. Kung nabangga siya ay hindi niya sagutin ang damage nito.

The driver door of the SUV opened. Bumaba mula roon ang seryosong si Ana. Ngumisi ito sa kanya. "Kaskasera ka," tukso nito.

Ngumiwi siya. Hindi sumagot.

"Do you have extra time? Let's talk."

Pinagtabi nila ang kanilang sasakyan sa gilid. Siya Ana ay naupo sa shotgun seat ng Jaguar ni Von.

"Are you not happy when you see your real mother?"

Hindi niya tinapunan ng sulyap si Ana. Ang totoo gusto niya itong palabasin sa pagiging manhid na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang tunay na ina.

"When I saw her on your father's grave she is mad and crying."

So?

"Galit siya sa paglihim ng tungkol sa'yo. Akala niya nang ipanganak ka niya ay patay kana. Iyon ang sinabi ni Trinidad noon sa kanya kaya umalis siya sa sobrang sama ng loob sa ama mo."

Galit niyang hinarap si Ana. "At naniwala ka naman sa kuwento ng Jessie na iyan?"

"She's my cousin. I know when she is lying. And I know when she is not. Kaibigan ko siya noong mga panahong hindi pa ako nagaadik," Ana confessed.

Naibuka niya ang kanyang mga labi. Ilang beses siyang kumurap-kurap.

"You are literally my niece."

"So, you had an idea about me? When you saw me, you got an idea."

Ana shrugged her shoulder. "At first, yeah, that's why I dig stories to connect them all and viola, we are blood-related. Amazing!"

Pagak siyang natawa. Hindi niya alam kung paano ipagdudugtong ang lahat. "Tell me more of her stories then."