webnovel

Thieves of Harmony

Melizabeth has been cruel to the world. She was a murderer, an assassin, a thief, but no one knew about it. She was disguised. Perhaps, only the Gods knew about her. She knew that even if she's cruel, strong, and fast. She can never beat the Gods, and that she wanted to do. She trained herself to becoming a Semideus, a mortal favored by the Gods. She wanted to go to the Olympian world, but she did not want to belong. She only seeks for answers, truth and revenge. Will she do it despite of being so smitten in love?

lostmortals · Fantasi
Peringkat tidak cukup
62 Chs

Hypnotism

Hinabol ko ang aking hininga. Hindi ko namalayang nagising na pala ako. Tumingin ako sa paligid, at napansing naroon ako kung saan ko hinukay ang mapa.

I looked at the land, but it was back to normal- as if hindi ko ito hinukay. Or... imagination ko lang ba na hinukay ko ito? But I was sure I met Ladon, the dragon serpent, and Aegle, one of the Hesperides.

I realized na gabi pa rin dito. Ibig sabihin kaonting oras lang akong nawala. Tiningnan ko ang suot ko pero bumalik na ito sa dati, shirt and pants. Nawala na ang green goddess gown ko sa garden of hesperides.

Tinaas ko ang aking damit at naramdaman ang gold metal sa'king tiyan. The Magical Girdle! I smiled when I still had it.

Nagulat naman ako nang makarinig ng isang lalaking boses, "The magical girdle of Aphrodite!" The man's voice seemed familiar

Nagulat naman ako nang makarinig ng isang lalaking boses, "The magical girdle of Aphrodite!" The man's voice seemed familiar. Kaagad ko namang hinawakan ang aking dagger, pero nagulat ako nang tila gumaan ang dagger ko. "Pollux!" narinig kong mahinang sayaw ng isa pa. Ah si Castor at si Pollux. The mortal and the demigod.

"Lumabas na kayo," mahinahon kong sabi at napangisi. These two just would not stop following me, huh? Unang lumabas ang brunette na si Castor, then Pollux with the silverish hair. Sabay silang tumungo sa'kin, pero kaagad nag-explain si Pollux, "Uh- Melizabeth, huwag ka sanang mag-isip ng iba pero hindi ka namin sinusundan. Nagkataon lang na naghuhunt kami rito, tapos nakita ka namin-"

Napatigil siya nang makitang ang lapit ko na sa kaniya. I was slowly approaching him habang kumukuda siya. He was taken aback nang ilapit ko ang mukha ko sa kaniya. I smiled sweetly, "You do not have to explain, Pollux."

I can easily hypnotize Castor, but then Pollux would be hard to hypnotize since he's a demigod. But I can see that he is easily driven by my beauty. Siya naman ngayon ang mas lalong lumapit sa'kin, pero hinila siya palayo ni Castor. Gusot na gusot ang mukha ni Castor kaya't tinawanan ko siya. He blushed when I laughed at him, kaya't binatukan nalang niya ang kambal niya at bumulong, "Ano ba, Pollux?"

Inilagay ko ang aking kamay sa bulsa, at tinaasan sila ng kilay, "Kung ano man ang nakita niyo sa'kin kanina, sa atin lang yon. 'Pag nakalabas talaga ang balitang 'yon, papatayin ko kayo."

"Pero bakit na saiyo ang girdle na iyon... kay Aphrodite iyan, hindi ba?" Tanong ni Castor sa'kin. Among the two of them, pansin kong si Castor ang mas matalino, he also has a very good physique. I think he's pressured to be his best dahil ng demigod twin niya.

"Natagpuan ko lang ito. Someone told me that Goddess Aphrodite has abandoned this girdle, and the girdle found another owner which is me," I confidently answered.

"May nabasa ako sa Apollodrus noong sinubukan kong mag-gatecrash. It was only little though. Ang sabi ay the magical girdle enhances the power of the beholder," sabi ni Pollux sa akin at napahawak sa kaniyang baba.

Tumingin siya sa tiyan ko na tila ba nakatingin sa girdle. I felt his eyes move up to my chest at muli na naman akong napangisi, "Enjoying the view so much, Pollux?" tanong ko at namula siya kaagad. He gulped and moved his eyes away from me. I sighed, boys.

Siniko naman siya ulit ni Castor, "Umayos ka nga!"

I gave Castor a sweet smile, and just like his brother, namula rin siya. Pero at least hindi siya manyak!

"Hindi ba... nakakakita ka ng mga multo? At nahihypnotize mo ang ilang mga creatures. That means, napalakas ng girdle na 'yan ang kakayahan mong iyon.

I think it happened earlier, when Pollux was hypnotized. Marunong magpigil ang kakambal ko, but because of your hypnotizing allure, halos hindi niya mapigilan iyon kahit isa siyang demigod. It does not happen before, right? Hindi tumatalab ang kapangyarihan mo noon sa mga may ichor, or the blood of demigods," mahabang pagpapaliwanag ni Castor. I nodded when he made sense. Indeed, mas matalino nga si Castor kaysa kay Pollux.

Tinapik ko ang balikat niya, "Yep! Tama ka!" I giggled when he jolted in surpirse of my touch.

"S-subukan mo kaming utusan, uh... We will just test the power of the girdle," dagdag ni Pollux and boyishly smiled at me.

Nag-isip naman ako. Ano kayang pwedeng iutos sakanila? Iyong tipong magmumukha silang uto-uto. Hihi.

"I command you, Castor and Pollux, to roam around me like forest animals!" sabi ko at tumawa. Mas lalo naman akong napatawa nang gawin nga nila iyon. Castor moved like a monkey, while Pollux sang like a pig!

Pakiramdam ko'y lalabas na ang bituka ko kakatawa. I ordered them to stop, and they did immediately. Hiningal sila at napahiga sa kagubatan. I was still smiling and giggling. Mga uto-uto.

"So it really works," sabi ko habang bahagyang tumatawa. I'm sorry I just could not stop it!

Parehas nila akong tiningnan nang masama, so I smiled widely and shrugged, "You told me to check!"

"Pwede naman kasing iba ang ipagawa sa'min, Meli. Mukha tuloy kaming tanga sa'yo!" Sabi ni Pollux at binato ako ng mga dahon na nagkaroon ng electric charge. Umiwas kaagad ako roon, "madaya ka, Demigod!"

"Ngayon, nakakapaghypnotize ka na nang walang ginagamit na ghost lighter. It's a big achievement for a mere mortal like us, Melizabeth," wika ni Castor habang nakahiga sa damuhan.

My smile was still in tact to my face. This time, hindi peke ang ngiti ko. I was not wearing any masks, and this happiness was genuine. Bihira lang ito mangyari sa'kin.

"Sino pa bang iba ninyong kagrupo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagkibit-balikat si Pollux at tumingin kay Castor.

Castor sighed, "I killed them kasi magiging pabigat lang naman sila sa'min ng kambal ko. Why would we need two weaklings kung kaya naman namin hindi ba?" Bumangon na siya sa pagkakahiga niya at napaupo nalang.

"How is it? Being with a demigod twin, Castor?" Tanong ko dahil kuryos talaga ako. Napalingon na rin si Pollux sa kaniya at nais ding marinig ang sagot.

Ngumiti siya, "Minsan malungkot, dahil mas nakikita siya ng mga tao. Pero madalas ay masaya. I'm still thankful for having a son of Zeus as my twin. I do not hold any envy since mas gwapo naman ako sa kaniya."

Kaagad naman siyang sinugod ni Pollux. Dinambahan ni Pollux ang kambal at nagpagulong-gulong sila sa damuhan. Hays, ang dumi na nila!

Nagulat naman ako nang biglang tumayo si Pollux. He closed his eyes na para bang may naririnig mula sa malayo.

"Ano 'yon?" Ngayon nama'y si Castor ang tumayo. I tried to listen around too, pero wala akong marinig.

Nagulat ako nang makita ang mga multo na tumatakbo papunta sa direksyong hilaga. They all looked frightened, at para bang may pinagtataguan sila.

Pinigilan ko ang isang multo sa pagtakbo, "Anong mayroon?"

Umiling siya at mabilis akong sinagot, "The God... punishment..."

Huh? Ano raw? Bago ko pa siya matanong uli ay nakawala na siya at mabilis na tumakbo.

Nagmulat naman ng mata si Pollux. Namangha ako ng hindi na kulay brown ang kaniyang mga mata, ngunit ito ay naging asul na. Maybe it happens when you use your power.

"I heard Eris' chariots from the South. At narinig ko ring may nahuli siyang nagmamanman at nagnanakaw sa Garden of Hesperides," sabi ni Pollux kaya't nanlaki ang mata ko.

Is the goddess of chaos here to catch me?

"She's requesting an audience for all of us. Papatayin niya raw si Cassandra sa harap na'ting lahat sa kasalanang thievery, and trespassing," dagdag pa ni Pollux na mas lalo lang nakapagpagulat sa'kin.

Cassandra? Pero... paano siya nakapunta sa Garden of Hesperides? Did she follow me?

Napapikit ang mata ko nang maalala ang kaniyang sinabi sa'kin, "Then I will follow you."

"Naroon din ang ibang Diyos at Diyosa. Kailangan nating magmadali," sabi ni Pollux kaya't kumaripas na agad ako ng takbo.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!